TULALA SI Nathan na pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan mula sa bintanang kaharap niya. Halos wala ng kabuhay-buhay ang kaniyang mukha. Mugto ang mga mata nito na halatang kagagaling na naman sa pag-iyak, maputla ang dati niyang mapupula na labi, at bagsak na rin ang timbang ng katawan niya dahil sa hindi pagkain nang ilang araw.
Naging gan'yan na siya simula nang hiwalayan siya ni Xandra, ang asawa nito, na siyang nagbigay-buhay at pag-asa sa kaniya noon. Hindi niya akalaing may sariling pamilya na ito nang wala siyang kamalay-malay. Pabalik-balik na naaalala niya ang pagtanggi sa kaniya ng dalaga noong nakaraang linggo lang. Napakasakit at napakadaya.Nakulong kasi siya kasama ng kaniyang mga kasamahan noon. May pumaslang sa kaniyang mga magulang noong araw mismo ng kaniyang graduation. Humingi siya ng tulong sa mga pulis ngunit hindi nila ito pinagtuonan ng pansin at parang balewala lang siya sa kanilang paningin. Hindi na siya umasa pa simula noon sa batas kaya bumuo ito ng sarili niyang grupo upang siya na mismo ang magbigay ng hustisya sa kung sino mang kumitil sa buhay ng Mama't Papa niya.Pero nang malaman na niya kung sino ang pumaslang sa kaniyang mga magulang at nabigyang hustisya na sa wakas ay kusa na itong sumuko sa mga pulis alang-alang kay Xandra.Nangako ang dalaga sa kaniya na hihintayin niyang makalabas siya ng kulungan pero nang siya ay malaya na ay bumungad sa kaniya ang masaklap na balitang maligaya na ang babaeng mahal niya sa piling ng ibang lalaki.Sa ngayon ay nakatira na lamang siya sa isang maliit na kubo habang si Ashton naman ay sa bahay ng mga magulang niya. Sa katunayan ay inimbitahan nila si Nathan na manirahan din doon ngunit tumanggi ang binata dahil mas nais niyang mapag-isa. Gayunpaman ay hindi natupad ang kagustuhan niyang iyon dahil palaging dumadalaw sa kaniya ang kaibigan nitong si Ashton kagaya na lamang ngayon."Thanthan, kape ka muna. Malamig ang panahon ngayon, kailangan mo 'yan." Nilapag nito ang umuusok pa na katitimplang kape sa lamesang kaharap ng binata. Wala siyang natanggap na tugon galing dito dahil kagaya nang dati ay parang may sarili itong mundo. Ayos lang naman iyon kay Ashton dahil iyon talaga ang coping mechanism ni Nathan kaya hinahayaan na lamang niya.Nagdaldal ito ng kung ano-ano, walang pakialam kung nakikinig ang kaniyang kaibigan o hindi. Pero napakunot na lamang ang kaniyang noo nang biglang nagliwanag ang mga mata ni Nathan kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Nagtaka siya kung bakit gano'n ang inasta nito bigla pero napagtanto rin niya ang rason kalaunan. Sinundan niya kasi ang tingin nito at mula sa hindi kalayuan ay tanaw nilang pareho ang paparating na babae sa gawi nila. Walang iba s'yempre kun'di si Xandra.Kulang ang salitang masaya para mailarawan ang masiglang hitsura ni Nathan. Ang nasa isipan niya ngayon ay binalikan siya nitong muli. Wala siyang pakialam kung sinaktan siya nito dahil handa niya itong patawarin nang paulit-ulit at kalimutan ang lahat basta ang mahalaga ay magkasama lang sila muli. Hindi niya kaya na wala ang dalaga sa kaniyang tabi sapagkat ito ang nagsisilbing sandalan niya sa lahat ng bagay."Xandra." Iyon ang unang salita na naisatinig niya matapos ang ilang araw na pagiging tahimik, para nga siyang pipi kung ilalarawan noon. Nang mapagmasdan niya nang mabuti ito ay pansin talaga niyang mamahalin ang kasuotan ng dalaga. 