Share

The Billionaire's Secret Wife
The Billionaire's Secret Wife
Author: BlueskyPlum

KABANATA 01

NANDITO ako ngayon sa aking opisina dahil hindi ako mawari sa nangyari sa aking pasyente, dahil siya ang kauna-unahang pasyente kong pumanaw ngayong buwan.

 Naaawa lang ako sa kanya dahil bata pa siya at maraming pangarap sa buhay.

Tama nga ang kasabihan na, Death is not the opposite of life, but a part of it.

Kasalukuyang akong nag tatrarabaho bilang isang doctor sa isa sa mga pinaka sikat na Hospital sa Maynila.

Lahat ng nakamit ko ngayon ay dugot pawis ko itong pinaghirapan, nag tatrabaho sa gabi at nag aaral naman sa umaga.

Ginagawa ko ang lahat para makapag tapos ako at makamit ko ang pangarap ko kaya hito na ako ngayon. 

Kaya naniniwala talaga Ako sa kasabihang kapag may tiyaga may lalagain ka.

Namulat ako sa mundong ito ng hindi kilala ang tunay kong mga magulang.

Ang sabi sa akin ni Mother Silvia ang madre na nag-palaki sa akin ay iniwan lang ako sa harap ng bahay ampunam kasama ang kwintas na may nakaukit na Samantha kaya ayun ang naisip nilang ipangalan sa akin dahil baka sakaling hanapin pa ako ng tunay kong mga magulang.

Kahit iniwan nila ako ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila sa katunayan ay nagpapasalamat Ako sa kanila dahil iniluwal pa nila ako at  nasilayan Ang Ganda nang Mundo.

Hanggang sa ngayon ay umaasa parin ako na baka isang araw ay hanapin nila ako, sino ba naman ako para itakwil sila,

Isa lang naman akong babaeng naghahanap ng pagmamahal ng isang pamilya.

Nung tumungtong ako ng dise-otso ay nag bukod na ako ng tirahan at naghanap ng pagkakitaan para may pambayad ako sa aking pag-aaral at sa pang araw-araw na gastusin ko. Hindi naman ako nabigo dahil sa unang pag-aplay ko ay natanggap ako, isa siyang convenient store na bente kwatrong oras na naka open. Sa unang araw, parang gusto ko nang sumuko dahil hindi pala madaling ipag sabay ang trabaho at pag-aaral, pero nang tumagal ay nasanay na din ako.

NAPAGPASYAHAN kong tawagan ang aking kasintahan na si drake para kumain sa labas.

"Babe are you free tonight?" saad ko sa kabilang linya.

Three years na kaming magkasintahan ni Drake at first boyfriend ko siya, schoolmate ko siya nung college ako.

"Yes of course babe im free tonight ikaw paba. " masayang tugon nito.

Sabi nila manloloko daw ang mga seaman pero pinatunayan sa akin ni drake na naiiba siya at hindi siya tulad ng mga sinasabi nila at pinagkakatiwalaan ko siya dahil nirerespeto niya ang mga desisyon ko, at hindi niya ako minamadali sa gusto niyang mangyari, i love him and i don't know if i can live without him.

"Thank you babe, I'm sorry for bothering you, gusto lang kitang makita at miss na kita."

"I know babe, hihintayin ka, sa dating tagpuan, hihintayin kita. I love you and I miss you" Tugon nito ulit.

"Me too see you later babe."

Naligo na ako at nag suot lang ng itim na damit na hangaang tuhod at pinaresan ko ito ng puting sandals, i love black and white combination.

Nagbiyahe ako ng 6:30 pm baka matraffic ako, Malayo pa kase ang lugar na pupuntahan ko.

at hindi nga ako nagkamali dahil sobrang traffic dahil may ganap na nangyari, kaya agad akong bumaba ng sasakyan para tingnan, at may nakita akong nagtutumpukang mga tao at agaw pansin sa akin ang nakahandusay sa sahig na babae kaya agad ko itong nilapitan.

"My name is Samantha, isa akong doctor sa Sebastian Hospital." saad ko sa lalaking hawak-hawak ang kamay ng isang babae.

"I'm Miguel Ms. i mean doc. and this is Georgia my girlfriend, Nabangga po kami ng sasakyan and she's 1month pregnant, please tulungan nyo po siya."

 pagmamakaawang tugon nito.

