LOGIN
Ang ulan sa labas ng penthouse ay tila nakikiramay sa panlalamig na nararamdaman ni Aria. Sa loob ng marangyang dining room, maingat niyang inayos ang mga kandila sa gitna ng mesa. May nakahandang steak, mamahaling alak, at isang maliit na cake na may nakasulat na: “Happy 1st Anniversary, My Love.”
Isang taon. Isang taon na siyang kasal sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa—si Xander Black. Kinakabahang hinawakan ni Aria ang maliit na puting stick sa loob ng kanyang bulsa. Positive. Dalawang guhit. Magiging tatay na si Xander. Inisip ni Aria kung paano magbabago ang mukha ng asawa—ngingiti na kaya ito sa kanya? Yayakapin na kaya siya nito sa wakas? Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Ang mabibigat at determinadong hakbang ni Xander ay umalingawngaw sa hallway. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Aria. "Xander! Kanina pa kita hinihintay—" Natigil ang sasabihin ni Aria nang makita ang asawa. Xander looked as lethal as ever in his charcoal-gray suit, pero mas malamig ang kanyang mga mata kaysa sa karaniwan. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang inihanda niyang hapunan. Sa halip, may inilapag si Xander na isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. "Sign it," maikli at malamig na utos nito. Kumunot ang noo ni Aria, pilit na pinapanatili ang ngiti. "Ano ito? Anniversary gift ba—" "It’s a divorce agreement, Aria. Don't act stupid." Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Aria. Ang hiningang kanina ay puno ng pag-asa ay biglang naglaho. "D-Divorce? Pero Xander, anniversary natin ngayon. May sasabihin sana ako sa'yo..." "I don't care about your anniversary, and I definitely don't care about what you have to say," putol ni Xander sa kanya. Humakbang ito palapit, ang bango nito na amoy mamahaling tabako at sandalwood ay bumalot kay Aria, pero wala itong dalang init. "Sofia is back. She’s at the hospital, and she needs me. Our contract is over." "Contract?" bulong ni Aria, nanginginig ang boses. "Akala ko ba... akala ko ba totoong kasal ito? Xander, asawa mo ako." Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ni Xander. "Asawa? You were a replacement, Aria. Binili kita sa pamilya mo dahil kailangan ko ng asawang madaling kontrolin habang wala si Sofia. Ngayong nandito na siya, wala ka nang silbi sa akin." Dahan-dahang kinuha ni Aria ang divorce papers. Bawat salitang nakasulat doon ay parang kutsilyong sumasaksak sa kanyang puso. Irreconcilable differences. "I’ll give you the villa in Forbes Park, a monthly allowance for three years, and ten million dollars as a settlement. Just sign the papers and be out of this house before sunrise," dagdag pa ni Xander habang inaayos ang kanyang relo, tila ba ang pakikipaghiwalay sa asawa ay isang ordinaryong business meeting lang. "Mahal mo ba talaga siya?" tanong ni Aria, halos hindi lumalabas ang boses. "Yes. She is the only woman I will ever love. You... you were just a shadow, Aria. A temporary placeholder." Napahawak si Aria sa kanyang tiyan. Ang maliit na buhay sa loob niya ay tila naramdaman ang sakit na nararanasan ng kanyang ina. Gusto niyang isigaw kay Xander na buntis siya. Gusto niyang magmakaawa. Pero nang makita niya ang kawalan ng emosyon sa mga mata ng asawa, isang bagay ang namatay sa loob ni Aria. Ang kanyang pag-ibig para sa lalaking ito. Huminga siya nang malalim at kinuha ang ballpen. Sa isang mabilis na galaw, nilagdaan niya ang papeles. Walang luha ang pumatak sa harap ni Xander. Ayaw niyang ipakita rito kung gaano siya nawasak. "Hindi