Masuk“Mommy!”
Napakurap ako nang marinig ang maliit na boses mula sa kama.
Huminto ang kamay ko sa pagtatahi ng laylayan ng school uniform ng anak ko.
Sa sahig ng maliit naming kwarto, kalat ang retaso ng tela, sinulid, lumang plantsa, at isang paper bag ng labada na kailangan kong ihatid mamaya sa kanto.
Sa ibabaw ng mesa, may tatlong resibo ng utang, kalahating bote ng vitamins ni Luna, at isang maliit na alkansiyang halos wala nang laman.
Pero sa gitna ng lahat ng iyon, nakangiti ang anak ko.
Si Luna Hope. Limang taong gulang.
Maliit ang mukha niya, malikot ang mata, at may ugaling parang buong mundo ang kalaban kapag hindi niya nakuha ang gusto niya.
Sa kasamaang-palad, alam na alam ko kung kanino niya nakuha iyon.
“Bakit gising ka na?” tanong ko, pilit na pinapalambot ang boses kahit halos hindi pa ako natutulog.
Umupo siya sa kama, magulo ang buhok, yakap-yakap ang luma niyang stuffed rabbit na tinahi ko na ng ilang beses.
“Nanaginip po ako.”
“Anong panaginip mo, anak?”
Lumawak ang ngiti niya. “May malaking bahay daw po tayo. Tapos may garden. Tapos may fountain. Tapos may manong guard na nagbubukas ng gate kapag dumarating tayo.”
Nanigas ang kamay ko sa hawak na karayom.
Pinilit kong ngumiti. “Baka castle iyon, baby.”
“Yes, Mommy.” Kinikilig siyang tumawa. “Sana balang araw tumira po tayo sa ganoon.”
May kumurot sa dib*dib ko.
Napatingin ako sa maliit naming bintana. Sa labas, nagsisimula nang magising ang palengke. May dumadaang tricycle. May nagtitinda ng pandesal. May kapitbahay na sumisigaw ng pangalan ng anak niya.
Tipid akong ngumiti. “Magsusumikap si Mommy para magkaroon tayo ng mas malaking bahay.”
Lumapit si Luna sa akin at sumilip sa tinatahi ko. “Mommy, tapos na ba iyong uniform ko?”
Tinapos ko ang huling tahi, saka kinagat ang dulo ng sinulid. “Yes, anak. Pwede mo nang sukatin.”
“Yehey!”
Pinagmasdan ko lang siya habang sinusuot ang uniform. Pinunasan ko ang pawis na pumatak sa noo ko.
Balang araw, makakaahon din kami sa hirap.
“Mommy?”
“Hm?”
“May nakita po akong picture ng lalaki sa ilalim ng kama ninyo…” Nag-alangan siya, yakap ang stuffed rabbit niya. “Siya ba ang daddy ko?”
Sandali akong hindi nakasagot.
“Luna…”
“Parang kamukha ko po siya.”
Umiwas ako ng tingin. Uminit na naman ang mga mata ko. Sa tuwing naaalala ko ang bigat ng kahapon, parang binabalik ako doon sa mga araw na tinapak-tapakan lang ako.
Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko.
“Anak,” mahinang sabi ko, “hindi lahat ng nasa picture, kailangang hanapin, okay?”
Kumunot ang noo niya. “Bakit po?”
Hinaplos ko ang pisngi niya. “Kasi minsan, may mga taong mas okay nang hindi binabalikan.”
“Pero kung daddy ko po siya…”
“Luna.” Mas mahigpit ko siyang hinawakan. “Mommy is here. Okay? I can be your daddy too.”
Nakita ko sa mukha niya na may naiwan pa ring tanong, pero tahimik siyang tumango.
Ang sikip sa dib*dib.
Kahit anong tahi ko sa damit niya, kahit ilang beses kong ayusin ang sira niyang laruan, kahit ilang trabaho ang pasukin ko para may makain kami, may parte ng buhay niya na hindi ko kayang punan.
Isang ama. Taong dapat sana ay naghahanap sa amin, pero hindi niya ginawa.
Ilang taon ko nang nilulunok ang bubog na iyon.
