NAPASULYAP na muna si Nathan sa full size mirror niya na nasa kaniyang silid upang suriin kung maayos na ba ang kaniyang hitsura't pananamit. Nang mapagmasdan niyang presentable na ang lahat ay nagmadali na siyang umalis dahil alas singko pasado na ng umaga. Kailangan niyang magmadali dahil hangga't maaari ay ayaw niyang paghintayin ang kaniyang kasintahan.
Kadalasan ay alas sais ito pumapasok sa kaniyang opisina pero sa araw na iyon ay baka mali-late siya dahil nais niyang igugol muna ang kaniyang oras para kay Caroline. Matagal-tagal na rin simula nang sila ay huling magkita.Inabot pa ng halos isang oras ang byahe bago nito tuluyang marating ang airport. Naghanap na muna siya ng puwedeng pagparkehan ng kaniyang sasakyan bago kumaripas ng takbo patungo sa loob.Mula sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Caroline na taimtim na naghihintay sa isang sulok kasama ng kaniyang mga maleta. Maya't maya pa ay mapapansing pasulyap-sulyap ito sa kaniyang cellphone na tila ba nag-aalinlangan siya kung tatawag ba ito kay Nathan o hindi."Fuck, late na ako ng dating," bulong ng binata sa kaniyang sarili nang mapadako siya ng tingin sa kaniyang relo at pasado alas siete na. Hindi na siya nagpadaloy-daloy pa't pinuntahan na niya agad ito."Natnat!" Kumaway ito sa kaniya nang nagtama ang kanilang paningin. Mapapansing malawak ang ngiti ni Caroline habang si Nathan naman ay napatulala na lang bigla nang sila ay tuluyang magkalapit na.Parang magnet ang kagandang taglay ng babae. Kumpara noon ay mas naging matured na ang pangangatawan nito ngayon, mas bumagay rin dito ang mahaba nitong buhok na kulay blonde na may pagkakulot, makinis at maputi ang kutis nito, bumagay rin ang mahaba niyang pilik-mata pati na ang pagkapula ng kaniyang labi, at higit sa lahat, kahit na mayaman siya ay simple lang ang pananamit nito. Humble at mapagmahal pa."Nat, ayos ka lang ba? May masama ba sa pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito na siyang nakapagpabalik sa kaniya mula sa pagkakatulala. Hinawakan pa niya ang noo nito, sinusuri kung may lagnat ba siya o wala. Napanatag ang loob niya nang maayos naman ang temperatura nito.Tumikhim siya. "I'm fine, Caroline. Sorry kung natagalan ako." She smiled at him, and Nathan couldn't stop admiring how stunning she was."Okay lang naman 'yon, basta ang importante ay nandito ka na. Akala ko nga kanina ay baka wala ka talagang balak na siputin ako rito kasi hindi ka nag-reply sa message ko. Pero kahit walang kasiguraduhan ay naghintay pa rin naman ako and it's worth it." His conscience crept in. Ngayon lang sumagi sa kaniyang isipan na hindi nga pala siya nakapag-reply kanina matapos niyang basahin ang mensahe nito.Binitbit niya ang mga maleta nito bago humarap sa kaniyang kasama. "Sorry, it's just that... I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin nang wala itong maisip na dahilan kung bakit.Malambing na kumapit ang dalaga sa braso niya kagaya nang dati nitong nakagawian. "Ano ka ba! I swear, it's okay," paninigurado nito. "You looked handsome as always, Natnat. I love you.""Where do you want to go first? Let's have a date." Nalungkot si Caroline pero hindi niya iyon ipinahalata. Hindi niya kailanman naramdaman na mahal siya nito at sa tuwing ipinapahayag niya ang kaniyang pag-ibig ay palagi nitong iniiba ang usapan. But she wasn't willing to give up so quickly. Gagawin niya ang lahat hanggang sa dumating ang panahon na mamahalin din siya nito pabalik."Siguro kakain na lang tayo ng early lunch sa malapit na kainan dito. Tapos magkukuwentuhan tayo after tungkol sa mga nangyari sa atin this past few years. I want to know what you've been through," interesado nitong suhestiyon na tipid na tinanguan naman ni Nathan bago niya ito ayaing maglakad na.Nang makatungtong sa sikat na restaurant