ko kailangan ng mansion mo, Xander. At hindi ko kailangan ng pera mo," sabi ni Aria habang nakatingin nang diretso sa mga mata nito. "I’ll leave. And I promise you, you will never see me again." "Good. Make sure you keep that promise," sagot ni Xander bago tumalikod at tuluyang lumabas ng penthouse nang hindi man lang lumingon. Nang sumara ang pinto, doon na gumuho si Aria. Napaluhod siya sa sahig habang humihagulgol. Ang dinner na inihanda niya ay lumamig na, gaya ng kanyang puso. Inilabas niya ang pregnancy test mula sa kanyang bulsa. "Huwag kang mag-alala, baby," bulong niya sa gitna ng pag-iyak. "Kahit wala ang daddy mo, hinding-hindi kita iiwan. We will have a new life. A life where no one will ever treat us like a 'substitute' again." Noong gabing iyon, bitbit ang isang maliit na maleta at ang lihim sa kanyang sinapupunan, naglaho si Aria Mercedes sa ilalim ng madilim na langit. Matapos sumara ang pinto, nanatiling nakatitig si Aria sa kawalan. Ang bawat sulok ng penthouse na dati ay itinuturing niyang paraiso ay tila naging isang malawak at malamig na bilangguan. Bawat gamit doon—ang mamahaling sofa, ang mga painting na siya ang pumili, ang kama kung saan ibinigay niya ang lahat kay Xander—ay tila tinatawanan ang kanyang katangahan. "Placeholder lang pala ako," mapait niyang bulong sa sarili. Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod. Pumasok siya sa kanilang kwarto at binuksan ang cabinet. Doon, nakita niya ang mga damit na binili ni Xander para sa kanya. Designer bags, sapatos na gawa sa Italy, at mga alahas na nagkakahalaga ng milyon-milyon. Iniwan niya ang lahat ng iyon. Ang tanging kinuha niya ay ang lumang maleta na dala niya noong una siyang pumasok sa buhay ni Xander—noong siya pa ay isang simpleng babaeng nangarap na makahanap ng pamilya. Habang nag-e-empake, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang unknown number. Pagsagot niya ito, isang malambing ngunit mapanuyang boses ang bumungad. "Aria? I assume Xander already gave you the papers?" Nanigas si Aria. "Sofia?" "Yes, dear. I’m back. I’m sorry if I had to ruin your 'anniversary,' but Xander couldn't wait any longer. Sabi niya sa akin, parang isang taon daw siyang nakulong sa isang masamang panaginip kasama ka. Now, he’s finally free." Humigpit ang hawak ni Aria sa phone. "Kung masaya na kayo, bakit kailangan mo pa akong tawagan?" Humalakhak si Sofia. "I just want to make sure you won't do anything pathetic. Huwag mong gagamitin ang anumang drama para hindi siya hiwalayan. Xander hates beggars. Oh, and by the way, don't bother taking anything expensive. Lahat ng gamit mo rito, ipapatapon ko na sa basurahan bukas. They smell like... cheap." "Huwag kang mag-alala, Sofia," diretsong sagot ni Aria, ang kanyang boses ay hindi na nanginginig. "Saksak mo sa baga mo si Xander. At ang mga gamit na sinasabi mo? Sayo na 'yan. Bagay naman kayo—puro panlabas lang ang ganda pero bulok ang loob." Hindi na niya hinintay ang sagot ng babae at pinatay na ang tawag. Doon ay tuluyang natuyo ang mga luha ni Aria. Pinalitan ito ng isang matigas na determinasyon. Lumabas siya ng penthouse bitbit ang kanyang maleta. Bago siya pumasok sa elevator, lumingon siya sa huling pagkakataon. "Goodbye, Xander Black. At sa araw na magkita tayong muli, sisiguraduhin kong ikaw naman ang mawawalan ng hininga sa pagsisisi." SA LABAS NG HOTEL HOSPITAL Samantala, mabilis na pumasok si Xander sa V.I.P. room kung nasaan si Sofia. Ang babae ay nakahiga sa kama, may benda ang ulo at tila nanghihina. "Xander... dumating