LAGING naiispatan na laging magkasama sina Claire at John. Laman sila ng mga diyaryo at news sa telebisyon. Ilang buwan na rin ang relasyon nila, hindi nga lang alam kung matatawag nga ba na relationship as girlfriend and boyfriend sila dahil kay John na ayaw magpatali sa babae.
"John, kayo na ba ng anak ni Senator Santiago?" tanong ni Lucas sa anak nang umuwi ito sa mansyon nila. May sariling condo si John at doon din siya madalas umuuwi.Claire is just someone who he can release his pent-up desires with when he's feeling the intensity of his passions, and there is nothing special or profound between them. Their connection is purely physical, devoid of deeper emotional involvement or attachment."You know me Dad. Hindi ang klase ni Claire ang itatali ako sa isang relasyon," may uyam na sagot ni John sa ama."I'm warning you, John. Claire is not an ordinary woman. Alam mo na anak siya ng isang kilalang pulitiko. Baka sa ginagawa mo eh mapapahamak ka," banta ni Lucas."I know what I'm doing Dad. Don't worry I will not forget that," saka nagmamadaling umalis ito sa harapan ng kanyang Ama. Papunta sa kuwarto niya. Sinundan ng tingin ni Lucas ang anak.Lumaki si John na walang ina na gumagabay sa kanya dahil sumama sa ibang lalaki ang kanyang Mommy. Bagay na nagpabago ng ugali ni John. Kaya hindi ito masisisi ni Lucas na ganoon ang asal ng anak sa mga babae. He hates his Mom so much. That's why he hates woman too. Para kay John pare pareho lang ang mga babae katulad ito ng Mommy niya na masam*ng babae.Nakahiga na si John sa kama niya ng magring ang kanyang phone, it's Claire."Babe, please come here I need you," malanding sabi nito sa kabilang linya."I'm sorry, but I can't come now," tangging sagot ni John."Bakit naman? Hindi mo ba ako namimiss? I missed you. Ilang araw na tayong hindi lumalabas," saad ni Claire."I told you, that I can't come! I will not meet you!" galit na sabi ni John. Ayaw niyang minamanduhan siya sa gagawin niya. At ayaw na ayaw niya ng demanding na babae.Nabigla si Claire sa malakas na sigaw ni John sa kanya. Hindi niya inaasahan na ganito ang inaasal nito sa kanya. Ibinigay nito ang lahat kay John at mahal na niya ito. Pero parang malamig pa ito sa yelo kung makipag-usap sa kanya. Pero kapag sa k*ma ay parang maamong tupa."Okay. I'm sorry," sabi ni Claire sa mababang tinig."I'm leaving tomorrow. Ipinapatawag ako ng Lolo ko kaya hindi ako puwedeng pumunta diyan sayo," madiing paliwanag ni John na nagbaba na ng tono ng boses."Okay, take care. I'll hang up now. Bye," pilit na pinasisigla ni Claire ang boses. Saka pin*tay ang tawag nito.Bigla kasi siyang ipinatawag ng Lolo niya. May mahalaga daw itong sasabihin sa kanya. It's been a year ng huling magkita sila ng Lolo niya at dumalaw ng Quezon.Kinabukasan, hapon na nang umalis siya ng mansyon nila. Binabagtas ni John ang daan papunta ng Quezon. Ayaw man niyang pumunta doon ay wala siyang magagawa dahil sa Lolo niya. Hindi niya puwedeng baliin ang anumang ipapagawa nito sa kanya.Naglalakad si Julieanne pauwi ng bahay. Hindi na siya pumayag na ihatid sundo pa sila ng driver ni Lolo Juan. Ang dami na ng naitulong nito sa kanila. Ito din ang nagpapaaral sa kanilang magkapatid kaya pinagbubuti niya ang kanyang pag aaral para naman