'Her husband is rich.' Iyon ang nasa isipan nito.Samantala, kabaliktaran ang reaksyong ibinigay sa kaniya ni Xandra dahil walang emosyong napatingin lang ito sa kaniya. Bigla tuloy itong nangulila sa kung paano siya nito tingnan dati nang may pagmamahal pa sa kaniyang mga titig. Ngayon ay wala nang kahit na anong bahid na mapagmamasdan pa ro'n.Tumikhim si Ashton na nasa tabi lang nila. Sumenyas siya sa kaibigan na aalis na muna siya upang bigyan sila ng privacy sa anumang pag-uusapan nila. Ayaw niyang makaabala sa dalawa. Hindi na rin naman niya hinintay pa ang sagot nito dahil nagmartsa na kaagad siya paalis. Hinihiling niya sa mga oras na iyon na sana ay maging maayos ang agendang tatalakayin nila.Sa kabilang dako naman ay hindi makatingin si Xandra nang tuwid sa lalaki. May parte kasi sa kaniya na labis na nakokonsensya sa mga nagawa niya rito sa kabila ng kabaitan ng binata. Pero wala na siyang ibang magagawa pa dahil natapos na, nangyari na ang dapat na mangyari.Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa sa sadya nito. Inabot na niya kaagad kay Nathan ang hawak-hawak niyang brown envelope. Kahit na nagtataka at clueless ay aligaga namang binuksan iyon ng binata. Ang pag-asang umusbong sa kaniyang sistema kanina ay biglang naglaho kasabay ng pagpawi ng kaniyang ngiti nang mabasa ang laman ng kasulatan na iyon.He breathed heavily. "A-annulment paper? Ano... ano'ng gagawin ko rito, Xandra?" mahinahon nitong tanong pero ramdam ng kahit na sino ang pighati sa boses niya. May ideyang nabuo sa kaniyang isipan ngunit ipinagtabuyan niya iyon. Hindi puwede.Malamig na tingin ang ipinukaw nito sa lalaki. "Nathan, kung talagang mahal mo ako ay hahayaan mo akong makasama ang tunay ko talagang mahal. Palayain mo na ako, please?" pakiusap nito.Doble ang sakit na naramdaman niya. Una ay dahil tinawag siya nito sa pangalan niya at hindi na sa dating Thanthan na tawag niya rito. Pangalawa ay dahil gusto na nitong makalaya sa pagmamahal niya. Ano pa ba ang mas sasakit doon?Hindi siya nakaimik, sinubukan niyang magsalita pero sa huli ay itinikom na lamang niya ang kaniyang labi. He couldn't stop reflecting on what went wrong. Hindi niya tanggap.Marahang lumapit sa kaniya si Xandra matapos ang ilang segundong katahimikang namutawi sa pagitan nilang dalawa. Dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay niya. He was stunned by her sudden move. Naging sunod-sunod ang pagpintig ng puso niya dahil sa ginawang iyon ng dalaga.Naramdaman niyang may inilagay ito sa kaniyang palad bago niya ito pakawalan. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa hawak-hawak na niya ngayong singsing."Isasauli ko na 'yang singsing na ibinigay mo noon sa akin. Hindi ko na rin naman 'yan kaiangan dahil nagproposed na sa akin si Dexter. Kung gusto mong dumalo sa kasal namin ay bukas ang pintuan," pag-aya pa nito na parang hindi man lang nakararamdam sa sakit na kasalukuyang dinadala ni Nathan. Kung makaasta ito ay parang basta na itinapon na lang niya ang lahat ng kanilang mga pinagsaluhan nang magkasama.Nathan groaned. Nawalan na siya ng kontrol pa sa kaniyang sarili kaya walang pasabi niyang hinablot ang kamay ni Xandra upang dalhin ito sa ilog na malapit lamang sa lugar na iyon.Wala namang naging angal ang dalaga, sa halip pa nga ay tahimik lang siyang nagpahila rito. Hindi mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang palapulsuhan na para