ka," malambing na sabi ni Sofia. Naupo si Xander sa tabi nito, pero may kakaiba siyang nararamdaman. Dapat ay masaya siya. Dapat ay panatag siya dahil narito na ang babaeng inakala niyang sentro ng kanyang mundo. Pero bakit ang nasa isip niya ay ang mukha ni Aria habang pinipirmahan ang divorce papers? Bakit tila nakaukit sa utak niya ang hitsura ng mga mata ni Aria—ang mga matang dati ay puno ng paghanga sa kanya, pero kanina ay tila naging abo sa lamig? "Are you okay, Xander? Parang malalim ang iniisip mo," tanong ni Sofia habang hinahawakan ang kamay ng bilyonaryo. Mabilis na binawi ni Xander ang kanyang kamay. "I’m fine. Pagod lang sa trabaho." "Nakaalis na ba siya? Si Aria?" "Yes. It's done, Sofia. Huwag na nating pag-usapan ang taong wala na sa buhay natin." Ngunit sa gabing iyon, hindi nakatulog si Xander. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya ang amoy ng luto ni Aria at ang init ng yakap nito na dati ay binabalewala niya. Hindi niya alam, sa mga sandaling iyon, si Aria ay nasa loob na ng isang taxi patungo sa airport. Hawak ang kanyang tiyan, tumingin si Aria sa huling pagkakataon sa naglalakihang gusali ng siyudad. "Baby, mula ngayon, tayo na lang dalawa. Ipapangako ko sa'yo, balang araw, tayo naman ang nasa itaas."Sampung Taon ang Nakalipas...Sa isang modernong villa sa Bordeaux, France, ang katahimikan ng umaga ay binasag ng tunog ng mabilis na pagtipa sa keyboard. Ngunit hindi na ito mula sa maliit na kwarto; ito ay mula sa isang state-of-the-art laboratory na nakatago sa ilalim ng mansyon.Si Liam Black, ngayon ay labinlimang taon na, ay nakatayo sa harap ng anim na naglalakihang holographic screens. Wala na ang kanyang pagiging paslit; palit na ito ng isang matangkad, atletiko, at matalas ang tingin na binata. Namana niya ang bagsik ng mga mata ni Xander at ang talino ni Aria."Liam! Tanghalian na! Kung hindi ka lalabas diyan, ipapa-shutdown ko ang server mo!" sigaw ng isang boses mula sa intercom.Napangiti si Liam. "Coming, Mom! Five more minutes, may tinu-tweak lang akong bagong firewall para sa kumpanya ni Dad."ANG PAMILYANG BLACK SA PARISSa garden, nakaupo sina Xander at Aria. Si Xander, kahit may iilang hibla na ng pilak sa kanyang buhok, ay mas mukh
Isang pribadong armada ng mga itim na helicopter ang lumitaw sa kalangitan ng Manila Bay. Sa gitna nito ay ang nangungunang chopper na may sagisag ng isang gintong leon na nakayakap sa isang itim na agila—ang bagong selyo ng Alyansang Black-Hohenberg.Sa loob ng chopper, nakatingin si Xander sa mga naglalakihang gusali ng Makati. Hawak niya ang Master Chip na nakuha nila mula sa guho ng Schloss Hohenberg. Sa tabi niya, si Aria ay nakasuot ng isang eleganteng puting suit, ang kanyang mukha ay hindi na nagpapakita ng bakas ng pagiging "substitute." Siya na ngayon ang tunay na Reyna ng kanyang tadhana."Dad, someone is jamming our landing zone sa AXL Towers," ulat ni Liam, habang mabilis na tinatype ang mga code sa kanyang bago at mas makapangyarihang holographic laptop. "The Order of the Silver Rose has already infiltrated our headquarters. They’ve locked down the building and taken our employees hostage."Nanliit ang mga mata ni Xander. "Anong status ni Marco?""U
