Nagising na lang ako nang may maliit na kamay na pumalo sa pisngi ko. Tumagilid ako ng higa kaso bigla na lang itong pumatong sa katawan ko.
"Ati gutom ako," napabangon na lang ako dahil narinig ko ang boses nang kapatid ko. Hinawakan ko ang mukha nito at ngumuso ito bigla. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
"Di pa kumain ka kanina?" Tanong ko rito.
"Kain naman eh utom pa ako ulit eh," sabay yakap niya sa akin.
Ang takaw talaga niya. Kanina sabay kaming kumain, medyo huli kaming kumain dahil pinauna ko sila Nanay at Tatay. Sabay pa kasi silang lasing baka ano nanaman ang gagawin nila sa aming dalawa. Kaunti na lang kasi ang na tirang ulam kaya kaunti rin ang kinain ko. Binigay ko kasi kay Lyza ang kalahating ulam ko sa kanya. Mas gusto ko pang magutom basta busog ang kapatid ko.
"Wala nang ulam eh," sabi ko sa kanya. Nakita ko pa ang lungkot ng mga mata nito.
"Hays..." Sabay higa sa tabi ko.
"Bili na lang ako sa labas tapos 'wag kang aalis dito, ah?" Nakangiting sabi ko.
Lumiwanag naman ang mukha nito at patango-tango sa sinabi ko. Kinuha ko ang hoodie at pitaka ko na naglalaman ng treinta pesos. Puros barya. Hinalikan ko muna ito sa noo tsaka lumabas.
Lugaw o di kaya lumi na lang ang bibilhin ko. Nasa beinte kasi ang halaga nito, tsaka para makatipid ako ng sampung piso.
Ang buwan na lang ang nagpaliwanag sa paligid. Medyo madilim rin at malamig ang hangin, malamang alas dos na nang umaga tapos gigisingin ka nang kapatid mo dahil nagugutom. Daig niya pang buntis na naglilihi at nagugutom. Mahal ko naman ang kapatid ko syempre di ko siya pwedeng pagutumin.
Buti na lang may nagbibenta pa sa kabilang kanto at hindi masyadong madilim. Alas dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw lang kasi sila nagbebenta.
"Ate may lugaw kayo?" tanong ko sa tindera. Medyo kaunti rin ang customer nila ngayon.
"Nako naubos na ang lugaw, last na 'yong kay kuya," sabay tingin nya sa lalaking naka cap na black at naka t shirt na black rin.
Mukhang naramdaman niyang naka tingin kaming dalawa ni Ateng tindera kaya napahinto ito tsaka dahan-dahang nilagay ang kutsara sa bowl pero hindi man lang ito tumingin sa gawi namin. Hindi ko rin nakita ang mukha niya dahil nakayuko.
"Ahh, lumi po?" Baling kong tingin kay Ate.
"Meron." Anito.
"Isang serve lang po."
Binalot naman nya ito sa supot tsaka binigay sa 'kin, tinanggap ko naman ito. "Magkano po?" Tanong ko.
"Fifteen lang." Binigay ko sa kanya ang pera at umalis na. Naramdaman ko na lang na may tumingin sa 'kin kaso binalewala ko na lang ito baka napaka assuming ko lang o nag-iimajin.
Naglalakad na ako pauwi kaya nadaanan ko naman ang delikadong lugar. Bigla na lang akong kinabahan nang may tatlong kalalakihan ang nakasalubong ko, mga lasing ata. Meron pa silang hawak na sigarilyo pero kahit lasing sila normal lang itong naglalakad. Mukhang mga tambay. Nasa forties ang edad ata nito at mga walang pang-itaas na damit kaya kitang-kita ang malalaking tyan nila.
Hindi ko alam anong gagawin ko.
Magtatago ba ako?
Babatiin sila?
Magmamano sa kanila?
Ngayon lang kasi ako nakasalubong nang ganito dahil minsan lang dumaan ang mga tao rito.
