LUMIPAS ang dalawang buwan at unti-unti nang naghihina si Jose. Nangangayayat na ito at hindi na kayang tumayo. Nakahiga na lang ito sa higaang kawayan sa kuwarto nilang mag-asawa.
"Juan Miguel, malapit na akong mawala dito sa mundo," nanghihina na sabi ni Jose."Huwag kang magsalita ng ganyan, kaibigan. Mabubuhay ka pa ng maraming taon kasama, ang pamilya mo," naging magkaibigan sila pagkatapos ng aksidente ni Juan Miguel sa daan."Tanggap ko na, kaibigan. Mawawala na ako, ang ikinatatakot ko lang ay ang pamilya ko. Maaga ko silang mauulila," malungkot itong tumunghay sa kaibigang si Juan Miguel. Bumangon si Jose sa pagkakahiga at umupo. Hinawakan naman ni Juan Miguel ang kamay ng kaibigan."Huwag kang mag alala sa pamilya mo. Ako na ang bahala sa kanila. May pangako ako sayo noon at tutuparin ko iyon dahil napakalaki ng utang na loob ko sayo," ani Juan Miguel."Wala kang utang na loob sa akin. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin kapag may nangangailangan ng tulong ko," saad ni Jose."Kailangan mo ang tulong ko ngayon. Kaya handa ako na tulungan ka gaya nga ng ginawa mo para sa akin," sagot ni Juan Miguel."Alicia," tawag ni Jose sa asawa.Sumilip at pumasok sa loob ng kuwarto ang asawa ni Jose saka umupo sa tabi ng asawa."Mama, gusto ko sana na sumama kayo kay Juan Miguel kapag nawala na ako," malungkot na sabi ni Jose."Papa, huwag ka naman magsalita nang ganyan. Makakasama ka pa namin ng mga bata. Huwag kang sumuko. Mahal na mahal ka namin," naiiyak na sabi ni Alicia."Mahal na mahal ko rin kayo. Si Juan Miguel ang bahala sa inyo ng mga bata," saad ni Jose."Nakakahiya kay Senyor. Okay naman kami dito sa kubo. Magtatrabaho ako para sa mga anak natin," saka ginagap ang mga kamay ng asawa."Alicia, huwag ko na akong tawaging Senyor. Alam mo naman na matalik kong kaibigan si Jose. Saka huwag kang mag-alala hindi ko kaya pababayaan ng mga anak mo," sabi ni Juan Miguel na nakatingin sa kaibigan."Papa!" tawag ni Julieanne sa ama na nasa likod si Jane. Pareho silang umiiyak at humuhikbi. Naririnig nila ang pinag-uusapan ng mga magulang kasama ang kaibigan ng ama."Hali kayo mga anak," utos na sabi ni Jose at ibinuka ang mga braso para salubingin ng yakap ang mga anak.Awang-awa si Juan Miguel sa pamilya ni Jose. Ang matalik niyang kaibigan ay napakabait. Ito ang nagligtas sa kanya ng minsang muntik ng mahulog sa bangin ang kaniyang simasakyan na kotse. Sinuong ni Jose ang panganib para lang maikiligtas siya sa kamatayan.Tumakbo ang magkapatid na nilapitan ang kanilang ama. Saka niyakap ng mahigpit ang kanilang ama. Nakiyakap na rin si Alicia sa kanyang mag ama.Tumulo ang luha ni Jose sa mga mata. Ipinikit niya ang mga mata saka bumulong."Mahal na mahal ko kayo," biglang lumaylay ang mga kamay ni Jose. Nararamdaman iyon ni Alicia kaya kumalas sa pagkakayakap sa kanyang mag ama.Pinagmasdan ni Alicia ang mukha ng asawa. Hinaplos niya ang mukha nito saka hinalikan ito sa noo. Humagulhol na siya ng iyak. Wala na ang asawa niya. Iniwan na nito sila ng mga anak niya.Napaluha na rin si Juan Miguel na nakaupo pa rin. Mapalad ang pamilya nito na nagkaroon sila ng katulad ni Jose na iniisip pa rin ang kapakanan ng pamilya nito kahit sa huling sandali ng kanyang buhay.Apat na araw na naiburol si Jose sa lobb ng kanilang kubo. Si Juan Miguel ang sumagot sa lahat ng gastos para mabigyan ng maayos na libing ang kaibigan.Kasalukyang inaayos na ng mag iina ang mga gamit nila. Ngayon kasi sila susunduin para dalhin sa mansyon ni