bang sinisigurado ni Nathan na hindi niya ito masasaktan. Sa tanang ng buhay niya ay hindi pa nito nagawang saktan ang dalaga.Nang makatungtong na sila sa kanilang destinasyon ay nagmamakaawang lumuhod si Nathan sa harapan niya. Hindi na niya napigilan pang mapahagulgol. "Xandra, minahal mo ba talaga ako? Kasi kung oo, bakit ang sakit mong magmahal? Ano ba ang ginawa ko sa 'yo para gawin mo sa 'kin ngayon 'to? Isinakripisyo ko ang lahat para sa 'yo na dumating sa puntong wala na akong pakialam pa kung mawala sa akin ang lahat, huwag lang ikaw," anito sa naghihinagpis niyang tinig.Napailing-iling ito sa kaniya bago lumuhod din para magkapantay sila ng tingin. "Nathan, tumayo ka riyan," wika nito, bakas ang awa sa kaniyang ekspresyon."Hindi! Sagutin mo na muna ako, Xandra! Bakit sa kabila ng ginawa ko para sa 'yo ay ganito ang igaganti mo sa akin?!" Hindi na niya naiwasan pang mapataas ang boses niya. Poot, galit, kalungkutan; naghalo-halo na ang kaniyang nararamdaman."I never asked you to do that, Nathan. Kung talagang minahal mo ako ay hindi mo isusumbat sa akin ang lahat ng iyan," aniya sa mababang boses na halos pabulong na.Napatango-tango si Nathan bilang pagsang-ayon niya rito. Unti-unti siyang tumayo, maging si Xandra ay umahon na rin pagkatapos. Nauunawaan niya ang puntong sinabi nito. "Sorry. Nadala ako sa emosyon ko. Pero..." Huminga siya nang malalim na tila roon siya humuhugot ng kaniyang lakas para masabi ang gusto niyang isatinig. "...pero puwede bang ikaw na mismo ang m-magtapon ng singsing na ito sa dagat? At puwede rin bang sabihin mo sa akin nang harap-harapan na... na h-hindi mo na talaga ako m-mahal?" nahihirapang pakiusap niya rito nang sa gano'n ay maisampal sa kaniya ang masakit na katotohanang kailangan niyang tanggapin kahit na mahirap.Napatango ang dalaga. Siya na mismo ang nagkusang kumuha ng singsing at agarang ibinato iyon sa malawak na karagatan nang walang pag-aalinlangan.Natulala na lamang si Nathan sa direksyon kung saan mismo nahulog ang singsing na napakadaling itinapon ng dalaga. Napalunok siya, unti-unti nang rumehistro sa kaniyang isipan na wala na talaga siyang pag-asa pa para ipaglaban ang malabo nilang relasyon.Napatango-tango siya sa kaniyang sarili. Hinarap niya niya ito kasabay ng pagguhit ng sinserong ngiti sa kaniyang labi. "Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal dahil sapat na ang mga ginawa mo para matauhan ako nang tuluyan. Pipirmahan ko ang divorce paper kung iyon ang gusto mo," pinal nitong wika. Napangiti ang dalaga dahil sa kaniyang narinig, masaya siyang pinapalaya na siya nito. "Mag-iingat ka. Hangad ko ang kaligayahan mo, kung sa kaniya ka masaya ay magiging masaya na rin ako mula sa malayo."Hindi na sumagot pa si Xandra. Tumalikod na siya upang lumayas dahil nagsimula nang magsipatakan muli ang ulan na tumila lang saglit kanina.Napakunot ang noo ni Nathan nang napagmasdan niya kung paano tumulo ang butil ng luha ng babae bago ito tuluyang nakatalikod. Hindi niya alam kung nagmula ba iyon sa ulan o talagang luha niya. Pero ipinagsawalang bahala na lang din niya sa huli dahil baka imahinasyon lamang niya iyon.SUNOD-SUNOD ang paghinga ni Nathan, mapapansin din na pawisan ito sa halos bawat parte ng kaniyang maselang katawan. Dinalaw na naman siya ng mga alaalang pilit niyang ibinabaon pero kusa pa ring lumilitaw."Fuck that dream!" giit nito. Iritado niyang ginulo ang kaniyang