แชร์

005. Atlas Found His Forbidden Maid

ผู้เขียน: Redd Estrella
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-01 11:29:08

Good evening po. Interested po ako sa housekeeping position. Available po ako for interview anytime.

Matagal kong tinitigan ang message bago ko pinindot ang send.

Nagpakawala ako ng malalim na hinga. Bahala na.

Kinabukasan, ang unang tawag na natanggap ko ay hindi galing sa Lust Estate.

Galing sa hospital.

“Ma’am Nora Santos?” tanong ng babae sa kabilang linya.

“Opo.”

“This is from billing. We just want to remind you na kailangan pong ma-settle ang initial down payment para ma-schedule ang operation ng mother n’yo.”

Napahawak ako sa gilid ng lababo.

“Kailan po ang deadline?”

“Within five days po sana, ma’am. At least one hundred fifty thousand.”

Tumingin ako sa kawaling may natitirang kanin mula kagabi. Sa kalahating sachet ng kape sa mesa. Sa uniform ni Luna na kailangan ko pa ulit plantsahin.

“Sige po,” sabi ko kahit wala naman talaga akong masabi. “Gagawan ko po ng paraan.”

Pagbaba ng tawag, naupo ako sa maliit na upuan at tinakpan ang mukha ko.

Gagawan ko ng paraan. Iyon ang paborito kong kasinungalingan. Sinasabi ko kapag wala nang bigas. Sinasabi ko kapag tumataas ang lagnat ni Luna. Sinasabi ko kapag may landlord na kumakatok. Sinasabi ko kapag may bagong bill na dumarating at ang laman ng wallet ko ay dalawang bente at resibo ng utang.

Minsan, nakakapagod na rin gumawa ng paraan.

“Mommy?”

Mabilis kong pinunasan ang mata ko bago lumingon.

Nakatayo si Luna sa pinto, suot ang bago niyang shoes, proud na proud kahit pantulog pa rin ang damit niya.

“Tingnan mo, Mommy. Bagay po ba?”

Pinilit kong ngumiti. “Sobra.”

Umikot siya nang kaunti. “Hindi na po ako pagtatawanan?”

“Walang may karapatang tumawa sa’yo, Luna.”

“Pero kapag tumawa po sila?”

“Sabihin mo sa kanila…” Huminga ako nang malalim. “Sabihin mo, at least shoes lang ang may butas. Hindi ugali.”

Napakurap siya, bago tumawa. “Mommy, bad iyon.”

Tumawa na lang ako, hindi maalis-alis ang bigat sa loob ko.

Habang kumakain siya ng pandesal na hinati ko sa dalawa, may nag-notify sa cellphone ko.

Lust Estate HR:

Good morning. Please come for an interview today. Transportation from the mainland port will be arranged. Bring valid ID and basic requirements.

Natigilan ako. Parang may kamay na pumasok sa dibdib ko at piniga ang puso ko.

“Mommy?” tanong ni Luna. “Bakit po?”

“May interview si Mommy,” sabi ko.

“Trabaho po?”

Tumango ako.

“Malayo po?”

Kumirot ang lalamunan ko.

“Medyo.”

“Pwede po sumama?”

Mabilis akong umiling. “Hindi, anak. Stay ka muna kay Tita Tessa after school, okay?”

Umusli ang labi niya. “Okay po.”

Nang mahatid ko si Luna sa school, nag-ayos agad ako para sa interview.

Pagdating ko sa port, pakiramdam ko may buhangin sa lalamunan ko.

May puting service boat sa dulo ng pantalan. May emblem ng Lust Estate sa gilid. A rose wrapped around a serpent.

Noon, sanay na sanay ako sa simbolong iyon. Ngayon, parang sugat siya na muling binuksan.

Lumapit ako sa staff na may hawak na listahan.

“Name?”

Saglit akong natigilan.

Huminga ako nang malalim, saka nilunok ang takot.

“Nora Santos,” sagot ko.

Santos ang apelyido ni Mama noong dalaga pa siya, at Nora ang pangalang ginamit ko sa mainland tuwing ayokong may magtanong kung sino talaga ako.

Tiningnan ng staff ang listahan, saka tumango.

“Housekeeping applicant?”

“Opo.”

“Board.”

Nakahinga ako nang kaunti.

Pag-akyat ko sa boat, mas lalong humigpit ang kapit ko sa bag ko.

Habang unti-unting lumalayo ang mainland, unti-unting lumalapit ang isla.

La Isla Tentación.

Sa malayo, mukha pa ring magandang panaginip ang isla. Puting bangin. Matataas na gate. Mga mansyong nagtatago sa likod ng mga puno. Mga private dock na parang hindi kailanman nadapuan ng dumi sa mundo.

Pagdating namin sa dock ng Lust Estate, halos tumigil ang puso ko.