"Tumawag kayo ng ambulansya ngayon na" Sigaw ko sa mga nakapaligid sa amin dahil kanina pa sila dito pero walang man lang tumawag na kahit isa sa kanila.

Chineck ko ang pulso nya sa kamay at sa leeg pero hindi ko mahanap kaya dinirekta ko ang tenga ko sa dibdib ng babae at pinakinggan ko ng mabuti. Maya-maya lang ay naririnig na ako, Thanks God tumitibok pa sakto namang dumating ang Ambulansya kaya kinausap ko ito at sinabi ko kung anong nangyari sa babae.

Umalis na ako at hindi na ako nakapag paalam sa lalaking naka-usap ko kanina dahil ako'y nag mamadali dahil 7:15 na ng gabi.

Saktong 7:30 nakarating ako sa dito sa Makati kaya tinawagan ko si drake kung nasaan na sya pero hindi ito sumasagot baka nag babyahe pa lang.

Habang hinihintay ko siya ay nag order na ako nang makakain naming dalawa para pag dating niya ay kakain na lang kami.

Pero alas otso na ng gabi wala parin sya, kaya nag ikot ikot muna ako, hanggang sa napagod ako ay wala parin siya.

Kaya napag pasyahan kong i take out nalang lahat ng order ko baka nakalimutan niya at nakatulog siya susurpresahin ko na lang siya.

Habang papunta ako sa kanyang tahanan ay may naka-bangga akong lalaki.

"Tanga." bulong nito pero rinig na rinig ko parin ito.

"What? anong sabi mo?" Pasigaw kung tanong sa kanya.

Nakaugalian na ba ng mga pilipino na sila na ang may kasalan sila pa ang matapang at may ganang magalit.

"Are you blind? o nagbubulag-bulagan lang?" iyon lang ang sabi nya at umalis din kaagad.

"ANONG KONEKSYON NUN SA TANONG KO?" pasigaw na tugon ko sa kanya, gwapo sana kaso ubod naman ng suplado.

Sumakay na ako sa Elevator pero pag kasara ng pagkasara nito ay nakita ko ang naka banggaan kong lalaki na masamang naka tingin saakin. Hindi ko gaanu maanigan ang mukha niya dahil naka sumbrero ito.

Anong kayang problema nun bakit ang sama ng tingin sakin tanong ko sa aking sarili. 

Pagkadating ko ay agad kong binukas ang pinto ng kanyang condo pero wala akong makitang tao kaya nilagay ko muna ang pagkain sa mesa, uupo na sana ako ng may nakita akong pares ng sapatos ng babae.

Kinuha ko ito at sinuri, isa ito sa mga gusto kung bilhin kaso nag-iisa lang ito sa pilipinas.

Pupunta na sana ako sa kwarto niya ng may narinig akong unggol at sigaw ng babae, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kinakabahan ako at hindi ako maka galaw parang na estatwa ang katawan ko at naging blangko lahat ng isip ko.

Lalabas na sana ako ng condo ng may nasagi akong vase, na nagdulot ng ingay. Nakita ko naman na agad lumabas ng kwarto si drake.

Kaya dali-dali akong lumabas dahil alam kong magpapalusot na naman siya.

"Babe, please let me explain." pahabol niyang saad sa akin.  

"Anong ipapaliwanag mo na hindi mo ako sinipot at mas inuna mong pakasarap samantalang ako na walang kamuang muang na may nilalantakan ka na palang iba."

" Mali ang pag intindi mo please let me explain." saad nya pa.

"Mali?" napahawak ako sa dibdib ko at napa atras ng kaonti. " so.. ano yong narinig ko, nag bahay bahayan lang kayo tas nag saksakan kayo tas ang sandata mo ay ari mo at ang sa kanya naman ay ang mabahong tahong niya iyon ba ang sinasabi mong mali ang pagkakaintindi ko?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, please hear me out."

"Paano kita papakinggan eh huling-huli kana sa akto." maluluhang tugon ko.

Akala ko ay naiiba na siya sa iba pero pare-parehas lang pala silang lahat. No hindi mas worst siya.

"Alam mo yan na mahal kita sam, pero lalaki ako may pangangailangan ako." aniya nito na may pasabay na iyak, what a best actor.

