分享

FOUR

last update publish date: 2023-02-23 15:32:29

“Talaga bang paninindigan mo ang hindi mo pagbisita sa Dad mo, ha, Kaia?”

My train of thoughts were interrupted when the door of my room slammed open. Padabog na pumasok si Tita Aurora kaya’t napaayos ako ng upo. I drew in a long breath before looking at her. “Po?”

“Huwag ka ngang magmaang-maangan diyan. Akala mo ba ay hindi ko malalaman na nagpunta ka ng police station pero hindi mo naman pinuntahan ang Dad mo sa loob. Para saan? Para kausapin ang mga pulis? Para kausapin ang prosecutor na humahawak sa kaso ng Dad mo, ganoon ba? Iyon ba ang ginawa mo, ha?” Malakas na sigaw niya kaya’t nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ako nagsalita at hindi sinabi sa kaniya na kinausap ko nga ang mga tao na iyon. Hindi na niya iyon kailangan pang malaman. At saka isa pa, wala naman akong napala sa pagpunta ko roon. Maliban sa. . .

“Bakit, Kaia, huh? Nilaglag mo na ba ang Dad mo sa mga pulis? Nagsalita ka na ba?” Tita Aurora added as she walked closer towards my direction.

Tulad kanina, hindi ako nagsalita at sa halip ay nag-iwas na lamang ng tingin bilang tanda na wala akong planong sagutin ang mga tanong niya. Malakas na bumuntong hininga si Tita Aurora kaya’t hindi ko napigilang mapasinghap nang bigla niyang hilahin ang buhok ko dahil sag alit.

I closed my eyes tightly to calm myself down. Hindi ko maaaring ipakita sa kaniya na nagagalit din ako kahit ang totoo, gustong-gusto ko na ring hilahin ang buhok niya. It all started because she tolerated my Dad’s wrongdoings. Kung una pa lamang ay pinagbawalan at sinuway na niya si Dad, hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito.

“Tinatanong kita kaya sumagot ka, Kaia. Ikaw ba ang nagsumbong sa Daddy mo sa mga pulis? Ikaw ba ang may pakana ng lahat na ito, ha? If this is your way of your rebellion, then just fucking stop what you’re doing—“

“Hindi ko siya isinumbong, Ita,” kalmadong tugon ko bago tumingin sa gawi niya. Hila niya pa rin ang buhok ko kaya’t hindi pa rin ako nakakawala sa kaniya. “Trust me, hindi ko siya sinumbong. Sinabi ko na naman sa inyo noon pa man na darating din ang araw na mahuhuli si Daddy sa mga ginagawa niya. At ngayon, nahuli na siya. Hindi ko na kasalanan pa kung nahuli na siya dahil sa mga kasamaang ginagawa niya.”

SInubukan kong kumawala sa kaniyang mga kamay ngunit masama niya lamang akong tiningnan. Her bloodshot eyes met my gaze as if she’s scaring me. Malakas akong bumuntong hininga matapos magtama ng aming mga mata.

I am not young anymore. Hindi na ako tulad nang dati na matatakot sa kanila—na matatakot sa sama ng tingin, pangungutya, at pang-aalipusta nila. I am not the same nice and kind Kaia.

They changed me. Bakit pa sila magtataka?

“Kapag nalaman ko na may sinabi kang masama sa Dad mo kaya ka nagpunta roon, sinasabi ko sa ‘yo na hindi kita tatanggapin sa bahay na ito—“

“Tinanong ko sa mga pulis kung hanggang kailan makukulong si Dad,” prenteng sambit ko at kaswal na nagkibit balikat. “You know, kailangan ko ring malaman kung hanggang kailan siya roon sa loob para malaman ko kung hanggang kailan ako magiging malaya. Alam kong pagkalabas niya,a ko kaagad ang pupuntahan niya at gagantihan dahil hindi ko siya tinulungan—“

My words were cut off when my aunt’s palm hit my face. Rinig na rinig ang sampal niya sa loob ng aking silid at dahil sa lakas niyon ay muntik nang mawala ang aking mukha mula sa aking leeg. I scoffed. “Why did you slapped me?” angal ko.

Masama niya akong tiningnan. “Hindi makukulong si Kuya, naiintindihan mo ba?” she shouted, making me chuckle.