Noong unang taon, natutunan kong matulog nang nakaupo sa tabi ng duyan niya dahil takot akong may kumatok sa pinto at kunin siya sa akin.
Noong pangalawang taon, natutunan kong ngumiti habang bumibili ng gatas na tingi dahil kulang ang pera ko sa isang lata.
Noong pangatlong taon, natutunan kong magsinungaling sa landlord namin na darating na ang sweldo ko kahit wala pa akong kliyenteng nagpapalaba.
Noong pang-apat, tinuruan ko siyang huwag umiyak kapag hindi kami nakakabili ng birthday cake. Gumawa na lang ako ng pancake na may kandila sa gitna.
Noong panglima, natutunan kong huwag nang tumingin sa mga pamilyang kumpleto kapag Linggo sa simbahan.
At ngayon, habang tinatanong niya kung sino ang lalaki sa lumang picture, natutunan kong may mga sugat pala na hindi naghihilom.
Pagkatapos kong ihatid si Luna sa school, dumiretso ako sa public hospital kung saan naka-confine si Mama.
Amoy alcohol, pawis, at pagod ang hallway. May mga pasyenteng nakaupo sa tabi ng pader, may mga kamag-anak na natutulog sa karton, may batang umiiyak habang hawak ang dextrose stand.
Sa dulo ng ward, nandoon si Mama.
Sobrang payat na niya at maputla. Maliit ang kama na parang isang galaw niya lang, pwede siyang malaglag.
Katabi niya ang kapatid kong si Mira, nakaupo sa plastic chair, hawak ang folder ng hospital papers.
Pagkakita niya sa akin, bumigat agad ang mukha niya.
“Ate…”
Hindi pa man siya nagsasalita, alam ko na.
“Magkano?” tanong ko.
Inabot niya sa akin ang papel.
Kailangan ni Mama ng operasyon. Hindi na puwedeng i-delay, sabi ng doktor. Kung hindi, mas lalala ang puso niya. Mas lalaki ang gastos. Mas bababa ang chance na humaba pa ang buhay niya.
Binasa ko ang estimate.
₱380,000.
Parang nabingi ako.
“May PhilHealth naman,” sabi ni Mira, pero halata sa boses niyang pinipilit lang niya akong pakalmahin. “Pero hindi covered lahat. Kailangan pa rin ng down payment. At least one hundred fifty thousand bago siya mai-schedule.”
Gusto kong matawa sa bigat ng hagod na gumapang sa ulo ko.
“Ate, may mahihiraman ka pa ba?”
Napatingin ako kay Mama. Tulog siya, pero kulubot ang noo niya.
“Wala na,” mahina kong sabi.
“Si ate Tessa?”
“May utang pa ako sa kanya.”
“Yung labahin mo?”
“Nababawasan na.”
“Ano nang gagawin natin?”
Hindi ako nakasagot.
Iyon ang problema kapag ikaw ang panganay. Lahat nagtatanong sa’yo ng sagot kahit ikaw mismo, wala nang alam.
Nang makauwi ako, binuksan ko agad ang lumang cellphone ko. Basag ang screen sa gilid. Minsan, bigla na lang nagha-hang. Pero kailangan kong maghanap ng trabaho.
Laundry assistant.
Stay-in cleaner.
Tailoring helper.
Housekeeper.
Kahit ano.
Nag-scroll ako nang nag-scroll hanggang sa tumigil ang daliri ko sa isang post.
Lust Estate is hiring.
Housekeeping staff.
Stay-in.
High salary.
With meal allowance.
With medical assistance for qualified employees.
Naramdaman kong tumigil ang paghinga ko.
Lust Estate sa loob ng La Isla Tentación.
Ang lugar na minsan kong tinakasan.
