The Man who Owned my Destiny

The Man who Owned my Destiny

last updateآخر تحديث : 2026-11-02
بواسطة:  Mariposaمستمر
لغة: Filipino
goodnovel18goodnovel
لا يكفي التصنيفات
5فصول
1وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

I’m Elara Veyne. I’m an archivist. I’m a liar. I’m the daughter of a woman convicted of killing a Vale. And I’m living in the house where it all began. For fourteen years, I waited for answers. What I didn’t expect was a man who watches my every move. Cassian Vale: cold, powerful, and impossible to fool. What I expected even less was that he would look at me the way he does. They say the past is over. But documents keep disappearing. My memories don’t match the records. And someone already knows exactly who I am. When I finally find the truth, who will it destroy first: the Vale family, my mother’s name, or the man I was never supposed to love?

عرض المزيد

الفصل الأول

Chapter 1

Elara's POV

Hindi ko akalaing darating ang araw na maghahain ako ng resignation letter sa kumpanyang apat na taon ko ring pinagsilbihan.

Nakatayo ako sa harap ng desk ni Alisa habang hawak ang isang puting sobre. Kanina ko pa gustong ibigay iyon sa kaniya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko.

"Ano 'yang sobre na 'yan?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumento.

"Resignation letter," maikli kong tugon.

Natigil ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, tila hindi sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.

"Ano?"

"Magre-resign na ako," ulit ko.

"Elara, seryoso ka ba?"

Tumango ako at inilapag ang sobre sa mesa niya.

Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat sa harap. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin.

"Sandali lang. Kailan mo pa pinag-isipan 'to?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Matagal-tagal na rin."

"At ngayon mo lang sasabihin sa akin?" Halos magsalubong ang kilay niya sa pagkabigla.

Bahagya akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako magaling magpaalam."

"Excuse me? Hindi magandang biro 'yan."

Umupo siya sa kaniyang upuan at muling tiningnan ang sobre. Halatang hindi niya nagustuhan ang balita.

Si Alisa ang pinakamalapit kong kaibigan sa kumpanyang ito. Magkasama kaming pumasok noong unang taon ko bilang archivist. Siya ang unang kumausap sa akin noong bago pa lang ako at hindi ko pa alam kung saan kukunin ang mga kailangang dokumento.

Sa dami ng taong nakilala ko rito, siya ang naging dahilan kung bakit naging magaan ang araw-araw kong pagtatrabaho.

"Kailangan mo bang umalis?" tanong niya.

"Oo."

"Bakit? May problema ba sa trabaho? May ginawa ba sa'yo si Manager?"

"Wala naman."

"Kung ganoon, bakit?"

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Gusto ko lang subukan ang ibang bagay."

"Anong ibang bagay? May lilipatan ka na ba?"

"Wala pa."

Napahawak siya sa kaniyang noo. "Elara, paano ka mabubuhay kung wala kang trabaho?"

"May ipon naman ako."

"Alam mo, minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng isip mo."

Natawa ako nang mahina. "Hindi naman ako agad mauubusan ng pera."

"Pero seryoso ako. Apat na taon ka rito. Maayos ang trabaho mo, maayos ang sahod mo, at wala ka namang reklamo. Tapos bigla kang aalis nang walang lilipatan?"

"Alisa, gusto ko lang muna magpahinga sa trabaho, 'yon lang."

Natahimik siya. Hindi ko na kailangang magpaliwanag nang mahaba. Hindi niya alam ang lahat ng dahilan ko, at hindi ko rin balak sabihin sa kaniya ang buong kuwento.

May mga bagay na mas mabuting sarilinin muna.

"May kinalaman ba 'to sa pamilya mo?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi. Personal na dahilan lang."

"At wala talaga akong magagawa para pigilan ka?" malungkot niyang sabi.

"Parang wala na."

Napabuntong-hininga siya at isinara ang sobre. "Ang daya mo naman. Hindi man lang kita makakasabay sa lunch pagkatapos nito."

"Pwede naman tayong magkita kahit hindi na tayo magkasama rito."

"Madali mong sabihin. Paano na ako kapag may kailangan akong kausap tungkol sa mga dokumentong hindi ko maintindihan?"

"Matututo ka rin," maikli kong sabi.

"Wow. Iniwan mo na nga ako, pinagsasabihan mo pa ako."

Pareho kaming natawa. Maya-maya, tumayo siya at niyakap ako.

"Namimiss na kita agad," bulong niya.

Yumakap din ako pabalik. "Magkikita pa rin tayo, Alisa."

"Promise?"

"Promise."

"At kapag may bago kang trabaho, ikukuwento mo sa akin," naiiyak niyang sabi.

"Sige."

"At huwag kang mawawala. Hindi porket nag-resign ka, hindi mo na ako kilala."

"Ang kulit mo."

"Kaibigan mo ako. Karapatan kong maging makulit."

Muli akong natawa. Hindi madali ang magpaalam, lalo na sa mga taong naging bahagi na ng araw-araw kong buhay. Pero alam kong kailangan kong gawin ito.

Pagdating ko sa apartment, agad kong inilapag ang bag sa maliit na sofa. Tahimik na tahimik ang buong lugar.

Wala akong kasama rito kundi ang puting pusa kong si Snow. Nasa tabi siya ng bintana, abala sa pagmamasid sa mga taong naglalakad sa labas.

"Hello, Snow."

