LOGINSa labas pa lang ng venue ay rinig na rinig na ni Zarayah ang mga kamustahan ng kanyang mga kamag-anak. It's their family reunion. Alas-sais ng gabi ang start ng programme. Sa may parking space pa nga lang ay nakita na niya ang iba niyang mga pinsan lalaki at mga Uncle na nagpapayabangan ng mga magagarang sasakyan."Zarayah, hija! I'm glad that you came." Sinalubong siya ng kanyang Tita Margareth at nakipagbeso-beso pa. "Mabuti naman at dumalo ka? Naku, kukutusan talaga kita kapag hindi ka pumunta."Natatawang sumunod si Zarayah kay Margareth papasok sa loob ng venue. Maaga pa pero halos kumpleto na sila. Bukod kay Ethan ay sinabihan din siya ng Tita Margreth niya tungkol sa reunion na ito. Huwag na raw niyang pansinin pa ang kanyang mga magulang sa hindi pag-imbita sa kanya. Isa siyang Del Valle at nararapat lang daw na pumunta siya kahit na nakalimutan man o sinasadyang hindi sinabihan."Oh my gosh! Ikaw na ba iyan, Faith? Lalo kang gumanda!" tili ng Auntie niyang si Susie. Sa Germa
"Bakit po kayo umuwi ng Pilipinas? Ang alam ng lahat ay patay na kayo, Mommy. Sana man lang ay nagsabi kayo," paghihimutok ni Sofia sa ina. Kalagitnaan ng gabi pero kinita niya ang ina dahil natatakot siya na baka maglakwatsa ito at kung sino pa ang makakita. Kilala pa naman ito kahit papaano dahil mabenta ang ina sa dating pingtatrabahuan na club."Pinagsasabihan mo ba ako?" Matalim ang mga mata na binalingan ni Mercedes ang anak. Agad naman na naumid ang dila ni Sofia sa nakikitang anyo ng ina. Muli niyang naalala kung gaano ito kabagsik noong pinagmamalupitan pa siya."H-Hindi po, Mommy," nanginginig ang boses na sagot ni Sofia. Sa lahat ng tao sa mundo ay ang sarili pa niyang ina siya takot."Ang gusto ko lang naman sana ay mag-ingat po kayo sa mga desisyon niyo. Paano po kapag may makakita sa inyong kakilala? Baka masira pa itong pinaghirapan natin," mahinahon na paliwanag ni Sofia upang ipaintindi dito na kailangan nitong mag-ingat.Umismid si Mercedes sa sinabi ng anak at nag
"You look dashing, Zarayah. Ang ganda mo talaga kahit kailan."Pinigilan ni Zarayah ang ngumiwi. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na bang sinabi iyon ng lalaki simula nang dumating siya sa restaurant. Pinagloloko siya siguro o sadyang bulag lang."I already did what you're asking. I hope that you're happy," wika ni Ethan na hindi matanggal ang tingin sa dalaga. Ang alam ng kanyang pamilya ay nasa Cagayan pa siya pero sinadya niyang umuwi ng maaga dahil sa date nila ni Zarayah. He also turned off his phone to avoid any disturbance."Yes. You could say that. I thought na magbabago ang isip mo knowing that you're going up against your family," tipid na ngiti ni Zarayah sa binata. Binibilisan din niya ang kanyang pagkain para mas maaga itong matapos at makauwi na. Hindi siya mapakali simula pa nang umalis siya sa kanyang bahay. Pakiramdam kasi niya ay pinapanuod siya ni Carcel at inuusig kahit na wala naman dito ang asawa."I already told you that I'll do everything for you. I hope
Muling pinasadahan ni Zarayah ang suot na damit. Isang itim na turtleneck dress at balot na balot ang buong katawan niya. Walang makikitang nakalitaw na balat liban na lang sa kamay niya. Maluwag din iyon at hindi hapit sa katawan. Lagpas tuhod din ang haba ng dress at nakapusod ng mataas ang kanyang buhok. Bahagya siyang natawa sa itsura. Sa totoo lang ay nagmumukha siyang si Miss Michin sa Princess Sarah. Paglabas ni Zarayah sa kanyang kwarto ay nagulat si Helen sa nakitang pustora ng dalaga. "Ikaw talagang bata ka!" wika pa nito na bahagyang nakahawak sa dibdib. "May burol ka bang pupuntahan?" Natawa ang dalaga tsaka umiling. "May business dinner ako, Manang. Ikaw na muna ang bahala kay Reagan habang wala ako." Napapantastikuhan naman na sinundan ng tingin ni Helen si Zarayah. May business dinner bang ganun ang suot? Pwera na lang kung mang-iinsulto ang pakay nito. Pumasok ng sasakyan si Zarayah at pinaharurot ito papunta sa restaurant na pina-reserve niya. Pina-close pa ni
"P-Pull out... what?" Hindi pa rin maproseso sa isip ni Ethan ang sinabi ni Zarayah sa kanya. Seryoso ba ito sa hinihingi sa kanya? Why all of a sudden?"I-pull out mo ang lahat ng shares mo sa kompanya ng pamilya ko. Hindi naman ganun kalaki ang hinihingi ko, diba? Hindi rin kawalan ang Del Valle Corporation sa iyo dahil balita ko ay nasa pangangalaga ka na ng Escalante Empire."Hindi agad nakasagot si Ethan. Tama ang lahat ng mga sinabi ni Zarayah. Sa totoo lang ay hindi kawalan kung kakalas siya sa mga Del Valle. Pero matagal ng magkasosyo ang dalawang kompanya simula pa sa pamamalakad ng kanyang mga magulang. Tiyak na gulo ang haharapin niya kapag pumayag siya sa ipinapagawa ng dalaga.Nakaramdam ng inis si Zarayah nang wala siyang narinig na sagot galing dito. She knew she was being petty for doing this but she was pissed. Kung sakaling bumagsak man ang kompanya nila dahil sa gagawin niyang ito, at sa hindi tamang pamamalakad ni Sofia ay siya ang sasalo sa ilalim ng Escalante
"Hija. May mga bisita ka."Binalingan ni Zarayah si Manang Helen nang marinig ang sinabi nito. Wala naman siyang inaasahan na dadalaw."Sino po, Manang?" tanong niya nang mabanaag sa mukha nito ang pag-aalala."Ang Mommy at Daddy mo."Natigilan si Zarayah. Dinadalaw siya ng mga magulang niya? May parte sa loob niya na natutuwa sa kaalamang iyon pero may palagay siyang iba ang sadya ng mga ito. Pero haharap pa rin siya bilang respeto."Dalhin niyo po muna sa itaas si Reagan, Manang. Kakausapin ko lang—"Natigilan si Zarayah nang mula sa pintuan ng kusina ay pumasok ang mga magulang niya. Kasalukuyan kasi silang nagluluto ng hapunan habang nakikipaglaro kay Reagan. Gustong tumikwas ng kilay niya dahil kung makaasta ang mga ito ay pagmamay-ari ang bahay. Wala man lang pakundangan sa paglilibot kahit wala siyang pahintulot. Pinigilan niya lang ang sarili na magkomento at pilit na ngumiti sa dalawa na ini-inspeksyon ata ang bahay niya."Good evening, Mom..Dad. This is unexpected. Napadalaw