“Nora?” sambit ni Tess mula sa kabilang linya.Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Kailangan kong makausap si Tessa.“Tess,” bulong ko, bumangon habang nanginginig ang kamay ko. “Kailangan nating i-withdraw si Luna sa contest.”“Bakit?”“Dito iho-host ang final presentation sa Lust Estate. Please. Sabihin mo sa teacher niya may sakit siya. May emergency. Kahit ano. Basta huwag siyang pupunta rito.”“Nora, napili na siya sa school level. Sayang naman—-”“Tita Tess? Si Mommy ba ’yan?”Napapikit ako nang marinig ang boses ni Luna.“Tess, huwag muna—”“Mommy!”Parang may kumurot sa puso ko.“Hi, baby,” bungad ko, pilit ginawang normal ang boses ko. “Bakit gising ka pa?”“Hindi ako makatulog, mommy. May surprise ako sa’yo.”Nanlamig ang mga daliri ko sa phone. “Surprise?”“Opo. Pero secret muna.”“Luna... what if huwag ka na muna sumali sa contest?”“Bakit po?” Nabasag ang boses niya.“Malayo kasi. Baka mapagod ka.”“Hindi po ako mapapagod. Promise.”“Baby—”“Mommy, ayaw mo po
Nililinis ko ang Private Guest Suite nang mapahinto ako sa tapat ng sitting room.“Cancel the mainland inquiry.”Narinig ko ang boses ni Atlas mula sa bahagyang nakabukas na pinto.Nanigas ako sa kinatatayuan at humigpit ang kapit ko sa cleaning cart.Nasa loob siya ng sitting room, kausap ang isang lalaki sa phone.“No,” sabi niya, kalmado pero matalim. “Not the child.”Nanlamig ang dugo ko.“The father,” he continued. “Find the father.”Tumalim ang mga mata ko. Mukhang wala talaga siyang planong tigilan ako.“Start with the school,” sabi niya. “Someone there knows who signs her forms.”Nangatog ang mga binti ko. Tinutukoy niya ba ang school ni Luna? Hindi pwede.Mabilis akong umatras, pero tumama ang gulong ng cart sa gilid ng maliit na mesa.Namanhid ang buong katawan ko nang tumahimik ang loob ng sitting room.“Miss Santos.” Lumabas siya mula sa pinto, hawak pa rin ang phone, madilim ang mga matang tumitig sa akin.Ilang segundo kaming nagsaksakan ng tinginan hanggang sa bumaba an
Hindi ako nakasagot.Humakbang si Atlas palapit, sapat para umatras ako kahit nanginginig ang mga binti ko.“I found almost nothing,” sabi niya. “No clear records. No father listed anywhere I could access. No story that makes sense.”Lumamig ang buong katawan ko. Anim na taon kong sinigurong kaunti lang ang bakas namin. Iba-ibang address. Cash payments. Tulong ni Tessa. Pangalan ni Mama kapag kailangan. Lahat para hindi makarating sa kanila ang anak ko.“Maybe your people are not as powerful as you think,” sabi ko, pinilit na hindi manginig ang boses ko.“Or maybe you’re hiding her because of him.”Kumunot ang noo ko. “Him?”“The father.”Nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.Humakbang siya palapit. “Is that why you left?” Hindi ako nakagalaw. Namanhid ako sa mga titig niyang kasing talim ng itak.“What?”“Was there someone else?”Hindi ako makahinga.“Atlas…”“Did you take the money because of him?” Lumiyab ang mga mata niya. “Did you choose him over me? Is that why you’re hidin
“Miss Santos,” mas bumaba ang boses ni Atlas. “I asked you a question.”Humarap ako sa kanya, mahigpit ang hawak sa phone. Parang kutsilyo ang talim ng titig niya. “Who calls you Mommy?” May yelong dumulas sa likod ko. “Anak po ng kaibigan ko,”Yumukom ang kamao niya. “Kaya ka niya tinatawag na Mommy?”“Sa akin siya halos lumaki.” Pilit kong pinakalma ang boses ko.“And where is this child?”“Mainland.”“Name?”Nanlamig ang kamay ko. “Bakit kailangan mong malaman?”“I just want to know.”Napakapit ako sa hawakan ng cart, humagod ang sakit sa dibdib. Hindi ko inakalang tatayo ulit ako sa harap ng lalakeng minahal ko habang pinoprotektahan ang anak namin mula sa kanya.“Atlas.”Napalingon kami pareho kay Ma’am Amara. Nakatayo siya sa dulo ng hallway, elegante ang suot na cream blouse at black trousers. Tiningnan niya si Atlas, pagkatapos ako, saka ang cleaning cart sa pagitan namin. “Enzo has been waiting,” sambit niya kay Atlas.Ang sama pa rin ng tingin ni Atlas sa ‘kin. “I’m ta