buhok.Alas kuwatro palang ng madaling araw nang mapadako sa orasan ang kaniyang paningin. Babangon na sana siya para maghilamos nang biglang tumunog ang kaniyang telepono.Ang nasa isipan niya ay baka si Ashton lang 'yon at mangungulit na naman pero nagkamali siya nang makitang si Caroline pala iyon, ang kasintahan niya. Isang linggo pa lang ang nakalilipas simula nang sila ay magkabalikan.Natnat, pasundo ako sa airport around six o'clock in the morning. See you soon. I love you.Napangiti siya matapos basahin ang mensahe nito. Si Caroline lang ang bukod tanging tumatawag sa kaniya sa pangalang Natnat dahil ito mismo ang personal na gumawa ng bansag na iyon. Maybe he should try to divert his attention to her girlfriend now. Not on other women, especially his ex-wife.NAGISING SIYA dahil sa malamyos na haplos ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Naramdaman pa niya ang bahagya nitong pagtabing sa kapiranggot na buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Patagilid kasi siyang nakatulog dahil sa pagbabantay kay Xander nang hindi niya namamalayan. And just like before, Xandra cried until she dozed off to sleep again.She distanced herself. Kahit hindi niya pa nakikita ang hitsura nito ay alam na niya agad kung sino iyon base sa pamilyar na amoy. "Kumain ka, please. Ilang araw mo nang hindi ginagalaw ang mga niluluto ko." May pagsusumamo sa tinig ni Nathan. Kagaya nang dati ay wala itong anumang natanggap na tugon galing sa kaniya. Bahala itong magdusa.Gayunpaman ay hindi siya manhid. Alam niya sa kaniyang sarili ang kalagayang kumakalam na sikmura, lalo na nang malanghap na naman ang nakakatakam na pagkaing nasa kaniyang tabi lamang.Alas sais na ng umaga nang mapadpad ang kaniyang tingin sa wall clock na tanging maririnig sa buong silid. Bumuntonghining
GISING ANG kaniyang diwa ngunit ayaw niyang magmulat ng mga mata dahil sa labis na takot. Afraid that everything that happened earlier might be true. Na dumudugong nawalan ng malay ang kaniyang bunsong anak, ang panganay naman ay nabalibag nang malakas, siya na natamaan ng bala sa bandang braso at muntikan nang magahasa, at si Nathan, ang lalaking lubos niyang pinagkakatiwalaang makapagliligtas sa kanila sa anumang uri ng trahedya, ay mas inuna pa ang ibang babae."You know, I was really anxious because of those men who surrounded me. But thank you for saving me and making me your priority even though we had already decided to break up." Kahit ano mang pigil ang kaniyang gawin ay hindi pa rin niya maiwasang maluha dahil sa narinig mula kay Caroline.Ayon sa kaniyang hinuha ay medyo may kalapitan ang pinanggalingan niyon. Mariin siyang napakagat sa labi sa takot na baka marinig ang munti niyang paghikbi.Sandaling natahimik ang kausap nito na tumugon din naman kalaunan. "It's not what
THEY HURRIEDLY went to the living room. Naroon na rin ang dalawang batang halata sa mga hitsura na nais pang matulog. Ilang minuto pa lang kasi ang nakalipas simula nang tangayin sila ng kaantukan."Nathan, ano ang nangyayari? Bakit na naman aalis tayo ng madaling araw na? At saka, may kinalaman ba 'to sa putukan na narinig ko?" pabulong na tanong niya rito upang hindi marinig ng kanilang mga anak.Kahit nagmamadali ang lalaki ay sinagot pa rin nito ang kaniyang nililigawan. "Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa inyo ng mga anak ko. Sa ngayon ay may paparating na batalyong kalaban dito batay sa ni-report sa akin ng tagamanman kong tauhan. Mag-isa lang siya ro'n, kaya hindi niya mapipigilan ang lahat, ngunit iistorbohin niya sila upang may oras pa tayong makatakas," mahaba nitong paliwanag. Walang pag-aatubaling naghanap ito ng puwedeng sirain mula sa likuran. Mabuti naman nang may nahagilap itong marupok na kahoy na bahagya na ring inaanay. Sa isang malakas na sipa ay nawasak nit