ay agad na silang nag-order para wala ng masayang pa na oras. Magkaharap silang dalawa. Ang dalaga ay abala sa pagkukuwento tungkol sa mga naging kaganapan nang siya ay nasa Europe ngunit tila hindi nakikinig ang lalaki dahil nakatitig lamang ito sa kaniya."You're beautiful, Caroline." She stopped talking as shock was written all over her face when his boyfriend suddenly complimented her. Saktong kadarating lang ng order nila kaya nabaling din doon pagkatapos ang atensyon ni Nathan.Habang kinakausap nito ang waiter ay lihim siyang napangiti. Sa katunayan ay hindi niya inaalintana ang mga papuring natatamo niya galing sa iba pero pagdating kay Nathan ay halo-halo ang emosyong kaniyang nararamdaman, nangingibabaw na roon ang kilig.Pero hindi nito maiwasang manlumo sapagkat wala ni isang pinakinggan si Nathan sa mga naikuwento niya. Para ngang wala man lang itong pakialam.Napabaling agad siya ng tingin dito nang iabot nito sa kaniya ang hiniwa nitong karne. Ni hindi man lang niya napansin ang pagiging tahimik niya kanina. Pero pinilit niya pa ring ngumiti at pasiglahin ang kaniyang awra dahil ayaw niyang masira ang araw na iyon."Let's eat. I hope you will enjoy this moment," wika nito sa kaniya pero parang ito naman ang hindi nag-e-enjoy sa kanilang dalawa na halata naman sa walang ka-emo-emosyon nitong mukha.She nodded. "Nasaang banda na nga ulit ako kanina sa ikinukuwento ko? Sorry, nakalimutan ko na kasi." Nagpanggap siyang niya iyon natatandaan. Gusto niya lang naman malaman kung nasa kaniya nga ba talaga ang atensyon nito kanina nang nagdadada siya.Napamura si Nathan sa kaniyang isipan nang wala siyang makapang isasagot sa tanong ni Caroline. Hindi niya alam kung ano ang itutugon dahil wala siyang kahit na anong narinig. Tumatakbo kasi kanina sa kaniyang isipan si Xandra kung bakit ito pumayat at naghihirap sa buhay gayong mayroon naman itong asawa para gumawa ng hanap-buhay nila.Nakabalik lang siya mula sa malalim niyang pag-iisip nang marinig ang mahinhin na tawa ng babae at doon lang siya nahimasmasan na kasama niya pa pala ito. Muli siyang nabihag sa kagandahan nito kaya niya pinuri ang kasintahan niya nang wala sa oras."Nevermind about that. Sa susunod ko na lang ulit ikukuwento," pagbasag nito sa katahimikang namutawi sa pagitan nila. Napansin kasi ng dalaga na nahihirapan si Nathan sa simpleng tanong niyang iyon, at base pa lang sa reaksyon nito ay nakumpirma na niyang hindi talaga ito nakinig sa kaniya.Masakit iyon para sa kaniya pero siguro ay sasanayin na lang niya ang kaniyang sarili. Nanatili pa rin siya kahit na gano'n ang pakikitungo sa kaniya nito. "How about you, Natnat? Kumusta ang naging buhay mo this past few years?" she asked instead.Napakibit balikat ito. "Good. Nothing's new." Hindi na naiwasan pang manlumo ni Caroline sa natanggap niyang sagot, napakaikli at walang kalaman-laman. Napansin iyon ni Nathan kaya agad siyang nag-isip ng maaari nilang pag-usapan. "How was your experience in Europe so far?" Sa pagkakataong iyon ay pinilit na niya ang kaniyang sarili na ituon ang buong atensyon sa babae at hindi na mag-iisip pa ng kung ano-ano.Napainom ito ng tubig bago siya tumugon. "Like I said earlier, I, together with my friends, went to various companies. Doon nila kami tinuruan para mahasa ang pagiging business minded namin. Nakakapagod pero at the same time ay nakakatuwa dahil nagagawa ko talaga nang actual ang pangarap kong trabaho," maligaya nitong pahayag."That's good. There is no doubt that you really love your work. I can see it through your eyes," komento sa kaniya nito. Biglang napawi ang pagtatampo niya kanina sa binata dahil sa sinabi niyang iyon. Kung siya ay ilalarawan ay mababaw lang talaga siyang tao, mabilis na masaktan at sumaya kahit sa maliliit lang na bagay."How about you? Kumusta ang pag-i-interview mo kahapon sa mga aplikante? May nakapasa ba? Nakita ko kasi sa page ng Alvarez's Company na for hire kayo sa posisyong sekretarya. Puwede bang ako na lang kung wala pa kayong nahahanap para magkasama tayo palagi? Don't worry, because the company will surely benefit from me. 'Tsaka puwede kahit wala na akong suweldo, ang magiging bayad na lang sa akin ay iyong magiging experience ko ro'n. Ano sa tingin mo, Nat?" excited nitong tanong sa kaharap niya."Unfortunately, someone else has already taken the position. But it's all right; whenever you have spare time, we can still hang together. Busy akong tao pero pagdating naman sa 'yo ay palagi akong available," sambit nito. Napatigil siya sa pagsubo niya ng pagkain nang bigla niyang maalala na ngayong araw pala magsisimula sa trabaho si Xandra. Kailangan niyang personal na gabayan ang babae para alam nito ang dapat na gawin. Kaya naman nagmadali siyang uminom bago punasan ng tissue ang kaniyang labi. "I'm sorry, but I have to go now. There's an emergency at the office," paalam nito na bigla na lang iniwan si Caroline nang mag-isa roon matapos niyang ilapag ang pera sa table nila para pambayad sa pagkaing kanilang nilamon.Napatulo ang butil na luha ng babae patungo sa makinis nitong pisngi pero agad din naman niya iyong pinunasan. Nakakatawa dahil kasasabi lang ni Nathan sa kaniya na available ito palagi pagdating sa kaniya pero iniwan naman siya nito sa ere dahil sa tinutukoy nitong emergency. At the end of the day, his actions speak louder than his words.NAGISING SIYA dahil sa malamyos na haplos ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Naramdaman pa niya ang bahagya nitong pagtabing sa kapiranggot na buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Patagilid kasi siyang nakatulog dahil sa pagbabantay kay Xander nang hindi niya namamalayan. And just like before, Xandra cried until she dozed off to sleep again.She distanced herself. Kahit hindi niya pa nakikita ang hitsura nito ay alam na niya agad kung sino iyon base sa pamilyar na amoy. "Kumain ka, please. Ilang araw mo nang hindi ginagalaw ang mga niluluto ko." May pagsusumamo sa tinig ni Nathan. Kagaya nang dati ay wala itong anumang natanggap na tugon galing sa kaniya. Bahala itong magdusa.Gayunpaman ay hindi siya manhid. Alam niya sa kaniyang sarili ang kalagayang kumakalam na sikmura, lalo na nang malanghap na naman ang nakakatakam na pagkaing nasa kaniyang tabi lamang.Alas sais na ng umaga nang mapadpad ang kaniyang tingin sa wall clock na tanging maririnig sa buong silid. Bumuntonghining
GISING ANG kaniyang diwa ngunit ayaw niyang magmulat ng mga mata dahil sa labis na takot. Afraid that everything that happened earlier might be true. Na dumudugong nawalan ng malay ang kaniyang bunsong anak, ang panganay naman ay nabalibag nang malakas, siya na natamaan ng bala sa bandang braso at muntikan nang magahasa, at si Nathan, ang lalaking lubos niyang pinagkakatiwalaang makapagliligtas sa kanila sa anumang uri ng trahedya, ay mas inuna pa ang ibang babae."You know, I was really anxious because of those men who surrounded me. But thank you for saving me and making me your priority even though we had already decided to break up." Kahit ano mang pigil ang kaniyang gawin ay hindi pa rin niya maiwasang maluha dahil sa narinig mula kay Caroline.Ayon sa kaniyang hinuha ay medyo may kalapitan ang pinanggalingan niyon. Mariin siyang napakagat sa labi sa takot na baka marinig ang munti niyang paghikbi.Sandaling natahimik ang kausap nito na tumugon din naman kalaunan. "It's not what
THEY HURRIEDLY went to the living room. Naroon na rin ang dalawang batang halata sa mga hitsura na nais pang matulog. Ilang minuto pa lang kasi ang nakalipas simula nang tangayin sila ng kaantukan."Nathan, ano ang nangyayari? Bakit na naman aalis tayo ng madaling araw na? At saka, may kinalaman ba 'to sa putukan na narinig ko?" pabulong na tanong niya rito upang hindi marinig ng kanilang mga anak.Kahit nagmamadali ang lalaki ay sinagot pa rin nito ang kaniyang nililigawan. "Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa inyo ng mga anak ko. Sa ngayon ay may paparating na batalyong kalaban dito batay sa ni-report sa akin ng tagamanman kong tauhan. Mag-isa lang siya ro'n, kaya hindi niya mapipigilan ang lahat, ngunit iistorbohin niya sila upang may oras pa tayong makatakas," mahaba nitong paliwanag. Walang pag-aatubaling naghanap ito ng puwedeng sirain mula sa likuran. Mabuti naman nang may nahagilap itong marupok na kahoy na bahagya na ring inaanay. Sa isang malakas na sipa ay nawasak nit
NATHAN'S JAW clenched when he noticed the mark on his son's neck. Halatang may pumuwersang nanakit dito. Sinuri niya pa ang ibang parte ng katawan ni Xander kung mayroon pa ba itong natamong sugat na mabuti at wala na rin naman.Palihim niya ring inoobserbahan si Sarah. She's in good condition, maliban lang na panay ang iyak nito habang kandong ng kaniyang ina."Sino ang gumawa nito sa'yo?" Agad na umiling ang batang karga niya na tila takot na magsumbong. "Come on, kid. I will make sure that whoever did this to you will rot in jail." Para saan pa't may kapangyarihan at kayamanan siya kung hindi niya rin naman maipagtatanggol ang kaniyang pamilya.Isiniksik nito ang ulo sa kaniyang tuxedo. "Papa po 'ata siya ni Tita May. Takot na takot po kaming dalawa sa kanila ng kaniyang asawa. Pinagtanggol ko po si Sarah kaya ako ang napagbuntunan ng galit ng lalaking mahaba ang balbas." Kumuyom ang kaniyang kamao sa narinig na hindi kagandahang balita kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang ki
PININDOT NIYA iyong cctv camera na nakasabit sa matayog na kulay kremang gate. Aware siyang kita ang pagmumukha niya sa mini tablet sa loob."Mom, I'm finally here. Can you open the gate?" Walang buhay ang kaniyang malamig na boses. Ibang-iba ang bersyon nito sa nakilalang May nila Xandra.It's been years since she last went home. Pero para sa kaniya ay hindi bahay ang tawag niya ro'n, sapagkat ang tahanan ay nagsisilbi dapat na pahingaan, ngunit para sa kaniya ay isa iyong bilangguan na nagkakait sa kaniyang kalayaan.She bit her lower lip to control her emotions from bursting into tears. Hindi niya lubos akalaing matapos na tumakas noon ay siya rin pala ang kusang magbabalik nang wala man lang kahirap-hirap sa parte ng kaniyang mga kasuklam-suklam na magulang.Subalit kailangan niyang harapin ang kinatatakutan niyang bangungot alang-alang sa mga inosenteng bata na hindi naman dapat sangkot sa alitan nila bilang magulong pamilya. Kung papipiliin nga siya ay mas nanaisin na lamang niy
DAYS AGO...LAKING PASASALAMAT niya sapagkat sa halos dalawang araw na wala sila Xandra ay naging ligtas naman ang mga bata sa kaniyang pangangalaga. But May is aware that she has only a little time left to make the most of her freedom.Maging sa pagtatrabaho ay isinama niya sila Xander at Sarah upang mabantayang maigi. Nagkataon din kasi na bakasyon ng mga ito na hindi niya naman magawang iwanan lang sa kanilang tahanan dahil sa ano mang uri ng kapahamakang naghihintay sa kanila sa bawat pagpatak ng segundo.She doesn't want to skip work as well as Nathan instructed. Hangga't maaari ay nais niyang maging patas sa mga empleyado ng Alvarez's Company. Alas sais na ng gabi nang saktong siya ay matapos sa duty. Hawak niya ang mga bata gamit ang magkabilang kamay na nilisan ang lugar. Habang nag-aabang ng sasakyan patungo sa kanilang baryo ay bigla siyang natauhan nang kinalabit ni Sarah ang laylayan ng kaniyang damit."Ano 'yon, baby girl ko?" magiliw niyang tanong dito na bahagya pang u