Share

Chapter Two : Accident

Nang nagtama ang tingin namin ay nakita ko itong napahinto sa ginagawa niya. Don ko nakita na may hitsura pala ang anak nang may-ari sa school namin. Naka t-shirt na white kasi ito at jeans, mas lalong dumagdag sa kanyang sex appeal ang pagiging matangkad nito. 

Medyo magulo ang buhok nito dahil siguro sa pagbibigay ng mga school supplies. Bakit sila namimigay ng school supplies? Nakita ko si Sam na nakilala ko na first year at scholar. Baka namimigay lang sila sa mga scholar.

Scholar din ako sa school nato, 'yong dalawa lang kung kaibigan ang hindi. Mayaman kasi sila.

Hindi ako nag-iwas ng tingin sa anak ni Mr. Agus. Mukhang natauhan naman ito nang hinawakan nang Tatay niya ang balikat nito, nakita ko pa itong kinamusta ito at tumango na lang ito.

Bumalik ang tingin nito sa pwesto namin kaso tumalikod na ako. Buti na lang hindi ako napansin nila Janine na papaalis na ako. Narinig ko pang nagsitili ang dalawa dahil sa anak ni Mr. Agus. Ayaw ko namang mag-assume na ako ang tinitignan nito. 

Nakakadiri kaya 'yong mayroong relasyon ang babaeng fifteen years old sa bente-kwatrong edad na lalaki. Teka, ‘bat ko naisip 'yon?

Napailing na lang ako at lumakad papunta sa building namin. Walang tao rito mukhang pumunta sa gym lahat. Kung darating kasi ang may-ari ng school ay daritsong walang pasok. Nasa third floor kasi ang room namin, mabuti na lang hindi naka lock. Umupo na lang ako at nilagay ko ang ulo ko sa desk para don matulog.

"BOSS, POSITIVE," bungad sa kabilang linya dahilan mapangisi ito nang malaki.

"Send me all the information and everything he does. Wag na wag kayong magpapahalata kundi malilintikan kayo sa 'kin," may pamba-bantang tono nito. Alam ng mga tauhan nito na hindi ito nagbibiro sa mga sinasabi. Isang kapalpakan ng mga tauhan nito ay siguradong ubos lahat nang pamilya nila.

"Y-yes, boss." Kabadong sagot nito at pinatayan kaagad ng tawag.

Ilang taon na itong naghihintay kung ano ang dapat gawin para makaganti sa kanila pamilyang Agus. Ilang taon na itong nagtatago at naghahanap nang bagay na makapag-pasira sa kanila. Kahit kailan hindi nito maibabalik ang mga anak at asawa. Sila ang may kasalanan kung bakit nawala ang pamilya nito. Wala na itong rason para mabuhay sa mundong ito kundi patayin at makaganti sa pamilyang may kasalanan kung bakit nawala ang pamilya niya..

Hindi nitong kayang makita ang pamilya nilang nagsasaya at kumpleto habang ito ay nagdurusa sa kanilang katangahang ginawa. Pinapangako nito sa sarili na hindi ito susuko hanggang hindi sila mauubos.

"Cleron!" Sigaw nito sa kanang kamay sabay hampas sa lamesa.

Dali-dali itong pumasok sa opisina.

"Y-yes, boss." Kabadong sabi nito. Kinuha nito ang baril na nakalagay sa drawer. Nakita niya itong napalunok si Cleron nang nakita niya ang baril na nakatutok sa kanya.

"Akala mo hindi ko alam na trinaydor mo ako," kalmadong sabi nito kahit sa kalub-luoban ay galit na galit na. Ilang taon na itong naging kanang kamay niya, kaya nakapagtataka kung bakit niya ito nagawa.

"Mr Wang…"

"Okay sana kung sinabi mo sa 'kin na trinaydor mo ako," nakangising wika nito. Nanlaki naman kaagad ang mga mata ni Cleron.