“Obvious naman na makukulong siya, Tita. Tanggapin mo na lamang kasi. Mag-aaksaya lamang tayo ng oras para ipagtanggol siya sa kasalanang ginawa naman niya talaga. Kapag tinulungan ko siya, baka sabihin pa ng mga tao na accomplice ako sa pagnanakaw na ginawa niya. I am not a thief—“

“Para namang hindi ka nakinabang sa mga ginawa ng tatay mo! Tingin mo ba, makatutulog ka sa kamang ‘yan kung hindi ginawa ‘yon ng tatay mo, ha?!” Inis na sigaw niya at mas lalo pang hinigit ang aking buhok.

I scoffed before letting out a bitter laugh. “Hindi ko naman ‘to hinihingi sa kaniya. Hindi ko rin siya sinabihan na magnakaw ng kaban ng bayan. I am a Political Science major, Tita. Kahihiyan para sa akin ang kung ano mang ginawa niya, puwede ba? Isinusuka ko siya kaya—“ For the second time, I felt her palm on my cheek.

“Hindi ka pinalaking ganiyan ni Kuya!”

Malakas akong tumawa at matapang siyang hinarap. “You’re wrong, Tita. Ganito ako pinalaki ng Tatay ko. He raised a monster. He raised someone who will be his nightmare. Kasalanan na niya ‘yon dahil hindi niya pa ako pinabayaan kay Mommy!” Sigaw ko at malakas na hinawi ang kamay niya sa aking buhok. Dahil sa lakas niyon ay wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapabitaw sa pagkakahawak sa aking buhok.

I smirked as I confidently rose up from my seat. Walang takot akong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya tulad ng palagi niya sa aking ginagawa tuwing bata ako. I used to be afraid of her. Kapag tinitingnan niya ako nang ganoon, pakiramdam ko ay mamatay na ako noon. But it’s different now.

Sabi nga sa akin ni Dad noong pinanood ko siyang hulihin ng mga pulis, isa akong halimaw. . . I am the monster that they raised and I have to thank them for that.

“Hindi ako nagsalita noong mga panahon na nagdadala ng babae rito sa bahay si Daddy kahit na kasal pa sila ni Mommy. Hindi ako nagsalita kahit na nahuhuli ko silang nagbebentahan ng droga kasama ng mga kapwa niya politico. Hindi ako nagsalita sa tuwing pinagbubuhatan niya ako ng kamay tuwing lasing siya o may nakaaway sa trabaho,” mariing sambit ko bago naglakad patungo sa gawi ni Tita. Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang makita ang bahagya niyang pag-atras.

“But remember how much I begged that time, Tita? Nagmakaawa ako sa inyo ni Dad na kahit man lamang sa burol ng Mommy ko, papuntahin niyo ako. . . pero hindi niyo ako pinayagan kasi sabi niyo, hindi ako puwedeng lumabas dahil iisipin ng mga tao na kaya namatay si Mom ay dahil sa sama ng loob. Kaya kahit namatay na si Mommy, hindi ko man lamang siya nakita. I still stayed silent and obedient after that. Pero noong nalaman ko na itinigil na Dad ang sustento para kay Lola sa probinsiya. . . I can’t handle this shit anymore,” I added.

Tita Aurora scoffed. “Ang doctor na mismo ang nagsabi na magsasayang lamang kami ng pera kung patuloy niyang susustentuhan ang nanay ng Mommy mo—“

“So what?!” sigaw ko. My palm balled into fist upon hearing what she said. “Ano naman kung magsasayang lang kayo ng pera? Nagnanakaw lang din naman siya sa mga tao. . . b-bakit hindi niya pa tulungan ang Lola ko? Saan niya ba gagamitin ang letseng pera na ‘yon?”

Hindi siya sumagot kaya’t mas lalo akong nagpuyos sa galit. “Hindi na akomakikisali pa sa gulo niya. Kung gusto mo siyang tulungan sa kaso, then go and help him. Convince everyone that he’s not guilty when you already knew the truth. Guilty si Dad sa lahat ng paratang sa kaniya. . . at kailanman, hindi ko siya ipagtatanggol sa mga ginawa niya. Pagod na akong maging sunod-sunuran sa kaniya. . . sa inyo. Kaya hayaan niyo na lamang akong mamuhay sa kahit na anong paraang gusto ko,” mariing sambit ko at walang pag-aalinlangang tinalikuran si Tita Aurora.

