Beranda / Romance / The Billionaire's Secret Family / 004. The Offer She Couldn’t Refuse

Share

004. The Offer She Couldn’t Refuse

Penulis: Redd Estrella
last update Tanggal publikasi: 2026-06-01 11:25:57

“Tinakasan?” Napabulong ako sa sarili.

Hindi nga pala ako tumakas.

Pinaalis ako. Pinabura. Tinapakan-tapakan.

Binato ko ang cellphone sa kama.

“Hindi,” bulong ko. “Hindi ako babalik doon.”

Hinablot ko ulit ang cellphone at tiningnan ang offer.

Triple ng kinikita ko sa labada at tahi iyong sahod.

Enough para makapag-down payment sa operation ni Mama kung makakakuha ako ng advance. Enough para mabigyan ko si Luna ng magandang buhay.

Tumayo ako at lumapit sa salamin.

Hindi na ako iyong Elnora na umalis sa isla. Noon, mahaba ang buhok ko. Ngayon, hanggang balikat na lang, tuwid at laging nakatali kapag nagtatrabaho.

Noon, maputla ako dahil lagi akong nasa loob ng mansion. Ngayon, mas morena na ang balat ko dahil sa init ng palengke, pila sa hospital, at paghahatid ng labada sa kung saan-saan.

Kung makita nila ako ngayon, makikilala pa kaya nila ako?

Baka hindi.

“Hindi ako babalik.” Bumuntong-hininga ako at pinatay ang screen ng phone.

Kinahapunan, hinatid ko ang plantsadong damit sa mayamang kapitbahay naming si Mrs. Tan.

Inabot ko ang paper bag. “Ito na po, ma’am. All done.”

Binuksan niya ang laman at tiningnan ang mga damit.

“Good naman, Nora. Kaso…” Umayos siya ng pagkakatayo. “Last batch na muna ito, ha? May bago na akong labandera. Mas mura ang singil.”

“Ah…” Pinilit kong ngumiti. “Okay po, ma’am.”

“Don’t take it personally. Budget lang din.”

Gusto kong tumingin sa chandelier niya at sabihing, Ma’am, iyong ilaw ninyo, isang buwan ko nang pagkain.

Pero ngumiti na lang ako.

Paglabas ko, tiningnan ko ang bayad niya.

₱600.

Napailing na lang ako at pinunasan ang pawis sa sentido ko.

Pagdating sa school ni Luna, narinig ko agad ang iyak niya bago ko pa siya makita.

Nasa gilid siya ng gate, hawak ng teacher niya, namumula ang mata. Pagkakita sa akin, kumaripas siya ng takbo at yumakap sa bewang ko.

“Mommy…”

Lumuhod ako. “Anong nangyari?”

Tumulo ang luha niya. “Sabi nila pang-basura raw sapatos ko.”

Napatingin ako sa sapatos niya. Butas na naman ang rubber shoes niya sa harap. Sumisilip na ang maliit niyang daliri.

May kumurot sa puso ko.

“Tinawanan nila ako,” hikbi niya. “Sabi nila bakit daw ako naka-uniform pero yung shoes ko parang galing sa basurahan.”

Niyakap ko siya nang mahigpit, halos nangilid din ang luha sa mga mata ko.

Gusto kong hanapin ang batang nagsabi noon at sabihin sa kanya na hindi kasalanan ni Luna kung mahirap ang nanay niya.

Pero ang pinakaayaw kong aminin?

Naisip ko si Atlas. Kung pinaglaban niya lang sana ang pagmamahalan namin. Kung hindi niya hinayaang maging ganito ang buhay namin. Hindi sana umiiyak ang anak namin dahil sa butas na sapatos. Hindi sana siya natututong mahiya sa edad na lima.

“Mommy, sorry,” hikbi ni Luna. “Hindi ko po sinadyang masira na naman.”

“Anak, no.” Hinawakan ko ang mukha niya. “Hindi ikaw ang may kasalanan.”

Tumayo ako nang maayos at hinawakan ang kamay niya.

“Come on,” dagdag ko. “Bibili tayo ng shoes.”

“Talaga po?” Lumiwanag agad ang mga mata niya.

“Yes, anak.” Kahit hindi ko alam kung paano.

Dinala ko siya sa mall dahil iyon ang unang nakita niya sa jeepney route. Pagpasok namin, kumislap ang mga mata niya sa dami ng ilaw, toys, pagkain, at mga batang hawak ang kamay ng dalawang magulang.

Huminto siya sa harap ng shoe store.

“Mommy, ang ganda.”

Tiningnan ko ang tag.

₱1,499.

Binuksan ko ang wallet ko.

₱860.

Kailangan ko pa ng pambayad sa pamasahe. Gamot ni Mama. Bigas. Bayad sa kuryente. Konting pagkain para bukas.

