Beranda / Romance / The Billionaire's Seventh Wife / Chapter 37: Pure Business

Share

Chapter 37: Pure Business

Penulis: SUMMERIASWINTER
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-14 19:17:04

Malakas na hinampas ni Sofia ang kanyang lamesa nang malaman na hindi na-approved ang kanilang business proposal. Ilang gabi nilang pinagpuyatan iyon ng kanyang ama tapos mauuwi lang sa wala? Hindi siya papayag!

"Analisa!" tawag ni Sofia sa kanyang sekretarya. Ito ang dating secretary ni Damian. Ayaw na niya itong palitan dahil magaling sa trabaho.

"Yes, ma'am?" Dali-dali namang pumasok ng opisina si Analisa sa takot na baka mabulyawan na naman. Masyadong bossy ang pumalit kay Damian na akala mo naman ay tagapagmana ng kompanya.

"Tumawag ka nga doon sa Escalante. I want to talk to the CEO!"

"Pero, ma'am. Hindi po basta-basta ang makipag-usap kay miss Martina. Kailangang nasa schedule ka niya—!"

"I don't care!" Sinamaan ng tingin ni Sofia ang babae. "Gumawa ka ng paraan para makausap ko si Martina!"

Naiinis man si Analisa sa amo pero ginawa pa rin ang iniuutos nito. Tumawag siya sa landline ng Escalante Empire kahit na alam niyang wala ring saysay iyon.

"This is Victoria from Escalant
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 45: Pagsusumbong

    "R-Reagan!" Puno ng gulat at pangamba na sigaw ni Zarayah nang makitang halos umubo ang bata, halos hindi na rin makahinga dahil pinasukan ng inumin ang ilong nito. Natatarantang pinunasan niya ito. Kumukulo ang dugo niya sa galit ngunit kailangan niya munang unahin si Reagan.Napaatras naman si Sofia sa ginawa. Hindi niya inaasahan na pati ang bata ay napagbuntungan niya ng galit. Ngunit nang makita ang agrabyadong mukha ni Zarayah ay muli siyang napangisi ng tagumpay."Hah! Iyan ang bagay sa iyo. Masyado ka kasing ambisyosa na maging isang ina. Look at what happened. Hindi mo man lang naprotektahan iyang anak mo. Isa kang pabayang ina. Well, what can I expect? Kaya ka nga hiniwalayan ni Ethan dahil wala kang silbi—"Hindi na natapos si Sofia sa pagsasalita nang walang sabing sinugod ito ni Zarayah. Umigkas ang kamao ng dalaga at sinuntok ito sa mukha. Napatili si Sofia at natumba dahil sa hindi inaasahang ginawa na iyon ng kapatid. Tumama pa ang tagiliran nito sa gilid ng mesa at n

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 44: Trouble

    "Ang cute cute naman po ng anak niyo, ma'am! Sobrang pogi!"Napapangiti si Zarayah sa mga staff ng isang boutique kung saan siya namimili ng damit na susuotin niya sa darating na family reunion nila. Napagdesisyonan niyang pupunta siya. Bakit hindi diba? Na-miss na rin niya ang iba nilang mga kamag-anak. Kay Ethan pa niya nalaman iyon at hindi man lang siya sinabihan ng mga magulang kahit pampalubag loob man lang sana."Lah! Ang suplado naman!" hagikgik pa ng mga staff.Natatawa na lang si Zarayah dahil nawiwili na ang mga ito at hindi na ginagawa ang trabaho. Pag-aari ng kaibigan niya noong college ang boutique na ito kaya kilala na siya ng mga staff dito."Ma'am, Zara. Blue eyes po ata ang baby niyo."Binalingan niya ang staff na nagsabi nun sabay kay Reagan na nasa stroller. Isinama na niya ito dahil umuwi si Manang Helen sa probinsya. Wala naman siyang mapag-iiwanan kay baby kaya isinama na niya sa mall."Blue eyes siguro ang daddy niya!"Pinanuod ni Zarayah kung paano magkumpulan

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 43: Ipinagkait

    Kinagabihan ay maagang umuwi si Sofia galing sa trabaho. Sinadya niya talagang umalis ng maaga upang makapaghanda. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nakita kaninang umaga. And she needs to make a move bago pa tuloyang maagaw sa kanya si Ethan."Manang, huwag ka nang mag-abala pang magluto ng hapunan ni Ethan. I'm sure na kumain na rin iyon sa labas," bilin niya sa katulong sabay diretso sa master's bedroom.Halos isang oras din ang itinagal ni Sofia sa loob ng banyo. Sinigurong mabango siya at kaaya-aya ang lahat ng parte ng katawan. She even bought a sexy lingerie for tonight. Alam niyang galit sa kanya si Ethan kaya hindi niya muna ito kokomprontahin sa nakita kaninang umaga, bagkus ay gagamitin niya ang alindog upang akitin ito. She badly needed to get pregnant!Nagpaikot-ikot pa si Sofia sa harap ng salamin na nangingiti. Wala pa ring kupas ang ganda niya. Litaw na litaw ang sexy na katawan sa malaswang suot. Paniguradong hindi makakatanggi ang kanyang asawa kapag nakita

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 42: Inggit at Galit

    Hindi nakahuma si Sofia nang ibalibag ni Ethan ang pintuan pasara. Halatang galit ito. Nanghihina siyang napaupo muli sa kama habang hindi alam kung ano ang gagawin.Palihim siyang gumagamit ng contraceptive pills simula nang makarelasyon niya si Ethan. Kung siya rin lang ang tatanungin ay gusto na niyang magbuntis upang ibigay sa asawa ang pamilya na hinahangad nito. Pero ayaw ng kanyang ina at makakasagabal lang daw iyon sa kanilang mga plano. Hindi ginagalaw ni Ethan ang kanyang mga gamit kaya kampante siya na hindi nito makikita ang mga pills na ginagamit niya. Paano ba siya magpapaliwanag sa asawa nang hindi siya nabubuking?Matagal na nagmuni-muni si Sofia. Ilang sandali lang ay tinungo niya ang closet at kinuha ang mga box ng contraceptive pills doon. Meron pang mga hindi nagagamit ngunit idineretso na niya ang lahat ng mga iyon sa basurahan. Hindi na niya susundin pa ang bilin ng kanyang ina. Total at umayon naman na ang kanilang mga plano kaya wala nang dahilan pa upang hind

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 41: Panlalamig

    "Gregory, kanina ka pa nakaharap diyan sa laptop mo. Magpahinga ka naman. Malalim na ang gabi at baka magkasakit ka pa niyan."Pinuntahan ni Cristina ang asawa sa opisina nito sa kanilang bahay nang mapansing hindi pa rin ito pumapasok sa kanilang kwarto. Ilang gabi na rin itong nagpupuyat sa kakaayos ng business proposal na ilang beses ng tinanggihan ng Escalante Empire."Mauna ka ng matulog. Tatapusin ko lang ito," ani Gregory na hindi man lang nag-aangat ng tingin kay Cristina. Bukod sa inaayos na business proposal ay meron din siyang ibang pinoproblema. Ang liit na ng pera na pumapasok sa kanilang kompanya nitong nakalipas lang na isang taon. Hindi niya iyon napapansin noong una dahil tama naman ang tally ng mga financial reports. Ngunit nang mapansin na mataas naman ang kanilang sales pero pabawas naman ang pera na napapasok ay nagkwenta na siya. Milyones ang kaltas buwan-buwan at hindi niya alam kung saan iyon napupunta. Ayaw naman niyang tanungin si Sofia at baka isipin pa ng

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 40: Allison and Magnus

    "Carcel, hijo. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang imik."Binalingan ng tingin ni Carcel si Mang Celso at tipid na ngumiti dito. "Ayos lang po ako."Pagkalapag na pagkalapag niya sa Pilipinas ay si Allison agad ang hinanap niya gaya ng habilin sa kanya ni Magnus. Kahit na gustong-gusto niyang makita si Zarayah ay ipinagpaliban na muna niya dahil mas importante ang ipinakiusap sa kanya ng kaibigan.But he was late. Too late to save Allison's life. Pagkatapos niyang makalaya nang tuluyan sa organisasyon ay tinawagan niya si Owen upang hanapin ang posibleng kinaroroonan nito. Wala siyang pahinga sa loob ng isang taon hanggang pagbalik niya sa Pilipinas upang tiyakin na ligtas si Allison.He did everything. Heaven knows he did everything but he was fighting against time. He came late and found her lifeless body inside the house where she was hiding. At ngayon ay hindi niya alam kung paano pa haharapin si Magnus, kung paano sasabihin dito ang nangyari sa dalaga. Ang importanteng katanunga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status