“Subukan mong lumabas ng bahay na ito at hindi ka na makababalik pa,” banta niya kaya’t hindi ko mapigilang matawa.

Muli akong tumingin sa gawi niya at matamis siyang nginitian. “This house is mine, Tita Aurora. Hawak ko lahat ng papeles ng bahay at ari-ariang nakapangalan sa akin. Hindi rin naman mababago iyon dahil nasa kulungan si Daddy kaya technically, ang akin. . . ay akin pa rin,” pang-iinis ko pa sa kaniya.

Masiyado silang mukhang perang magkapatid at sila pa mismo ang nagpalaki sa akin kaya’t ano pang inaasahan nila, hindi ba? Malamang, magiging katulad din nila ako. Kukunin ko pa rin ang mga bagay na dapat sa akin.

I drew in a long breath before I reached for my coat at purse. Matapos niyon ay saka ako tumingin kay Tita Aurora na tahimik lamang na inoobserbahan ang aking bawat galaw. Ramdam ko ang masamang pagtingin niya sa akin kahit na nakatalikod ako pero hindi naman ako matatakot niyn. I am already invincible. Pasensyahan na lamang kami pero hindi ako magpapatalo sa kanila.

Peke akong ngumiti kay Tita kaya’t mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Pakikumusta na lamang ako kay Daddy. Pakisabi rin sa kaniya na mamamatay muna ako bago siya dalawin at ipagtanggol. I am going to live my life without him. . . happily,” sambit ko at matamis na ngumiti.

She scoffed. “Demonyita ka talagang bata ka!” sigaw niya.

I smiled sweetly before I lifted my shoulder in a half shrug. “It runs in our blood, right?” I asked sarcastically before I turned my back on her.

Taas noo akong naglakad palabas ng bahay. I don’t feel any hint of remorse towards them. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang mag-isa pero wala na akong pakialam. . . basta ang mahalaga, malayo ako sa kanila.

“Beasts like me are supposed to live alone, aren’t we?” I uttered silently.

-----

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Billionaire's Rebound Wife   EPILOGUE

    DYLAN FONTANILLA POINT OF VIEWI used to think weddings were overrated.Lumaki akong uma-attend ng kung anu-anong kasal dahil sa pangalan ng pamilya namin. Politicians, business tycoons, old money families… I've seen almost every kind of extravagant wedding there was. Pare-pareho lang naman ang nakikita ko. A beautiful venue, expensive flowers, a long walk down the aisle, then a promise that not everyone could keep.Back then, I honestly couldn't understand why people became so emotional over one ceremony.Now, standing in front of the altar with my hands tucked inside the pockets of my suit just to hide how restless they were, I finally understood why.

  • The Billionaire's Rebound Wife   EIGHTY FOUR

    KAIA FONTANILLA POINT OF VIEWPagkauwi namin galing sa mansion ng mga Fontanilla, halos wala nang marinig sa loob ng sasakyan kundi ang mahinang ugong ng makina at ang pantay na paghinga ni Paige mula sa backseat. Hindi man lang siya umabot sa kalahati ng biyahe bago siya tuluyang nakatulog. Halata namang napagod siya sa buong araw dahil halos wala siyang ibang ginawa kundi tumakbo sa garden kasama si Lance, makipagkulitan kina Danielle at Iverson, at yakapin ang lahat ng makasalubong niya matapos naming ibalita ang tungkol sa baby. SHe was too happy and proud to tell everyone na she is going to be a big sister now.Napangiti ako habang sinisilip siya sa rearview mirror. Nakayakap pa rin siya sa maliit niyang stuffed bunny at bahagyang nakabuka ang bibig habang mahimbing na natutulog.

