Dylan Fontanilla already had everything that any man could wish for: a stable job and a perfect girlfriend. Para sa kaniya ay perpekto na ang buhay niya at wala na siyang ibang mahihiling pa. However, his life changed drastically after waking up with the news that his girlfriend is already set to marry someone else. The reason? His girlfriend cheated on him. In just a snap, he lost the love of his life. Until one drunken night, he crossed paths with Kaia Clemente, the long-time bestfriend slash rumored girlfriend of his ex-girlfriend’s current fiancé. From then on, a plan was created. If he can't have his ex-girlfriend, then he’ll have Kaia instead. Kung agawan lamang din pala ang labanan, hinding-hindi siya magpapatalo sa mga nanloko sa kaniya… kahit na sabihin man ng iba na rebound niya lamang si Kaia. Laro lamang para kay Dylan ang lahat. . . ngunit hindi niya inaasahan na mapupunta sila sa simbahan, sa harap ng altar, at nagsusumpaan.
View More“So, kailan ang kasal?”
Dylan stopped laughing upon hearing his mother’s question. Marahan siyang nag-angat ng tingin nang mapagtantong kanina pa pala nakatingin ang ina sa kaniya. A small smile crept on his lips before he snaked his arm around his girlfriend’s waist. “We’re just waiting for the right time, Ma,” he answered softly.
Agad namang nagtagpo ang kilay ng kaniyang ina matapos marinig ang sinabi niya. “Hindi na kayo bata niyang si Brielle, anak. Ano pa ba ang hinihintay niyo—“
“Don’t force our son, Layla.” Naputol ang sasabihin ng ina niya nang magsalita ang kaniyang ama kaya’t hindi mapigilang mapangiti ni Dylan. “Kaya nang magdesisyon ni Dylan para sa sarili niya. Malaki na ‘yan. At saka isa pa, hindi naman nagmamadali si Brielle. Right, Brielle?”
Dahil sa tanong ng ama ay nabaling ang atensiyon ni Dylan sa kasintahan. He looked at her while waiting for her answer. His girlfriend, Brielle Clarkson, also looked at him. Hindi nakatakas sa mga mata niya ang pasimpleng pagsimangot nito kaya’t hindi mapigilang magtaka ni Dylan nang sa halip na sabihin at totoo ay matamis itong ngumiti sa kaniyang mga magulang.
“Of course, Tito. Kaya ko naman pong hintayin si Dylan. I understand that he’s busy with his work. Maghihintay po ako hangga’t handa na siya,” his girlfriend answered sweetly.
Dylan pursed his lips together before shaking his head. He can sense the frustration on her voice while saying those words.
“Right. Sa pagkakaalam ko ay may bago kang pinagkakaabalahan, Dylan ‘nak. Kaninong kaso nga iyon?” His mother tried to divert the topic.
Hindi naman mapigilang makahinga ni Dylan dahil doon. Talking about marriage suffocates him.
He slowly nod his head and gave a small smile to his mother. “Kaso noong Senador, Ma. Baka magiging abala ako sa mga susunod na buwan dahil ayaw umamin,” he answered.
“’Yong Senator Clemente ba? I saw him on the news the other day.” Dylan nodded as a response to his father’s question. “Ang Tito Damon mo ba ang prosecutor?”
Muling tumango si Dylan bilang sagot sa tanong ng ama. “Baka sa bahay nina Tito Damon muna ako matutulog nang ilang araw, Pa. Mas makakapag-usap kami nang walang sagabal doon. Nakapagpaalam na rin ako kay Tita Ivy,” pagpapaaalam niya sa ama.
Declan Fontanilla, his father, let out a soft chuckle. “Son, you’re already old enough. Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa amin ng Mama mo tungkol diyan,” natatawang bigkas nito kaya’t hindi mapigilang mapailing ni Dylan.
“I’m just giving you a heads up. Baka mamaya, isipin niyo na may kung sino nang pumatay sa akin dahil hindi ako dumadalaw dito at hindi niyo ako mahanap sa bahay ko,” biro niya,
Ngunit sa halip na tumawa, kapwa sumeryoso ang mukha ng kaniyang mga magulang. He cleared his throat and scratched the back of his head. “M-Ma! Sabi mo gumawa si Lance ng donuts. Nasaan?” He tried to divert the topic while laughing awkwardly.
Sabay namang napailing ang kaniyang mga magulang kaya’t muling napakamot ng batok si Dylan. Nawala sa isip niya na hindi nga pala siya maaaring magbiro ng ganoon. His parents won’t be happy if he got hurt. Hindi naging madali ang pagpilit niya sa mga ito para payagan siyang magpulis dahil natatakot ang kaniyang ina na masaktan o mamatay siya sa engkuwentro kaya naman nang pumayag ang mga ito ay ipinangako niya na hindi siya masasaktan o mamamatay dahil sa propesyon.
“Nagbake kagabi ang kapatid mo dahil alam na bibisita ka. May pasok nga lang ‘yon ngayon kaya hindi mo na naabutan,” sambit ng kaniyang ina at tumayo para kunin ang donuts na nakalagay sa refrigerator. Kahit papaano ay muling nakahinga nang maluwag si Dylan dahil hindi na siya sinermonan pa ng ina tungkol sa biro niya.
Matapos niyon ay nagpaalam na ang kaniyang ama na pupunta ito sa kuwarto dahil kailangan pang maghanda. Birthday kasi ng pinsan niya kaya’t pupunta sila roon pagkatapos ng tanghalian. Inihain lamang ng kaniyang ina ang donuts bago sumunod sa asawa.
Nang makaalis ang kaniyang mga magulang ay naiwan sila ng kasintahan sa hapagkainan. Dylan quickly reached out for his favorite food and started eating.
Wala sa sarili siyang napatigil sa pagkain nang mapansing ang pag-iling ng kasintahan mula sa kaniyang tabi. He immediately turned his head towards her direction with an arched eyebrows.
“Is there any problem?” he asked casually.
To his surprise, Brielle hissed. “Ipinahiya mo ako kanina,” naiinis na sambit nito bago nag-iwas ng tingin sa kaniya.
For the umpteenth time, Dylan’s brows arched an inch. “What do you mean? Wala akong ginagawang masama—“
“You did!” Malakas na sigaw nito kaya’t hindi mapigilang tumingin ni Dylan sa second floor sa pag-aakalang baka bumaba ang kaniyang mga magulang at makita ang inaasal ng kaniyang kasintahan.
He let out a harsh breath and firmly closed his eyes to calm down. “Huwag kang maingay. Baka marinig ka nina Mama at Papa,” suway niya rito.
Brielle rolled her eyes and crossed her arms over her chest. “Napahiya na ako sa harap nila kanina kaya ano pa bang ipinag-aalala mo?” she fired back.
“Hindi kita ipinahiya—“
“Ipinahiya mo nga sabi ako!” she shouted once again. “Ano ‘yong sinabi mo kanina na we are just waiting for the right time para magpakasal? Anong right time ang pinagsasabi mo? Dylan, gusto ko nang magpakasal. Ikaw nalang ang hinihintay ko.”
He heaved a deep sigh once again before he reach out for his girlfriend’s hand. “Babe, may trabaho pa ako—“
“’Yan ka na naman, e. Talaga bang mas mahalaga pa sa ‘yo ‘yang letseng trabaho mo? Bakit ba nagpapakahirap ka pa riyan kung puwede mo namang kuhanin ang kumpanya na dapat ay sa ‘yo? Hindi ba ay dapat sa ‘yo mapupunta ang Inara? Pero dahil gusto mong magtrabaho riyan sa cheap na trabaho na ‘yan, ‘yong pinsan mo ngayon ang nagpapakabuhay reyna samantalang ikaw, puro ka trabaho!”
Dylan’s jaw clenched upon hearing Brielle. Gusto niya itong pagsabihan na huwag husgahan ang propesyong tinahak niya ngunit hindi na niya ginawa. Mas lalo lamang silang mag-aaway dalawa kung pupunahin niya pa. Nakasisiguro siyang sa away na naman mapupunta ang usapan nilang magkasintahan dahil kapag trabaho ang pinag-uusapan, paniguradong away ang magiging hantungan.
Muling bumuntong hininga si Dylan habang hinihimas ang kamay ng kasintahan upang pakalmahin ito. “You want to get married?” he asked softly. Mabilis namang tumango si Brielle kaya’t muli siyang napabuntong hininga. “Fine. Tatapusin ko lang ‘tong kasong ‘to tapos pagpaplanuhan natin—“
“Kailan pa?” Brielle cut his words off. “’Yan din ang sinabi mo sa akin noon pero hindi mo tinupad. Kung ayaw mong magpakasal, sabihin mo na agad para hindi na ako maghintay pa!”
“Brielle, of course, I want to marry you. It’s just that my work—“
“Palagi ka nalang trabaho! Dylan, ano ba ako sa buhay mo? Kung totoong mahal mo ako, sana matagal mo na akong pinakasalan.” Iritadong pagputol ng kasintahan sa dapat ay sasabihin niya kaya’t muling napabuntong hininga si Dylan.
Saglit niyang isinara ang mga mata upang pakalmahin ang sarili bago sumagot sa kasintahan. “Brielle, I love you. Alam mo naman iyon, hindi ba? But I just can’t leave my work just like that. Kapag nagpakasal tayo, saan tayo kukuha ng ipanggagastos araw-araw kung hindi ako magtatrabaho? Paano ang mga luho mo? Your Dad won’t give you money anymore, Bri,” mahinahon niyang paliwanag sa kasintahan.
But instead of understanding him, she scoffed. “Sabi ko naman sa ‘yo, kuhanin mo na ang kumpanya sa pinsan mo. That was supposed to be yours! Paano ka yayaman agad kung mags-stay ka lang diyan sa trabaho mo?” she fired back.
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muling napailing si Dylan dahil sa sinabi ng kasintahan. “Babe, my profession is not cheap. Don’t degrade my profession in front of me,” he firmly stated.
“Whatever. Kapag hindi ka pa nagresign diyan sa trabaho mo, I don’t think I can be with you anymore. Palagi ka na lamang walang oras sa akin at kailangan ko pang manlimos ng atensiyon mo. I’m tired with this set up, Dylan!”
“Kaya gusto mong magpakasal na tayo? Bri, kahit na magpakasal tayo o hindi, ganito pa rin naman. I have to work extra hard after our wedding. Kailangan ko munang mag-ipon para sa ating dalawa—“
“Wala akong pakialam diyan. My friends are getting married! Bakit ako. . . bakit ako, ayaw mong pakasalan? Sabi nga ni Tita Layla kanina, hindi na tayo mga bata pa. Why can’t we just get married right away?” Brielle cut his words off once again, making him massaged his temple out of frustration.
“Babe, marriage comes with a great responsibility. And it takes time to get there, all right? Hindi natin kailangang magmadali dahil hindi naman karera ang pagpapakasal. Kapag ikinasal tayo, responsibilidad na kita. Ano na lamang ang sasabihin ng tatay mo kung hindi kita mapakain dahil wala na akong pera pagkatapos nating ikasal? I don’t want to disappoint anyone, Brielle.”
“You won’t dissapoint anyone, Dylan. Kung sana lang kasi ay katulad ka ng mga pinsan mo na mataas ang ambisyon sa buhay, e ‘di sana wala tayong pinagtatalunan ngayon. You know that I won’t settle for less, right? Then do something about yourself. ‘Yan kasi ang problema sa ‘yo, ang baba-baba ng confidence mo kaya napag-iiwanan ka.”
Dylan let out a harsh breath while shaking his head. Kanina niya pa sinusubukang habaan ang pasensiya sa kasintahan ngunit habang tumatagal, mas lalo lamang umiikli ang pasensiya niya dahil sa mga katagang lumalabas sa bibig nito.
“Hindi ako napag-iiwanan, Brielle. Intindihin mo nalang na magkaiba tayo ng mundong ginagalawan. You don’t have to insult me or---“
“I am not insulting you! You already have a billion dollars behind your name, Dylan. Hindi ka pa man naipapanganak, bilyonaryo ka na. Why do you have to settle for less? Bakit kailangan mong magtrabaho nang magtrabaho na para bang wala kang pera? Ang idinadahilan mo sa akin, hindi ka pa handang magpakasal kasi hindi mo kayang tapatan ang luho ko. Well, news flash, you can! Para saan pa ang trust funds mo kung hindi mo gagamitin?”
Dylan’s jaw clenched upon hearing about his so-called money. “Brielle, that’s not mine. At kung akin man ang perang iyon, I’d rather spend it with my future children, too. I’m sure my parents won’t like it kapag nalaman nila na ang ipinamana nila sa akin ay ginagamit ko para lang sa mga luho mo---“
“Ano? Kasalanan ko na naman? Whatever, Dylan. Ang dami mong dahilan!” His girlfriend cut his words off, making him sigh for the umpteenth time.
“Hindi ako nagdadahilan, Brielle. Paulit-ulit na natin ‘tong pinag-uusapan pero hindi mo pa rin naiintindihan. And for goodness sake, nasa bahay tayo nina Mama at Papa. Rito ba talaga tayo mag-aaway, hmm?” Sinubukang pakalmahin ni Dylan ang tono ng pananalita dahil sa pangambang marinig ng kaniyang mga magulang ang pinag-uusapan nilang magkasintahan.
He fully knows that his parents won’t like it if they heard Brielle degrading his beloved profession. Kahit naman noong una ay tutol ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pagpupulis, alam niya na hindi ng mga ito palalampasin kung sakali mang marinig ng mga ito ang sinasabi ni Brielle.
Sa halip na magsalita muli ay padabog na tumayo ang kasintahan at masama siyang tiningnan. “Ang sabihin mo, ayaw mo akong pakasalan,” she angrily said before she turned her back on him.
Dylan sighed. “Babe! Where the heck are you going? Birthday ni Iverson—“
“Ayaw kong makipagplastican sa mga pinsan mo kaya puwede ba, pabayaan mo na ako?” Inis na sagot nito sa kaniya bago diretsong lumabas ng bahay.
Nang maiwang mag-isa ay agad siyang napailing at malakas na bumuntong hininga. He leaned on his chair for a much more comfortable stance while massaging his temples. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa mga magulang kung bakit bigla na lamang umalis ang kaniyang kasintahan.
Kaunti na lamang ay mauubos na ang pasensiya niya irto ngunit pilit niya pa ring ikinalma ang sarili. “You love her, Dylan. That’s what you get for loving her,” he whispered to himself before he reached out for a chocolate donut in front of him.
“Really? Right in front of my donut?” he mumbled and bitterly took a bite of it while reminiscing what just happened a few minutes ago. Muli siyang napailing at sumimangot.
Maybe one day, his girlfriend will finally understand him. Maybe.
