Masuk
“Ma’am Sophie, nakapanganak na po si Ma’am Fiona.” Halos hindi maitago ni Aling Aurora ang tuwa habang ibinabalita ang magandang balita. Gayunpaman, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sophie.
“Anong gender ng bata?”
“Lalaki po ang bata,” mabilis na sagot ng kasambahay.
“Sobrang excited at napakasaya po nina Madam Marta at ng lahat ng miyembro ng pamilyang Montecillo. Kanina pa nila pinupuri ang bata at sinasabing napakaguwapo raw nito. Pati si Sir Tyler, hindi po maipaliwanag ang tuwa niya. Halos hindi siya mapakali sa sobrang saya—”
Biglang naputol ang sasabihin ni Aling Aurora nang mapansin niya ang babaeng kaharap. Napagtanto niyang hindi marapat na ipagpatuloy pa niya ang pagbabalita tungkol sa kasiyahan ng ibang tao habang ganoon ang kalagayan ni Sophie. Nakaramdam siya ng matinding awa sa babae na tila walang naririnig habang nakaupo sa tabi ng malaking bintana. Umiling na lamang siya at napabuntong-hininga bago tuluyang lumabas ng silid.
Hindi maiwasan ni Sophie ang pagiging malungkot. Sa mga nagdaang araw, halos lahat ng miyembro ng pamilyang Montecillo ay abala sa pag-aasikaso kay Fiona habang hinihintay ang pagsilang ng sanggol nito. Nandoon din palagi ang sarili niyang asawa. Halos hindi na nga ito humihiwalay sa tabi ng kanyang sister-in-law. Kung tutuusin, mas binibigyan pa ni Tyler ng atensyon at pag-aalaga si Fiona kaysa sa mismong babaeng pinakasalan niya.
May narinig na kaluskos si Sophie mula sa may pintuan kaya napalingon siya. Hindi niya inaasahang darating agad ang asawa. Ngunit sa sandaling makita niya ito, kapansin-pansin ang kakaibang sigla sa mukha ni Tyler. Kitang-kita ang kasiyahan nito, isang ekspresyong bihira niyang makita dahil karaniwan ay malamig at walang gaanong pakialam ang lalaki sa kanya.
“Finally! Naging maayos ang pangangak ni Fiona. Seven pounds and six ounces ang baby. You should’ve seen him! Ang taba-taba niya at absolutely adorable.”
Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa silid ay agad nang ibinahagi ni Tyler ang balita. Maging ang paraan ng pagsasalita nito ay nagpapakitang hindi nito mapigilan ang labis na pananabik at tuwa.
“Malaki kasi ang baby, kaya nahirapan talaga si Fiona sa panganganak. We were already considering a C-section, pero ayaw niya. She insisted on having a normal delivery, so we had no choice but to respect her decision.”
“Pero noong makita namin kung gaano siya nahihirapan, kahit si Grandma and Mom napaiyak na rin. They felt so sorry for her.”
Si Fiona Valderama ang babaeng tinutukoy ni Tyler. Siya ang nag-iisang tagapagmana at pinakamamahal na anak ng Valderama Group. Tatlong taon na ang nakalipas nang ikasal siya sa pamilyang Montecillo, kasabay ng pagpapakasal ni Sophie Salvatierra sa kaparehong pamilya. Naging asawa ni Sophie ang panganay na anak ng mga Montecillo na si Tyler, habang napangasawa naman ni Fiona ang pangalawang anak na si Timothy. Isang marangyang double wedding ang idinaos para sa kanila, at naging malaking usap-usapan sa buong bansa ang engrandeng pagdiriwang na iyon.
Subalit hindi nagtagal ang kaligayahang inaasahan ng dalawang bagong kasal. Si Timothy, na matagal nang nahihilig sa mga karera ng sasakyan, ay nasawi matapos masangkot sa isang malagim na aksidente. Bumangga ang kotse na minamaneho niya sa isang malaking trak, na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Hindi kailanman nakalimutan ni Sophie ang pangako ni Timothy noong araw ng kasal nito. Sa mismong wedding vows niya, partikular nitong sinabi na handa na siyang iwan ang paborito niyang libangan na car racing alang-alang kay Fiona.
Gayunman, walang sinuman ang nakapagpaliwanag kung bakit bigla itong muling sumali sa isang karera noong araw ng aksidente. Hanggang ngayon, nananatili itong isang malaking katanungan para sa lahat.