Sumakay kaming tatlong applicants sa service car na inabutan namin. 

“Ang ganda,” bulong ng isang applicant.

Pagliko ng sasakyan, lumitaw ang malaking gate ng Lust Estate.

Bumalik lahat ng alaala ng sakit at saya. Dito ako natutong umibig, nasaktan, at pinaratangang magnanakaw. Tila tinusok ng karayom ang namamaga pa ring sugat sa puso ko.

Uminit ang mga mata ko pero kumurap-kurap ako. Hindi ako pwedeng maiyak dito.

Pagbaba namin, may staff na sumalubong sa amin.

“This way. Interview will be held sa old east receiving room.”

Napahinto ako. Doon malapit ang staff hallway, lugar kung saan kami palihim na nagkikita ni Atlas noon. 

“Miss?” tawag ng staff.

Nabalik ako sa katinuan.

“Sorry.” Sumunod ako sa mga naunang naglalakad.

Pagpasok namin sa hallway, may dumaan na dalawang maid. Hindi nila ako pinansin.

Hindi nila ako kilala.

Baka totoong sapat na ang bagong pangalan, maikling buhok, mas maitim na balat, at anim na taon ng pagod para hindi na nila ako mamukaan.

Natapos ang interview nang hindi ko maalala kung paano ako nakasagot.

“We’ll call you for updates,” sabi ng babae sa HR habang inaayos ang folder ko. “Please keep your phone open.”

Tumango ako. “Thank you po.”

Paglabas ko ng old east receiving room, saka ko lang napansing nanginginig pala ang mga daliri ko.

Sumunod ako sa staff palabas ng mansion. Naghihintay na ang service car sa driveway para ihatid kaming applicants pabalik sa dock.

Habang pababa kami sa stone steps, hindi ko napigilang lumingon sa mansion. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko.

Pagdating namin sa dock, bumaba ang ibang applicants sa service car, nagbubulungan pa rin tungkol sa laki ng sweldo, sa ganda ng mansion, sa staff lodging na parang hotel daw.

Ako, tahimik lang.

Nakatingin ako sa bangkang naghihintay sa dulo ng pantalan.

Kaunting lakad na lang. Makakaalis na ako. Makakauwi ako kay Luna.

Biglang may humablot sa braso ko.

Bago pa ako makasigaw, nahila na ako palayo sa daan.

“Sandali—” Parang bumalik ang katawan ko sa gabing may dalawang lalaking humila sa akin palabas ng Pride Estate.

“Bitawan mo ako!” singhap ko.

Humigpit lalo ang kapit niya sa akin, hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. Napasinghap ako sa sakit.

Nilibot ko ang paningin. Nasa tagong sulok na ako sa gilid ng stone wall, malayo sa tingin ng mga staff at applicants.

Sinalubong ko ng tingin ang humila sa akin, at nawala ang hangin sa baga ko nang tumama ang mga mata ko kay Atlas.

Namanhid ang buong katawan ko habang nakatitig sa matalim niyang mga mata. Parang pinatay ng katawan ko ang lahat para hindi ako tuluyang mabasag.

Mas mature na ang mukha niya. Mas matigas ang panga. Mas mabigat ang tingin. Mas elegante ang suot. Mas proud ang dating, parang walang anim na taong nawala sa buhay niya.

Parang walang babaeng naghirap nang dahil sa kanya. Parang walang batang lumaking walang ama dahil hindi niya kami pinaglaban.

Walang bakas ng paghihirap sa mukha niya.

At doon nagsimulang sumakit ang dib*dib ko. Sunod-sunod na truck ang sumagasa sa puso ko.

Anim na taon akong gumuho nang paunti-unti.

Anim na taon akong nagbilang ng barya para sa gatas, gamot, pamasahe, bigas.

Anim na taon akong ngumiti kay Luna kahit gusto ko nang umiyak sa sobrang pagod.

Anim na taon akong natakot na baka isang araw, mahanap nila kami at kunin siya sa akin.

Tapos siya, nakatayo sa harap ko.

Mukhang galit, mukhang hindi kailanman nahirapan, proud na proud ang matapang niyang mga mata sa akin.

“Atlas…” Kinamuhian ko ang sarili ko nang manginig ang boses ko.

Napatingin ako sa kamay niyang lalong humigpit sa braso ko.

Sa sakit ng hawak niya, may kung anong nagising na galit sa loob ko.

Ilang taon akong nagtiis dahil sa ginawa sa akin ng mga magulang niya, tapos ngayon, haharapin niya ‘ko na parang siya pa ang galit.

Tiningnan ko siya nang diretso, pilit na tinatatagan ang sarili.

Bago pa ako makapagsalita, nauna na siya.

Matalim ang mga mata niya. Mababa ang boses. Parang bawat salita ay pinipigil niyang gawing sigaw.

“What the fuck are you doing here?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Solly Mondragon
bakit big lang nawawala ang ads?? napuputol ang kwento eh, sa ads lang aq umaasa
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Secret Family   011. The First Time He Saw Luna

    “Nora?” sambit ni Tess mula sa kabilang linya.Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Kailangan kong makausap si Tessa.“Tess,” bulong ko, bumangon habang nanginginig ang kamay ko. “Kailangan nating i-withdraw si Luna sa contest.”“Bakit?”“Dito iho-host ang final presentation sa Lust Estate. Please. Sabihin mo sa teacher niya may sakit siya. May emergency. Kahit ano. Basta huwag siyang pupunta rito.”“Nora, napili na siya sa school level. Sayang naman—-”“Tita Tess? Si Mommy ba ’yan?”Napapikit ako nang marinig ang boses ni Luna.“Tess, huwag muna—”“Mommy!”Parang may kumurot sa puso ko.“Hi, baby,” bungad ko, pilit ginawang normal ang boses ko. “Bakit gising ka pa?”“Hindi ako makatulog, mommy. May surprise ako sa’yo.”Nanlamig ang mga daliri ko sa phone. “Surprise?”“Opo. Pero secret muna.”“Luna... what if huwag ka na muna sumali sa contest?”“Bakit po?” Nabasag ang boses niya.“Malayo kasi. Baka mapagod ka.”“Hindi po ako mapapagod. Promise.”“Baby—”“Mommy, ayaw mo po

  • The Billionaire's Secret Family   010. The Search Begins

    Nililinis ko ang Private Guest Suite nang mapahinto ako sa tapat ng sitting room.“Cancel the mainland inquiry.”Narinig ko ang boses ni Atlas mula sa bahagyang nakabukas na pinto.Nanigas ako sa kinatatayuan at humigpit ang kapit ko sa cleaning cart.Nasa loob siya ng sitting room, kausap ang isang lalaki sa phone.“No,” sabi niya, kalmado pero matalim. “Not the child.”Nanlamig ang dugo ko.“The father,” he continued. “Find the father.”Tumalim ang mga mata ko. Mukhang wala talaga siyang planong tigilan ako.“Start with the school,” sabi niya. “Someone there knows who signs her forms.”Nangatog ang mga binti ko. Tinutukoy niya ba ang school ni Luna? Hindi pwede.Mabilis akong umatras, pero tumama ang gulong ng cart sa gilid ng maliit na mesa.Namanhid ang buong katawan ko nang tumahimik ang loob ng sitting room.“Miss Santos.” Lumabas siya mula sa pinto, hawak pa rin ang phone, madilim ang mga matang tumitig sa akin.Ilang segundo kaming nagsaksakan ng tinginan hanggang sa bumaba an

  • The Billionaire's Secret Family   009. Who’s the Father?

    Hindi ako nakasagot.Humakbang si Atlas palapit, sapat para umatras ako kahit nanginginig ang mga binti ko.“I found almost nothing,” sabi niya. “No clear records. No father listed anywhere I could access. No story that makes sense.”Lumamig ang buong katawan ko. Anim na taon kong sinigurong kaunti lang ang bakas namin. Iba-ibang address. Cash payments. Tulong ni Tessa. Pangalan ni Mama kapag kailangan. Lahat para hindi makarating sa kanila ang anak ko.“Maybe your people are not as powerful as you think,” sabi ko, pinilit na hindi manginig ang boses ko.“Or maybe you’re hiding her because of him.”Kumunot ang noo ko. “Him?”“The father.”Nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.Humakbang siya palapit. “Is that why you left?” Hindi ako nakagalaw. Namanhid ako sa mga titig niyang kasing talim ng itak.“What?”“Was there someone else?”Hindi ako makahinga.“Atlas…”“Did you take the money because of him?” Lumiyab ang mga mata niya. “Did you choose him over me? Is that why you’re hidin

  • The Billionaire's Secret Family   008. He Started Digging

    “Miss Santos,” mas bumaba ang boses ni Atlas. “I asked you a question.”Humarap ako sa kanya, mahigpit ang hawak sa phone. Parang kutsilyo ang talim ng titig niya. “Who calls you Mommy?” May yelong dumulas sa likod ko. “Anak po ng kaibigan ko,”Yumukom ang kamao niya. “Kaya ka niya tinatawag na Mommy?”“Sa akin siya halos lumaki.” Pilit kong pinakalma ang boses ko.“And where is this child?”“Mainland.”“Name?”Nanlamig ang kamay ko. “Bakit kailangan mong malaman?”“I just want to know.”Napakapit ako sa hawakan ng cart, humagod ang sakit sa dibdib. Hindi ko inakalang tatayo ulit ako sa harap ng lalakeng minahal ko habang pinoprotektahan ang anak namin mula sa kanya.“Atlas.”Napalingon kami pareho kay Ma’am Amara. Nakatayo siya sa dulo ng hallway, elegante ang suot na cream blouse at black trousers. Tiningnan niya si Atlas, pagkatapos ako, saka ang cleaning cart sa pagitan namin. “Enzo has been waiting,” sambit niya kay Atlas.Ang sama pa rin ng tingin ni Atlas sa ‘kin. “I’m ta

  • The Billionaire's Secret Family   007. Too Close to Luna's Dad

    “Mommy, ilang sleep po bago ka umuwi?”Natigilan ako sa pagtupi ng huling damit na ilalagay ko sa maliit kong maleta. “Mabilis lang iyon, anak.”Kumunot ang noo niya habang yakap ang luma niyang stuffed rabbit. “One sleep?”Napangiti ako, pero sumakit ang dibdib ko.Ilang tulog ba bago masanay ang anak mo na wala ka sa tabi niya? “Tatawagan kita tuwing gabi,” sabi ko.“Promise?”Ang bigat-bigat ng salitang promise kapag galing sa anak ko.Hinaplos ko ang buhok niya at tumango. “Promise.”Pagdating ko sa Lust Estate, hinigpitan ko ang kapit sa maleta habang bumababa sa service car. Mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang pawis sa likod ko.“Miss Santos?”Napalingon ako sa isang HR staff na lumapit hawak ang isang folder.“Your papers are approved. Ms. Amara already signed the endorsement.”Imbes na gumaan ang loob ko, lalong namilipit ang dibdib ko sa kaba.“Thank you po.”“You’ll be assigned sa east staff wing. Same area as housekeeping. Doña Pilar will brief you later.”Tumango

  • The Billionaire's Secret Family   006. It Was a Trap!

    “What the fu*ck are you doing here?”Nanigas ako sa kinatatayuan at parang napuwing ang mga mata ko sa talim ng titig ni Atlas sa akin.Nanigas ang mga labi ko. Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Kung tutuusin, ang dami.Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako dapat nandito. Na hindi ako babalik kung hindi lang kailangan ni Mama ng operasyon. Na hindi ako lalapit kahit kailan sa kahit anong estate na konektado sa pangalan niya kung hindi lang umiiyak ang anak namin dahil sa butas na sapatos.Gusto kong isigaw na ang kapal ng mukha niyang magalit sa akin.Humigpit ang kapit niya sa braso ko.“Answer me,” madiin niyang sabi.Parang binuhusan ako ng tubig na puno ng yelo.“Bitawan mo ako,” malamig kong sabi.Hindi na ako iyong Elnora na iniiwan sa dilim. Hindi na ako iyong babaeng naghihintay sa pinto. At lalong hindi na ako iyong maid na puwedeng hilahin kung saan-saan ng isang De Silva.Parang kutsilyo ang mga mata niya kung tumitig sa akin. “Nora Santos?” He gave a sharp, humor

  • The Billionaire's Secret Family   004. The Offer She Couldn’t Refuse

    “Tinakasan?” Napabulong ako sa sarili.Hindi nga pala ako tumakas.Pinaalis ako. Pinabura. Tinapakan-tapakan.Binato ko ang cellphone sa kama.“Hindi,” bulong ko. “Hindi ako babalik doon.”Hinablot ko ulit ang cellphone at tiningnan ang offer.Triple ng kinikita ko sa labada at tahi iyong sahod.En

  • The Billionaire's Secret Family   003. A Mother’s Desperate Choice

    “Mommy!”Napakurap ako nang marinig ang maliit na boses mula sa kama.Huminto ang kamay ko sa pagtatahi ng laylayan ng school uniform ng anak ko.Sa sahig ng maliit naming kwarto, kalat ang retaso ng tela, sinulid, lumang plantsa, at isang paper bag ng labada na kailangan kong ihatid mamaya sa kant

  • The Billionaire's Secret Family   002. The Price of Carrying His Child

    “B-buntis ako.” Nabingi ang mundo ko.Hindi ko narinig ang electric fan sa labas. Hindi ko narinig ang mga kasambahay sa hallway. Hindi ko narinig ang sarili kong paghinga.Uminit ang mga mata ko hanggang sa naipon ang mga luha sa gilid nito.Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko.Wala pa akong m

  • The Billionaire's Secret Family   001. The Pregnancy

    Mabilis na inilabas-pasok ni Atlas ang kahabaan niya sa madulas at basang-basa kong pagkababae.“Ang sarap…” Napakagat ako sa ibabang labi, damang-dama ang bawat sayad ng matigas niyang tit*e sa akin.Bawat galaw niya sa ibabaw ko ay sinasabayan ng mahinang langitngit ng lumang kama, pero mas malin

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status