Share

Chapter 62

Parang nakita ko kasi si Hillary sa babaeng nurse na pumasok na mag-aalis ng dextrose ko. Sisigaw sana ako ng mag-iba ang mukha nito.

"Miss, are you alright?" tanong ng nurse sa akin ng mapansin niyang natakot ako.

"Yah! Yah! I thought.. Nevermind!!" wika ko sabay bawi ng gusto ko pa sanang sabihin.

"I see. I will remove it miss. So, you can discharge after.."

"Thank you.." wika ko.

Nagsimula na ang nurse na alisin ang dextrose ko. Ewan ko ba bakit nilagyan pa nila ako ng dextrose, hindi naman ako dehydrated.

Habang pauwe na kami ng Mansyon lulan na kami ng sasakyan, hindi pa rin mawala sa agam-agam ko ang pagdadalantao ko. Siguro nga hindi ko inasahan na mabubuntis agad agad ako.

"Love, bakit? May problema ka ba?" tanong ng asawa ko na katabi ko, siguro napansin niya na malayo ang tingin ko at malalim ang iniisip ko. Napalingon ako dito sabay sabi na: " Wala naman love, iniisip at namimiss ko lang ang mga bata. Ikaw ba hindi mo sila naiisip o namimiss man lang?" balik na tanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status