“Mommy?” tanong ni Luna, hopeful ang boses.

Napangiti ako kahit parang dinudurog ang puso ko.

“Ang mahal dito, anak. Mas marami pang maganda sa Divisoria. Doon, makakabili tayo ng mas cute.”

“Pero ito po…” Hinawakan niya ang pink na shoes.

Tinitigan niya ito nang matagal, bago binitawan.

“Okay po. Divisoria na lang.”

Muntik bumagsak ang puso ko. Bata pa lang si Luna, marunong na siyang mag-adjust dahil alam niyang laging kulang ang pera ng mommy niya.

Paglingon ko, may bumangga sa balikat ko.

“Oh my God. Sorry, I wasn’t looking.”

Napatingala ako.

At biglang tumigil ang mundo ko.

“Elnora?” tawag niya sa akin.

Nanigas ako.

Si Amara Reyes, ang stepdaughter ni Marcelo noon sa Lust Estate. Mas mature na ang hitsura niya ngayon. Mas elegante. Mas matapang ang tindig. Pero ang mga mata niya, ganoon pa rin. Iyong klase ng tingin na hindi agad nanghuhusga.

“Elnora, ikaw ba ’yan?”

Hindi ako nakasagot.

Bumaba ang tingin niya kay Luna, sa luma nitong sapatos, sluha sa pisngi niya, at sa kamay naming magkahawak.

“Hi,” sabi niya kay Luna. “What’s your name?”

“Luna Hope po.”

“Pretty name,” sabi niya.

“Thank you po.”

Napatingin ulit si Amara sa shoes na naka-display, tapos sa akin.

“Let me buy her the shoes.”

“Ma’am Amara,” mabilis kong sabi. “Nakakahiya po.”

“Elnora.”

“Ma’am, please.”

Lumuhod siya kay Luna. “Do you like the pink one?”

Dahan-dahang tumango si Luna.

“Then it’s yours.”

“Ma’am Amara,” bulong ko.

Tumayo siya at tumingin sa akin. “Let me do this.”

Gusto kong tumanggi, pero abot-langit na ang ngiti ni Luna.

Nilunok ko ang pride ko na lasang dugo.

After mabili ang sapatos, sinuot agad iyon ni Luna.

“Mommy, look! Hindi na po mukhang basurahan ang shoes ko!”

Tipid akong ngumiti sa kirot ng naramdaman ko.

Nawala ang ngiti ni Amara. “Who said that to you?”

Ngumuso si Luna. “Classmates ko po.”

Iniwasan ko ang tingin ni Amara sa aki.

Ayokong makita niya kung gaano na kalayo ang binagsak ko mula noong huli niya akong nakita.

Tahimik siyang naglakad sa tabi namin papunta sa food court. Bumili siya ng fries at juice para kay Luna kahit tumanggi ako.

Habang kumakain si Luna, tumingin sa akin si Amara.

“Lust Estate is hiring,” bulong niya.

“Nakita ko po iyong post,” sabi ko.

“You should apply.”

“Hindi na po.”

“Elnora.”

“Wala na po akong lugar doon.” Suminghap ako. “At hindi na po ako si Elnora Velasco. Matagal ko na po iyong nilibing. Nora Santos na po ako.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “I remember you,” she said softly. “And I know you didn’t steal that jewelry.”

Nahugutan ng maliit na tinik ang dibdib ko. For years, siya lang ang taong hindi nagduda sa akin.

“Hindi na po ako puwedeng bumalik, ma’am. Baka may makakilala pa sa akin at patalsikin lang po ulit ako.”

“Maraming nagbago sa isla,” sabi ni Ma’am Amara. “Since Marcelo died, Lust Estate is not the same. Enzo controls more now. I control more than people think.”

“Ma’am…”

“At kung may makakilala man sa’yo, I’ll protect you.”

Tumingin ako kay Luna, masayang kinakagat ang fries habang tinitingnan ang bago niyang sapatos.

Naisip ko bigla si Mama sa hospital. Iyong ₱150,000 down payment. Iyong mga unstable kong trabaho. Iyong upa namin. Lahat ng bayaring pasan-pasan ko.

“Hindi po talaga pwede,” bulong ko.

“You don’t have to decide now.” Tipid siyang ngumiti. “But think about it.”

Hindi ako sumagot.

Kinagaihan, habang natutulog si Luna suot pa rin ang bago niyang sapatos, binuksan ko ulit ang job post.

Lust Estate is hiring.

High salary.

Stay-in.

Medical assistance.

Tinitigan ko ang screen hanggang sa manghapdi ang mga mata ko.

Nilipat ko ang tingin sa anak ko.

At doon ko naintindihan ang isang bagay.

May mga lugar kang hindi na babalikan para sa sarili mo.

