Share

CHAPTER 1

Uwian na ngayon. Agad akong lumabas ng classroom namin dahil iniiwasan ko sina Chuchay at Princess. Ayoko muna sila kasabay umuwi dahil baka kausapin nanaman ako ni Apollo at baka asarin ako ng mga asungot; o baka ipagkalat ng malilikot nilang mga bibig 'yung pag-uusap namin. Mga tsismosa pa naman 'yung mga 'yon.

" Hoy! Zaylee! " habol at tawag sa akin ni Chuchay.

Napabuntong hininga ako sabay hinto sa paglalakad.

Hays! Naabutan pa ako!

" Hoy! Bakit ka ba nagmamadali? Kakatapos pa lang ng klase natin 'tapos bigla ka na lang lumabas nang napakabilis! Ano ba nangyayari sa 'yo? May problema ka ba? O baka naman…..dahil kay Apollo!! "

" Ano'ng Apollo? Saan mo naman nakuha o narinig 'yan?! " taas kilay kong tanong sa kaniya;naiinis.

Tangina! Ano 'to?! Ambilis talaga ng mga tsismosa? Huwag mong sabihing alam nila 'yung nangyari kahapon?!

" Wow,ha! " palakpak ni Chuchay. " Maang-maangan pa ang dalagita! Hoy! Kalat na kaya sa buong 'yung nangyari sa inyo ni Apollo kagahapon! Hindi mo man lang sinabi sa amin na kayo na pala ni Apollo! Fake friend! " umirap ito.

Ano raw????!!!!!!!!!! Ano'ng kami na ni Apollo?! Saan naman galing 'yang putanginang tsismis na 'yan?!! Kahapon pa nga lang nangyari 'yung pag-uusap na 'yon,eh! Kami na agad?!

" Ano?! " gulat,pasigaw,at nanlalaking mata na tanong ko kay Chuchay.

Dahil sa ginawa kong 'yon ay nagsi-tinginan ang mga estudyante sa aming dalawa ni Chuchay; 'yung iba ay nagtatawanan pa at takang nakatingin.

Napasapo ako ng noo ko sabay labas ng malakas na buntong hininga; napakamot at napailing rin ako sa hiya.

" Ano?! Saan mo naman nalaman na kami na?! " ulit ko ngunit sa ngayon ay pabulong na ito.

" Ano'ng 'Ano' ? " taas kilay at nalilitong tanong ni Chuchay; nagkamot pa ito ng kaniyang ulo. " Gaga ka! Hindi ba't kayo na ni Apollo? Rinig ko riyan sa tabi-tabi na naghalikan daw kayo kahapon! Which is true dahil nanggaling ito sa magandang bibig ni Apollo!! Hoy! Huwag kang magseselos,ah! Joke lang 'yon! Tsk! Kaya pala iniwan mo kami ni Princess kagahapon! Nakikipagkalikan ka pala kay Apollo!! " kilig na kilig at tuwang-tuwa na sabi nito sa akin!!!

Gago talaga 'tong si Apollo! Palagi na lang ako 'yung trip niya! Humanda siya sa akin! Bwiset siya!

Agad kong ibinaba ang bag ko sa sahig at mabilis na lumuhod; Hinanap ko 'yung pamaypay ko sa loob ng bag; Nang makita ko ito ay agad akong tumayo at hinawakan nang mahigpit ang pamaypay ko.

" Hoy! Zaylee! Saan ka pupunta?! Hoy! " tawag pa sa akin ni Chuchay ngunit hindi ko na ito pinansin pa at dere-deretso akong naglakad nang mabilis papunta sa loob ng aming classroom.

Pagkapasok ko ay hinanap ng dalawa kong mata si Apollo. Nandito siya; Tumatawa habang naka-upo sa isang upuan at nakapandekwatro.

" Hey,Dude! Your beautiful girlfriend is here. But, dude, look at her face….she looks angry…..but beautiful…...dude…. " sabi nung Mike na puro English lang ang alam.

" Why are you here,babe? " tumayo ito sabay ayos ng kwelyo ng kaniyang uniform.

Agad kong ibinuwelo ang aking mga kamay at malakas na hinampas ang pamaypay sa braso ni Apollo.

" Aray! " napahawak si Apollo sa kaniyang braso; Agad niyang iniangat ang manggas ng kaniyang uniform at agad na tinignan 'yung braso niya; namumula ito.

" Ooohhhhh! " sigaw ng ibang mga kasamahan ni Apollo.

Hindi Ako nagpatinag sa mga sigawan ng mga tao sa paligid ko. Malakas na hampas ulit ang binitawan ko ngayon; akalain mong sampal ng Nanay mong galit na galit sa 'yo; pero sa ngayon ay sa kaliwang braso ko naman ito hinampas.

" Aray ko! Ano ba?! " inis at galit na galit niyang hinawakan niya ang kanang kamay ko kung saan hawak-hawak ko 'yung pamaypay; halos umusok ang ilong nito at kumulo ang dugo niya sa buong katawan dahil sa galit.

" Ano masakit ba?! Siraulo kang hayop ka! Ano 'tong naririnig ko na ipinagkalat mo raw na magjowa tayo,ha?! Gago ka ba,ha?! Hindi ka ba nag-iisip?! Tangina mo! Hinding-hindi kita magugustuhan 'no! Mas gugustuhin ko pang halikan 'yung pulubi kaysa sa mayabang na katulad mo! " sigaw ko sa kaniya.

Nag-iinit at kumukulo nang sobra 'yung dugo ko ng dahil sa lalaki na 'to! Bwiset! Kung ano-ano ng salita ang ibinato ko sa kaniya sa inis!

" Tsk! " marahang itong tumawa sabay lagay ng kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. " Hindi magugustuhan? " dahan-dahang itong naglakad papalapit sa mukha ko.

Tangina! Ano namang gagawin nito,ha?! Konti pang lapit sa akin nito ay hindi ako magdadalawang isip na sipain 'yung itlog ng h*******k na 'to!

" Eh….paano kung ilapit ko 'yung malambot na labi ko sa labi mo…..hindi mo pa rin ba magugustuhan? " hinawakan niya ang bibig ko dahan-dahang inilapat ang kaniyang labi sa labi ko.

Tangina ang lambot nga…..

HINDI! HINDI! HINDI! HUWAG KANG MAGPAPAUTO SA MOKONG NA 'TO,ZAYLEE!!!

Agad kong hinawakan ang kaniyang dibdib at malakas kong itinulak ang kaniyang katawan.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin ngunit bigla ko siyang sinampal nang napakalakas; kitang-kita ko kung paano tumalsik 'yung kaniyang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.

" You! " napalingon ako.

Patay…...Si Ma'am Anna……

Hays! Sa lahat-lahat pa ng teacher na makakakita ng pagsampal ko kay Apollo eh 'yubg terror pa! Pero sana hindi niya nakita,huhu!

" Anong ginawa mo?! Bakit mo siya sinampal,ha?! What is your full name?! "

" Z-Zaylee po…. "

" I said FULL NAME!!! "

Halos tumagos sa pinakaloob-looban ng tainga ko 'yung pagsigaw ni Ma'am Anna. Parang babae lang sa kanto na kung bumirit daig pa 'yung manok sa pagtilaok.

" Z-Zaylee Veronica F-Ferrer po….. "

" ZAYLEE! VERONICA! FERRER! Sumama ka sa akin sa guidance office! Now na! "

Guidance office?!!! Hindi ito pwede! Ayokong ma-guidance dahil baka maaapektuhan ang pag-aaral ko!!!

" G-gui

" O-opo…. "

Agad akong sumunod kay Maam Hannah. Nakayuko akong naglakad dahil nahihiya ako. Napakaraming estudyante ang nakatingin sa akin.

LABAS NG GUIDANCE OFFICE.

" Ikaw bata ka. Huwag mong tatangkaing magsalita kapag nakapasok na tayo sa loob. Ako na ang bahala na magpaliwanag ng kalokohang gniawa mo. " bulong nito sa akin at masama akong tinignan.

" O-opo. " sagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Ma'am Anna…..Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong pagsalitain…..

Kinakabahan at natatakot ako…..namumutla ako dahil sa kaba…..kung kailan graduating pa naman ako….ngayon pa Ako ma-gaguidance.

Sana hindi ko na lang sinugod si Apollo! Sana nilabanan ko na lang 'yung inis ko! Hays! Tangina talaga!

Binuksan ni Ma'am Anna 'yung pintuan ng Guidance Office at agad kaming pumasok; at agad na binati ni Ma'am Anna 'yung Guidance Councilor.

" Good afternoon po, Ma'am Lalaine…. "

Ma'am Lalaine pala 'yung name ng Guidance Councilor ng school na 'to; Ngayon ko lang nalaman,ah.

