LOGIN“Miss Santos,” mas bumaba ang boses ni Atlas. “I asked you a question.”Humarap ako sa kanya, mahigpit ang hawak sa phone. Parang kutsilyo ang talim ng titig niya. “Who calls you Mommy?” May yelong dumulas sa likod ko. “Anak po ng kaibigan ko,”Yumukom ang kamao niya. “Kaya ka niya tinatawag na Mommy?”“Sa akin siya halos lumaki.” Pilit kong pinakalma ang boses ko.“And where is this child?”“Mainland.”“Name?”Nanlamig ang kamay ko. “Bakit kailangan mong malaman?”“I just want to know.”Napakapit ako sa hawakan ng cart, humagod ang sakit sa dibdib. Hindi ko inakalang tatayo ulit ako sa harap ng lalakeng minahal ko habang pinoprotektahan ang anak namin mula sa kanya.“Atlas.”Napalingon kami pareho kay Ma’am Amara. Nakatayo siya sa dulo ng hallway, elegante ang suot na cream blouse at black trousers. Tiningnan niya si Atlas, pagkatapos ako, saka ang cleaning cart sa pagitan namin. “Enzo has been waiting,” sambit niya kay Atlas.Ang sama pa rin ng tingin ni Atlas sa ‘kin. “I’m ta
“Mommy, ilang sleep po bago ka umuwi?”Natigilan ako sa pagtupi ng huling damit na ilalagay ko sa maliit kong maleta. “Mabilis lang iyon, anak.”Kumunot ang noo niya habang yakap ang luma niyang stuffed rabbit. “One sleep?”Napangiti ako, pero sumakit ang dibdib ko.Ilang tulog ba bago masanay ang anak mo na wala ka sa tabi niya? “Tatawagan kita tuwing gabi,” sabi ko.“Promise?”Ang bigat-bigat ng salitang promise kapag galing sa anak ko.Hinaplos ko ang buhok niya at tumango. “Promise.”Pagdating ko sa Lust Estate, hinigpitan ko ang kapit sa maleta habang bumababa sa service car. Mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang pawis sa likod ko.“Miss Santos?”Napalingon ako sa isang HR staff na lumapit hawak ang isang folder.“Your papers are approved. Ms. Amara already signed the endorsement.”Imbes na gumaan ang loob ko, lalong namilipit ang dibdib ko sa kaba.“Thank you po.”“You’ll be assigned sa east staff wing. Same area as housekeeping. Doña Pilar will brief you later.”Tumango
“What the fu*ck are you doing here?”Nanigas ako sa kinatatayuan at parang napuwing ang mga mata ko sa talim ng titig ni Atlas sa akin.Nanigas ang mga labi ko. Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Kung tutuusin, ang dami.Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako dapat nandito. Na hindi ako babalik kung hindi lang kailangan ni Mama ng operasyon. Na hindi ako lalapit kahit kailan sa kahit anong estate na konektado sa pangalan niya kung hindi lang umiiyak ang anak namin dahil sa butas na sapatos.Gusto kong isigaw na ang kapal ng mukha niyang magalit sa akin.Humigpit ang kapit niya sa braso ko.“Answer me,” madiin niyang sabi.Parang binuhusan ako ng tubig na puno ng yelo.“Bitawan mo ako,” malamig kong sabi.Hindi na ako iyong Elnora na iniiwan sa dilim. Hindi na ako iyong babaeng naghihintay sa pinto. At lalong hindi na ako iyong maid na puwedeng hilahin kung saan-saan ng isang De Silva.Parang kutsilyo ang mga mata niya kung tumitig sa akin. “Nora Santos?” He gave a sharp, humor
Good evening po. Interested po ako sa housekeeping position. Available po ako for interview anytime.Matagal kong tinitigan ang message bago ko pinindot ang send.Nagpakawala ako ng malalim na hinga. Bahala na.Kinabukasan, ang unang tawag na natanggap ko ay hindi galing sa Lust Estate.Galing sa hospital.“Ma’am Nora Santos?” tanong ng babae sa kabilang linya.“Opo.”“This is from billing. We just want to remind you na kailangan pong ma-settle ang initial down payment para ma-schedule ang operation ng mother n’yo.”Napahawak ako sa gilid ng lababo.“Kailan po ang deadline?”“Within five days po sana, ma’am. At least one hundred fifty thousand.”Tumingin ako sa kawaling may natitirang kanin mula kagabi. Sa kalahating sachet ng kape sa mesa. Sa uniform ni Luna na kailangan ko pa ulit plantsahin.“Sige po,” sabi ko kahit wala naman talaga akong masabi. “Gagawan ko po ng paraan.”Pagbaba ng tawag, naupo ako sa maliit na upuan at tinakpan ang mukha ko.Gagawan ko ng paraan. Iyon ang pabor
“Tinakasan?” Napabulong ako sa sarili.Hindi nga pala ako tumakas.Pinaalis ako. Pinabura. Tinapakan-tapakan.Binato ko ang cellphone sa kama.“Hindi,” bulong ko. “Hindi ako babalik doon.”Hinablot ko ulit ang cellphone at tiningnan ang offer.Triple ng kinikita ko sa labada at tahi iyong sahod.Enough para makapag-down payment sa operation ni Mama kung makakakuha ako ng advance. Enough para mabigyan ko si Luna ng magandang buhay.Tumayo ako at lumapit sa salamin.Hindi na ako iyong Elnora na umalis sa isla. Noon, mahaba ang buhok ko. Ngayon, hanggang balikat na lang, tuwid at laging nakatali kapag nagtatrabaho.Noon, maputla ako dahil lagi akong nasa loob ng mansion. Ngayon, mas morena na ang balat ko dahil sa init ng palengke, pila sa hospital, at paghahatid ng labada sa kung saan-saan.Kung makita nila ako ngayon, makikilala pa kaya nila ako?Baka hindi.“Hindi ako babalik.” Bumuntong-hininga ako at pinatay ang screen ng phone.Kinahapunan, hinatid ko ang plantsadong damit sa mayam
“Mommy!”Napakurap ako nang marinig ang maliit na boses mula sa kama.Huminto ang kamay ko sa pagtatahi ng laylayan ng school uniform ng anak ko.Sa sahig ng maliit naming kwarto, kalat ang retaso ng tela, sinulid, lumang plantsa, at isang paper bag ng labada na kailangan kong ihatid mamaya sa kanto.Sa ibabaw ng mesa, may tatlong resibo ng utang, kalahating bote ng vitamins ni Luna, at isang maliit na alkansiyang halos wala nang laman.Pero sa gitna ng lahat ng iyon, nakangiti ang anak ko.Si Luna Hope. Limang taong gulang.Maliit ang mukha niya, malikot ang mata, at may ugaling parang buong mundo ang kalaban kapag hindi niya nakuha ang gusto niya.Sa kasamaang-palad, alam na alam ko kung kanino niya nakuha iyon.“Bakit gising ka na?” tanong ko, pilit na pinapalambot ang boses kahit halos hindi pa ako natutulog.Umupo siya sa kama, magulo ang buhok, yakap-yakap ang luma niyang stuffed rabbit na tinahi ko na ng ilang beses.“Nanaginip po ako.”“Anong panaginip mo, anak?”Lumawak ang n