"Mr Wang, pagpapaliwanag ako–fuck!" Hindi na ito pinatapos magsalita ay kaagad kinalabit ang gantsilyo ng baril na hawak-hawak ni Mr Wang. 

Napahawak naman sa braso si Cleron para pigilan ang umaagos na dugo nito.

"Bibigyan kita ng isang pagkakataon. Pasalamat ka naging kanang kamay kita at may nai-ambag ka sa nakalipas na taon. Pag-pinagpatuloy mo ang pag-traydor sa akin, 'di na ako magdadalawang-isip na patayin ka at ang pamilya mo."

NAGISING NALANG ako nang may nagsisigawan sa baba. Ang ingay kasi. Tumingin ako sa relo ko ay malapit nang mag alas kwatro ng hapon. Lumabas ako sa room ng bigla na lang akong napa-ubo.

Ano yon? Usok?

"Sunog!"

"Teka! Wala naman atang taonsa building!"

"Mga bag natin!"

"Taena pre ang apply laptop ko nandon!"

"Bobo may saving ka 'yong ang gamitin mo!"

"Nandon ang videos ko!"

"Gawa ka ulit."

Hindi ko na pinansin ang sigawan nila. Tumingin ako sa second floor at doon nasusunod na ang mga rooms. Nasa third floor ako!

"May tao sa third floor!" Narinig ko pang sigaw. 

Hinubad ko ang blazer nang uniform ko at ginamit para matabunan ang ilong ko sa usok. Dali-dali akong bumaba kaso natabunan na nang apoy ang hagdanan. Dalawa lang ang exit dito. Sa likod na lang na exit ang pag-asa ko para makalabas.

Kaso pagdating ko ay natabunan na rin ng apoy. Wala na akong pag-asa.

Andaming pumapasok sa isip ko ngayon. Mamamatay na ba ako? Bakit sa school pa? Pwede naman sana kung car accident para sosyal. O 'di kaya crash ang helicopter.

Palakad-lakad nalang ako sa hallway nang third floor. Narinig ko na rin ang sigawan nila. Nagsimula naring tumutulo ang luha ko. Ayaw ko pang mamatay, gusto ko pang makasama ang kapatid ko. Ayaw kung iwan ang kapatid ko. Naging mabait naman ako sa lahat pero bakit ito ang nakuha ko?

Hindi ko na namalayan na marami na akong nalanghap na usok. Kanina pa ako nahihilo dahil sa usok at andami ko na ring nalanghap na usok. Pilit kung nilakasan ang sarili ko para makaalis dito pero unti-unti na nanghihina ang katawan ko dahil tuluyan akong nawalan ng malay. 

"Farahh!" Iyon na lang ang huling narinig ko at tuluyang ng kinain nang dilim ang paningin ko.

INIMULAT KO ang mata ko at nakakita ako nang liwanag. Buti na lang napunta ako sa langit, hindi sa impyerno.

Hindi ko magalaw ang kanan kung braso kaya inimulat ko kaagad ang mata ko. Nasa ospital pala ako hindi sa langit, buti na lang. Uhaw na uhaw ako kaya nag-hahanap ako ng tubig buti na lang nakuha ko ito. Meron kasing lamesang maliit sa tabi ng kama. Nakita kung naka bandage ang kanang kamay ko kaya nakakunot ang noo ko.

Ang last kung natandaan ay n'ung may sunog sa school. Sino kaya nag ligtas sa 'kin? Wala nang makapasok sa third floor nung nangyari ang sunog.

Umupo ako sa kama dahilan napangiwi ako dahil sa sugat ko. Meron pang sugat sa paa at nakabandage din ito.

Napatingin na lang ako sa pinto nang biglang bumukas iyon at pumasok si Janine at Orly na may dala-dalang prutas at bag, patawa-tawa pa itong pumasok. Kakagaling ata nila sa school dahil nakasuot pa sila ng uniporme.

