Share

Chapter Three : Acting

Tumingin sa akin si Nanay at ningitian ako. Alam kung peke ang ngiting iyon. Lumapit pa ito at hinalikan ang pisngi ko. Sumunod na lang si Tatay at niyakap ako.

Sa kaloob-looban nito ay nandirito sa ginawa nila. 

Ni isang beses ay hindi nila ako niyakap dahil alam ko namang hindi nila ugaling yumakap sa 'min.

"Ayos ka lang anak?" Alam kung peke ang pag-alala nito sa akin. Tinignan ko si Tatay at ningitian ako kaya ginantihan ko ito ng pilit. Okay sana kung totoo ang pag-alala ang pinapakita nila ngayon.

Kung totoo man ay kahit bukas na bukas lilinisin ko lahat nang kalsada nang barangay namin.

Bakit sila ganito umasta?

"Oh ihja, kailan ka pa nagising?" Nakangiting tanong ni Mr Agus.

"Sir, kagabi pa sya nagising tapos pinatulog ko ulit. Binantayan ko kasi ito kagabi baka mapano naman," sagot ni Nanay at tumango naman si Tatay. Nakakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ngayon lang ako nagising. Wala akong alam sa sinasabi niya.

Tinignan ko si Janine at Orly kaso nag-iwas ito nang tingin. Mukhang kinaawaan ako.

Gusto kung umiyak dahil sa sinabi niya. Alam ko na kung bakit nila ito ginawa. Nahagip ko ang tingin sa anak ni Mr Agus. Blangko lang itong tumingin sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit siya ganun maka tingin sa akin kaya nag-iwas ako nang tingin.

Nagusap-usap lang sila tungkol sa nangyari sa 'kin. Patango-tango at pilit akong ngumiti kung may sinabi sila sa akin. Sinakyan ko na lang ang sinabi nila Nanay. Napayuko at ang pinaglalaruan ko na lang ang kamay ko, minsan kinakagat ko ang mga kuko ko dahil hindi ako komportable sa mga kasinungalingang pinagsasabi ni Nanay kay Mr Agus. 

Ang sakit. Ang sakit ng ginawa nila, pero wala akong magagawa.

Tinignan ko sila Janine na nakatingin din sa akin. Mukhang nasasaktan din sila para sa akin.

Ang anak naman ni Mr Agus nakatingin sa akin. Parang walang pakialam. Hindi ko alam. Hindi ko mabasa ang mga tingin niya.

Habang sila Nanay at Tatay nakipag usap kay Mr. Agus at sa dalawang guro.

"Nako Sir! Wag na po nakakahiya naman po, ikaw pa ang nagbayad sa gastusin sa ospital tapos—"

"No, I insist. Pagmamay-ari ko ang skwelahang 'yon. Scholar ang anak mo sa school namin at malalaki ang grades nito. Hayaan nyo na lang po akong makatulong," magalang na sabi nito kila Nanay.

Maypa tanggi-tanggi pa ito, alam ko namang hindi niya ito tatangihan.

"Nako salamat talaga Sir!" Pagpasalamat ni Tatay sa kanya.

Nagpaalam na itong lumabas at sumunod naman ang guro, tinignan ako saglit nang anak ni Mr. Agus at tuluyang lumabas. Lumabas naman sina Janine, mukhang alam niya ang mangyayari.

Si Nanay na ang nag-sara nang pinto pagkalabas nila, tsaka ako tinignan sandali. Binaling niya ang tingin kay Tatay at nilahad bigla ang palad nito.

"Akin na ang cheke, ako ang magwi-withdraw." Binigay naman ni Tatay ito.

"Farahh, dalian mong magpagaling walang magbabantay sa kapatid mo. Ang perang binigay sa matandang iyon na pambili ng gamot ay pambayad namin sa utang nang Tatay mo. Meron namang gamot na binigay, 'yan muna ang gagamitin mo," walang pasabi-aabi itong tumalikod na tsaka tuluyan nang makalabas. 

Sumunod naman si Tatay sa kanya. Don ko na binuhos ang luha ko dahil sa ginawa nila. Ang sakit isipin na akala mo pumunta sila sa ospital para kamustahin ka, pero dahil lang pala sa pera.

Pumasok kaagad sina Janine at Orly tsaka dali-dali akong niyakap. Silang dalawa lang ang taong nagmamahal sa ‘kin ng tunay at ang kapatid ko lang.

"FARAHH, DIBA hindi ka pa pwedeng palabasin nang doctor?" Bungad sa 'kin ni Janine pagpasok ko sa room. 

Totoo naman ang sinabi niya na hindi pa ako pwedeng palabasin nang doctor kasi hindi pa ako gaano naka recover, matapos ang nangyari kaso matigas talaga ang ulo ko, tsaka hindi rin ako pwedeng magtagal sa ospital kasi may kapatid pa ako. 

