Napasapo ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito. Sige inom pa Farahh 'yan ang napala mo. Trabaho pa. Napatawa ako sa isip ko. Trabaho pala 'yong pagnanakaw. Cool.Bumangon ako na nakapikit pa rin, pupunta sa na ako sa banyo para manghilamos kaso bigla na lang nauntog ang ulo ko pader dahilan napabagsak ako.Putik kabisado ko na ang condo ko! Binuklat ko ang mga mata ko at nakakunot ang noo dahil bakit naging pader ang pinto ng banyo ko? Napatingin ako sa likuran ko at natigilan ako."Teka saan ako?" nagtataka kung tanong sa sarili ko.Hindi ko kwarto to! Panlalaking kwarto ito! Dali-sali ko naman tinignan ang sout ko, na naka tshirt na ako ng malaki at nike short! Putik dahil sa kalasingan naka ano ako ng lalaki?Napasabunot ako sa buhok at inuntog sa pader. Ang bob0 ko! Ang bob0 ko talaga! Wala namang masakit sa ibaba! Pero anong ginawa ko dito?! Ahh!! Napatigil ako ng biglang may nagsalita."Buti gising kana, you can leave now." walang mudong pagkakasabi nito.Dapat ako muna ang una
Umaga akong nagising para pupunta na sa bagong trabaho ko. Napangiwi na lang ako nang nakita ko si Orly at Janine na nasa sahig na natutulog. Lasing na naman ang dalawa. Alam kasi nila ang password sa dito kaya malaya silang makalabas pasok.Napatingin ako kay Janine na ang laki ng pinagbago niya sa nagdaang taon. Hindi ko alam kung bakit o baka gusto niya lang sumabay sa amin ni Orly. Isang mabigat na hininga ang pinakawalaan ko bago kumilos.Bumangon na ako para magluto ng breakfast. Kakain muna ako bago pupunta at paglulutuan ko pa ang dalawa. Hindi ko na sila ginising baka hahampasin pa ako ng unan.Nilagay ko na lang sa lamesa ang pagkain para diretso na sila makakain. Nag-lagay na rin ako ng gamot para sa hang over nila. Obvious naman kung ano ang mararamdaman ng dalawang iyon pag-kagising.Naligo na rin ako at nagbihis.Pagkatapos ay lumabas na ako para pumara mag-taxi. Bigla na lang tumunog ang phone ko at tinignan ito, nakunot na lang bigla ang noo ko dahil unknown number ito
Dala-dala ko ang cart ngayon at puno na rin ito ng mga pagkain pero kailangan ko pang kumuha ng mga kutsyara, tinidor, baso kung ano-ano pa na gusto kung makita total unlimited naman ang binigay ng boss ko. Napansin kung walang gaanong gamit sa condo kaya kailangan kung bumili at tsaka kailangan kung magluluto mamaya tapos wala akong mga gamit na pangluto.Naglagay rin ako ng madaming tissue, buti tinulungan ako ng isang staff sa pagtulak ng cart."Ma'am sa counter 8 ko na lang ito ilalagay ang cart tapos d'on ko din babantayan, medyo marami-rami kasi ang pinamili mo para hindi ka na rin mahirapan." Suhestiyon nito. Nakangiti naman akong tumango rito."Ah, sge po! Salamat po talaga!" ningitian naman ako nito.Tulak na nito ang cart na puno na, at kumuha na rin ako ng panibago. Hindi naman ako nag-alala sa bayarin dahil hindi naman sa 'kin ang pera na gagamitin. Wew! Kahit siguro bibili ako ng full set nang computer dala printer at scanner okay lang kay Bos—Paxton pala, pero syempre hi
"T-teka lang Paxton, n-nahihilo ako." Napahawak naman ako sa noo ko at huminga ng malalim.Binagsak ko ang bag sa lupa, wala na akong paki-alam kung madumihan 'to. Yumuko ako at hinawakan ang makabilang tuhod ko. Kailan ko munang mag relax baka magdilim ang paningin ko na malapit na talaga ako mawalan ng malay.Jusko, ayaw ko pang matulog.Bwes't kasi 'tong lalaki eh! 'kala ko naman barko ang sasakyan namin! E 'yong eroplano niya pala!"Here." Abot niya sa bottled water at hindi naman ako nagdalawang-isip na tinagap ko ito tsaka ininum. Nahimasmasan naman ako kaunti at dahan-dahan nang tumuwid na tumayo. Binalingan ko ito at tinignan ng masama.Wala man lang itong reaksyon dahil blanko lang niya akong tinignan. Tinignan ko lang ito ng masama kahit ang sama ng pakiramdam ko.Parang natutuwa pa, eh! Ni hindi man lang ito concern sa hitsura ko!"Let's go nando'n na ang sasakyan." Walang pakialam na tono nito.Kinuha niya ang bag ko tsaka siya na rin nagdala ng maleta ko bago tumalikod.