Sa murang edad, nawalan ng asawa ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Valderama. Dahil sa matinding konsensiya sa nangyari kay Fiona, sinubukan ng pamilyang Montecillo na kumbinsihin siyang humanap na lamang ng ibang mapapangasawa. Ngunit hindi niya tinanggap ang kanilang mungkahi. Sa halip, pinili niyang manatili sa piling ng pamilya ng kanyang yumaong asawa.
Lalong lumalim ang pagmamahal ng mga Montecillo sa kanya dahil sa desisyong iyon. Para sa kanila, napakabait at napakatapat ni Fiona, kaya halos lahat ng gusto niya ay ibinibigay nila at patuloy nila itong pinapaboran.
Ngunit hindi doon nagtapos ang kanilang pagkunsinti.
Handa silang gumawa ng paraan upang magkaroon si Fiona ng anak na magdadala pa rin ng dugo ng pamilyang Montecillo. Dahil wala na si Timothy, ang natatanging taong maaaring magbigay sa kanya ng ganoong anak ay ang kakambal ng yumaong asawa nitong si Tyler.
Samantala, hindi man lamang makatingin nang diretso si Sophie. Nanatili ang kanyang mga mata sa manipis niyang mga daliri habang nakaupo roon, tila nawalan ng buhay ang kanyang buong pagkatao.
“Well, congratulations sa inyong dalawa.” Nang marinig iyon, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Tyler.
“Hey, Sophie! Galit ka ba?”
“Hindi ba sabi ko ‘congratulations’? Tapos, you’re asking me kung galit ba ako?” sagot ni Sophie. Hindi nagtagal ay lumapit si Tyler at yumuko nang bahagya upang masilip ang mukha ng asawa.
“Iba ang tono mo sa 'congratulations'. Sophie! Shouldn’t we be celebrating? We should be happy for her, shouldn’t we? So can you please stop being sarcastic for once?” Dahan-dahang itinaas ni Sophie ang kanyang mukha at tiningnan ang asawa.
“Maayos naman ang naging panganganak niya. At kung tutuusin, kalahati ng papuri ay nararapat lang na mapunta sa iyo. Minamasama mo ang pagbati ko?” Hindi nagustuhan ni Tyler ang sagot niya. Lalong naging halata ang pagkainis nito.
“Fiona went through all that pain because she loves Timothy so much. At ngayon na nawala si Tim, ang gusto lang naman niya ay isang anak. A child that she can raise and have by her side as she moves forward with her life. At ngayon minamasama mo ang lahat?” Halos walang lakas ang boses ni Sophie nang muli siyang magsalita.
“Pero naisip mo ba kahit minsan na tanungin muna ako kung papayag ako?”
Noong una niyang nalaman na nagdadalang-tao si Fiona, wala siyang ibang inisip kundi ang posibilidad na ipinagbubuntis nito ang anak ni Timothy bago pa man nangyari ang aksidente. Kahit madalas itong maging iritable dahil sa pagbubuntis, hindi naman iyon naging dahilan upang masama ang pakikitungo ni Sophie sa kanya. Nanatili siyang maayos at magalang sa sister-in-law niya.
Ngunit habang lumilipas ang panahon, may mga bagay na nagsimulang magdulot ng pagdududa sa kanya. Hindi nagtagal ay may mga hindi na maipaliwanag sa pagbubuntis ni Fiona, hanggang sa tuluyan nang ibunyag ni Tyler ang katotohanan.
Hindi kailanman nabura sa isip ni Sophie ang mismong mga salitang ginamit nito nang aminin ang lahat.
“Ang ipinagbubuntis ni Fiona ay resulta ng artificial insemination. Ginamit namin ang sperm na ipina-preserve ko sa sperm bank noon. Napagkasunduan na ito ng buong pamilya. And I was hoping that you will understand.”
Napakalaking katotohanan ang itinago sa kanya ng buong pamilyang Montecillo. Hindi lamang nila pinag-usapan ang bagay na iyon nang wala siya. Nagawa na rin nila ang kanilang desisyon bago pa man niya nalaman ang tungkol dito.
At pagkatapos ng lahat, ang inaasahan nilang gagawin niya ay unawain na lamang ang kanilang naging pasya.
Talaga bang ganoon kadali para sa kanila na sabihin iyon at asahang matatapos na ang lahat?