Wala akong tiwala sa pagbabantay nila Nanay sa kapatid ko.

At pareho kaming nag-aaral. Sabay kaming uuwi ng bahay pagkatapos. Ako rin ang naghahatid sa kaniya sa paaralan niya.

"Hindi, pero okay lang naman ako 'wag ka na lang mag-alala, malayo naman ito sa bituka," sabay pakita niya sa braso kong may benda. Napabugtong-hininga na lang ito tsaka bumalik sa upuan niya. Hindi ko nakita si Orly baka late na naman iyon dahil sa kaka-omegle kagabi.

Ayon na nga tama ang hinala ko na late si Orly. Nakita ko pang gulo-gulo ang buhok nito at ang kapal na nang eyebags niya. Mas malala pa ata ang eyebags niya kesa sa pagyamot ng maskara nya. Pa hikab-hikab pa itong umupo kahit nasa harapan si Ma'am Lily habang tinitignan ang bawat galaw niya. Na hinto tuloy ang pag-discuss nya dahil kay Orly.

"You're late Ms Arñeta," may halong inis na tono ni Ma'am Lily sa kanya. Tinaasan na naman ito ng kilay ni Orly.

"Obvious naman diba?" May sarkastikong toni nu Orly. 

Hindi na kami magtataka ni Janine sa sagot nito kay Ma'am Lily. Matagal na kasi silang ganun ang inasta nila. Alam kung may nakaraan ang dalawa, nung unang pasok namin si Ma'am Lily sa room bilang history teacher ay masama na ang tingin ni Orly sa kanya. Pero hindi niya naman sinabi sa 'min kung bakit galit sya kay Ma'am.

Hindi na ito sinagot ni Ma'am Lily at nagpatuloy na lang ito sa pag-discuss. Si Orly naman ay natutulog sa desk. Walang pakialam kahit may guro sa harapan. Halos araw-araw ganito ang inasta niya kapag history class, pero malaki naman ang grades nito kasi sya ang matalino sa lahat pagdating sa history.

Nag-silabasan na kami para mag lunch, as usual magkasama kaming tatlo. Maraming mga students ang nagsisi-takbuhan kaya ingat na ingat ako para hindi ma-sangga sa braso ko.

"Bye bye! Farahh! Ingat ka!" Sigaw ni Orly sa 'kin kasama niya si Janine. 

Nagsiuwian na kami at magkasama silang dalawa, parehas lang kasi sila nang kantong dadaanan at ako lang 'yon na iiba sa kanila dahil susunduin ko pa ang kapatid ko. Napakabata pa kasi kaya di pa pwedeng walang susundo. Wala namang ibang susundo sa kanya kundi ako lang.

"Oh andito na pala ate mo," sabi ni Manong Dodel. 

Siya kasi ang security guard sa school. Nakita ko si Lyza na lumapit sa akin at niyakap ang binti ko. Nagpasalamat na ako kay Manong Dodel at ningitian niya naman ako.

"Ate… u-usto ko ays cream..." Natawa na lang ako sa sinabi niya. 

Turo pa nito sa nagbebenta ng dirty ice cream. Ang cute cute niya kasing magsalita kaya mahal na mahal ko ang kapatid ko. Lumapit kami at binilhan siya. Buti na lang may pera akong dala.

"Manong isa po," sabay bigay ko sa sampung piso.

Sumakay na kami nang jeep papauwi habang kain ng kain nang ice cream ang kapatid ko.

Naglalakad kami papunta sa bahay, medyo maliblib kasi ang daan papunta sa bahay at sa sentro lang kami bababa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan, feeling ko kasi may sumusunod sa 'min. Matagal nang may sabi-sabi na merong mga taong bigla na lang nawawala sa lugar namin. Hindi ko naman alam kung maniniwala ba ako kasi wala naman silang patunay, pero naniniwala akong may taong maraming namamatay dito dahil din sa droga. Kadalasan mga drug users sa lugar namin.

Hindi ko pa pinansin at hinigpitan ko na ang hawak ko sa kapatid ko. Ang bagal ang lakad nang kapatid ko kaya binuhat ko ito tsaka nagmamadaling lumakad hanggang makarating kami sa bahay. 

Pina-una kung pinasok ang kapatid ko kasi may kukunin pa akong damit na sinampay ko kaninang umaga, mukhang uulan kasi ang itim ng ulap. Hindi naman gaano karami.

Pagpasok ko pa lang ay may bumato sa 'kin ng takip kaldero buti na lang nailagan ko kaagad ito. Nakita ko si Nanay na galit na tumingin sa 'kin at pula-pula ang mukha. Kakagaling ata 'to sa pag-inom.

"M-magsha-ing kang ka!" Sigaw nito sa akin. Dali-dali namang akong tumakbo para makaoagsaing kaagad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status