Napayuko ako at nilagay ko ang hood na sout ko, sa ulo tsaka normal na naglalakad kahit kinabahan ako. Pati mga paa ko ay nanghihina. Mas lalo tuloy nanghihina ang mga paa ko at bumagal ang lakad ko dahil bigla na lang nila akong tinawag.
Tatakbo ba ako?
Paano kung may dala silang mga patalim?
Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Kung ngayon man ang katapusan ko sana e-extend naman sana, 'yong may trabaho at pamilya na ang kapatid ko. Ayaw ko pa siyang iwan sa ganun kaliit. Ke-bago bago ko lang gumaling sa nangyaring sunog, may susunod nanaman?
"Pst, bata gabi na," rinig kung sabi sa isa sa kanila. Tinignan ko naman sila at pilit na ningitian. Nanginginig na ang mga paa ko dahil sa takot.
"Ah, h-hello po, magandang umaga po sa inyo mga tito," bati ko sa kanila, napa bow pa ako konti tsaka itinago ang lumi sa likod ko. Nagsitawanan naman ang kasama nito dahil sa sinabi ko.
"Haha! tito daw pare, puta ang tanda pala natin," asar nito sa isang kasamahan nito.
"Laro na lang tayo bata,” anito at tumawa. Kinalibutan naman ako sa sinabi nito. “Mas masaya 'yon..." Sabi nang isang kasamahan din nila kaya kinabahan ako nang husto.
Hindi ako makagalaw dahil hinawakan ako bigla ang dalawang kasamahan niya sa magkabilang braso. Nabitawan ko ang hawak ko kaya na tapon ko ito sa may damuhan pero buti hindi nasira ang plastik.
"Teka! sisigaw ako!" Pumiglas ako sa hawak nila.
"Walang makarinig sayo dito. Matagal na namin 'to ginawa, hindi lang ikaw nag-iisa," tumawa naman ang kasamahan nito kaya napa-iyak na lang ako.
Amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa kanila dahilan nandiri ako.
"Tulong!"
"Tulungan nyo ako!" Sigaw ako ng sigaw. "Maawa po kayo! May kapatid pa po akong nagugutom at naghihintay sa 'kin sa bahay!" Pagmamakaawa ko sa kanila kaso hindi ito narinig. Kinaladkad nila ako sa mas madilim na parte kaya mas lalo akong naiyak.
Kailangan ko pang lumuhod para maawa ako sa kanila? Ang daming pumapasok sa isip ko. Kulang pa ba ang ginawa kung kabutihan? Pwede ko pa namang dagdagan.
Ang sakit na kasi andami ko nang luhang pinakawalan. Nasasaktan na ako physical at mental.
"Maawa kayo sa 'kin..." mahinang bulong ko dahil nawalan na akong ng lakas.
Sana totoo na lang 'yong bampira na nababasa ko sa pocketbooks ni Orly tapos ililigtas niya ako tsaka s******n lahat nang dugo ang mga hayop na mga 'to. Gusto kung masuka dahil na ramdaman ko ang kamay nila sa hita ko pero bago 'yon tumaas ay narinig ko nalang na sigawan nila.
Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi sa libro na ililigtas ako ng bampira?
Gusto ko na lang matawa sa sarili ko. Napasigaw at napa-takip na lang ako sa tainga ko nang may narinig akong malakas na putok.
Tumingin ako sa kanila nang nakita kung may dala-dalang kahoy ang isang lalaki kanina, ang isa naman ay nakahiga na sa damuhan. Tinignan ko ang dumating na nagligtas sa akin na naka cap ito at jacket na itim. May dala itong baril, at sigurado akong baril 'yon.
Hindi ko man lang maaninag ang mukha nya dahil puno nang luha ang mata ko tsaka nakahiga lang ako sa damuhan.
Wala na akong lakas para bumangon. Gusto kung matulog kaso hindi pwede baka may mangyari na naman sa 'kin.
Sana panaginip lang 'to. Kahit nagisan pa ako ni Nanay ng kaldero sa mukha basta hindi ito totoo at panaginip lang. Nanunuod lang ako sa kanilang apat, kahit na tumba na 'yong isa. Wala akong lakas na tatakbo dahil hindi na ako makatayo dahil wala na akong lakas.
