Home / Romance / The Billionaire's Obsession / Chapter Three: Perspective

Share

Chapter Three: Perspective

Author: eZymSeXy_05
last update Last Updated: 2022-08-29 22:34:30

TAPOS na ang inauguration nang dumating ako kaya't hindi maipaliwanag na kaba na naman ang kasalukuyan kong nararamdaman.

"Congratulations Mrs. Cordova." All of the visitors greeted in unison.

"Congratulations Mrs. Wilma Cordova!" Pagbati ng isang investor na namumukod tanging lumapit at nakipagbeso kay mom.

Kahit kabado ay pinilit kong makalapit sa puwesto na kinatatayuan ng aking ina.

"Bakit ngayon ka lang dumating?" Anang aking ina na halatang nagpipigil lang ito ng galit.

"I'm sorry mom! Masyadong ma-traffic kaya't nahirapan akong makarating ng maaga." Katwiran ko.

"Tss... walang bago Wesley! Kailan ka ba talaga titino?" muli niyang tanong.

Hindi na nga ito nakatiis pa. Pilit ang ngiti'ng nagpaalam ito sa mga bisita at pagkatapos ay halos kaladkarin na ako palabas ng building.

Kaya naman nagpatianod na lang ako hanggang sa huminto kami sa parking lot.

"Napag-usapan na natin 'to di'ba? So ano, palagi na lang gan'to? Ako ang magiging taga-salo sa mga kapalpakan mo?" Mababakas sa tinig ng aking ina ang labis na pagkadismaya, kaya't sa halip na sumagot ay napayuko na lamang ako.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na humingi ng paumanhin sa kanya.

"Sorry mom. Pangako, babawi ako." Pabulong kong wika.

"Lumang style at lumang linyahan na ang mga 'yan Wesley!" Giit pa niya. Lihim na lang akong napalunok sa kanyang tinuran. Talaga nga'ng hindi pang karaniwan ang galit ngayon ng aking ina kaya't minabuti ko na lang ang manahimik at makinig sa iba pa niyang mga sasabihin.

"Sayang lang ng buhay mo! Wala ka man lang ambag sa mundo.'' Gilalas muli ng aking ina.'' Tumulong ka naman sana. Kahit man lang sa kompanyang pinaghirapan namin ng daddy mo!" Dagdag pa niya na gumagaralgal na ang tinig.

Naisip ko na baka umiiyak na ito kaya't napilitan akong mag-angat ng tingin upang usisain kung ano na nga ba ang kanyang ginagawa. Subalit naudlot 'yon dahil muli na naman'g umandar ang mala-machine gun nito'ng bibig.

"Mag-asawa ka na kaya! Maghanap ka na ng matinong babae na mauuto mo at puwede mong pakasalan. Baka sakaling tumino ka na at makapag-isip ka kung ano ang dapat na pina-priority sa buhay!" Patuloy na naman nito'ng sermon.

Mabuti na lang at paisa-isa lang ang dumadaan na tao kaya't hindi nila mahahalatang pinapagalitan ako ni mommy.

Nang mga sandaling 'yon ay naririndi na ang aking tainga lalo pa't binanggit na naman nito ang tungkol sa pag-aasawa.

"Wala nga akong mahagilap na matinong girlfriend eh tapos, pag-aasawahin niya pa ako!" Reklamo ko sa aking isipan.

"Really mom? Marriage? Oh, what a waste of time and money!" Kaagad na naibulalas ko , dahilan upang pandilatan ako nito ng mga mata.

"You know mom, women come and go, right?" Bahagya pa akong natigilan at saglit na nag-isip ng karugtong para lang mas lalo kong makumbinsi ang aking ina. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ulit ay isang matalim na tingin ang kaagad na ipinukol niya saakin. At pagkatapos ay walang pasabi na iniwanan na naman niya ako.

"Tsk... mga babae talaga oh! Sariling ina ko nga ay iniiwanan ako ng walang pasabi, paano pa kaya kung maghanap ako ng mapapangasawa? Naku, paniguradong hindi lang ako basta iiwanan no'n, baka hakutin pa ang aming kayamanan at dagdagan lang ang sakit ng ulo ko pati na rin ang bigat ng aking kalooban."

Napapailing na pagkausap kong muli sa aking sarili. Subalit, tila napalakas yata ang aking pagsasalita dahil ang huling tao na dumaan ay kunot noong napahinto at pinag-aksayahan talaga ako ng panahon na titigan mula ulo hanggang paa.

Hinyaan ko na lamang ito. Kapagkuwa'y muli na rin nito'ng ipinagpatuloy ang paglalakad.