2 TBHW 44"Sorry, I'm late. I had to sort things out with my husband before picking you up," agad na sambit ng nanay ni Dylan matapos kong sumakay sa kotse niya.Matipid ko siyang nginitian kahit na ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Akala ko nga ay hindi na siya darating pa kaya't laking gulat ko nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Nagmamadali naman akong sumakay nang tawagin niya ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa."Ayos lang po. Ako nga po ang dapat na magpasalamat dahil nag-abala pa po kayo na samahan ako."Laking gulat ko nang marahan niyang tapikin ang aking palad. Taka ko siyang tiningnan at agad namang bumungad sa akin ang matipid niyang ngiti."Alam ko na hindi ko dapat 'to ginagawa pero may iba talaga akong kutob sa nagpakilalang Kaia. Yes, she really acts like Kaia pero... may iba talaga. I couldn't point it out but my gut tells me that there's something wrong with her," saad niya."P-Pe
2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko siya kanina at napag-usapan namin ang tungkol sa ‘yo. Though just like Dylan, she was also pretty convinced that the Kaia that is with them right now is really Kaia, she still thinks that there’s a possibility that you’re Kaia.”“Tulad ng sinabi ko, hindi naman ako bumalik dito para patunayan na ako si Kaia. Gusto ko lang ng peace of mind. Napasok ako sa gulong ‘to nang walang kaalam-alam kaya gusto kong tuluyan nang masagot ang mga tanong ko,” paglilinaw ko sa kaniya.Hindi kaagad nakapagsalita si Sir Aziel at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kahit na mahirap intindihin... kahit nga ako ay hindi ko rin maintindiha
“I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa. Dahil nilalamig na rin ako ay kaagad kong ininom ang ibinigay niya. Naupo naman sa harap ko si Brielle at tumabi kay Sir Aziel na kanina pa nakamasid sa akin. Kapwa naka-krus ang braso nilang mag-asawa na para bang hinihinaty na magsalita ako at may aminin sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at malakas na humugot ng malalim na buntong hininga. “Salamat nga pala sa pagsundo sa akin kahit na masiyadong biglaan. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng tiyempo na umalis saka wala rin akong pera para sa pamasahe ko kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan kayo,” panimula ko. “Did your fiancé locked you up?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Sir Aziel ay nagbaba na lamang a
Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Paige. Nakasuot na siya ng pajama at bakas sa kaniyang mukha na kanina niya pa pinipigilan ang sariling makatulog dahil sa mapungay niyang mga mata. Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi nang makita ang kalagayan niya. Kinusot niya ang mga mata bago isinara ang pinto at tuluyang pumasok sa silid ko. “Tulog na po si Papa, Mama,” mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit sa puwesto ko. “Sure ka?” Marahan siyang tumango. “Sinubukan ko pong lumabas ng bahay pero hindi niya po ako napansin. Saka po l-lasing po yata ang Papa kaya po mahimbing po ang tulog niya po,” sagot niya. Bahagyang nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lasing si Tres? At bakit naman siya naglasing? Bihira siyang uminom ng alak kaya’t nasisiguro ko na may kung ano siyang pinoproblema kaya niya nagawang
Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila. Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kisame. Halos maghapon na akong nakahiga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras araw-araw. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Tres dahil sa tuwing nag-uusap, nauuwi lamang kami sa pag-aaway at sinusubukan kong huwag nang makipag-away sa kaniya lalo pa’t kasama namin sa bahay si Paige. Mukhang umalis na rin si Dylan sa Siargao dahil mula nang makausap ko siya noon ay hindi ko na siya nakausap pa. Wala rin namang nabanggit sa akin si Tres na nagpakita na naman sa kaniya si Dylan dahil kung sakali man na hindi pa rin tumitigil si Dylan ay hindi rin titigil si Tres sa kaka-sermon niya sa akin at kakapilit na ka
“Tres! Tres, ano ba? Tumigil ka nga!” Nagpapanic na sigaw ko nang muling sinuntok ni Tres si Dylan. Agad akong lumapit sa gawi nila at sinubukang pigilan ang kamao ni Tres ngunit iwinaksi niya lamang ang aking pagkakakapit ko sa kamay niya kaya’t muntik na akong natumba. Hinila niya ang suot na damit ni Dylan at muli itong sinuntok. “Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko, ha? Sino ka ba? Hindi mo ba alam na may asawa na ‘yan?!” Malakas na sigaw niya kaya’t muli akong lumapit sa kanila. “T-Tres, tumigil ka na nga! Ano ba—“ Humarap sa akin si Tres at pinanlakihan ako ng mga mata. “Ano? Aamin kang kabit mo ‘to, ha, Thalia? Lalaki mo ‘to?” Hindi ako nakasagot at sa halip ay wala sa sariling humakbang palayo. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na hindi… na hindi ko kilala si Dylan at walang namamagitan sa amin, hindi ko magawang masabi ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, kapag sinagot ko ang tanong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments