Share

CHAPTER 3: (POV ni Solenn) “I can’t believe na bibigay ka lang ng ganun ganun lang,Solenn.”

Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang nangyari saming dalawa ng batang bilyonaryo na iyon. Hindi madali para sa akin pero pinipilit. Hindi madali dahil paano nga naman? Single ako buong buhay ko  sa loob ng 29 years and I tried to reserve my virginity for that long. Mataas ang kompyansa kong sa tamang lalaki ko lang ibibigay ang pagkabirhen ko  tapos sa isang estranghero lang pala ako bibigay.

I can’t believe na bibigay ka lang ng ganun ganun lang,Solenn. Naisip ko sa sarili. Di ako makapaniwalang ganun lang pala kadali yun. Kapag nadarang ka na, mahirap na palang iwasan.

Marcus Walton is a gift na maituturing sa lahat ng Eba. Ano pa nga ba ang hahanapin dito? Mayaman, edukado at gwapo. At kung susumahin, masyado itong romantiko sa kama. Gentleman but wild. Sweet but adventurous. Isa ito sa mga first time kong tila masarap ulit ulitin---Pagpantasyahan at panaginipan. Ilang araw na bang binabalik balikan ko ang mga tagpong yun ultimo  sa aking mga panaginip? Alam nya sa sariling isang oportunity yun. Isang oportunidad na makaniig ang binata. Isang pagkakataong di na mauulit pa.  Dahil sa totoong buhay, kung makikilala ako ng bilyonaryong yun, ni tignan siguro ako ay di nya gagawin. Ilang linggo na ba akong nagigising na tila pagod na pagod at hingal na hingal. Damang dama ko pa din ang kada haplos ng kanyang mga daliri sa aking katawan. Bumabalik balik pa din sa akin ang mga pag indayog ng aming mga katawan sa isat isa na para bang nasaliw sa isang musika.

At ang mga mata na iyon…

Ang mga matang handang magpadurog ng aking pagkatao.

“Iha, sa counter ka muna. “Pakiusap ng Auntie Vicky. Napa igtad ako sa biglaan nyang pagtapik. Magaan lang naman ito ngunit sapat na para manumbalik ako sa realidad ng buhay.

Kailangan ko ng magtrabaho. Kailangan ko ng kumayod!

Si Auntie Vicky ay isang malayong kamag anak namin dito sa Maynila. Matagal na siya dito kaya naman habang mas tumatagal ay mas nagiging kuripot ito sa paggastos ng pera. Laging dahilan nya mahirap daw ang buhay dito, which is totoo naman talaga. On-call ako dito sa canteen sa tuwing kailangan niya ako tsaka lang ako pumupunta. Minsan tinatanggihan ko sya dahil sa mura ang service fee nya sakin  pero madalas ay pumapayag na rin ako lalot walang makuhang raket sa iba. Mahirap ang buhay dito sa Manila, lalo na’t dito ang araw araw ay puro palabas ang pera.

Matanda na si Auntie kaya naman kahit mababa lang ang bayad  sakin sa arawan ay pinapatos ko na. Okay na to kesa sa walang raket. In the first place, walang wala naman akong choice para mamili pa ng trabaho. Ano nga ba magagawa ng undergraduate ng high school na katulad ko sa mundo kung saan ang dokumento ang nagsasalita at ang diploma ay napakahalaga.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kusina. Iniwanan ko na ang  kanina ko pang pag gagayat ng mga gulay para sa mga ulam na lulutuin mamaya maya. Masakit na rin ang aking mga daliri sa pagbabalat ng ilang kilong bawang duon sa loob at halos paso na ang mga daliri ko mula dito. Lihim akong nagpasalamat sa pagtawag sa akin para naman makatakas sa gulayan. Kaya naman dali dali akong tumayo para tumungo sa sink.

Naghugas ako ng kamay ng makailang beses para maalis ang makapit na amoy ng bawang at sibuyas.  Matapos ay naghilamos ako ng mukha to refreshen up. Kinuha ko ang maliit kong make up pouch after ko patuyuin ng kitchen paper towel ang basa kong mukha.  Nag liptint ako at nag bb cream .Nag apply din ko ng konting kilay at blush on  na galing din sa ginamit kong liptint kanina. Mamula mula na ng konti ang aking pisngi ng muling lumingon sa salamin. Sinuklay suklay ko ng mga daliri ang aking mahabang buhok, biglaang ipinusod at nilagyan ng hairnet.

Nawala na nga ang kaninang pamumutla ko sa huling sulyap ko  sa salamin at napalitan na ito ng masigla siglang kulay sa mukha. Isang malalim na buntung hininga lang ang nailabas ko matapos makita ang sarili.

“Fight” pag eencourage ko sa sarili , bago lumabas ng kusina.

May kahabaan na ang pila sa canteen at tila madami na ang naghihintay sa akin sa counter. Pinilit kong ngumiti kahit pagod na. Mabilis ang aking paglalakad pero tila ba parang nag slow motion ang lahat nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki.

Matangkad ito na naka one sided ang buhok. Nagtama ang aming mga paningin at tila napako na ako dito. Nakakaakit ang mga mata lalo pa at nginitian pa siya nito sa kabila ng nakaharang na mask. Habang ako naman ay  naglalakad ng dahan dahan. Sa palagay ko ay huminto ang paligid sa paggalaw. Nabawasan ang ingay, kundi katahimikan lang.

 Wala akong narinig kundi ang kumakalabog kong dibdib. Mabilis ang mga pintig nito na tila ba may karerang nagaganap sa loob.

Pamilyar na pamilyar ang mga matang yon. Hindi ako maaaring magkamali. How could I forget?

I found myself na nakaharap na sa cash register at nakatitig sa harapan ng lalaki.

“Marcus?” wala sa ulirat kong biglaang nasambit sa kaharap. Walang kakurap kurap ang aking mga mata at walang kagatol gatol kong nabanggit. I was dumbfounded. Really.

ANN LEE PEN

Hello mga READERS! Mukhang hindi na makalimot si Solenn sa nakaraang FAILED MISSION nya. Madudugtungan na ba ang Marcus-Solenn romance sa tila muli nilang pagkikita?   You may read the next chapters by watching Ads. Kaya ano pang hinihintay nyo?(ANN LEE) READ na!!!

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora miano
Sana NGA hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status