“Mommy, ilang sleep po bago ka umuwi?”Natigilan ako sa pagtupi ng huling damit na ilalagay ko sa maliit kong maleta. “Mabilis lang iyon, anak.”Kumunot ang noo niya habang yakap ang luma niyang stuffed rabbit. “One sleep?”Napangiti ako, pero sumakit ang dibdib ko.Ilang tulog ba bago masanay ang anak mo na wala ka sa tabi niya? “Tatawagan kita tuwing gabi,” sabi ko.“Promise?”Ang bigat-bigat ng salitang promise kapag galing sa anak ko.Hinaplos ko ang buhok niya at tumango. “Promise.”Pagdating ko sa Lust Estate, hinigpitan ko ang kapit sa maleta habang bumababa sa service car. Mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang pawis sa likod ko.“Miss Santos?”Napalingon ako sa isang HR staff na lumapit hawak ang isang folder.“Your papers are approved. Ms. Amara already signed the endorsement.”Imbes na gumaan ang loob ko, lalong namilipit ang dibdib ko sa kaba.“Thank you po.”“You’ll be assigned sa east staff wing. Same area as housekeeping. Doña Pilar will brief you later.”Tumango
“What the fu*ck are you doing here?”Nanigas ako sa kinatatayuan at parang napuwing ang mga mata ko sa talim ng titig ni Atlas sa akin.Nanigas ang mga labi ko. Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Kung tutuusin, ang dami.Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako dapat nandito. Na hindi ako babalik kung hindi lang kailangan ni Mama ng operasyon. Na hindi ako lalapit kahit kailan sa kahit anong estate na konektado sa pangalan niya kung hindi lang umiiyak ang anak namin dahil sa butas na sapatos.Gusto kong isigaw na ang kapal ng mukha niyang magalit sa akin.Humigpit ang kapit niya sa braso ko.“Answer me,” madiin niyang sabi.Parang binuhusan ako ng tubig na puno ng yelo.“Bitawan mo ako,” malamig kong sabi.Hindi na ako iyong Elnora na iniiwan sa dilim. Hindi na ako iyong babaeng naghihintay sa pinto. At lalong hindi na ako iyong maid na puwedeng hilahin kung saan-saan ng isang De Silva.Parang kutsilyo ang mga mata niya kung tumitig sa akin. “Nora Santos?” He gave a sharp, humor
Good evening po. Interested po ako sa housekeeping position. Available po ako for interview anytime.Matagal kong tinitigan ang message bago ko pinindot ang send.Nagpakawala ako ng malalim na hinga. Bahala na.Kinabukasan, ang unang tawag na natanggap ko ay hindi galing sa Lust Estate.Galing sa h
“Tinakasan?” Napabulong ako sa sarili.Hindi nga pala ako tumakas.Pinaalis ako. Pinabura. Tinapakan-tapakan.Binato ko ang cellphone sa kama.“Hindi,” bulong ko. “Hindi ako babalik doon.”Hinablot ko ulit ang cellphone at tiningnan ang offer.Triple ng kinikita ko sa labada at tahi iyong sahod.En
“B-buntis ako.” Nabingi ang mundo ko.Hindi ko narinig ang electric fan sa labas. Hindi ko narinig ang mga kasambahay sa hallway. Hindi ko narinig ang sarili kong paghinga.Uminit ang mga mata ko hanggang sa naipon ang mga luha sa gilid nito.Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko.Wala pa akong m
Mabilis na inilabas-pasok ni Atlas ang kahabaan niya sa madulas at basang-basa kong pagkababae.“Ang sarap…” Napakagat ako sa ibabang labi, damang-dama ang bawat sayad ng matigas niyang tit*e sa akin.Bawat galaw niya sa ibabaw ko ay sinasabayan ng mahinang langitngit ng lumang kama, pero mas malin