Naka black dress ako ngayon, above the knee. Si Paxton naman ay naka pang-opisina niyang attire. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala naman siyang sinabi sa'kin. Para ako asong sunod ng sunod sa kanya. Pinapili niya ako kung sa hotel lang ba ako o sasama siya sa akin. Syempre sumama ako, ano na naman ang gagawin ko sa hotel tutunganga?Tahimik lang kami sa sasakyan papunta sa liblib na lugar. Baka sa bahay lang ang meeting.Tumunog bigla ang cellphone ko kaya kinuha ko'to sa bag ko. Napaikot na lang ang mata ko dahil sa nakita kung text.Antonio de Kalabaw ;Farahh! Bakit wala ka sa condo mo?! Bumungad na naman sa'kin ang kaibigan mong ulol.Tukoy nito kay Orly. Hangang ngayon ay hindi pa rin magkaintindihan ang dalawa. Tapos kami pa dalawa ni Janine ay mag-aawat pag nag-aaway ang dalawa.Simula n'ung nawala si Lyza ay naging malapit kami no Antonio sa isa't-isa at palagi niya akong sinasabihan na okay lang ang kapatid ko. Paano niya masasabi 'yon eh hindi niya nga nakita a
Mukhang wala naman atang meeting na ibang pupuntahan si Paxton kaya niyaya kung gumala. Pumayag naman ito."Tara! don tayo!" Sigaw ko. Ang bagal-bagal kasing lumakad, 'kala mo naman fashion show 'tong nilalakaran niyang buhangin. Well, marami namang audience na nakatingin sa kanya. Naka shorts at polo na nakabukas kasi kaya ayun pinagsisilioan ng mga babae ang katawan niya.Bahala siya sa buhay niya."Hoy! Bilisan mo!" Irita akong lumapit sa kanya tsaka hinawakan ang kamay at kinaladkad ito papasok sa Seafoods House. "Ang bagal mong mag-lakad, mabigat bang itlog mo ha?" Tsaka pina-upo ko ito sa harapan, umupo na rin ako at kinuha ang menu na nasa lemesa na."What?" Rinig kung sagot niya.Tinignan ko ang lahat ng pagkain na nasa menu lahat sila masasarap pero mahal naman."Ako ang mago-order tapos ikaw magbabayad, okay?" Hindi ko na ito pinasagot dahil alam kung aangal ito. Ang yaman-yaman niya tapos seafood di niya kaya akong malibre? Diba? "Ate! Dito po!" Sigaw ko at lumapit naman it
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa kakahintay kay Paxton. Hinintay ko siyang sabay kaming maghapunan kaso hati ng gabi na hindi pa rin bumalik. Nagising nalang ako at napatingin sa oras, alas tres pala na nang umaga. Dali-dali akong bumangon dahil at pumunta sa pinto, nanlaki nalang ang mata ko ng bigla nalang itong bumukas at inuluwa ni Paxton tsaka bumagsak.Lumapit ako sa kanya at tinulungan para mapunta sa kama.Ang bigat niya!"Hoy gising! anong nangyari sayo?" sabay hampas ko sa kanya ng unan. Kinuha niya naman kaagad ang unan na hinampas ko at niyakap 'yon. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay para patayuin ko para ilipat sa isang kama, kaso napansin kung may sugat kaunti ang kamay niya.Ano bang pinag-gagawa nito."Gising Paxs!" Niyugyog ko ang balikat nito. Bigla nalang akong napahiga nang nihablot niya ang kamay ko tsaka pinahiga katabi niya! Amoy alak ang hininga ng hinayupak! Ang kapal niya! Di man lang ako niyaya! Bigla niya lang hinawakan ang bewang ko tsak
Nagising na lang ako ng may humimas sa ulo ko. Nakita ko si Paxton na nakatingin sa 'kin. Kanina pa ba siya nakatingin sa 'kin?"Ba't gising ka?""Bakit ayaw mo 'kong magising?" Sarkastikong tono nito, inukutan ko lang ito ng mata.Mag-iisang lingo na akong nakabantay sa kanya simula n'ung nangyari, ni hindi man lang ako sinabihan kung ano ang nangyari sa sugat niya. Wag daw mag-alala. Sa buong lingo rin ako palaging nasa condo niya. Umuwi kami kaagad sa condo para maalagaan ito, alangan naman manatili kami don sa isla, baka may mangyari na naman. Buti't nandon si Antonio na tumulong sa 'min."Saan ka pupunta?" Tanong ko, babangon sana ito, kaso napigilan ko kaagad. Hindi ko siya gaano pinalakad baka bumuka ang sugat."Don't worry, i can handle it.""Saan ka nga pupunta?" Irita kung tanong. "Kung bubuka yang sugat mo, malilintikan ka talaga sa 'kin.""Basta." Aniya."Saan nga!" Pilit ko. Tinignan niya naman ako ng diretso."Okay! I'm going to bathroom!""Sasama ako!""What?!""Sabi ko