Juan Miguel. Doon na sila maninirahan. Nakakahiya man pero iyon ang gusto ng namayapang asawa."Ma, bakit kailangan po nating umalis dito sa ating kubo? Andito po ang lahat ng alaala ni Papa," tanong ni Julieanne. Naiiyak na naman siyang naalala ang ama."Iyon ang bilin ng iyon Papa. Huwag kayong mag alala dahil mabait naman si Senyor," sagot ni Alicia."Pero, Mama," tatanggi sana si Jane. Nang may kumatok sa labas ng bahay nila. Tumayo si Alicia at tiningnan kung sino ang taong nasa labas."Ipinasusundo na po kayo ni Senyor," anang lalaki sa labas ng bahay nila."Sige po. Mauna na po kayo sa sasakyan at susunod po kami ng mga anak ko," sagot ni Alicia. Tumango lang ang lalaki at tumalikod na para pumunta sa sasakyan."Mga anak, handa na ba kayo?" tanong ni Alicia. Naikinalingon ng dalawang anak niya."Opo, Mama," magalang na sagot ni Julieanne."Kung wala na kayong nakalimutan ay hali kayo. Naghihintay na ang driver sa atin sa loob ng sasakyan," dagdag pa ni Alicia.Tumayo ang magkapatid bitbit ang kani kanilang mga damit na nasa loob ng itim na plastic. Si Alicia naman ay dala dala ang kanyang bayong na laman ang konti niyang mga damit.Sinulyapan ni Julieanne ang kanilang kubo sa huling sandali. Ang alaala ng kaniyang Ama. Ang mabait at mapag mahal na Papa niya. Mamimiss niya ito ng sobra. May namuong luha sa kanyang mga mata saka tumalikod sa kubo nila.Pinagmamasdan ni Julieanne ang malaking gate ng malaking mansyon ng kaibigan ng Papa niya. Namangha siya sa nakikita na ganda ng lugar. Ngayon lang siya nakakita ng ganito sa buong buhay niya. Napakayaman talaga ng Senyor. At napakabait pa kayaga ng Papa niya."Mama, rito po ba tayo titira?' tanong ni Jane sa ina."Oo, mga anak. Kaya huwag kayong gagawa ng ikakagalit ng Senyor sa atin," sabi ni Alicia sa mga anak."Opo, Mama," sagot ng dalawang anak nito.Lumabas na ng sasakyan ang mag iina. Saka iginiya ng driver na pumasok sa loob ng malaking bahay."Pumasok na po kayo sa loob. Naghihintay po ang Senyor sa sala," sabi ng Driver. Tumango ng ulo si Alicia at nagpasalamat dito sa paghatid sa kanila.Nagpalinga-linga sina Jane at Julieanne. At sobrang napaawang ang mga labi sa magarbong nakikita sa labas pa lang ng bahay ni Juan Miguel.Pumasok na ang mag-iina sa loob ng mansyon at nakitang papalapit sa kanila ang Senyor."Magandang umaga po, Senyor," magalang na bati ni Alicia at yumukod ng kaunti biglang paggalang."Alicia, di ba sinabi ko na sa iyo na huwag mo na akong tawaging Senyor. Sobra mo naman akong pinapatanda niyan," natatawang biro ni Juan Miguel na ikinangiti ng mag ina.May katandaan na rin ito sa edad na sisenta singko. Matikas pa rin ang pangangatawan nito kahit may edad na, matangkad rin ito at matangos ang ilong. Kitang-kita na magandang lalaki ito noong kapanahunan niya."Halina kayo at mag almusal na tayo. Mamaya ay ihahatid kayo ni Manang Ester sa mga kuwarto niyo," dagdag nito.Ngumiti si Alicia at saka tumango ng ulo. Tumalikod na si Juan Miguel at naglakad papunta ng kusina. Sumunod lang ang mag ina sa matandang lalaki.Humahanga ang dalawang magkapatid sa mga nakikita sa loob ng mansyon ni Juan Miguel. Sobrang maganda ang mga nuebles at mga kagamitan nito sa loob ng mansyon. Nahihiya tuloy sila na tumira sa ganito kagarang tahanan.Nang makarating sila sa kusina ay bumungad ang napakaraming pagkain. Aakalain mong may fiesta sa dami ng nakahanda at masasarap na pagkain."Maupo na kayo. Huwag kayong mahihiya. Ituring niyo na inyo ang lahat ng ito," sabi ng mabait na Senyor. Sumunod naman ang mag ina at umupo."Maraming salamat Sen-- ah Juan Miguel," saad ni Alicia na nahihiya sa kagandahan ng loob ng matanda at sa ipinakitang magandang pagtanggap sa kanilang mag ina.Pagkatapos kumain ay inihatid sila ng mayordoma ni Juan Miguel sa kani kanilang kuwarto. Ang magkapatid ay hindi hinayaang magkahiwalay ng kuwarto kaya sa isang kuwarto lang silang dalawa.Si Jane Alcantara ay isang kinse anyos na dalagita. Mahaba ang buhok at may kayumanggi na kulay. Maganda ito at matalinong bata. Dahil naging valedictorian ito noong Elementary at ngayon ay nasa High School na.Napakasimple naman ni Julieanne sa edad na labing pito. Nasa kolehiyo na ito at kumukuha ng kursong Education. Si Julieanne ang klase ng babae na hindi na kailangang mag magmake up para lang gumanda. Sobrang maganda ito kahit na katulad ni Jane na kayumanggi din ang kulay ng bakat nito. Kaya marami ang mga umaaligid na mga kabinataan sa lugar nila.Zia's POV Kakaiba ang istilo ng entourage ng aming kasal ni Greg. I suggest na sasayaw ang aking mga abay. Pati na din ang aming mga sponsor. Napuno nang tawanan sa buong beach. Kung saan ginanap ang aming kasal ni Greg. Nang marinig ko na ang favorite song ko. Hindi ko na napigilan na hindi maiyak. This is it! At last, I am not a mistress anymore. Magiging legal na asawa na ako ni Gregorio San Diego. Dahan-dahan akong lumalapit kay Greg. Hawak ang kamay ni Gia. Kasama ko siyang naglalakad papalapit sa aming pinakamamahal na lalaki sa aming buhay. Kanina lang nagtatawanan ang mga taong nasa loob ng simbahan. Ngayon ay tangan ang panyo at panay ang punas ng mga luha sa kanilang mga mata. Ang lahat ay nag-iiyakan. Katulad ni Mama. Nginitian niya ako. Tango ang naging tugon ko sa kanya. Nang matapos ang kanta ay nakalapit na kami ni Gia kay Greg. Greg hugged and kissed Gia on her cheek. "I love you, Daddy." "I love you too, Princess." lumuluhang tugon ni Greg. Binalingan ako ni G
Mahigpit ang hawak ni Greg sa kamay ni Zia. Habang karga niya si Gia. Nasa may pintuan na sila nang gate. Ang bahay ng Mama Alicia niya. Humingang malalim si Zia. Nginitian siya ni Greg at niyakap ni Gia ang ama. Buong pamilya silang haharap sa Mama ni Zia. Patutunayan ni Greg ang kanyang mga salita. Hindi niya bibitawan ang kamay ni Zia. Nasa tabi lang siya nito. At hindi niya pababayaan ang pamilya niya. Kumatok si Greg sa pinto. "Are you nervous, Baby?" tanong ni Greg kay Zia. "Sobra. Gumaganaan lang ang pakiramdam ko. Kasama ka. Kayo ni Gia.' Sabay na napalingon sina Greg at Zia sa nagbukas ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Zia. Nangilid ang mga luha niya. Nang makita niya ang kanyang Mama. "Mama" tawag ni Zia sa ina-inahan. "Zia?" sabi naman ni Alicia. Napatakip ng kanyang bibig si Alicia. Saka umiyak. "Ang anak ko!" agad niyang niyakap si Zia. Nagbigay daan naman si Greg na mayakap si Zia ng Mama nito. Nakatingin lang si Greg at Gia sa mag-ina na parehong umiiyak at magk
Nakalabas na nang ospital at nagpapagaling na lang sa bahay si Greg. Pahilum na din ang sugat niya. Mula sa tama ng saksak mula sa kutsilyong dala ni Ria. Simula nuong umuwi si Greg sa mansyon nila ay sumama na ang kanyang mag-ina sa kanya. Masaya siyang kapiling ang kanyang mag-ina sa iisang bahay. Nakaangkla ang kamay ni Zia sa braso ni Greg. May benda ang bandang tiyan ni Greg ngunit hindi halata. Animo'y hindi naconfine sa ospital ito. Kung titingnan siya. "Baby, are you you're gonna be fine, alone?" tanong ni Greg kay Zia. Hinaplos ni Zia ang braso ni Greg. "Oo naman. Hindi ako natatakot. Ngayon, hindi na ako mangingiming saktan siya. Kapag sumayad ang palad niya sa kahit saang parte ng katawan ko." "That's my girl. I'm so proud of you" puri ni Greg at kinantalan nang halik sa labi si Zia. Ngumiti si Zia. "I love you. I'm only here. If you need me. Just give me a call." buong pagsuyong wika ni Greg. Tumango ng ulo si Zia. Saka diretso siyang pinapasok ng warden. Nakaupo na