Pero kapag anak at magulang mo na ang kailangan mong iligtas…

kahit impyerno, papasukin mo ulit.

Pinindot ko ang message button sa post nang nanginginig ang mga daliri.

Good evening po. Interested po ako sa housekeeping position. Available po ako for interview anytime.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Secret Family   011. The First Time He Saw Luna

    “Nora?” sambit ni Tess mula sa kabilang linya.Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Kailangan kong makausap si Tessa.“Tess,” bulong ko, bumangon habang nanginginig ang kamay ko. “Kailangan nating i-withdraw si Luna sa contest.”“Bakit?”“Dito iho-host ang final presentation sa Lust Estate. Please. Sabihin mo sa teacher niya may sakit siya. May emergency. Kahit ano. Basta huwag siyang pupunta rito.”“Nora, napili na siya sa school level. Sayang naman—-”“Tita Tess? Si Mommy ba ’yan?”Napapikit ako nang marinig ang boses ni Luna.“Tess, huwag muna—”“Mommy!”Parang may kumurot sa puso ko.“Hi, baby,” bungad ko, pilit ginawang normal ang boses ko. “Bakit gising ka pa?”“Hindi ako makatulog, mommy. May surprise ako sa’yo.”Nanlamig ang mga daliri ko sa phone. “Surprise?”“Opo. Pero secret muna.”“Luna... what if huwag ka na muna sumali sa contest?”“Bakit po?” Nabasag ang boses niya.“Malayo kasi. Baka mapagod ka.”“Hindi po ako mapapagod. Promise.”“Baby—”“Mommy, ayaw mo po

  • The Billionaire's Secret Family   010. The Search Begins

    Nililinis ko ang Private Guest Suite nang mapahinto ako sa tapat ng sitting room.“Cancel the mainland inquiry.”Narinig ko ang boses ni Atlas mula sa bahagyang nakabukas na pinto.Nanigas ako sa kinatatayuan at humigpit ang kapit ko sa cleaning cart.Nasa loob siya ng sitting room, kausap ang isang lalaki sa phone.“No,” sabi niya, kalmado pero matalim. “Not the child.”Nanlamig ang dugo ko.“The father,” he continued. “Find the father.”Tumalim ang mga mata ko. Mukhang wala talaga siyang planong tigilan ako.“Start with the school,” sabi niya. “Someone there knows who signs her forms.”Nangatog ang mga binti ko. Tinutukoy niya ba ang school ni Luna? Hindi pwede.Mabilis akong umatras, pero tumama ang gulong ng cart sa gilid ng maliit na mesa.Namanhid ang buong katawan ko nang tumahimik ang loob ng sitting room.“Miss Santos.” Lumabas siya mula sa pinto, hawak pa rin ang phone, madilim ang mga matang tumitig sa akin.Ilang segundo kaming nagsaksakan ng tinginan hanggang sa bumaba an

  • The Billionaire's Secret Family   009. Who’s the Father?

    Hindi ako nakasagot.Humakbang si Atlas palapit, sapat para umatras ako kahit nanginginig ang mga binti ko.“I found almost nothing,” sabi niya. “No clear records. No father listed anywhere I could access. No story that makes sense.”Lumamig ang buong katawan ko. Anim na taon kong sinigurong kaunti lang ang bakas namin. Iba-ibang address. Cash payments. Tulong ni Tessa. Pangalan ni Mama kapag kailangan. Lahat para hindi makarating sa kanila ang anak ko.“Maybe your people are not as powerful as you think,” sabi ko, pinilit na hindi manginig ang boses ko.“Or maybe you’re hiding her because of him.”Kumunot ang noo ko. “Him?”“The father.”Nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.Humakbang siya palapit. “Is that why you left?” Hindi ako nakagalaw. Namanhid ako sa mga titig niyang kasing talim ng itak.“What?”“Was there someone else?”Hindi ako makahinga.“Atlas…”“Did you take the money because of him?” Lumiyab ang mga mata niya. “Did you choose him over me? Is that why you’re hidin

  • The Billionaire's Secret Family   008. He Started Digging

    “Miss Santos,” mas bumaba ang boses ni Atlas. “I asked you a question.”Humarap ako sa kanya, mahigpit ang hawak sa phone. Parang kutsilyo ang talim ng titig niya. “Who calls you Mommy?” May yelong dumulas sa likod ko. “Anak po ng kaibigan ko,”Yumukom ang kamao niya. “Kaya ka niya tinatawag na Mommy?”“Sa akin siya halos lumaki.” Pilit kong pinakalma ang boses ko.“And where is this child?”“Mainland.”“Name?”Nanlamig ang kamay ko. “Bakit kailangan mong malaman?”“I just want to know.”Napakapit ako sa hawakan ng cart, humagod ang sakit sa dibdib. Hindi ko inakalang tatayo ulit ako sa harap ng lalakeng minahal ko habang pinoprotektahan ang anak namin mula sa kanya.“Atlas.”Napalingon kami pareho kay Ma’am Amara. Nakatayo siya sa dulo ng hallway, elegante ang suot na cream blouse at black trousers. Tiningnan niya si Atlas, pagkatapos ako, saka ang cleaning cart sa pagitan namin. “Enzo has been waiting,” sambit niya kay Atlas.Ang sama pa rin ng tingin ni Atlas sa ‘kin. “I’m ta

  • The Billionaire's Secret Family   007. Too Close to Luna's Dad

    “Mommy, ilang sleep po bago ka umuwi?”Natigilan ako sa pagtupi ng huling damit na ilalagay ko sa maliit kong maleta. “Mabilis lang iyon, anak.”Kumunot ang noo niya habang yakap ang luma niyang stuffed rabbit. “One sleep?”Napangiti ako, pero sumakit ang dibdib ko.Ilang tulog ba bago masanay ang anak mo na wala ka sa tabi niya? “Tatawagan kita tuwing gabi,” sabi ko.“Promise?”Ang bigat-bigat ng salitang promise kapag galing sa anak ko.Hinaplos ko ang buhok niya at tumango. “Promise.”Pagdating ko sa Lust Estate, hinigpitan ko ang kapit sa maleta habang bumababa sa service car. Mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang pawis sa likod ko.“Miss Santos?”Napalingon ako sa isang HR staff na lumapit hawak ang isang folder.“Your papers are approved. Ms. Amara already signed the endorsement.”Imbes na gumaan ang loob ko, lalong namilipit ang dibdib ko sa kaba.“Thank you po.”“You’ll be assigned sa east staff wing. Same area as housekeeping. Doña Pilar will brief you later.”Tumango

  • The Billionaire's Secret Family   006. It Was a Trap!

    “What the fu*ck are you doing here?”Nanigas ako sa kinatatayuan at parang napuwing ang mga mata ko sa talim ng titig ni Atlas sa akin.Nanigas ang mga labi ko. Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Kung tutuusin, ang dami.Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako dapat nandito. Na hindi ako babalik kung hindi lang kailangan ni Mama ng operasyon. Na hindi ako lalapit kahit kailan sa kahit anong estate na konektado sa pangalan niya kung hindi lang umiiyak ang anak namin dahil sa butas na sapatos.Gusto kong isigaw na ang kapal ng mukha niyang magalit sa akin.Humigpit ang kapit niya sa braso ko.“Answer me,” madiin niyang sabi.Parang binuhusan ako ng tubig na puno ng yelo.“Bitawan mo ako,” malamig kong sabi.Hindi na ako iyong Elnora na iniiwan sa dilim. Hindi na ako iyong babaeng naghihintay sa pinto. At lalong hindi na ako iyong maid na puwedeng hilahin kung saan-saan ng isang De Silva.Parang kutsilyo ang mga mata niya kung tumitig sa akin. “Nora Santos?” He gave a sharp, humor

  • The Billionaire's Secret Family   005. Atlas Found His Forbidden Maid

    Good evening po. Interested po ako sa housekeeping position. Available po ako for interview anytime.Matagal kong tinitigan ang message bago ko pinindot ang send.Nagpakawala ako ng malalim na hinga. Bahala na.Kinabukasan, ang unang tawag na natanggap ko ay hindi galing sa Lust Estate.Galing sa h

  • The Billionaire's Secret Family   003. A Mother’s Desperate Choice

    “Mommy!”Napakurap ako nang marinig ang maliit na boses mula sa kama.Huminto ang kamay ko sa pagtatahi ng laylayan ng school uniform ng anak ko.Sa sahig ng maliit naming kwarto, kalat ang retaso ng tela, sinulid, lumang plantsa, at isang paper bag ng labada na kailangan kong ihatid mamaya sa kant

  • The Billionaire's Secret Family   002. The Price of Carrying His Child

    “B-buntis ako.” Nabingi ang mundo ko.Hindi ko narinig ang electric fan sa labas. Hindi ko narinig ang mga kasambahay sa hallway. Hindi ko narinig ang sarili kong paghinga.Uminit ang mga mata ko hanggang sa naipon ang mga luha sa gilid nito.Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko.Wala pa akong m

  • The Billionaire's Secret Family   001. The Pregnancy

    Mabilis na inilabas-pasok ni Atlas ang kahabaan niya sa madulas at basang-basa kong pagkababae.“Ang sarap…” Napakagat ako sa ibabang labi, damang-dama ang bawat sayad ng matigas niyang tit*e sa akin.Bawat galaw niya sa ibabaw ko ay sinasabayan ng mahinang langitngit ng lumang kama, pero mas malin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status