may ipagmalaki sa taong kumupkop at tumulong sa pamilya niya.Papasok pa lang siya sa gate ng dumaan ang isang magarang sasakyan. Tumigil ito sa guard house. Naisip niya na baka isa ito sa bisita ng matanda. Binati lang niya ang mga guwardiya na andoon saka pumasok sa loob ng gate.Nagulat siya nang tumigil ang sasakyan sa gilid niya. Saka nakitang ibinaba nito ang salaming ng bintana ng kotse niya."Hala, ang gwapo!" pinakatitigan ni Julieanne ang mukha ng lalaki kahit na hindi nito nakikita ang mga mata dahil sa shades na suot nito."Anong nangyayari sa akin? Bumibilis ang tibok ng puso ko at nahihilo ata ako," tanong ni Julieanne sa isip niya. Tumigil ang mundo niya at ang lalaki lang na iyon ang kanyang nakikita sa paligid."Hey!" sigaw na tawag sa kanya ng lalaki.Hindi natitinag si Julieanne sa kanyang pagtitig sa mukha nito kaya hindi ito nagsasalita.Bumaba na si John sa kotse niya para lapitan ang babae. Hindi kasi siya nito pinapansin at nakatingin lang ito sa kanya."Hey!" malakas na sigaw ni John sa babae saka hinawakan sa magkabilang balikat para sana yugyugin ito. Pero bigla rin niyang binawi ang mga kamay nang makaramdam ng kuryente."W*f!" malakas na sigaw ulit nito na nakapagpabalik ng ulirat ni Julieanne."Ah, s-sorry p-po," nauutal na sabi ni Julieanne. Nakalapit na pala ito sa kanya nang hindi niya napapansin."Who are you and what are you doing here?" sunod sunod na tanong ni John na nakakunot ang noo."Ah, e, rito po ako nakatira," natatakot na sagot ni Julieanne sa nakikitang galit ito sa kanya."Dito ka nakatira? Hindi ko alam na kumukupkop pala ng basura si Lolo!" may panunuyang sabi nito.Nagpanting ang tenga ni Julieanne sa sinabi ng lalaking nasa harapan niya. Ang kaninang paghanga ay napalitan ng galit at inis para dito."Hoy! Hindi kami basura! Tao kami!" galit na galit na sigaw ni Julieanne na nakakunot din ang noo. Ngumisi lang naman ng nakakaloko si John."Ang liit-liit mo, napakatapang mo!" sabi ni John sabay talikod dito. Ang sarap lang nito inisin kaya napangiti na naman si John. Alam niyang umuuusok na sa galit ang magandang babae."Siya, maganda? No way," tangging nasabi ni John sa sarili."Hoy! Bumalik ka rito! Magtutuos tayo. Anong akala mo sa akin pandak?!" malakas na mga sigaw ni Julieanne na nakapameywang. Inis na inis siya na tinawag na nga siyang basura tapos tinawag pa siyang pandak."Ang yabang! Akala mo naman kung sinong gwapo," usal ni Julieanne sa loob loob niya."E, di ba sabi mo kanina gwapo siya," pang aaway ng sariling isip. "Puwes, binabawi ko na! Nuknukan siya ng pangit! Madapa sana siya!" galit na galit na sabi nito ulit sa sarili.Pinaharurot na ni John ang kanyang sasakyan at nagdulot iyon ng maraming alikabok na napunta lahat kay Julieanne. Napalingon siya dahil sa nakikitang itsura ng babae. Napatawa siya nang malakas saka kinawayan pa nito ang naggagaliiti sa galit na si Julieanne.Ipinarada ni John ang kanyang sasakyan sa harap ng mansyon. Nang makababa ay sinalubong siya ng y*kap ng kanyang Lolo."My grandson. I'm very happy to see you," masayang sabi nito saka inakbayan ito."Me too po, oolo," sabi rin ni John. Lumakad na sila papasok ng malaking bahay ng Lolo niya na nakaakbay na ito sa kanya."Kung hindi pa kita ipinatawag dito ay hindi mo ako