Araw na madidischarge si Greg sa ospital. Simula nang maliwanagan si Zia ay hindi na siya umalis sa tabi ni Greg. Siya na ang nag-aasikaso sa binata habang nasa ospital. At walang araw na hindi siya naging masaya sa piling ni Greg. Kahit na nasa ospital sila at nakahiga ito sa hospital bed. "Baby, I've been planning to meet your Mama. Gusto ko ding pormal na humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga nagawa ko sayo. I just wanna be with you always. That is why I want to take that opportunity to propose sa lahat nang mga taong mahalaga sayo. I snatch you to them. Dahil sa akin, nawala ka sa kanila ng limang taon. I'm really sorry" hawak ni Greg ang mga kamay ni Zia. Habang si Gia ay naglalaro sa sahig ng kanyang mga laruan. "Gusto ko nga din humingi ng tawad kay Mama at sa mga kapatid ko. Naging matigas ang ulo ko. Sinunod ko ang puso ko. Pero walang pagsisisi. Kapag nagmahal ka naman. Choice mo iyon. Choice mo na mahalin ang isang tao. Kaya hindi ko dapat pagsisihan na minahal kita" ngu
Nagmulat ng kanyang mga mata si Greg. Nabugaran ang Mommy at Daddy niya. Agad naman siyang nilapitan ng parents niya. "Greg" umiiyak na sabi ni Mrs. Marlyn. "Mom." sagot ni Greg. At niyakap ang ina. "Salamat at gising ka na." sabi ni Mrs. Marlyn at binalingan ang asawa. "Hon, call the doctor. Please." tumalima si Rigor ar lumabas ng kuwarto ni Greg. "Kumusta ang pakiramdam mo, Greg?" "I'm fine, Mom. Sina Zia? Are they safe? Si Gia? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kapag may masamang mangyari sa pamilya ko." "Andito kami, Greg" sagot na nang naulinagan na boses ni Greg. Hinanap ng mata ni Greg ang nagsalita. Dumako ang mga mata niya sa dalawng taong pinakamamahal niya sa buhay niya. Maluha-luha na tumatakbo si Gia sa ama. "Daddy, akala ko po mawawala po kayo sa amin ni Mommy. Please, Daddy don't ever leave us again." Umiling ng ulo si Greg. "No, Princess. Daddy is strong and will never leave you and Mommy." "I love you, Daddy." sabi ni Gia. At niyakap ang ama. "I love you
Lakad takbo ang ginawa ni Zia makarating lang sa private room ni Greg. Hawak ang dibdib na pinihit ang pinto papasok. Sumilip siya at nadatnan ang magulang ni Greg. "Zia" tawag ni Mommy ni Greg sa kanya. Pumasok si Zia sa loob ng kuwarto at nakita ang tulog pang si Greg. Nakahiga ito sa hospital bed at may benda ang tiyan. May dextrose din na nakakabit dito. "Hi po. Gusto ko lang pong makita si Greg" ani Zia. Tangi ang naging sagot ng Mommy ni Greg. Nilapitan siya ng Mommy ni Greg. Saka hinawakan sa kamay. "I'm sorry, Hija. Patawarin mo kami ng Daddy ni Greg sa mga nagawa namin sa inyong dalawa ng anak ko. I know napaka laki ng kasalanan namin ng Tito mo sa inyong dalawa. Nang dahil sa amin nagkalayo kayong dalawa. Nasira ang dapat sana magiging masaya ninyong pamilya. I'm really really sorry, Zia" umiiyak na humingi ng tawad si Mrs. San Diego sa kanya. "Hija, gusto sana naming makita ang apo namin. Kung papayag ka, puwede mo bang dalhin siya dito sa ospital? Alam kong matutuwa s