  • The Billionaire's Rebound Wife   EIGHTY THREE

    KAIA FONTANILLA POINT OF VIEW Halos buhay na buhay ang buong mansion nang makarating kami. May mga staff na abalang naglalabas ng pagkain sa dining room, habang sa sala naman ay may ilang kasambahay na nag-aayos ng mga bulaklak na bagong dating. Kahit ilang beses na akong nakapunta rito, hindi pa rin ako nasasanay sa ingay at init ng tahanan ng mga Fontanilla. It never felt like one of those intimidating mansions owned by rich families. Somehow, it always felt... lived in. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan agad nang sumalubong sa amin si Lance na tatakbong lumabas ng bahay. Na para bang kanina niya pa hinihintay ang pagdating namin. "There you are!" nakangiti niyang bati kay Paige. "Come here! May ipapakita ako sa'yo." Hindi pa man ako nakakapag-react ay karga na niya agad ang anak namin. "Lance—"

  • The Billionaire's Rebound Wife   EIGHTY TWO

    KAIA FONTANILLA POINT OF VIEWSix months later…"Ano pong mas maganda, Mama?" Tanong ni Paige habang sabay na itinataas ang dalawang dress na hawak niya. "Ito po..." Itinaas niya ang pink na dress na may maliliit na embroidered flowers. "...o ito?" Sunod naman niyang ipinakita ang lavender dress na may ribbon sa may baywang.Kung tama ang natatandaan ko, galing kay Danielle ang pink na dress samantalang sa tatay naman ni Dylan ang kulay lavender na dress.Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit. Halos limang minuto na yata siyang hindi makapagdesisyon."Pareho namang bagay sa'yo, anak,"

  • The Billionaire's Rebound Wife   EIGHTY ONE

    KAIA FONTANILLA POINT OF VIEWSix months later…Hindi ko na namalayang napabuntong hininga ako nang tuluyang huminto ang sasakyan sa loob ng memorial park.Tahimik lang ang buong biyahe namin papunta rito. Paminsan-minsan ay nagkukuwento si Paige tungkol sa mga nangyayari sa bagong school na pinapasukan niya. Nakikinig lamang kami ni Dylan at tumatawa sa bawat kuwento niya.Ilang buwan na ang lumipas simula nang mawala si Tres.Marahan kong hinubad ang seatbelt ko bago bumaba ng sasakyan. I heaved a deep sigh as my eyes roamed around the memorial park.“Mama, dali na.”

  • The Billionaire's Rebound Wife   EIGHTY

    KAIA CLEMENTE POINT OF VIEW“I… I didn’t mean to…”“You did. It happened so many times for it to be a coincidence. Nilayo mo ako kay Mom noon. Tapos ngayon, nilayo mo ako kay Lola… even to my husband! For two years, nabuhay ako kasama ng kung sino. I thought they are my family. Turns out.. T-turns out my husband was waiting for me to come home. I didn’t even know. You took advantage of me. Ginawa mo ‘yun kasi gusto mong ilayo na namana ko sa lahat. For what? I don’t understand you, Dad.”Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Nanatiling nakayuko si Dad habang ako naman ay pinipilit na kontrolin ang paghinga ko. Dylan stayed beside me as his thumb gently stroked my hand.

  • The Billionaire's Rebound Wife   SIX

    “Y-You’re not Kuya Dylan’s girlfriend?”I shot a brow up before lifting my shoulder in a half shrug. “Do I look like I am his girlfriend?” pamimilosopo ko pa. I saw how her face darkened because of what I said but I just shrugged it off. “Danielle naman kasi, sinabi ko naman sa ‘yo na hindi ‘yan s

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIVE

    “Do you really think that being a brat will help you survive, huh, Kaia?” I was pulled out of my own reverie upon hearing Aziel’s name on the other line. I can’t help but to roll my eyes out of disappointment.“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa ‘yo, ha? It wasn’t entirely my fault. Kasalanan niy

  • The Billionaire's Rebound Wife   THREE

    “Anong klaseng mukha ‘yan, Kuya Dylan? Habag na habag?”Mas lalong napasimangot si Dylan matapos marinig ang sinabi ng pinsan. Iverson sat beside him and offered him a glass of wine. Wala siya sa sariling napailing bago tinanggap iyon.“Anong kailangan mo?” he asked as he took a sip.Iverson let ou

  • The Billionaire's Rebound Wife   TWO

    “Lieutenant, hinahanap ka kanina noong anak ni Senator.”Dylan was pulled out of his own reverie upon hearing his co-worker’s voice. Nag-angat siya ng tingin dito at taka itong tiningnan. “Nasaan? Bakit daw?” he asked curiously.Mula nang mahawakan niya ang kaso ng senador na si Senator Clemente, k

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status