NATHAN'S JAW clenched when he noticed the mark on his son's neck. Halatang may pumuwersang nanakit dito. Sinuri niya pa ang ibang parte ng katawan ni Xander kung mayroon pa ba itong natamong sugat na mabuti at wala na rin naman.Palihim niya ring inoobserbahan si Sarah. She's in good condition, maliban lang na panay ang iyak nito habang kandong ng kaniyang ina."Sino ang gumawa nito sa'yo?" Agad na umiling ang batang karga niya na tila takot na magsumbong. "Come on, kid. I will make sure that whoever did this to you will rot in jail." Para saan pa't may kapangyarihan at kayamanan siya kung hindi niya rin naman maipagtatanggol ang kaniyang pamilya.Isiniksik nito ang ulo sa kaniyang tuxedo. "Papa po 'ata siya ni Tita May. Takot na takot po kaming dalawa sa kanila ng kaniyang asawa. Pinagtanggol ko po si Sarah kaya ako ang napagbuntunan ng galit ng lalaking mahaba ang balbas." Kumuyom ang kaniyang kamao sa narinig na hindi kagandahang balita kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang ki
PININDOT NIYA iyong cctv camera na nakasabit sa matayog na kulay kremang gate. Aware siyang kita ang pagmumukha niya sa mini tablet sa loob."Mom, I'm finally here. Can you open the gate?" Walang buhay ang kaniyang malamig na boses. Ibang-iba ang bersyon nito sa nakilalang May nila Xandra.It's been years since she last went home. Pero para sa kaniya ay hindi bahay ang tawag niya ro'n, sapagkat ang tahanan ay nagsisilbi dapat na pahingaan, ngunit para sa kaniya ay isa iyong bilangguan na nagkakait sa kaniyang kalayaan.She bit her lower lip to control her emotions from bursting into tears. Hindi niya lubos akalaing matapos na tumakas noon ay siya rin pala ang kusang magbabalik nang wala man lang kahirap-hirap sa parte ng kaniyang mga kasuklam-suklam na magulang.Subalit kailangan niyang harapin ang kinatatakutan niyang bangungot alang-alang sa mga inosenteng bata na hindi naman dapat sangkot sa alitan nila bilang magulong pamilya. Kung papipiliin nga siya ay mas nanaisin na lamang niy
DAYS AGO...LAKING PASASALAMAT niya sapagkat sa halos dalawang araw na wala sila Xandra ay naging ligtas naman ang mga bata sa kaniyang pangangalaga. But May is aware that she has only a little time left to make the most of her freedom.Maging sa pagtatrabaho ay isinama niya sila Xander at Sarah upang mabantayang maigi. Nagkataon din kasi na bakasyon ng mga ito na hindi niya naman magawang iwanan lang sa kanilang tahanan dahil sa ano mang uri ng kapahamakang naghihintay sa kanila sa bawat pagpatak ng segundo.She doesn't want to skip work as well as Nathan instructed. Hangga't maaari ay nais niyang maging patas sa mga empleyado ng Alvarez's Company. Alas sais na ng gabi nang saktong siya ay matapos sa duty. Hawak niya ang mga bata gamit ang magkabilang kamay na nilisan ang lugar. Habang nag-aabang ng sasakyan patungo sa kanilang baryo ay bigla siyang natauhan nang kinalabit ni Sarah ang laylayan ng kaniyang damit."Ano 'yon, baby girl ko?" magiliw niyang tanong dito na bahagya pang u