Samantala, umupo si Tyler sa sofa sa kabilang panig ng silid. Kumuha siya ng sigarilyo, ipinatong iyon sa kanyang mga labi, at sinindihan gamit ang mahahaba niyang daliri.
Aminin man ni Sophie o hindi, talagang kaakit-akit ang kanyang asawa. Pino at matangos ang mga tampok sa mukha nito, at lalong bumagay rito ang salaming may gintong frame na suot nito. Nagbibigay iyon sa kanya ng isang elegante at mature na dating.
Noon, isa iyon sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob ni Sophie kay Tyler. Ngunit sa tuwing binabalikan niya ang panahong iyon, hindi niya maiwasang isipin na tila tuluyan siyang nabulag sa pag-ibig upang magustuhan ang isang lalaking katulad nito.
Humithit si Tyler ng sigarilyo at marahang pinakawalan ang usok. Pagkaraan ay bahagya niyang pinagdikit ang kanyang mga kilay bago nagsalita.
“Fiona herself was the one who begged me. The elders agreed with her request, too. Kaya wala na rin akong nagawa.”
“I didn’t tell you earlier because I knew you wouldn’t agree. I didn’t want to make an already complicated situation even worse.”
“Intindihin mo na lang na naging mahirap ang maagang pagkawala ni Tim para kay Fiona. Back then, she was already showing signs of depression. Physically and emotionally, kitang-kita natin ang epekto sa kanya..”
“All she wanted was to have a baby. Ang bata na mamahalin at aalagaan niya ay magbibigay ng rason sa kanya para magpatuloy sa buhay. It might help her recover from everything she’s been through. And honestly, I don’t think it’s such a big favor to ask.”
I don’t think it’s such a big favor to ask? Ulit niya sa isip.
Hindi makapaniwala si Sophie na may taong kayang ilarawan ang ganoong kalaking bagay sa ganoong kadaling salita. Napakagaling naman niyang bigyang-katwiran ang kanyang ginawa.Para bang sapat na ang mga paliwanag niya upang maging katanggap-tanggap ang lahat.
Hindi na agad nakasagot si Sophie. Nanatili siyang tahimik sa kinauupuan. Hindi naman sa wala siyang maibubulalas, kundi sadyang ayaw na niyang makipag-usap pa. Alam niyang kapag sinimulan niyang sabihin ang lahat ng masasamang bagay na ginawa ng mga ito sa kanya, maaaring tuluyan siyang mawalan ng kontrol sa sarili.
Napagmasdan ni Tyler ang mukha ng kanyang asawa. Maamo at maganda pa rin ang bawat bahagi nito, ngunit may kung anong kalungkutan na nakabalot sa kanyang mga mata. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit bigla siyang nakaramdam ng hindi maayos na pakiramdam habang nakatingin dito.
Magsasalita pa sana siya nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone.
Pagtingin sa screen, nakita niyang si Fiona ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. Kasabay ng pagsagot niya ay nagbago rin ang kanyang boses, naging malumanay at puno ng lambing.
“Oo, I’m already home.”
“Actually, kanina sa daan, kumain na ako.”
“I’ll take a shower and change first before heading back. I don’t want Baby Travis seeing me looking this exhausted.”
“Okay, get some rest, too. Babalik ako mamaya.” Nang matapos ang tawag, ibinaba ni Tyler ang cellphone at muling nagsalita na para bang walang anumang nangyaring pagtatalo sa pagitan nila.
“Grandma was the one who chose the baby’s name. Travis Montecillo. Initially gusto niyang ipangalan after Tim, but then she thought it might bring bad luck. Kaya napagdesisyunan na Travis na lang ang ipangalan.”
Pagkarinig niyon, agad na tumayo si Sophie.
“Really? Sige na, umalis ka na at asikasuhin mo na ang mga kailangan mong gawin doon. For sure, hinihintay ka na ng sister-in-law at ng anak mo.” Mabigat ang dating ng kanyang mga salita. Hindi na napigilan ni Tyler ang pag-init ng ulo.
“Sophie, ayusin mo ang tono ng pananalita mo?”
“At least the baby came from me instead of some other man. Besides, purong Montecillo ang dugo ng bata, hindi ba?” Bahagyang iniangat ni Sophie ang kanyang mukha. Hindi nawala ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa asawa.