Pagkarinig sa boses ko, lumingon siya at agad na lumapit.

Yumuko ako at kinamot ang ilalim ng kaniyang baba. "Na-miss mo ba ako?"

Ngumiyaw siya nang mahina bago kusang umakyat sa sofa. Kahit papaano, may isang kasama akong hindi nagtatanong kung bakit ako umalis sa trabaho.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tubig. Pagkatapos, naupo ako sa sofa at isinandal ang likod sa unan habang iginagala ang tingin sa paligid.

Hindi kalakihan ang apartment ko: isang kuwarto, maliit na kusina, sala, at banyong sapat na para sa mga pangangailangan ko. Hindi ito marangya, pero sapat na para sa akin.

Dito ako nakapagpapahinga. Dito ako nakakakilos nang walang iniintindi ibang tao. At higit sa lahat, dito ako malayang nakakapag-isip.

Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang bank application. Sinuri ko ang natitirang ipon ko. Hindi iyon malaki, pero sapat para makapagsimula ako.

Ibinaba ko ang cellphone at tumitig sa kisame. Wala akong pinagsisisihan sa pagre-resign. Ang hindi ko lang din alam ay kung ano ang naghihintay sa akin.

* * *

Isang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyan akong umalis sa kumpanya. Sa loob ng pitong araw, halos pare-pareho ang ginagawa ko: gumigising nang maaga, nag-aayos ng apartment, naghahanda ng pagkain, at nagbabasa ng mga dokumentong matagal nang nakatago.

Paminsan-minsan ay tumatawag si Alisa para mangumusta. Lagi niyang sinasabi na hindi pa rin siya sanay na wala ako sa kabilang desk.

Ngayon naman ay nakaupo ako sa sofa at nanonood ng palabas sa telebisyon. Nakahiga si Snow sa kandungan ko. Paminsan-minsan ay hinahaplos ko ang malambot niyang balahibo habang nakatutok ang mga mata ko sa screen.

"Ang taba-taba mo na talaga," sabi ko sa kaniya.

Bahagya siyang gumalaw, pero hindi man lang nag-abalang bumangon.

Napailing ako at natawa. Maya-maya, tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Napatingin ako sa screen. Hindi nakarehistro ang numero.

Saglit akong nag-isip bago sinagot ang tawag.

"Hello?"

Walang sumagot agad.

"Hello?" ulit ko.

"Elara?"

Napaupo ako nang tuwid. "Adam?"

"May kailangan tayong pag-usapan tungkol sa plano."

Napatingin ako kay Snow, na nakataas na ang ulo at nakatitig sa akin.

"Akala ko tatawag ka sa susunod na linggo?" tanong ko.

"Nagbago ang plano. Mas mabuting maihanda mo na ang lahat."

Tumayo ako mula sa sofa at mabilis na naglakad papunta sa maliit kong mesa. "Sige. Ano-ano ang kailangan kong ihanda?"

"Ang mga dokumentong napag-usapan natin."

Binuksan ko ang laptop at agad na hinanap ang folder na ginawa ko para sa misyong ito.

"May kailangan pa ba akong dalhin?"

"Siguraduhin mong dala mo ang lahat ng mahahalagang bagay."

"Sige, ihahanda ko na ang mga kailangan," panigurado ko.

"Maghintay ka na lang sa susunod kong tawag. Ibibigay ko sa iyo ang kumpletong detalye."

"Okay."

Natapos ang tawag.

Ibinaba ko ang cellphone at ilang sandaling nakatitig lamang sa laptop. Binuksan ko ang folder na matagal ko nang inihahanda para sa misyong ito.

VALE FAMILY.

Nandoon ang ilang impormasyong nakalap ko: mga lumang balita, litrato, at mga pangalan ng mga taong maaaring makatulong sa akin.

Ngunit may isang bagay akong matagal nang itinatago.

Tumayo ako at nagtungo sa maliit na kabinet sa tabi ng aking kama. Binuksan ko ang pangalawang drawer at inilabas ang isang lumang sobre.

Maingat kong kinuha ang litrato sa loob nito at matagal itong tinitigan.

Isang litratong kupas na ang mga gilid, ngunit malinaw pa rin ang ilang mukha. Ilang beses ko na itong tiningnan, pero wala pa rin akong nakukuhang sagot.

Hinaplos ko ang gilid ng papel gamit ang hinlalaki ko.

"Lara, Lara..." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa litrato. "Ihanda mo ang sarili mo sa panibagong mundong papasukin mo."

Saglit akong napangiti, pero agad ding nawala iyon. Hindi ko alam kung magiging madali ang papasukin ko.

Pero alam ko kung bakit kailangan kong gawin ito. Hindi lang bagong trabaho ang hinahanap ko. May hinahanap akong sagot, at umaasa akong makakamtan ang katotohanang matagal ko nang nais matuklasan.

Muli kong inilagay ang litrato sa sobre at maingat na ibinalik sa drawer.

Pagbalik ko sa sala, nakaupo na si Snow sa sofa at nakatingin sa akin.

"Anong problema?" tanong ko, kahit alam kong hindi siya sasagot.

Nagngiyaw siya. Napailing ako at ngumiti.

"Wala, Snow. May pupuntahan lang ako."

Pero habang pinagmamasdan ko ang maliit kong apartment, may kutob akong iyon na ang huling beses na makikita ko itong ganito.

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


لا توجد تعليقات
5 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status