Isang malalim na buntonghininga ang agad kong pinakawalan bago pa man ako bumalik sa aking kotse. Napagdesisyunan kong umuwi na lang tutal, wala rin naman'g silbi kung pupunta pa ako ng opisina. Paniguradong nando'n na si mommy at baka sermunan lang niya ulit ako.

Maya-maya pa'y nakabalik na nga ako sa mansiyon. Ngunit laking gulat ko nang maabutan ko roon ang kotse ng aking ina.

Parang gusto ko tuloy ngayon na magsisi dahil umuwi kaagad ako. Buong akala ko ay didiretso si mom sa opisina nito ngunit nagkamali na naman ako.

Wala naman na akong magagawa, lalo pa't nando'n na ako. Napakamot na lamang ako sa aking batok at pagkatapos ay mabibigat ang hakbang na tinalunton ko ang pasilyo papasok sa mansiyon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para lang huwag makalikha ng kahit kaunting ingay. Ngunit nang tuluyan na akong makapasok ay mas lalo lamang akong nagulat nang maabutan ko sina mommy at ang asawa ni Franco at masaya silang nag-uusap sa sala.

Bahagya akong tumikhim, dahilan upang mapalingon saakin si Angela. Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang ginawang pag-irap ng aking minamahal na ina.

"Oh, hi Wesley!" Masiglang bati sa akin ni Angela ngunit nang tingnan ko ang mga mata nito ay kaagad kong nabakas na may mabigat na naman itong problema.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at nakipagbeso muna bago ako umupo sa tabi ni Angela.

"Hey! Anong balita? Bakit biglaan yata ang pagdalaw mo?"usisa ko sa kanya.

"Nag-away na naman sila ng magaling mong kaibigan. Naku, 'yan talaga'ng si Franco eh, wala ng ginawa kundi pahirapan itong si Angela." Anang aking ina'ng walang pagdadalawang isip na sumagot sa aking tanong kaya naman nagkatinginan na lang kami ni Angela.

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ni Franco?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya na sinundan naman nito ng pag-iling.

"Okay lang ako Wealey. Kaunting tampuhan lang 'to. Siguro ay kailangan muna namin'g pakalmahin ang aming mga sarili nang sa gayo'n ay makapag-isip-isip kami ng maayos at magkabati na ulit kami." Ani Angela.

"Tamang-tama, iha, binabalak kong magbakasyon sa Canada baka gusto mong sumama?" suhestiyon ni mom na talaga nga'ng napalapit na siya kay Angela. Palibhasa kasi ay sa tuwing mag-aaway sila ng kaibigan kong si Franco ay saakin kaagad ito tumatakbo.

Angela is a good person. At aminado ako na nagkagusto rin ako sa kanya dati. Subalit ngayon ay tanggap ko ng kaibigan lang talaga ang pagtingin nito saakin at si Franco talaga ang mahal nito.

"Oh, that is a good idea mom!"bulalas ni ko, dahilan upang mapahiya lamang siya. "So, pa'no maiwan ko na kayo rito at magsisimula na akong mag-impake ng mga gamit natin!" nakangiting binalingan ko pa ang aking ina.

"Hmm...at sinong may sabi na kasama ka?" Nakairap na saad ni mommy.

''Huh? Eh..."

"Maiiwan ka rito! Ikaw ang mag-asikaso ng kompanya and make sure na pagbalik ko ay may maipagmamalaki ka na saakin." Dagdag pa niya.

"Pero mom-"

"Huwag ka ng magreklamo, Wesley! Baka nakakalimutan mo ang sinabi mo sa'kin kanina?" Nakataas pa ang kabilang kilay nito habang gigil na nakatingin saakin. "I think, ito na nga ang tamang pagkakataon para ipakita mo sa'kin ang kakayahan mo!" Puno ng penalidad sa boses ng aking ina.

"Tss...ano pa nga ba!" Tanging nasabi ko na lamang.

Tinalikuran ko na ang mga ito at dumiretso na lang ako sa kanyang silid. At bigla na nama'ng sumagi sa isip ko si Kiera.

'' Kumusta na kaya ang babaeng 'yon? Kanina ay parang tigre rin ito nang nakipag-usap saakin eh.'' Muling pagkausap ko sa aking sarili.

Mapakla akong napangiti. Kapagkuwa'y nagmamadaling naligo na lang ako at pagkatapos ay pinakiramdaman ko kung nasa sala pa ba ang aking ina at si Angela. At nang masigurado kong wala na ang mga ito roon ay dali-dali na akong bumaba.

Patakbong lumabas ako ng mansiyon.