" Good afternoon din. Ano ang sadya mo ngayon, Ma'am? " ibinaba ni Ma'am Lalaine ' yung hawak niyang ballpen.

" Itong estudyante na po, Ma'am. " turo niya sa akin. " Sinampal niya 'yung isang estudyante na wala namang ginagawa sa kaniya. Kaya ito,pinagalitan ko at dinala ko rito para matauhan. "

Ano???? Ano'ng walang ginawa? Hinalikan ako! Hinalikan! 'tsaka ilang beses niya ring akong pinagtripan, 'no! Bakit parang ako pa 'yung may kasalanan??!

Pilit kong pinakakalma ang aking sarili dahil ayoko ng mapasok pa sa ano mang kaguluhan ngayon. Kahit na naaasar ako sa pagsisinungaling ni Ma'am Anna. Hindi ko alam na ganito pala 'yung ugali nito….Kaya naman pala halos lahat ng estudyante ay ayaw sa kaniya…

" Bakit mag-isa lang siya? Nasaan 'yung sinampal niya? "

" Pinauwi ko na po, Ma'am. Nakakaawa po kasi 'yung mukha niya,eh. Pulang-pula po….sure po ako na mamamaga 'yun…. "

Ano raw??!! Sinungaling talaga! Ano'ng pinauwi?!

Andami kong gustong sabihin dahil sa galit ngunit ayaw kong isakripisyo ang ilang taong paghihirap ko at paghihirap ni Mama para lang ilabas 'yung galit ko kay Maam Anna.

" Alam mo na kailangan ding dalhin 'yung isang bata,hindi ba? Sandali lang naman tayo rito….bakit hindi mo siya isinama? "

" Pasensya na po, Ma'am….hindi na po mauulit. "

" Sige. But tomorrow,you need to bring him here,okay? Ayokong makinig sa isang bata lang…you can go now,Ma'am Anna. "

" A-ano po? Hindi po….sasamahan ko po siya rit— "

" I said you can go now. Ako na ang bahala sa kaniya. "

" S-sige po, Ma'am. "

Dahan-dahang naglakad papalabas si Ma'am Anna. Marahan pa siyang tumingin nang masama sa akin bago umalis. Wala ata sa plano niya na iwan ako rito.

Utang 100 kau tita

" Zaylee? Umupo ka rito…. I have some questions…..I hope you will be honest to me. "

" O-opo,Ma'am Lalaine…… "

" Just call me 'Ate Lalaine', okay? "

" O-okay po. Ate Lalaine. "

Nagkaroon ako ng kaunting kaginhawaan dahil sa narinig ko. Mabait pala itong Guidance Councilor namin at hindi isang sinungaling at masungit kagaya ni Ma'am Anna.

" Sige. Ano ba ang pinagmulan ng away niyong dalawa nung nakaaway mo? At bakit nauwi sa sakitan? "

Napaisip ako…...hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon kay Ate Lalaine. Kung pinagkalat ba ni Apollo na mag-girlfriend kami o dahil hinalikan niya ako….

Siguro mas maganda kung sasabihin na lang na nagalit ako sa kaniya dahil hinalikan ako ng bwiset na Apollo na 'yon kaysa sabihin ko na ipinagkalat niya na mag-girlfriend kami kahit hindi naman totoo.

" Kasi nasa classroom pa po kasi ako noon, Ma'am. Pagkatapos po inaasar-asar niya ako. Sinasabi niya na may gusto raw ako sa kaniya kahit wala naman po…kaya sinabi ko sa kaniya na: 'mas gugustuhin ko pang halikan 'yung pulubi kaysa sa kaniya na masama ang ugali' kaya 'yon po…..bigla niya akong hinalikan. Kaya sinampal ko po siya…. "

" Oh,Ano ba ang pangalan nung naka-away mo? "

" Ahmmm…..Apollo Ray Holland po ata 'yon…. "

" Ahh. Kilala ko 'yan; siya 'yung sikat,hindi ba? Pasaway talaga 'yan. Hayaan mo,pagsasabihan ko 'yung bata na 'yon. "

" Sige po. "

" Wala ka ng iba pang aalalahanin. Hindi ko na ipapatawag ang magulang mo at hindi ko rin ilalagay ang pangalan mo sa records ng mga na-guidance. Basta sa susunod ay hindi ka na gagawa pa ng bagay na ikakapahamak mo,ah? "

" Opo,Ma'am. Maraming salamat po. " tuwang-tuwang sabi ko.