Ang galing niyang magkikipag-away. Sana bigyan ako nang pagkakataon na makita ang mukha nya.
Maya-maya ay napatumba na niya ang tatlong lalaki at dali-dali akong nilapitan. Pinaupo niya ako at inilalayan ang likod ko.
"Are you okay?" Lambing na boses nito. Gusto ko tuloy matulog dahil sa tinig nito. Ang blurred ng paningin ko.
"T-tingin mo okay-y lang ba ako?" Naluluha kung tanong. Obvious naman hindi ako okay tapos tatanungin pa niya ako? Gusto ko tuloy umiyak sa tanong nya.
"I'm s-sorry..." Sabay yakap nito sa kin. Bakit siya nag so-sorry? Sya ba 'yong gustong gumalaw sa 'kin?
"G-gusto ko makita ang mukha mo..." Titignan ko sana ang mukha nya kaso bigla na lang nya nilagay ang mukha ko sa leeg niya. Ang higpit nang yakap niya sa akin. Nan-chansing ata 'to eh. Sinubukan ko sanang tumayo.
"One minute... please...?" Tumango naman ako.
Naramdaman ko namang napangiti ito dahil sa sinabi ko. Nilagay ko ang baba ko sa balikat nya at gumanti nang yakap. Nahihiya tuloy ako sa kanya dahil ang bango nya, baka ako nito nag-aamoy imbornal na. Gusto ko nang matulog, naramdaman kung hinahagod nya ang buhok ko kaya napapikit ako.
"Gusto kung nang matulog..." Sabi ko habang nakapikit.
"You can sleep, andito lang ako."
"Ang lumi ko..." Narinig ko itong tumawa kaunti.
"Don't worry, I'll buy new lumi." Wala na akong lakas para sagutin ito kaya tinanguan ko nalang. Wala na akong naaalala kundi nakatulog sa balikat nang hindi kilalang lalaki.
"Sana pag-uwi ko walang masamang mangyayari at di na gutom ang kapatid ko." Mahinang bulong ko at tuluyang nakatulog.
"Farahh!" napaungol na lang ako dahil sa ingay. Sunod sunod naman ang kalabog sa pinto. "Farahh!" narinig ko pa itong nagmumura. "Lintik na batang 'to! Farahh buksan mo ang pinto!" Narinig ko na lang ang malakas na sigaw at katok ni Nanay sa pinto. Nakita ko pang nagising ang kapatid ko sa tabi ko. Ang himbing ng tulog niya. Mabuti na lang at hindi ito nagising sa sigaw ni Nanay o sadyang sanay na ito sa malakas na boses ni Nanay kaya hindi ito nagising kaagad. Pero natigilan naman ako saglit. Magkatabi pala kami kagabi? “Putangina buksan mo ang pinto kundi sisirain ko ito!” agad naman nanlaki ang mata ko nang narinig ulit ang sigaw ni Nanay. "Teka lang Nay!" Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto. Bumungad sa 'kin ang galit na pagmumukha ni Nanay kaya kinabahan ako. Kita ko kung gaano kapula ang mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya ng may dala-dala itong walis tambo, kaya natatakot akong ihahampas sa ‘kin iyon. Tapos magigising si Lyza at aawat dito, natatakot
"Gaga ka, seryuso o gawa-gawa mo lang?" Hindi makapaniwalang sabi ni Janine sa akin. Alam kung nag-alala sya sa'kin"Mare mas bet ko 'yong halik. Mwuah, mwauh, mwuah." Nakapikit pa ito at umaktong may kahalikan. Napangiwi na lang kami ni Janine dahil sa kanya."Tigilan mo nga 'yan!""Tsk." Tinignan nya nang masama si Janine at tinignan ako. "Alam mo Farahh dapat naalala mo 'yong super hero mo."Super hero? Pwede naman kasi iniligtas nya ako. Pero ang clingy namang tawaging super hero. Hindi na ako nagsalita dahil puro kalandian naman ang pinagsasabi ni Orly sa'kin. Naubos na namin ang lunch kaya bumalik na kami sa room. Late na naman ang guro namin kaya tuloy ang daldal ni Orly sa 'min."Saan kayo mag Senior High?" Tanong nito. Ito na ata ang magandang tanong na narinig ko sa kanya ngayong araw. Pero nakita ko pang seryuso ang pananalita nito."Depende." Sagot ni Janine. Tinignan naman ako nila at hinantay ang sagot ko."Dito lang ako. Hindi ko pwedeng iwan ang kapatid ko." Sagot ko.