“May isang bagay lang akong gustong itanong. Paano mo nga pala ginawa ang pagdo-donate?” Sandaling nagbago ang ekspresyon ni Tyler. May bahagyang pagkataranta sa mukha niya, ngunit mabilis din niyang naibalik ang dati niyang anyo.
“What else could it be? I’ve already told you before that I had my sperm frozen at a sperm bank. You know that.”
Hindi iyon bagong impormasyon para kay Sophie. Bago pa man sila ikasal, nagpa-freeze na ng sperm si Tyler. Alam na alam niya ang bagay na iyon.
Gayunpaman, hindi maikakaila ang bahagyang panunumbat sa pananalita ng lalaki. Sa kabila nito, pilit pa rin niyang ipinakikita na wala siyang ginagawang masama.
“Sophie, how can you even think of doubting me like that, huh?” Inayos ni Sophie ang ilang hibla ng buhok na nakadikit sa kanyang noo. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti bago sumagot.
“Nagtatanong lang ako, bakit parang nagagalit ka?” Napabuntong-hininga si Tyler.
“Come on, Sophie. There’s absolutely nothing going on between Fiona and me. Never kitang lolokohin.”
“Besides, Grandma and Mom have been grieving Tim’s death for so long. Now that Travis is here, mas mapapadali ang pagmo-move on nina Grandma and Mom sa pagkawala ni Tim. Isn’t that a good way for them to cope with their grief? Tatlong taon na tayong kasal, Sophie. And if only we could have…”
Tatlong taon nang naging bahagi si Sophie ng pamilyang Montecillo, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin silang anak ni Tyler. Dahil dito, madalas siyang siraan ni Madam Beatriz, ang kanyang biyenan, kapag wala siya sa paligid. Palagi siyang tinatawag nitong baog at sinasabing wala siyang naiaambag sa pamilya kundi kahihiyan.
Dahil sa paulit-ulit na paratang na iyon, minsan ay palihim na nagpasuri si Sophie sa ospital upang malaman kung talagang may problema siya sa kakayahang magkaanak.
Mabuti na lamang at walang nakitang anumang kondisyon ang mga doktor na maaaring makahadlang sa kanyang pagbubuntis. Wala siyang problema pagdating sa pagkakaroon ng anak. Kung tutuusin, ginagamit lamang ng pamilyang Montecillo ang sinasabing pagkabaog niya bilang dahilan. Hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo nila sa kanya.
Ang totoong problema ay ang kalagayan ng pamilyang Salvatierra. Dalawang beses na silang dumanas ng malaking pagkatalo sa kanilang mga transaksiyon sa negosyo, dahilan upang lumubog sila sa utang. Dahil dito, mabilis na humina ang kanilang negosyo at unti-unti nang nalulugi ang kanilang kumpanya.
“Make sure na bisitahin mo si Fiona sa hospital bukas. I don’t want her overthinking things and assuming you’re avoiding her because you’re angry. Alam mo naman kung gaano siya ka-sensitive lalo na ngayong bagong anak pa siya.” Iyon ang huling bilin ni Tyler bago tuluyang lumabas ng silid.
Pagkaraan, bumalik si Sophie sa kanyang kuwarto at binuksan ang drawer. May kinuha siyang isang litrato na nakatago roon. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala sa kanya ng larawang iyon isang buwan na ang nakalipas.
Sa kuha, makikita ang isang lalaki at babae na magkayakap sa labas ng isang five-star hotel. Hindi lamang basta magkalapit ang dalawa, kapansin-pansin din ang pagiging malapit ng kanilang samahan. At ang mga taong nasa litrato ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa na si Tyler at ang hipag nitong si Fiona.
