
The Billionaire's Surrogate Sister-in-Law
Sa mismong kaarawan ni Sophie Salvatierra, hindi man lang nagpakita ang asawa niyang si Tyler Montecillo. Sa halip, buong magdamag itong nanatili sa hospital upang samahan ang sister-in-law niyang si Fiona Valderama habang nanganganak.
Ang alam ng lahat, ang sanggol ay anak ng namayapang kambal ni Tyler na si Timothy Montecillo. Ngunit alam ni Sophie ang katotohanan na si Tyler ang ama nito.
Hindi lamang siya niloko ng asawa kasama ang sister-in-law nito, kundi maging ang pamilyang Montecillo ay kumampi pa sa kanilang dalawa. Nagsabwatan silang paalisin si Sophie nang walang makuhang ari-arian upang si Fiona ang pumalit sa kanya.
So, ganoon ba ang gusto ninyo?
Kung ganoon, hindi na mag-aaksaya pa ng panahon si Sophie sa mga taong walang ibang ginawa kundi yurakan ang kanyang pagkatao. Akala ni Tyler, isa lamang siyang ampon mula sa pamilyang Salvatierra na mahina, madaling manipulahin, at puwedeng itapon kapag hindi na kailangan.
Ngunit hindi niya alam na ang babaeng itinuring niyang walang halaga ay tanyag na computer genius na matagal nang hinahanap ng marami. Sa mundo ng mga hacker, kilala siya bilang Glitch, ang ikalawang pinakamataas na miyembro ng X-Network.
Isa-isang isasakatuparan ni Sophie ang kanyang mga plano. Mararanasan ng mga nagtaksil sa kanya ang sunod-sunod na dagok at pagsisisi. Pagkatapos ng paghihiganti, itutuon niya ang pansin sa kanyang career at sa larangan ng artificial intelligence.
Wala na siyang balak magmahal muli. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, matagal nang may lihim na pagtingin sa kanya ang bilyonaryong si Xavier Laxa. Sasamahan siya nito sa bawat pangarap hanggang makamit niya ang tagumpay at ipagtapat ang tunay na damdamin.
“Sophie… please, sabihin mong akin ang batang dinadala mo!” galit na harang ni Tyler. Ngumiti nang malamig si Sophie.
“Pasensya na, Mr. Montecillo. Pero hindi sa iyo ang batang ito.”
อ่าน
Chapter: KABANATA 4: ANG SIMULA NG PANININGILHindi napigilan ni Kelly na makaramdam ng awa para sa kaibigang si Sophie. Agad niya itong niyakap nang mahigpit, na para bang nais niyang maibsan kahit kaunti ang bigat na dinadala nito.“Kung puwede lang sanang nagkamali ang hospital professionals sa pagkuha o pagsusuri ng sample, para hindi sa gagong ’yon ang batang nasa sinapupunan mo,” bulong ni Kelly. “Para sana magkaroon ako ng inaanak! Mas maganda rin kung pati ang anak ng mistress niya ay hindi rin sa kanya. Para naman maranasan din niyang lokohin nang hindi niya nalalaman!” Bahagyang napangiti si Sophie sa sinabi ng kaibigan. Inabot niya ang pisngi nito at marahang hinaplos iyon.“Alam kong halos imposibleng mangyari ang sinasabi mo, pero salamat pa rin. At least, sinusubukan mong pagaanin ang loob ko.” Kahit paano, nakatulong ang mga salita ni Kelly para gumaan ang pakiramdam niya. Bago tuluyang umalis at bumalik sa Montecillo Mansion, pinunit niya ang medical report sa maliliit na piraso at itinapon sa basurahan.Pagdating
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: KABANATA 3: ANG HINDI INAASAHANG TAGAPAGMANAPagpasok ni Tyler sa VIP suite, nadatnan niya si Fiona na tahimik na nakayuko. Halatang mabigat ang loob nito, at madilim ang ekspresyon ng mukha. Agad nagbago ang anyo ni Tyler. Lumapit siya sa kama, umupo sa gilid nito, at marahang hinawakan ang kamay ni Fiona.“Fiona, anong problema? May masakit ba?”“Kuya Tyler, I’m sorry…” mahinang sambit ni Fiona. Nanginginig ang boses nito, na para bang labis na labis ang lungkot na nararamdaman.“What happened? May ginawa ba siya sa’yo?” seryosong tanong ni Tyler.“Ano bang pwedeng kong gawin, Kuya Tyler? Halatang galit na galit sa akin si Ate Sophie…” Nag-aalalang hinaplos ni Tyler ang ulo nito upang pakalmahin siya.“Wala ka namang ginawang masama para magalit siya nang ganoon. Nagpapakita lang siya ng sama ng loob. Don’t worry, magiging maayos din ang lahat. Bigyan mo lang siya ng ilang araw.”“Nag-aalala lang talaga ako kay Ate Sophie…” Napahikbi si Fiona. “Paano kung makipaghiwalay siya sa iyo dahil sa akin? Kapag nangyari iyon, hindi ko
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: KABANATA 2: ANG BIGAT NG PANANAHIMIKAng ospital na pinagdalhan kay Fiona ay isang kilalang international maternity hospital na napakamahal ng mga serbisyo. Upang matiyak na magiging ligtas ang panganganak nito, personal na inayos ni Madam Marta, ang Granda ni Tyler, ang pagdating ng isang tanyag na OB-GYN specialist mula China para siya mismo ang mangasiwa sa delivery ni Fiona.Sa loob ng VIP suite.Nakahiga si Fiona sa kama ng ospital. Namalula-mula pa rin ang mga pisngi at mukhang maaliwalas ang kaniyang mukha, na para bang hindi siya nakaranas ng matinding hirap sa panganganak. Samantala, nasa tabi niya si Tyler, abalang sinusubuan siya ng sabaw mula sa mangkok na hawak nito. Maingat nitong hinihipan ang bawat kutsarang ihahain bago iyon ipakain kay Fiona, ayaw nitong magkaroon man lang ng pagkakataong mapaso ang babae.Habang nakikita ang tagpong iyon, hindi napigilan ni Sophie na balikan sa isip ang tatlong taon nilang pagsasama ni Tyler. Sa tagal ng kanilang pagiging mag-asawa, hindi niya kailanman naranasan ang g
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: KABANATA 1: ANG LIHIM SA LABAS NG FIVE-STAR HOTEL“Ma’am Sophie, nakapanganak na po si Ma’am Fiona.” Halos hindi maitago ni Aling Aurora ang tuwa habang ibinabalita ang magandang balita. Gayunpaman, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sophie.“Anong gender ng bata?”“Lalaki po ang bata,” mabilis na sagot ng kasambahay.“Sobrang excited at napakasaya po nina Madam Marta at ng lahat ng miyembro ng pamilyang Montecillo. Kanina pa nila pinupuri ang bata at sinasabing napakaguwapo raw nito. Pati si Sir Tyler, hindi po maipaliwanag ang tuwa niya. Halos hindi siya mapakali sa sobrang saya—”Biglang naputol ang sasabihin ni Aling Aurora nang mapansin niya ang babaeng kaharap. Napagtanto niyang hindi marapat na ipagpatuloy pa niya ang pagbabalita tungkol sa kasiyahan ng ibang tao habang ganoon ang kalagayan ni Sophie. Nakaramdam siya ng matinding awa sa babae na tila walang naririnig habang nakaupo sa tabi ng malaking bintana. Umiling na lamang siya at napabuntong-hininga bago tuluyang lumabas ng silid.Hindi maiwasan ni Sophie
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26