Ang pintuan ng vault ay hindi gawa sa ordinaryong bakal. Ito ay isang dambuhalang mekanismo na may tatlong ukit na hugis ng mga susi na nakuha ni Aria. Nakatayo ang pamilya sa harap nito, kasama si Duke Frederick na tila nabigatan sa selyadong sikretong malapit nang mabuksan."Isabella," tawag ng Duke kay Aria. "Ang vault na ito ay hindi binuksan sa loob ng limang dekada. Ang huling nakapasok dito ay ang iyong ama bago siya mawalay sa atin."Dahan-dahang inilagay ni Aria ang Key of Wisdom, Key of Courage, at Key of Loyalty sa kanilang mga puwang. Isang malalim na dagundong ang umalingawngaw sa ilalim ng kastilyo.CLACK. WHIRRR. CLICK.Bumukas ang dambuhalang pinto, naglalabas ng hangin na tila nanggaling pa sa nakaraang siglo. Sa loob, hindi mga tumpok ng ginto ang bumungad sa kanila, kundi isang silid-aklatan na puno ng mga microchips, lumang manuskrito, at isang holographic projector sa gitna.ANG REBELASYON NG NAKARAANLumapit si Liam sa main console
Ang pagbabalik ng pamilya sa Schloss Hohenberg ay hindi puno ng kagalakan. Sa halip, isang madilim na katahimikan ang sumalubong sa kanila. Ang mga guards na dati ay yumuyukod ay ngayon ay nakatayo nang matigas, hawak ang kanilang mga armas na tila ba hinihintay ang utos na umatake."Stay behind me," malamig na utos ni Xander habang papasok sila sa Throne Hall.Sa dulo ng bulwagan, nakaupo si Duke Frederick. Wala na ang anyo ng isang mapagmahal na lolo. Sa kanyang tabi ay nakatayo ang mga miyembro ng Order of the Silver Rose, lahat sila ay nakasuot ng mga pilak na maskara."Isabella, nakuha mo ang Wisdom at Courage," simula ng Duke, ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa malawak na silid. "Ngunit ang huling susi—ang Key of Loyalty—ay ang pinakamahirap sa lahat. Dahil ang katapatan sa korona ay nangangahulugan ng pagputol sa lahat ng ugnayan sa labas ng ating dugo.""Anong ibig mong sabihin?" asik ni Aria, habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ni Liam.Ibina
Ang Black Forest ng Germany ay hindi basta gubat; ito ay isang luntiang labirinto ng dambuhalang mga puno na tila abot hanggang langit, kung saan ang liwanag ng araw ay hirap na makatagos. Ayon sa sabi-sabi, sa loob ng gubat na ito ay mayroong magnetic anomaly na pumapatay sa anumang electronic signal."Dad, it's dead," dismayadong sabi ni Liam habang tinitingnan ang kanyang tablet na nag-flicker bago tuluyang namatay. "No GPS, no comms, no drones. I'm... I'm blind."Lumuhod si Xander sa harap ng anak at hinawakan ang balikat nito. "Hindi ka blind, Liam. Gamitin mo ang mata mo, ang tenga mo, at ang pakiramdam mo. Technology is just a tool; the real weapon is here," turo ni Xander sa noo ng bata. "Stay behind me and your mother."Binuksan ni Xander ang kanyang tactical bag at inilabas ang isang tradisyunal na compass at isang mapa. "Aria, handa ka na ba?"Tumingin si Aria sa madilim na pasukon ng gubat. Hawak niya ang Key of Wisdom na nakasabit sa kanyang leeg. "T
Ang tunog ng dambuhalang pintuang bakal na sumara sa likuran ni Aria ay umalingawngaw sa buong underground chamber. Ang paligid ay malamig, basa, at tanging ang mga sulo sa pader ang nagbibigay ng madilim na liwanag. Ang amoy ng lumot at kalawang ay nanunuot sa kanyang ilong."Mommy, can you hear me?" ang boses ni Liam sa earpiece ay malinaw, isang pamilyar na tunog na nagbigay ng lakas kay Aria."Yes, Liam. I’m inside," bulong ni Aria habang dahan-dahang naglalakad."Okay, Mommy. My micro-drone is already at Level 2. Ang maze na ito ay hindi static. It’s a mechanical clockwork maze. Ang mga pader ay gumagalaw bawat limang minuto base sa agos ng tubig sa ilalim," paliwanag ni Liam. "I’m mapping the blueprint right now. Standby."SA LABAS NG LABIRINTOSa control room sa itaas, nakatayo si Xander, Duke Frederick, at ang Hohenberg Council. Nakatingin sila sa isang malaking screen na nagpapakita ng heat signature ni Aria sa loob ng maze."Sampung minuto na