"Bat ang tagal mo?" Sabi sa 'kin ni Janine. Umupo na ako sa lamesa na nakalagay rin ang pangalan naming tatlo. Bali pang-apat lang ka tao ang lasemang 'to at may bakanteng isa. Nakita ko sa harap na nagsimula na pala sila."M-may nangyari kasi eh. Biglang namatay 'yong ilaw sa cr kapos may nakabanga ako." Paliwanang ko."Ang tanga mo naman." Anito kaya sinamaan ko nang tingin."F-familiar kasi ang amoy niya, iyong taong nagligtas sa'kin..." Sabi ko at nanlaki naman ang mata n'ya."Nakita mo ang mukha n'ya?""Hindi.""Bakit?""Kasi n'ung bumalik ang ilaw bigla na lang s'yang nawala."Mga sampong minuto, nawalan nang ilaw sa cr kanina. Hindi muna ako lumabas kasi napakadilim don baka mauntog pa ako kung saan. Hinintay ko nalang ang ilaw bumalik, 'yong kasama ko naman ay tahimik pero 'yong utak ko hindi tumahimik. Gusto ko s'yang tanungin kung siya ba 'yong nagligtas sa'kin pero wala akong lakas para sabihin 'yon.Nang bumulik ang ilaw ay wala na akong makita.Hindi ko naman masasabing m
"Hating gabi na, dito na lang kayo matulog." Nag-alalang sabi ni Orly. Agad naman akong umiling sa sinabi niya."Ah, huwag na baka hahanapin kami ni Nanay sa bahay." Pagtanggi ko. Mabuti't tumango naman ito.Buti na lang may pa bring house si Orly sa amin. Hinawakan ko nang mabuti si Lyza para hindi mahulog. Naka-tulog na kasi ito kaya binuhat ko na lang. Tumingin muna ako kay Orly at nagpaalam na ako sa kanya. Naunang umuwi si Janine dahil tinawagan siya nang kuya niya kanina. May pupuntahan pa raw sila.Medyo na hihirapan ako sa posisyon ko ngayon dahil may hawak pa akong pagkain.Lakad lang ako nang lakad papalabas hanggang may nabanga na naman ako dahilan nagising si Lyza."H-hala sorry po!" Andami ko nang nabanga ngayon! May kasunod pa ba?Napatingin ako sa nabanga ko ay 'yong lalaki kanina! Ay hindi! Anak ni Mr. Agus!"No, it's okay." Anito. Napatingin naman siya sa akin. Mukhang naalala niya ako nung nasa ospital ako.Napatingin ako kay Lyza ng nagising ito dahil siguro sa siga
"Bye ati!" Patakbo ito papasok sa school nila. Tumalikod na ako para pupunta sa rin sa school ko. Ilang araw nang nakalipas simula n'ung nangyari ang birthday ni Orly, nagsimula na rin ang araw ko maging problemado kung pano ako makahanap nang trabaho. Ubos na kasi ang ipon ko pang anim na buwan.Dapat sa isang buwan ay makaipon ako nang pera para sa pang anim na buwan sa iba't-ibang gastusin namin ni Lyza.Hindi naman ako gaano gumagastos sa sarili ko. Nag-iipon ako para sa sariling kailangan namin ng kapatid ko dahil kung hihingi man ako kay Nanay ay hindi talaga ako bibigyan n'un.Pumasok na ako sa room at nandon ba si Janine nagbabasa. Wala pa si Orly late nanaman 'yon. Tumabi ako sa kanya at inilapag ang gamit ko."Morning." Bati ko kay Janine. Naramdaman ata n'ya na problemado ang boses ko kata napalingon ito."Wala." Sabi ko. Sabay kaming napatingin nang narinig naming ang boses ni Orly."Good Morningggggg everyone! Himala ang konti pa nang tao dito." Anito. Hindi nalang namin