So, ito pala ang tunay na paraan ng pagdo-donate ni Tyler…
Hindi napigilan ni Kelly na makaramdam ng awa para sa kaibigang si Sophie. Agad niya itong niyakap nang mahigpit, na para bang nais niyang maibsan kahit kaunti ang bigat na dinadala nito.“Kung puwede lang sanang nagkamali ang hospital professionals sa pagkuha o pagsusuri ng sample, para hindi sa gagong ’yon ang batang nasa sinapupunan mo,” bulong ni Kelly. “Para sana magkaroon ako ng inaanak! Mas maganda rin kung pati ang anak ng mistress niya ay hindi rin sa kanya. Para naman maranasan din niyang lokohin nang hindi niya nalalaman!” Bahagyang napangiti si Sophie sa sinabi ng kaibigan. Inabot niya ang pisngi nito at marahang hinaplos iyon.“Alam kong halos imposibleng mangyari ang sinasabi mo, pero salamat pa rin. At least, sinusubukan mong pagaanin ang loob ko.” Kahit paano, nakatulong ang mga salita ni Kelly para gumaan ang pakiramdam niya. Bago tuluyang umalis at bumalik sa Montecillo Mansion, pinunit niya ang medical report sa maliliit na piraso at itinapon sa basurahan.Pagdating
Pagpasok ni Tyler sa VIP suite, nadatnan niya si Fiona na tahimik na nakayuko. Halatang mabigat ang loob nito, at madilim ang ekspresyon ng mukha. Agad nagbago ang anyo ni Tyler. Lumapit siya sa kama, umupo sa gilid nito, at marahang hinawakan ang kamay ni Fiona.“Fiona, anong problema? May masakit ba?”“Kuya Tyler, I’m sorry…” mahinang sambit ni Fiona. Nanginginig ang boses nito, na para bang labis na labis ang lungkot na nararamdaman.“What happened? May ginawa ba siya sa’yo?” seryosong tanong ni Tyler.“Ano bang pwedeng kong gawin, Kuya Tyler? Halatang galit na galit sa akin si Ate Sophie…” Nag-aalalang hinaplos ni Tyler ang ulo nito upang pakalmahin siya.“Wala ka namang ginawang masama para magalit siya nang ganoon. Nagpapakita lang siya ng sama ng loob. Don’t worry, magiging maayos din ang lahat. Bigyan mo lang siya ng ilang araw.”“Nag-aalala lang talaga ako kay Ate Sophie…” Napahikbi si Fiona. “Paano kung makipaghiwalay siya sa iyo dahil sa akin? Kapag nangyari iyon, hindi ko
Ang ospital na pinagdalhan kay Fiona ay isang kilalang international maternity hospital na napakamahal ng mga serbisyo. Upang matiyak na magiging ligtas ang panganganak nito, personal na inayos ni Madam Marta, ang Granda ni Tyler, ang pagdating ng isang tanyag na OB-GYN specialist mula China para siya mismo ang mangasiwa sa delivery ni Fiona.Sa loob ng VIP suite.Nakahiga si Fiona sa kama ng ospital. Namalula-mula pa rin ang mga pisngi at mukhang maaliwalas ang kaniyang mukha, na para bang hindi siya nakaranas ng matinding hirap sa panganganak. Samantala, nasa tabi niya si Tyler, abalang sinusubuan siya ng sabaw mula sa mangkok na hawak nito. Maingat nitong hinihipan ang bawat kutsarang ihahain bago iyon ipakain kay Fiona, ayaw nitong magkaroon man lang ng pagkakataong mapaso ang babae.Habang nakikita ang tagpong iyon, hindi napigilan ni Sophie na balikan sa isip ang tatlong taon nilang pagsasama ni Tyler. Sa tagal ng kanilang pagiging mag-asawa, hindi niya kailanman naranasan ang g
“Ma’am Sophie, nakapanganak na po si Ma’am Fiona.” Halos hindi maitago ni Aling Aurora ang tuwa habang ibinabalita ang magandang balita. Gayunpaman, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sophie.“Anong gender ng bata?”“Lalaki po ang bata,” mabilis na sagot ng kasambahay.“Sobrang excited at napakasaya po nina Madam Marta at ng lahat ng miyembro ng pamilyang Montecillo. Kanina pa nila pinupuri ang bata at sinasabing napakaguwapo raw nito. Pati si Sir Tyler, hindi po maipaliwanag ang tuwa niya. Halos hindi siya mapakali sa sobrang saya—”Biglang naputol ang sasabihin ni Aling Aurora nang mapansin niya ang babaeng kaharap. Napagtanto niyang hindi marapat na ipagpatuloy pa niya ang pagbabalita tungkol sa kasiyahan ng ibang tao habang ganoon ang kalagayan ni Sophie. Nakaramdam siya ng matinding awa sa babae na tila walang naririnig habang nakaupo sa tabi ng malaking bintana. Umiling na lamang siya at napabuntong-hininga bago tuluyang lumabas ng silid.Hindi maiwasan ni Sophie