" Walang anuman. Pwede ka na ngayong maka-uwi. Mag-iingat ka. "

" Opo, Ma'am. Thank you po ulit. " hinawakan ko ang kamay ito.

Pagkatapos kong makipagkamay ay tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan at binuksan ito para lumabas.

Nang makalabas na ako ay mahabang buntong hininga ang inilabas ko. Kinabahan ako nang sobra kanina pero buti na lang ay mabait sa akin si Ate Lalaine.

Naglakad ako nang mabilis para agad na makalabas ng school. Nang malapit na ako sa gate ay biglang may tumawag sa akin.

" Zaylee! Zaylee! " napalingon ako sa waiting shed dahil doon banda nagmumula 'yung boses.

Woo! Si Chuchay lang pala. Akala ko naman kung sino. Kinabahan tuloy ako. Akala ko problema nanaman,eh.

Agad akong lumapit kay Chuchay at umupo sa tabi nito.

" Kanina pa kita inaantay! Antagal mo naman! Ano ang nangyari? Ipapatawag ba 'yung Mama mo? Hoy! Ano ba 'yung nangyari?! Hoy! " sunod-sunod na tanong ni Chuchay.

" Hoy! Isa lang ako,bwiset ka! Walang nangyari! Okay na! Mabuti na lang ay mabait 'yung Guidance Councilor. Kung hindi...naku!!! Wala na finish na! Baka madamay pa 'yung scholarships ko. Graduating pa naman ako. "

" Mabuti naman. Oh,siya. Dito ka muna. Bantayan mo itong bag natin. Pasalamat ka nga pala sa akin dahil naisip ko pang dalhin 'yang naiwan mong bag! "

" Wow,ha! Thank you po,Chuchay! "

" Oh,siya! Bibili muna ako ng pagkain ko sa canteen. Ikaw? Papabili ka ba? Sabihin mo na para maisabay ko sa pagbili ko. "

" Tubig na lang sa akin 'tsaka kanin na may itlog; 'yung naka styrofoam ba 'yon. " kinamot ko 'yung ulo ko. " Ah,Basta! Nakalimutan ko na agad 'yung tawag doon! "

" Makakalimutin ang putek! "

" Happy meal ata 'yung tawag doon. "

" Happy meal,ampota! Ano 'yang oorderin mo? MCDO? " malakas itong tumawa.

" Parang ibon tumawa ampotek! "

" Pakialam mo! "

" Bakit wala nga pala si Princess? "

" Sinundo ng Kuya niya nang maaga. Oh,Siya! Mamaya na tayo mag-usap! Hindi na ako makakabili nito,eh! "

" Oh, Sige! "

Naglakad na si Chuchay papunta sa direksyon kung saan matatagpuan ang Canteen.

Ako naman ay kinuha 'yung yema sa tupperware at kumuha ng dalawang pirasong yema para kainin; Medyo nagugutom na kasi ako.

Pinagpag ko na rin 'tong bag ko. Narumihan kasi ng kaunti.

Hays. Baka nag-aalala na si Mama. Hindi pa naman ako nakapag-text sa kaniya kanina….Text ko kaya? Kaso baka sabihin nagsisinungaling ako…. sabihin ko na lang nalowbat tapos patayin ko na lang 'tong cellphone ko mamaya.

" Zaylee! "

Napalingon ako banda sa isang nakaparadang sasakyan.

Si Ma'am Anna…...Kaya naman pala pang matanda 'yung boses...Joke….hehehehe..

" Oh? Ano ang tinitingin-tingin mo riyan? Lumapit ka rito! Pasaway na bata! "

Luh? Problema nito?

Agad kong isinara ang bag ko at tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Ma'am Anna.

" Oh, ano ang nangyari doon? Ano ang sinabi mo? "

" Ahmmm….. "

" Ano?? Bingi ka ba?! " pilit na hinihinaan ni Ma'am 'yung boses niya.

Natatakot na ako ngayon nang sobra kay Ma'am Anna; Para siyang siraulo na baliw….

" Sabi ko po…..Sabi ko po sinampal ko lang siya dahil gusto ko lang po… " pagsisinungaling ko.

Isang malakas na sampal ang binitawan ni Ma'am Anna. Ramdam ko ang sakit nito dahil halos tumama na sa buong buto ng mukha ko 'yung kamay ni Ma'am Anna.

Tangina niya….

Gusto kong maluha ngunit pinipigilan ko dahil ayokong isipin niya na mahina ako….

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status