Home / Romance / The Billionaire's Obsession / Chapter Four: Her Savior

Share

Chapter Four: Her Savior

Author: eZymSeXy_05
last update Last Updated: 2022-10-22 07:44:59

KANINA pa akong nag-aabang na lumabas si Kiera ngunit hindi ko pa rin ito nakikita. Kaya naman hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na si Roxy.

"Hey!" Untag ko rito na busy sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

"Busy ako Weey! Kung babae ang kailangan mo, madami naman diyan sa dancefloor. Pumili ka na lang." Ani Roxy na naroon pa rin sa kanyang ginagawa nakatingin.

"Tsk...may kulang sa dancer mo. Nasa'n na 'yong bago?"pangungulit ko pa sa kanya.

"Sinong bago?" Ani Roxy.

"Si Kiera." Bulong ko rito.

"Naku, nariyan lang 'yon hanapin mo na lang." Tila naiirita na rin ito sa kakulitan ko kaya naman bumalik na ako sa dance floor at sinuyod ang lahat ng sulok nito. Ngunit hindi ko pa rin talaga mahanap si Kiera.

Kaya't kinakabahan'g binalikan kosi Roxy.

"Oh, ano na naman?" Iritadong tanong muli nito saakin.

"Wala eh! Hindi ko talaga mahanap!"

"Eh, baka niyaya ng lumabas ng isa sa mga costumer ko. Maghanap ka na lang ng iba. Marami naman diyan eh!" Giit pa nito.

"Tsk...hayan ka na naman eh! Nag-usap na tayo di'ba? Sabi ko sa'kin lang dapat 'yon naka-reserve." Reklamo ko pa.

"Kasi virgin pa? Tama ba? Naku Wesley, tigilan mo nga ako ng kaartehan mo! Ang hanapin mo 'yong marami ng alam para hindi kana masyadong mapagod at mahirapan!"Ani Roxy.

"Roxy naman eh.Diyan ka na nga lang!"naiinis na iniwan ko siya.

Sinubukan kong tawagan ang numero ng cellphone ni Kiera ngunit panay ring lang ito, kaya naman nagmamadaling lumabas ako ng club para hanapin ito.

Patakbong tinungo ko ang parking lot at kaagad na sumakay sa aking kotse. Kapagkuwa'y pinaharurot ko iyon. Ngunit hindi pa man ako tuluyan'g nakakalayo ay may naaninag na akong babae. Muntik ko pa nga itong mabangga dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko, mabuti na lang at kaagad rin akong nakapagpreno.

"Tulong! Tulungan niyo po ako! Parang awa niyo na! Tulong!" Paulit-ulit na sigaw ng pamilyar na tinig kaya't dali-dali kong ibinaba ang bintana ng aking kotse.

Gayo'n na lamang ang aking pagkamangha matapos kong makumpirma na si Kiera nga iyon.

"Kiera!" bulalas ko.

"Wesley, p-please...tu-tulungan mo ako! Nandiyan na siya!"gumagaralgal na wika ni Kiera.

"Huh? Sino? Ano bang-" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil bigla na lang may paparating na lalaking medyo may edad na rin.

"Hoy, bumalik ka dito'ng babae ka!" Anang lalaki na ilang metro na lang ang layo sa amin.

"Bilis! Sumakay ka na!"Utos ko kay Kiera. Patakbo naman nitong tinungo ang passenger seat. Kapagkuwa'y mabilis ko ng pinaandar ang aking sasakyan at nang sa tantiya kong natakasan na namin ang humahabol sa kanya ay pansamantala kong inihinto ang sasakyan. Ipinarada ko ang aking kotse sa tapat ng isang coffee shop.

"Anong ginagawa natin dito?" bakas pa rin sa tinig ni Kiera ang takot at pangamba.Hindi ako sumagot. Sa halip ay hinubad ko na lang ang aking jacket at isinuot ko iyon sa kanya.

"Tara?" nakangiting alok ko sa kanya.

"Huh? Saan?" nag-aalinlangan'g tanong nito saakin.

Natawa ako sa naging reaksiyon niya.

"Magkape muna tayo tapos ikuwento mo saakin kung ano ba talaga ang nangyari sa'yo." Mahinahon'g sambit ko. Bumaba naman ito at walang imik na sumunod sa akin sa loob ng coffee shop.

Maya-maya pa'y kapwa na kami'ng humihigop ng kape.

"Salamat Wesley." Walang buhay na sambit ni Kiera matapos namin'g magkape.

"Walang anuman." Tipid na tugon ko.

"Uhm...Wesley, pasensiya na nga pala sa mga nasabi ko sa'yo kaninang umaga. Hindi lang talaga kasi ako sanay na sinasabihan nang gano'n ng mga lalaki.'' Biglaan'g paghingi nito ng paumanhin na siyang ikinagulat ko. '' Oo nga't gan'to lang ang trabaho ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay katulad ako ng ibang babaeng bayaran na-"

"Sshhh...kalimutan mo na 'yon. Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon. Actually, kaya ako naririto ay para sana mag-sorry din sa mga nasabi ko sa'yo kagabi. Napag-isip-isip kong mali pala 'yon at aminado akong nabastos kita sa mga salitang 'yon." Puno ng senseridad sa aking tinig.

Kapagkuwa'y bigla akong natigilan at agad akong nahulog sa isang malalim na pag-iisip.

''Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Of all the girls kasi na nakasayaw at nakasiping ko, kahit minsan ay hindi ako nanuyo ng ganito. Si Kiera lang din ang kauna-unahan'g babae na inalala ko ng ganito.'' sambit ko sa aking isipan.

"Alam mo, sa nangyari ngayon... tingin ko ay bayad ka na sa kasalanan mo sa'kin kagabi." bulalas ko nang bigla akong mahimasmasan. Napayuko pa nga ito matapos kong sabihin iyon sa kanya.

"Tsk...ano ba talaga ang nangyari sa'yo? Alam mo bang hindi ako mapakali kanina? Ilang beses ko pang kinulit si Roxy para lang aminin kung nasa'n ka subalit wala talaga siyang alam kung saan ka nagpunta."Pagkukuwento ko.

"I-I'm so-sorry kung pinag-alala kita. Nahirapan akong tumakas sa lalaking 'yon dahil tinutukan niya ako ng kutsilyo sa tagiliran para lang sumama sa kanya palabas ng club. Mabuti na lang at nang makalabas kami ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas." garalgal ang tinig na pahayag niya. "At salamat talaga sa'yo, Wesley. Kung hindi ka dumating, marahil ay pinagsasawaan niya na ako ngayon at baka bukas ay isa na akong malamig na bangkay." halos mangiyak-ngiyak na ito habang nagkukuwento saakin.

Kalauna'y tuluyan na nga itong umiyak. Kaya naman walang pag-aalinlangan na tumao ako at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.

"Tahan na. Pangako, mananagot sa'kin ang lalaking 'yon. Natatandaan mo ba ang mukha niya?" Kaagad naman itong tumango.

"Wesley, hayaan mo na, baka mapahamak ka lang."Awat nito saakin.

"No, kailangan ko siyang turuan ng leksiyon!" giit ko pa.

"Tsk...wala naman'g nangyari sa'kin kaya kalimutan mo na lang 'yon. Ang mabuti pa siguro ihatid mo na lang ako sa bahay na tinutuluyan ko. Natatakot na kasi akong bumalik sa club na 'yon eh!' Ani Kiera na kaagad ko naman'g sinunod.

Tahimik lang kami buong biyahe at nang tuluyan na nga kami'ng makarating sa inuupahan'g bahay nina Kiera ay saka lamang kami nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"Oh, heto na nga pala ang jacket mo. Salamat sa pagligtas sa'kin. Salamat sa kape at salamat na din sa paghatid." Nakangiting sambit ni Kiera. "Hayaan mo, sinisigurado ko sa'yong makakababawi rin ako sa lahat ng naitulong mo sa'kin." Dagdag pa nito.

"Uhm...hindi mo naman kailangan'g bumawi. Ang mahalaga sa'kin ay okay na ulit tayo."

"Huh? At sinong may sabi sa'yo? Hindi porket iniligtas mo ako ay bati na ulit tayo. Kailangan mo pa rin'g lumayo sa'kin no'h!"nakairap na sambit ni Kiera.

"Tsk...hindi ba puwedeng maging magkaibigan tayo?"pangungulit ko pa.

"Hindi! Ayokong makipagkaibigan sa mga lalaki!" Mariing singhal ko sa kanya, dahilan upang maihilamos ko na lamang ang aking mga palad.

"Ano bang dapat kong gawin para lang pumayag kang makipagkaibigan sa'kin?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Wala nga!. Hindi ko naman talaga kailangan pa ng kaibigan eh. Sanay naman akong mag-isa." Patuloy na pangangatwiran nito.

"Okay. Sabi mo eh!" Puno ng pagkadismaya sa aking tinig.

"Sige na umuwi ka na! Hatinggabi na oh, baka makita ka pa ng mga ka-boardmate ko. At saka, baka isipin nilang hindi pa ako nakuntento sa mga lalaki sa club at kinailangan ko pa talaga'ng mag-uwi rito. " Aniya.

"Sige. Pero kapag nagbago na ang isip mo at tanggapin mo ako bilang kaibigan mo, huwag kang magdalawang isip na tawagan ako huh. Kapag kailangan mo rin ng trabaho o ano ma'ng tulong, nandito lang ako. Nakahanda akong dumamay sa'yo." Seryosong habilin ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang pagkaasiwa niya. Kaya naman ako lang din ang unang umiwas. Ibinaling ko sa kung saan ang aking paningin at hinintay ko ang magiging kasagutan niya.

"Salamat, pero sa palagay ko ay hindi na magbabago pa ang aking isip." aniya at walang pasabi na tinalikuran niya na ako.

Hinayaan ko na lang itong makapasok sa loob at nanlulumong bumalik na lamang ako sa aking sasakyan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Obsession   Epilogue

    HINDI ko maiwasan ang mapangiti habang sumisimsim ako ng kape sa may veranda. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang aking anak na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan habang nakikipaglaro sa mga bata.Umaalingawngaw din sa buong paligid ang malutong nitong halakhak na wari'y nagpapaalala saakin kay Kiera. I missed her so much! Pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na kailanma'y hindi na siya namin maaaring mayakap pa at mahagkan. Tanging ang mga magagandang ala-ala niya na lamang ang magsisilbing lakas at pag-asa namin sa bawat hamon ng buhay na aming haharapin.Akmang sisimsim akong muli ng kape nang may biglang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon ng makita kong si Nay Bebang iyon."Batid kong masayang-masaya na ngayon si Kiera kung saan man siya naroroon." Anang matanda.Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Tama ka 'nay at batid ko rin na palagi niya kaming babantayan at gagabayan sa lahat ng oras.""You deserve this kind of happ

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Eight: Revealation

    NANG ma-discharge ang anak ko ay agad kaming nag-usap ni Kiana. Gusto kong makumpirma mula sa kanya ang totoong mga nangyari lalo na kay Kiera."Saan ba talaga tayo pupunta? Palabas na 'to ng Manila eh." reklamo ko habang patuloy na nagmamaneho."Magmaneho ka lang. Mag-uusap tayo kapag nakarating na tayo sa probinsiya." Ani Kiana na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone."What? Bakit hindi mo sinabi na sa probinsiya pala tayo pupunta? At saka, kailangan ba talaga na doon tayo mag-usap at-""Huwag ka ng magreklamo. May sariling kotse ka naman kaya mabilis lang tayong makakarating sa'min." Giit pa niya na naroon pa rin ang atensiyon sa kanyang cellphone."Tss, wala naman problema sa'kin kahit saan pa tayo pumunta. Ang inaalala ko ay si Wynona. Baka ma-""Don't mind her. Sanay 'yan sa pagod at hirap."Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y nilingon ko siya sa backseat na kanina pang nahihimbing ng tulog habang yakap ang kanyang lumang unan.Halos kalahating araw kami na

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Seven: The Truth

    TATLONG araw na ang nakalipas simula ng masalinan ng dugo ang anak ko. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Tatlong araw na rin akong nagbabantay dito sa hospital ngunit hindi man lang pumupunta si Kiera. Gustong-gusto ko ng makausap si Kiana ngunit makikipag-usap lamang daw siya saakin kapag na-discharge na si Wynona."Anak, please lang...gumising ka na. Marami pa tayong kailangan'g gawin at pag-usapan. Gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit." Malungkot na pagkausap ko sa kanya habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Pangako, aayusin ko ang pamilya natin kapag-"Naudlot ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Aling Bebang ang rumihestro sa screen.Kaagad ko iyon na sinagot at nagulat ako nang mapansin kong tila natataranta ang tinig nito. "Nay, what's going on?""Kailan ka ba uuwi? Kailangan natin'g mag-usap." Aniya sa kabilang linya."Tss, nay alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pa

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Six: Accident

    DALAWANG beses sa isang araw kong pinupuntahan ang coffee shop na iyon, baka sakaling bumalik ang batang babae at makausap kong muli. Subalit mag-iisang linggo na akong pabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tila nawalan na naman tuloy ako ng pag-asa. Kaya naman ay bagsak ang balikat na nagmaneho ako pabalik ng opisina. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng coffee shop ay naipit na agada ko ng matinding trapik. Naiinis na napamura ako at napasandal na lamang sa upuan ng aking kotse. Kaya lang ay biglang nakaagaw ng pansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa labas. Na-curious ako at naisipan kong ibaba ang salamin'g bintana ng aking kotse."Excuse me, Miss...what's going on here?""Uhm, sir may batang babae na nasagasaan kaya nagkakagulo ang mga tao at kaya rin biglang nagkatrapik." Anang ginang na nagmamadali rin'g makiusyuso.Sa narinig ko ay tila may sariling isip ang aking mga paa. Mabilis rin akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ko ang mga nagku

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Five: Who is she?

    six years later...Wesley's POV TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan."Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan. Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan."What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya."Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae."Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.Napamaang ako sa kanyang tinuran kay

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Four: Annoyed

    UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin."Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?""Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah.""Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status