Share

Chapter Forty Four: Annoyed

UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.

Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin.

"Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.

Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,

"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah."

"Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Marie Javier
kailan b Ang update nito Ang tagal
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status