Tanging ang nasa isip ko lamang nang mga sandaling iyon ay mapuntahan ko ngayo'ng gabi si Kiera dahil baka kung sinong lalaki pa ang umaligid rito.

Kailangan ko rin ito'ng kausapin ng maayos para mapapayag ko na ito sa aking nais.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Obsession   Epilogue

    HINDI ko maiwasan ang mapangiti habang sumisimsim ako ng kape sa may veranda. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang aking anak na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan habang nakikipaglaro sa mga bata.Umaalingawngaw din sa buong paligid ang malutong nitong halakhak na wari'y nagpapaalala saakin kay Kiera. I missed her so much! Pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na kailanma'y hindi na siya namin maaaring mayakap pa at mahagkan. Tanging ang mga magagandang ala-ala niya na lamang ang magsisilbing lakas at pag-asa namin sa bawat hamon ng buhay na aming haharapin.Akmang sisimsim akong muli ng kape nang may biglang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon ng makita kong si Nay Bebang iyon."Batid kong masayang-masaya na ngayon si Kiera kung saan man siya naroroon." Anang matanda.Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Tama ka 'nay at batid ko rin na palagi niya kaming babantayan at gagabayan sa lahat ng oras.""You deserve this kind of happ

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Eight: Revealation

    NANG ma-discharge ang anak ko ay agad kaming nag-usap ni Kiana. Gusto kong makumpirma mula sa kanya ang totoong mga nangyari lalo na kay Kiera."Saan ba talaga tayo pupunta? Palabas na 'to ng Manila eh." reklamo ko habang patuloy na nagmamaneho."Magmaneho ka lang. Mag-uusap tayo kapag nakarating na tayo sa probinsiya." Ani Kiana na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone."What? Bakit hindi mo sinabi na sa probinsiya pala tayo pupunta? At saka, kailangan ba talaga na doon tayo mag-usap at-""Huwag ka ng magreklamo. May sariling kotse ka naman kaya mabilis lang tayong makakarating sa'min." Giit pa niya na naroon pa rin ang atensiyon sa kanyang cellphone."Tss, wala naman problema sa'kin kahit saan pa tayo pumunta. Ang inaalala ko ay si Wynona. Baka ma-""Don't mind her. Sanay 'yan sa pagod at hirap."Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y nilingon ko siya sa backseat na kanina pang nahihimbing ng tulog habang yakap ang kanyang lumang unan.Halos kalahating araw kami na

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Seven: The Truth

    TATLONG araw na ang nakalipas simula ng masalinan ng dugo ang anak ko. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Tatlong araw na rin akong nagbabantay dito sa hospital ngunit hindi man lang pumupunta si Kiera. Gustong-gusto ko ng makausap si Kiana ngunit makikipag-usap lamang daw siya saakin kapag na-discharge na si Wynona."Anak, please lang...gumising ka na. Marami pa tayong kailangan'g gawin at pag-usapan. Gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit." Malungkot na pagkausap ko sa kanya habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Pangako, aayusin ko ang pamilya natin kapag-"Naudlot ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Aling Bebang ang rumihestro sa screen.Kaagad ko iyon na sinagot at nagulat ako nang mapansin kong tila natataranta ang tinig nito. "Nay, what's going on?""Kailan ka ba uuwi? Kailangan natin'g mag-usap." Aniya sa kabilang linya."Tss, nay alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pa

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Six: Accident

    DALAWANG beses sa isang araw kong pinupuntahan ang coffee shop na iyon, baka sakaling bumalik ang batang babae at makausap kong muli. Subalit mag-iisang linggo na akong pabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tila nawalan na naman tuloy ako ng pag-asa. Kaya naman ay bagsak ang balikat na nagmaneho ako pabalik ng opisina. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng coffee shop ay naipit na agada ko ng matinding trapik. Naiinis na napamura ako at napasandal na lamang sa upuan ng aking kotse. Kaya lang ay biglang nakaagaw ng pansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa labas. Na-curious ako at naisipan kong ibaba ang salamin'g bintana ng aking kotse."Excuse me, Miss...what's going on here?""Uhm, sir may batang babae na nasagasaan kaya nagkakagulo ang mga tao at kaya rin biglang nagkatrapik." Anang ginang na nagmamadali rin'g makiusyuso.Sa narinig ko ay tila may sariling isip ang aking mga paa. Mabilis rin akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ko ang mga nagku

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Five: Who is she?

    six years later...Wesley's POV TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan."Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan. Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan."What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya."Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae."Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.Napamaang ako sa kanyang tinuran kay

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Four: Annoyed

    UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin."Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?""Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah.""Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status