"Hoy 'yan? Binahay mo na ang crush ko babae ka!" Singhal ni Orly sa 'kin.Tinignan ko naman ito ng masama. Andito kami ngayon sa sala habang tinitignan si Anthonio habang sinusubuan ng pagkain ang kapatid ko. Patawa-tawa pa ang dalawa.Alam kong nagtataka silang dalawa kung bakit andito si Anthonio.Mas komportable pala akong tawaging Anthonio ang kumag na 'yon dahil feeling ko kasi nagmumukha akong mayaman pag Anthony.Andaming tanong ni Orly sa 'kin kaya inisa-isa ko itong sinagot. Si Janine naman ay nakikinig pero habang tumatagal na boboringan na siya sa kadaldalan ni Orly. Minsan sumasagot na lang ako ng oo at hindi sa mga tanong niya. E-explain ko na lang pag sinabi niyang dapat i-explain ko.Nakalimutan ko na tuloy na kumain. Ako na lang ang pumutol sa usap namin. Sabay kaming tatlong pumunta sa lamesa kung san nandon ang dalawa. May dala rin namang pagkain sina Janine kaya ito na lang ang pinag- lunch namin."Ang haba nang daldalan niyo ha. Ang daldal nang kaibigan mo." Ani A
Andito ako ngayon sa seven-eleven at nagta-trabaho bilang cashier. Alas tres ng madaling araw ang uwi ko at mamaya pa 'yon. Walang ibang tao dito kundi ako lang. Hindi naman ako na bored dito dahil may tv at may cp rin ako na pampalipas oras kung walang bibili.Nanunuod ako sa mga video ng kapatid ko na sinend ni Anthonio habang naglalaro sila sa play ground at kumakain.Palagi kung iniisip na malapit na akong maka-graduate.Madaling araw na akong nakauwi sa bahay, may dala akong spare key para hindi na ako kakatok baka hahagisan pa ako ng itak ni Nanay. Nag-text din sa 'kin si Antonio na iyon na pinakain na niya ng hapunan si Lyza at tsaka hinatid na rin sa bahay kaya laking pasasalamat ko sa kanya don.Mukha na siya tuloy kuya namin ni Lyza. Mas matanda pa kasi ito sa 'min. Nagbihis na ako para makatabi na kapatid ko, ang himbing ng tuloy niya, eh. Mukha ring pagod na pagod baka dinala naman ito ni Antonio sa mall. Wala naman problema sa 'kin 'yon. Mas lalong tumagal ay parang mas c
Nagtataka na ako ngayon dahil problemado na si Nanay ngayon. Problemado naman siya araw-araw kaso ngayon iba na ngayon. Parang hindi na talaga mapakali pati si Tatay gan'un din. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inasta nila ngayon kaya kinabahan ako bigla. Tinanung ko naman sila kaso mag-iiwas lang sila ng tingin sa 'kin.Sabado ngayon kaya pupunta ako sa trabaho ngayon, nag-leave muna ang naka assign kaya ako na lang ang pumalit. Si Lyza naman ay nasa bahay lang, sinabihan ko na lang 'yon na huwag aalis kahit saan. Binigay ko na lang ang cellphone ko para hindi na siya lalabas. Pero parang feeling ko ngayon, mukhang may mangyaring hindi masama.Napatingin ako sa pinto ng pumasok ang manager ko."Farahh...""Sir, bakit po kayo dito?" takang tanong ko.Minsan lang kasi siya pumupunta dito pag may importanting sasabihin. Nakita ko naman ang lungkot ng mga mga niya. "Bakit po? May problema ba?" Aniko. May inabot siya sa 'kin na sobre at tinignan ko naman 'yon. Nanlaki ang mata ko ng na