Share

Kabanata 6

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-06-01 20:07:18

"Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ito ni Raheel. Nakatitig siya sa akin na para bang hinihila niya ang kaluluwa ko palabas. Mabilis ang tibok ng puso na siyang nagpadagdag ng kaba ko.

Tumingin ang pari sa kaniya. "Raheel, do you take Anabelle to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"

Humigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko. Kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ni Nanay. Pagkatapos ng kasal namin ay saka pa ooperahan si Nanay.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chairman Marcelo. Siguro naiinip na rin siya dahil hindi pa sumasagot si Raheel.

"I do," sagot niya.

Nakahinga ako ng maluwag. Huminga ako ng malalim nang tingnan ako ng pari.

"And Anabelle, do you take Raheel to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"

"I do," diretsong sagot ko.

"By the power vested in me and in the presence of God, I now pronounce you husband and wife. You may seal your vows with a kiss."

Napalunok ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya. Kumurap-kurap ako ng tatlong beses habang nakatingin sa mapupula niyang labi. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nasa baywang ko ang isa niyang kamay. Nanatiling nakabuka ang mga mata ko nang naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Ipinagsiklop niya ang mga kamay namin pagkatapos niya akong halikan.

"Ladies and gentlemen, it is my honor to present to you Mr. and Mrs. Del Fuego. May your love continue to grow stronger with each passing day. You may now walk hand in hand into the journey of marriage, guided by love, respect, and understanding."

Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na kami sa mansiyon nila dahil 'yon ang kagustohan ni Chairman Marcelo. Ayaw niya sa maraming dahil mabilis lang siyang nahihilo. Hindi rin makakabuti sa kalagayan niya kung magtatagal pa kami sa simbahan lalo na't sobrang init ng panahon.

Nagkaroon ng kaunting salu-salo sa bahay nila. Kaunti lang din ang imbitado sa kasal, hindi lalagpas sa tatlumpong tao.

Sa tuwing tinatanong ako ng ibang panauhin kung saan kami nagkakilala ni Raheel at kung sino ang mga magulang ko, palaging iniiba ni Chairman Marcelo ang usapan. Nagpapasalamat ako dahil palagi siyang nakabuntot sa aming dalawa ni Raheel. Ayoko rin namang mapahiya ko ang pamilya nila.

Hindi rin nagtagal ay nagsiuwian na ang ibang mga panauhin. Nagpaalam ako kay Chairman Marcelo na magbibihis muna ako ng damit dahil hindi ako kumportable sa suot kong wedding gown. Kanina ko pa kasi ito sinusuot at medyo nangangati na ang katawan ko.

Huminga muna ako ng malalim bago nilapitan ang kanilang kasambahay para magtanong kung saan ang room namin. Hindi ako pamilyar sa pamamahay nila dahil first time kong nakapunta dito.

"Excuse me po, pwede po bang magtanong?" nahihiyang tanong ko sa matandang kasambahay na nag-aayos sa sala.

Nakangiti siya nang lingonin niya ako. "Yes, Ma'am. Ano po 'yan?"

"Alam niyo po ba kung saan ang kwarto ko? Magbibihis sana ako dahil nangangati na ang buong katawan ko."

"Kwarto po ba ni Sir Raheel ang tinutukoy niyo, Ma'am?" tanong niya sa akin.

Napakagat labi ako bago tumango.

"Sasamahan ko na lang po kayo. Doon kasi pinalagay ni Chairman Marcelo ang mga gamit niyo, Ma'am. Nasa iisang kwarto lang po kayo dahil mag-asawa naman kayong dalawa," sabi ni Manang.

Nakasunod lang ako kay Manang habang nauuna siyang naglalakad paakyat ng hagdanan. Nasa ikalawang palapag pala ang kwarto namin. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng palamuti sa bahay nila. Mukhang mamahalin ang lahat ng mga 'to.

Huminto kami sa harap ng kwartong nasa gitna. Katabi ito ng guest room.

"Dito po ang kwarto niyo, Ma'am. Kung may iba pa po kayong kailangan, tawagin niyo lang po ako. Ako po pala si Lita," sabi ni Manang Lita.

"Maraming salamat po," saad ko at hinawakan ang pintuan.

Pagpasok ko sa loob, tumindig ang lahat ng balahibo ko nang dumapo sa balat ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa nakabukas na bintana. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at isinara ito. Hinanap ko ang switch ng kwarto dahil madilim sa loob, hindi ko maaninag ng maayos kung saan nila inilagay ang mga gamit ko na binili raw ni Chairman Marcelo para sa akin.

Napatalon ako nang biglang bumukas ang mga ilaw. Nakita ko si Raheel na nakatayo sa harap ko. Bumaba ang paningin ko sa katawan niya. Katatapos niya lang siguro maligo dahil naaamoy ko ang body soap niya.

"T-Tapos ka na bang gumamit ng banyo? Magbibihis sana ako," tanong ko. Lumapit ako sa aking closet nang nakita ko ang mga damit na pangbabae. Ito siguro ang mga pinamiling damit ni Chairman sa akin.

"Bakit ka pa sa banyo magbibihis kung pwede namang aa harapan ko?" sarkastikong tanong niya.

Napahinto ako sa pagpili ng damit at nilingon siya. Nakita ko siyang binubuklat ang makapal na bedsheets sa sahig. Nakasuot na rin siya damit at short.

"We will sleep separately. Kasal lang tayo sa papel. Pinakasalan kita para makuha ko ang mana kay Lolo at pinakasalan mo rin ako para mailigtas ang Nanay mo," sabi niya bago siya lumabas ng kwarto.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
thank you po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
thank you po
goodnovel comment avatar
Flordeliza Pizon
plsss update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 446

    January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit piton

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 445

    May mga araw pa nga na siya ang sumasagot sa mga assignments ng kapatid ko kahit magkaiba naman sila ng paaralan. Siya ang dahilan kung bakit nagpursige si Alexus mag-aral kahit tamad ‘yon. *** Excited kaming lahat habang hinihintay ang pagdating ni Alexus sa airport. Pagkalipas ng ilang taon,

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 444

    Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya.

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 443

    Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 442

    Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko l

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 441

    “Dr. Luigi Sanchez kidnapped your wife,” sagot ni Jarren na siyang ikinagulat ko. Nag-vibrate ang aking telepono sa bulsa ko. Kinuha ko ito nang mabilis at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. “Hello?” nauutal kong sagot. “Mark... tulong!” Isang pamilyar na boses ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status