The Billionaire's Offer

The Billionaire's Offer

last updateLast Updated : 2022-08-08
By:  AdrianOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Hindi inaasahan ni Zaylee na ooffer-an siya ng kaniyang pinaka-kinaaayawang tao sa buong buhay na si Apollo na maging isang girlfriend niya sa loob ng isang buwan. tatanggapin Niya kaya ito??

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Nakaupo ako ngayon sa waiting shed ng aming paaralan. Naghihintay ako na dumating 'yung dalawa kong kaibigan na napakakulit. Pinagalitan nanaman kasi 'yong si Chuchay ng teacher namin dahil napakaingay niya 'tapos nadamay pa si Princess.

Habang naghihintay ako ay kinuha ko sa bag ko 'yung tupperware na may lamang yema na kaninang madaling araw ko ginawa. Kailangan ko kasing makaipon ng pera upang matulungan ko si Mama sa mga gastusin ko sa paaralan.

Inilagay ko sa kahel na plastic ang mga piraso ng yema upang mamaya ay mabenta ko ito sa mga taong makakasalubong ko sa kalye.

" Hoy! Babae! Kanina pa kita hinahanap! Andirito ka lang pala! "

Napabuntong hininga ako. Pamilyar at alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng malalim ngunit makulit na boses na tumawag sa akin.

Agad kong ibinaba ang mga tupperware at mga plastic na hawak ko. Tinignan ko kung sino ba 'yung tumawa sa akin.

Hays! Sabi ko na nga ba,eh! Hayssss!!!!!

Si Apollo na 'KUMAG' , 'MAYABANG' at syempre 'yung pa-cool na 'RICH KID' sa school na ito.

" Bakit? Bakit mo ako hinahanap? Aasarin at pagtitripan mo nanaman ako? Alam mo,wala ka na bang ibang maisip? Kung hindi pagtripan ako,ha? " taas kilay na sabi ko sa kaniya.

Tangina neto,eh! Sigurado na aasarin nanaman ako nito! Konti na lang talaga ay iisipin ko ng may gusto sa akin 'tong kumag na 'to!

" Chill! Chill! Alam mo kasi……narinig ko lang naman kanina……na kailangan mo ng pera…..so….I'm here to give you a money! " umupo ito sa tabi ko.

Kahit pala mayaman ay tsimosa, 'no??

" So….ibig sabihin ay tsimosa ka pala? " sarkastiko akong tumawa.

" Ano'ng tsimosa? Hindi,'no! Sa gwapo kong 'to? Alam mo kasi,Zaylee….gusto ko lang namang makatulong…..alam mo kasi maawain ako,eh…..naaawa ako sa mga taong kailangan ng tulong……kaya tinutulungan ko ito…… "

Aba! Yabang talaga nito! Konti na lang talaga ay sasapakin ko na 'yung pagmumukha nitong kumag na 'to!

" Yabang mo! " tumayo ako at inilagay ang isang kamay ko sa aking bewang at ang isa naman ay itinuro sa pagmumukha ni Apollo. " For your information! Hindi ko kailangan ng tulong ng katulad mo, 'no! Porket mayaman ka ay gaganyanin mo na ako! 'Tsaka,hindi ko kailangan na kaawaan mo ako! Hindi ako kaawa-awa,tandaan mo 'yan! "

" Oh,sige-sige…...Pasensya na sa lahat ng nagawa ko sa 'yo……Basta,pumayag ka na sa akin na tulungan kita sa problema mo sa pera…..basta gagawin mo lang ang ipapagawa ko sa 'yo. "

" Wow! " pumalakpak ako. " Anggaling mo naman! Sanaol! Matapos mo akong pagtripan at kung ano-anong pang-aasar ang ibato mo sa akin?? Isang sorry lang ang sasabihin mo? 'Tsaka may ipapagawa ka pa talaga,ha?! Kapal! "

" Sorry na! Sorry na! Sorry na! Sorry na one milion times! Please pumayag ka na please! Simpe lang naman ang ipapagawa ko sa 'yo,eh. Magpapanggap lang naman na girlfriend ko sa loob ng isang buwan tapos babayaran kita ng 1 million! "

Ano???!!! Girlfriend?? Ayoko nga! Never!!!

" Ano? Ikaw?! Yuck!!!! Kadiri! No way! "

" Dalawang million? "

" Hindi mo ako madadaan sa pera! "

" Tatlong million? "

" Ewan ko sa 'yo! "

Agad kong kinuha 'yung mga yema at bag ko at agad na tumakbo palayo sa kumag na 'yon.

Aba,gago pala 'yon,eh! Ako?! Magpapanggap na maging girlfriend niya? Ayoko nga! Mas gugustuhin pang maghirap at magtinda ng yema sa kalye kaysa magpanggap na girlfriend niya,'no!!!!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status