" Babae rin naman ako pero hindi ako nag hanap at Akala koba ay nagkaka-intindihan na tayo, pero akala ko lang pala yun." Hahawakan niya sana ako ng biglang dumapo bigla ang mga kamay ko sa mukha niya.

Deserve niya ang sampal na iyon dahil manloloko siya. At hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko iyon.

Patawarin sana ako ni Lord at ni Mother Silvia, hindi ko pa po siya kayang patawarin sa ngayon dahil sariwa pa ang sugat na dinulot niya sa akin.

"shiit Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ko ginawa iyon , dahil sa kadamutan mo natukso ako sa iba, dahil hindi mo kayang ibigay ang pangangailangan ko."

"My god drake! ang kapal kapal nang pagmumukha mo, ANO MO AKO NANAY? Okay kalang ba ha? Hindi ako nag kulang sa pag paparamdam sayo ng pag mamahal ko, ikaw lang itong hindi makuntento."

"Hindi sapat ang pagmamahal na ipinaramdam mo, may iba din akong kailangan pero hindi mo yon maibigay kaya hinanap ko sa iba."

"so ganun, ako pa yung may mali? Ako pa ang may kasalanan? at ako pa yung nag kulang? Tangina mo naman drake. " napa upo na lang Ako dahil hindi ko na kaya ang sakit sakit na. "Oh .. cge aaminin kuna.. ako na yung nag kulang at ako na yung may mali sa ating dalawa, Pero hindi ako nagsisi na hindi ko naibigay ang pagkababae ko sayo dahil ganyan pala kasama ang ugali mong hayop ka." pabulong na sabi ko pero alam kong dinig parin niya iyon huminga muna ako ng malalim bago tumayo at nagsalita ulit.

"What a shamme!! kawawa ka naman puro tira-tira lang ang natitikman mo, nasayo na nga yung birhen na pinapangarap ng iba pinakawalan mo pa." yun ang huli kung sabi sa kanya at umalis na.

Pagkadating ko ng sasakyan dun ko nilabas lahat ng galit at hinanakit ko sa kanya at hindi ko namalayan na dala-dala ko pala ang isang pares ng sapatos ng babae niya na nakita ko kanina agad ko ding inihagis sa likod ng aking kotse at pinaharurot ito .

Namalayan ko nalang na nasa isang bar na ako agad din naman akong pumasok at umorder nang maiinom ko at naalala ko naman ang gagong yun parang gusto ko nang mamatay sa sakit.

 I had never thought that something that brought so much joy could bring so much pain.

Hindi ko na matandaan kung naka ilang baso na ako nang vodka nahihilo ako umiikot ang mga paningin ko.

Maya maya lang ay nahagip ng mata ko ang lalaking naka banggaan ko kanina sa parking lot, kaya nilapitan ko ito.

"Sinusundan mo ba ako ha?" paika-ika kung tanong sa kanya.

" what if sabihin ko sayo na stalker ako pero hindi sayo." seryoso nitong saad.

"Ouch! sobrang mapanakit ka ha!."

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mga sinabi niya.

"I'm Samantha." pakilala ko "Why are you so pogi galing kabang langit?" tanong ko sa kanya. Pinag masdan ko ang mukha niya 

Para kasi siyang angel na ibinaba sa lupa.

"I'm George." sabay ngisi nito " gusto mo bang pumunta ng langit o gusto mong maka tikim ng langit?" kagat labi niyang tanong sa akin, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin kaya sinakyan ko lang ito.

"Silly haha..Syempre sino ba naman ang ayaw mapunta sa heaven at sorry to say hindi pa ako nakakatikim ng heaven, ano kayang lasa?" Mausisa kung tanong sabay shot ng vodka.

"Okay then Let's get a room, ipapatikim ko sayo ang lasa ng langit masarap kaya yon." sabay ngiti nito, nang ngumiti siya para akong mahihimatay dahil ang lakas ng dating niya sakin pag ngumingiti siya, at nakaka pang akit ng gitnang bahagi. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin nito ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pakiramdam parang kinikiliti ka na hindi mo maintindahan. Siguro naiihi lang ako.

"No.. I don't want that, i want to be your mine, Please let's get married...."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status