dadalawin," may himig na pagtatampo na sabi ni Juan Miguel sa apo saka umupo sila sa sopa sa sala."Sorry po. Busy lang po ako sa kompanya," ani ni John."Ano bang pinagkakaabalahan mo? I always watch you on television and there is a rumor na kayo na ni Claire Santiago, ang anak si Condrado," kilala ni Juan ang mga Santiago at hindi nito gusto ang ugali ng pamilya nito."Chismis lang po iyon. At wala pong namamagitan sa amin ni Claire," sagot ni John."Hijo, hangga't maaga pa ay iwasan mo na ang babae na iyon. Ayoko na magkaroon ng alitan ang pamilya natin sa mga Santiago. At hindi ko gusto ang babae na iyon para sayo apo," mahabang litanya ni Juan. Tumango ng ulo si JohnNabaling ang tingin niya sa babaeng pumapasok sa loob ng bahay at naglalakad na papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata na nagmano ito sa Lolo niya."Oh, Hija, bakit ganyan ang itsura mo?" nagtatakang tanong ni Juan kay Julieanne. Tumawa naman ng mahina si John.Masamang tingin na bumaling si Julieanne kay John dahil sa pagtawa nito. Alam niyang siya ang pinagtatawanan ng lalaking katabi ni Lolo Juan."Ah, kasi po may tao pong walang puso na gumawa nito sa akin kanina," may diing pagpaparinig na sagot ni Julieanne. Napalingon naman si John dito na nakakunot ang noo."Oh siya, Hija. Pumasok ka na sa kuwarto mo at maligo ka. Hihintayin ka na lang namin sa dining," sabi ng matanda dito. Tumango ng ulo si Julieanne at saka nagpaalam. Sinusundan naman ng tingin ni John ang papalayong pigura ng babae."Lolo, sino po siya? What she is doing here?" mga tanong ni John. Tinuro ng tingin nito ang papalayong si Julieanne."Si Julieanne, napakabait na bata at maganda pa. Magalang na at saka masunurin sa magulang," may pagmamalaking pakilala ni Juan Miguel kay Julieanne."Lolo, I'm not asking what is her qualities. What I want to know is why she is here?" naiinis na tanong ulit ni John. Ibinibida kasi ito ng Lolo niya. Napangiti naman si Juan Miguel sa kanyang apo."They live here with me. Matanda na ako, Hijo. At walang kasama dito sa napakalaking bahay na ito. Kaya nagprisinta akong kupkupin ang pamilya ng namayapa kong kaibigan," sagot ni Juan."E, bakit po sa taas ang kuwarto niya? Di ba dapat sa maids quarter siya natutulog?" may pagtatakang tanong ni John. Hindi siya makapaniwala na may pinatira ang Lolo niya na mahirap na pamilya."Matalik na kaibigan ko ang papa niya. At si Jose ang tumulong sa akin noong na aksidente ako. Hindi ka pa ipinapanganak noon. Siguro kung hindi dahil kay Jose ay wala na rin ako dito," mahabang kuwento ni Juan Miguel."Pero, lolo--," may sasabihin pa sana si John nang pinigilan siya nito."No buts, I want them to stay here. At saka hindi sila katulong dito apo," putol na sabi ni Juan."Halika na. Alam kong pagod ka sa biyahe mo. Kaya kumain na muna tayo at nang makapagpahinga ka na agad," dagdag na sabi ni Juan saka kayang apo. At sabay silang tumayi para pumunta sa dining area.Naiinis siyang isipin na nagpapatira ang kanyang lolo ng ibang tao sa mansyon niya. Sasamantalahin lang nila ang kabaitan ng lolo niya. Ang worst pa ay baka pagnakawan pa ang kawawang matanda. Mga pumapasok sa isipan ni John patungkol kina Julieanne, sa pamilya nito."CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia