Share

Chapter 5

JASMINE

KAAGAD kong sinearch sa G****e ang ‘VIP Marriage’ pero wala ni isang article akong nabasa.

Napatingin ako sa baba ng card ay may nakasulat na ‘Join our Entry Level to get a one million signing bonus’

Napataas ako ng kilay. “Ano kaya itong VIP Marriage? Bakit may entry level at may signing bonus pa na isang milyon?” tanong ko sa sarili saka ko tiningnan ang likod ng card.

Nakasulat naman sa likod ang cell phone number. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit tinipa ko sa cell phone ang numerong ‘yon.

“Tawagan ko kaya?”

Walang pasubaling pinindot ko ang call button. Dahan-dahan ko pang nilagay sa tenga ko ang cell phone. Ilang sandali pa ay napahinto ako ng paghinga nang kaagad na may sumagot sa tawag ko. Nanigas pa ako sa kinauupuan ko nang bigkasin ng babaeng nasa linya ang pangalan ko.

“Are you Jasmine Pedrosa?”

Tikom ang bibig ko at hindi ako makapagsalita sa narinig ko.

“Hello po? May tao po ba?” tanong muli ng babae kaya nagsalita na ako.

“Oh–Opo! B-Bakit niyo po alam ang pangalan ko? Kayo po ba may-ari ng card na ‘to?”

“Hindi po. Sa inyo talaga ang card na ‘yan. At pili lang po ang binigyan ng ganiyang offer. Interesado po ba kayo?”

“Uhmm. . . hindi ko pa po alam, siguro pag-iisipan ko muna?”

“It’s okay. You may contact me if ever magbago ang isip mo. I just want to tell you na 24 hours lang po ang valid ng offer na ‘to. So please pag-isipan niyo po ng mabuti,” anito saka binaba ang tawag.

Dahan-dahan kong binaba ang cell phone ko dahil kahit dito sa offer nila, nakaka-pressure rin. 

Muli akong napabuntong-hininga. Tumindig ako at bumalik sa kuwarto ni Tatay Hector. Pagkaupo ko pa lang sa silya ay biglang nag-seizure si Tatay. Kaagad akong lumabas ng kuwarto at dagling nagpunta sa nurse station.

“Nurse! ‘Yong Tatay ko, nag-se-seizure! Tulungan niyo po ako!” naiiyak kong sambit sa kanila kaya agad silang pumunta ng kuwarto at ang isa naman ay tumawag na ng doctor. 

Sampung minuto ang nagdaan pagkatapos na ma-inject ng nurse ng pampakalma si Tatay ay lumapit ako sa doctor. 

“Doc, kumusta ang lagay ng tatay ko?”

“Miss Jasmine, kailangan natin ipa-MRI ang tatay mo sa ulo. Kaya nag-seizure siya ay posibleng naka-internal bleeding siya sa utak. Para makasigurado tayo.”

“Magkano naman po ang MRI?”

“Siguro mga fifthteen thousand lang.”

“Lang? Ang laki naman, Doc? Wala na bang ibang way?”

“Pasensya na Miss Jasmine, ‘yon lang ang paraan para malaman natin kung may bleeding ba sa utak ng tatay mo. Now excuse me,” anito saka umalis ng kuwarto.

Huminga ako nang malalim at napaupo sa silya. I still can’t believe it na pagdadaanan ko ‘to. Walang-wala na ako at ang laki pa ng babayaran ko sa ospital. Paano na lang kung may internal bleeding sa utak si tatay? Paano ko pa mababayaran ang bills sa ospital?

Napatingin ako kay Tatay Hector, di nagtagal ay bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Gulong-gulo na ang isip ko. Saan ako kukuha ng pambayad?

Napatingin ako sa card ng ‘VIP Marriage’ saka umiling.

Hindi ko puwedeng ibenta ang sarili ko rito para lang sa pang-ospital ng tatay ko.

Makalipas ang ilang oras ay bigla na naman nag-seizure si tatay. Tinawag ko muli ang mga nurse para pakalmahin ito. This time sinabihan na ako ng nurse na i-push ko na ang MRI test para malaman ang sanhi ng pag-seizure ni tatay. 

“Ano ang mangyayari kung may internal bleeding nga talaga si tatay?” tanong ko sa kanila.

“Kailangan po siyang operahan kung sakali positive na may hemorrhage sa utak ang tatay mo.”

“Sa tingin mo, magkano kaya ang magagastos?”

Nakita ko sa mukha ng nurse na nababahala ako sa bill ng operasyon. 

“Mahal po ang operasyon sa utak, Miss Jasmine. ‘Yong iba umaabot ng kalahating milyon.”

Para bang gumuho muli ang mundo ko nang marinig ‘yon. Malungkot akong bumalik sa silya ko samantalang ang mga nurse naman ay bumalik na sa kanilang station. 

Mukhang wala na akong ibang choice kundi tawagan ko muli ang ‘VIP Marriage’

Kinuha ko ang cell phone ko saka ko ulit tinawagan ang agent.

“Hello po, nakapag-desisyon na po ako.”

"So, Miss Jasmine, are you ready to marry one of the wealthiest men on earth?"

Tumango ako dahil kailangan ko na ng pera pambayad ng ospital bills ni tatay.

“P-Parang ‘yon na nga po,” tugon ko saka ako napalunok.

“That’s good then may susundo sa’yo bukas dyan sa ospital, 8 AM sharp.”

Nanlaki ang mata ko dahil paano niya nalaman na nasa ospital ako ngayon? 

“P-Paano mo nalaman na nandito ako ngayon sa ospital? At paano mo nalaman din ang pangalan ko? Stalker po ba kayo?” pagalit kong tonong tanong sa kaniya. Hindi na kasi normal ito at baka naman talagang nang-i-iscam lang o baka naman parte sila ng sindikato?

“Please calm down, Miss Jasmine. Hindi kami stalker at lalo nang hindi kami scammer. Kami ay isang agency na tumutulong sa mga mayayamang bachelors na pumili ng kanilang mapapangasawa. We just recently created an Entry Level para sa mga kagaya mong hindi mataas ang estado sa buhay. Tyempong ikaw ang natipuhan ko dahil nag-trending ka sa social media at saktong-sakto ang characteristics na hinahanap ng VIP Marriage.

“Matagal ka na namin sinusubaybayan simula no’ng nag-viral ka. Saktong kailangan mo ng pera kaya hindi na kami nagdalawang isip na bigyan ka ng invitation card. Malalaman mo lang lahat kapag magkita tayo sa personal.

“My name is Eva Victoria, your assigned account manager ng ‘Very Important Partners Marriage Agency’. Susunduin ka ng driver tomorrow 8 AM sharp. I am looking forward to this, Miss Jasmine.”

Magsasalita pa sana ako kaso binaba na ni Eva ang tawag. Wala namang masama kung susubukan ko hindi ba? 

Kinabukasan ay sinundo na ako ng driver ng VIP Marriage at pagdating ko sa loob ay namangha ako sa ganda ng opisina. Malawak. Malinis. At mamahalin ang mga gamit sa loob. Mukhang malaki ang kompanyang ito.

Napahinto ako ng paglakad nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na nasa reception area.

“Sir Fabian?”

Kinusot ko ang dalawa kong mata at nang mangyari ‘yon ay hindi nga ako nagkamali. . . si Sir Fabian nga ang nando’n sa reception area.

Oh shit! Kailangan kong magtago!

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Judith Driz
Ang Ganda , update Po
goodnovel comment avatar
Leslie agapito
wow Ang ganda...update na po.
goodnovel comment avatar
Leighrah Sharie Skyleigh
Chapter 6 please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status