Tumingin sila saglit sa 'kin tsaka binalik ang tingin nila sa isa't-isa. Kaya nagtataka ako sa inasta nila. Sabay silang tumingin ulit sa 'kin at nanlalaki ang mata.

"Farahh!" Sabay nilang sigaw kaya napapikit na lang ako dahil sa sigaw nila. Lumapit ito sa akin at dahan-dahan ako hinawakan sa mukha.

"Ginagawa nyo?"

"Teka, buhay ka pa?" Takang tanong ni Orly kaya binatukan ni Janine.

"Tanga, gusto mong mamatay ang kaibigan natin?" Sambat ni Janine. Napanguso na lang si Orly. Tinignan naman ako ni Janine na may pag-aalalang mukha.

"Okay ka lang? Mag-tatatlong araw ka nang nakatulog ah." Anito kaya tinignan ko sya nang hindi makapaniwala.

"Talaga?"

"Oo! Kaya nagtataka ako kung bakit buhay ka pa," singit ni Orly kaya tinignan namin ito nang masama. Nag peace sign naman ito.

"S-sino nagligtas sa 'kin?" Tanong ko sa kanila. Imposibleng may nakapasok na tao don kasi wala na talagang mapapasukan at malalabasan. Napakamot na lang sila sa kanilang ulo.

"Ano...walang may alam…" anito. Sumingit naman si Janine.

"Nakita ka na lang kasi ng isang bombero sa likod nang building, 'yong malapit sa sampaguita na halaman. Nakita ka nilang walang malay at may sunog sa paa at sugat sa braso buti na lang may ambulansya kaagad na dumating." Paliwanag ni Janine.

"Ghads! Sunog 'yung cellphone ko, bagong bili pa naman nun, buti na lang papalitan lahat ni Mr. Agus ang lahat nang gamit nang mga nasunugan sa building na 'yon, pati cellphone ko." Sabi ni Orly. "Ang yaman talaga nila no? Sabi niya pa kahapon na ilista lahat nang mga gamit natin na dala nung araw na 'yon tapos papalitan nita nang bago." Dugtong nito. Napatango naman si Janine sa sinabi niya.

"Wala bang ibang tao sa building nung araw na 'yon?" Tanong ko. Tumingin naman silang dalawa sa 'kin. Hindi ako magkakamali dahil naalala ko talaga na may tumawag sa pangalan ko nung oras na 'yon.

"Swerte ka Inday! Ikaw lang kaya ang tao don, ang sikat-sikat mo na nga sa school dahil sa nangyari." Kagagahang sabi ni Orly.

Buti na lang ako lang ang tao do'n.

"Ang bobo naman nang utak mo Orly." Napakamot na lang ito sa ulo.

Pinabayaan ko naman silang dalawa na nag-aaway. Hindi ko alam anong pinag-aawayan nila basta mukhang nagtatalunan. Nakita ko pang nag-babalat nang mansanas si Janine at tinuturo ang kutsilyong dala niya kay Orly.

Sanay na akong ganyan silang dalawa, pinabayaan ko lang. Magkasalungat kasi ang pag-uugali nila kaya hindi talaga sila nagkakaintindihan.

Minsan ako ang referee sa away nila.

Napatigil na lang kaming tatlo ng bumukas ang pinto at pumasok si Nanay at Tatay.

Hindi ko mapigilang mapangit ng malaki dahil binisita nila ako. Binisita ba nila ako dahil nag-alala sila sa akin? Masaya ako dahil sa pagbisita nila. Mas gusto ko atang ma-disgrasya araw-araw para mag-alala sila sa 'kin at alagaan, o mabigyan man lang nang pansin.

Nawala na lang ang ngiti ko nang sumunod na pumasok si Mr. Agus at ang anak nito. May kasama pa itong dalawang guro na kilala sa school. Nakita ko pang malaki ang ngiti ni Nanay at Tatay habang kausap si Mr. Agus.

Pumasok tuloy sa isip ko kung bakit andito sila. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status