Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ni Selene habang naghihintay sa may altar. Napapikit siya nang mariin habang pinapakinggan ang samu’t saring komento ng kaniyang mga kamag-anak.
Suot niya ang isang puting wedding gown na sa unang tingin ay alam niyang mamahalin. Puno kasi ito ng mga gems at kung ano-ano pang palamuting kumikinang.
Hindi dapat ito ang isusuot niya. Dapat ay isang simpleng puting wedding gown lang pero dumating ito sa kanilang bahay. May ideya naman siya kung kanino galing pero nakumpira niya iyon ng makita ang nakasulat na letra sa card na kasama nito.
T.
“Selene, pinagbubulungan na tayo ng mga Tita mo. Nasaan na ba ang lalaking sinasabi mo?” Mariing tanong ng ama na nakatayo sa gilid niya.
“My god, Selene. Baka naman gawa-gawa mo lang ‘yan para hindi ka mapahiya ah? Mas lalo tayong mapapahiya nito! Kung hindi lang ako pinilit ni Santino ay hindi talaga ako pupunta rito!”
“Criselda, mas lalo akong mapapahiya kung wala akong makakasama rito.”
Napapikit si Selene habang pinapakinggan ang pagtatalo ng mga magulang. Ilang minuto nang huli si Leviticus sa pinag-usapang oras.
Mas nauna pang dumating si Selene rito imbes na siya ang hinihintay sa may altar.
Kita niya rin ang kapatid na si Ava na kakadating lang. Pumwesto ito sa pinakadulong upuan. Nakasuot siya nang itim na dress at sunglasses. Malamang ay pinilit rin ito ng ama nila na pumunta dahil hindi pa naman nila alam ang kataksilang ginawa niya.
Pero hindi yan ang ikinababahala ni Selene. Naisip niyang imposible pero uupakan niya talaga ang Leviticus na iyon kapag hindi siya sinipot ngayon. Siya naman ang may pakana at nakaisip ng lahat ng ito!
“Selene! May hinihintay ba tayo o ano?”
“Baka naman tinakasan ka na ng groom mo, Selene?”
“Oh baka wala ka naman talagang papakasalan, Selene.”
Nanginginig na ang mga kamay ni Selene dahil naririnig niya ang mga kamag-anak niyang inis na inis na. Nakita niya rin ngumisi si Ava na parang tuwang-tuwa sa pagdudusa niya.
Tumikhim si Selene bago sumagot, “May papakasalan ako. Parating na po siya.” Sabi niya sa matapang na tono kahit siya mismo ay hindi niya alam kung totoo nga.
“Kung ganoon sino, Selene? Baka naman pangit na matanda iyan ha? Iiwan ka namin rito dahil hindi namin gustong masangkot sa ganiyang kahihiyan.”
“At baka mahirap pa kamo! Baka hindi ka man lang nagbackground check at kung sino-sinong pinulot —-”
“Here comes the groom!”
Lahat sila ay napalingon sa boses na nagmumula sa entrance ng simbahan. Iyon iyong coordinator na sa hula niya ay galing kay Leviticus. Tinotoo kasi nito ang sinabi niyang kailangan niya na lamang um-attend at ipapahanda niya ang lahat.
Bumukas ang malaking pinto ng simbahan kaya kitang-kita nila ang nangyayari sa labas.
Sunod-sunod ang pagdating ng mga magagarang kotse na tila ba pumaparada ang mga ito. May mga taong nagsilabasan na nakasuot ng pang-bodyguard na uniporme at saka pinagbuksan ng pinto ang mga nasa loob.
Nagbukas ito ng mga payong para proteksyunan sa init ang isang lalaki at isang babae na ka-edad ng mga magulang ni Selene.
Ito ba ang mga parents ni Leviticus? Sa isip ni Selene.
Mas lalo siyang kinabahan dahil sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ay nararamdaman niyang totoo na ang lahat ng ito. Magpapakasal na nga siya sa lalaking hindi niya lubos makilala.
Naglakad ang mga ito na parang hari at reyna papunta sa entrance ng simbahan. Sunod na lumabas ay ang lalaking kanina pa hinihintay ni Selene.
Parang isang prinsipe si Leviticus habang naglalakad papunta sa direksyon ng mga magulang. Nakasuot siya ng isang itim na tuxedo na may puting bow tie. Ang kanyang buhok ay pormal na nakaayos, at ang kanyang mga mata ay kumikislap sa ilalim ng mga ilaw ng simbahan.
Ang bawat hakbang niya ay puno ng dignidad. Parang alam na alam niya ang ginagawa niya.
Rinig ni Selene ang pagsinghap ng kaniyang mga nasa paligid. Lahat ng atensyon nila ay na kay Leviticus na ngayo’y naglalakad na papunta sa kaniya.
“Levi!” Tawag ni Ava na hindi pinansin ni Levi dahil ang mga mata nito ay nakapokus lamang kay Selene.
“Kay tikas naman pala ng mapapangasawa ni Selene!”
“At mukhang mayaman! Ang daming bodyguards at mamahaling kotse!”
“What is this?! Oh my god!”
“L-Leviticus…. Akala ko ba ay si Ava ang papakasalan niya?!”
Ang huling dalawang nagsalita ay ang natatarantang magulang ni Selene. Ngunit hindi niya na pinakinggan ang mga ito dahil nasa tapat niya na si Leviticus.
“What a beautiful woman. My son really knows who to pick.” Sabi ng ginang kay Selene.
Nagulat si Selene nang niyakap siya nito at b****o. Ganoon rin ang ginawa ng lalaki na kasama nito.
Nasisigurado ni Selene na sila nga ang mga magulang ni Levi!
Inilahad ni Leviticus ang kamay niya kay Selene para ayain sa gitna ng altar.
“Let’s start this wedding, shall we?” Walang emosyong sabi ni Levi.
Iniabot naman iyon ni Selene kahit nanlalamig na ang buong katawan niya. Inalalayan niya ito bago sinimulan ng pari ang seremonyas.
"Ngayon, bago natin ipagpatuloy, nais kong itanong sa lahat," sabi ng pari, "Mayroon bang sinuman dito na mayroong anumang dahilan kung bakit hindi dapat ipagpatuloy ang kasal na ito? Kung meron, pakisabi ngayon o manahimik magpakailanman."
Nagulat ang lahat ng mabilis na tumayo si Ava. Ngayon lang napansin ni Selene si Ava na lumuluha na ito.
“Levi, please…. This can’t be —-”
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay may bodyguard na na pumigil rito at hinila siya palabas.
Tumikhim si Levi bago nagsalita, “No one will dare to stop this wedding, father. Please continue.”
Ang mga mata ng lahat ay nakatutok sa kanila sa harap ng altar.
"Leviticus, tinatanggap mo ba si Selene bilang iyong lehitimong asawa? Gagampanan mo ba ang iyong mga tungkulin bilang kanyang asawa sa lahat ng panahon, sa mga oras ng saya at hirap, sa sakit at kalusugan, at mamahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo? Kung oo, sagutin mo ito ng 'Oo, tinatanggap ko.'"
Tinignan ni Selene si Leviticus habang naghihintay ng isasagot ng binata.
"Oo, tinatanggap ko," sagot ni Leviticus.
Pagkatapos ay tinanong ng pari si Selene, "Selene, tinatanggap mo ba si Leviticus bilang iyong lehitimong asawa? Gagampanan mo ba ang iyong mga tungkulin bilang kanyang asawa sa lahat ng panahon, sa mga oras ng saya at hirap, sa sakit at kalusugan, at mamahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo? Kung oo, sagutin mo ito ng 'Oo, tinatanggap ko.'"
Sa pagsagot ni Selene ay alam niyang may magbabago na sa buhay niya.
“Pero wala naman siyang dapat ipangamba, hindi ba? Temporary lang ang lahat ng ito. Sa ilang buwan ay maghihiwalay na rin sila.” Naisip ni Selene kaya huminga siya ng malalim bago sumagot.
"Oo, tinatanggap ko," sagot ni Selene.
Nagtama ang mata nila ni Leviticus. Para siyang sinusunog ng titig nito.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Simbahang ito at ng batas ng Diyos, ipinapahayag ko sa inyong dalawa bilang mag-asawa. You may now kiss the bride."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Selene dahil sa huling narinig. Kiss the bride?! Bakit nga ba niya nakalimutan may ganoon pala sa kasalan. Masyado siyang nagpadalos-dalos.
“Uh…” Hindi makapa ni Selene ang sasabihin nang magharap sila ni Leviticus.
Tumaas ang sulok ng labi ni Leviticus, “Maari ka bang halikan ng asawa mo… Mrs. Thompson?”
Itinaas nito ang belo na nagtatakip sa kaniyang mukha. Kinakabahan na si Selene habang nilalapit ni Levi ang mukha niya sa kaniya.
Napapikit si Selene habang naghihintay sa susunod na mangyayari.
Ilang segundo ang lumipas at naramdaman niya na lamang na may malambot na labing lumapat sa kaniyang labi.
Akala niya doon na matatapos ito pero nagulat siya nang hinawakan ni Levi ang kaniyang pisngi at inanggulo ang kanilang mukha para sa mas malalim na halik.
Sa oras na iyon ay parang nakalimutan ni Selene na maraming nanonood sa kanila. Parang nakalimutan niya na peke nga pala ang lahat ng ito.
Nang maghiwalay ang kanilang labi ay tinitigan siya ni Levi.
“Trust me, Selene. This is for your benefit. For us. This is all temporary and you will have your life back pagkatapos nito.” Bulong ni Levi sa kaniya.
Nang matapos ang kanilang kasal ay hinarap niya naman ang kaniyang mga magulang na ngayo’y alam niyang nanggagalaiti na sa galit.
“Selene! Anong pumasok sa kokote mo! Si Ava ang dapat mapapangasawa ni Leviticus!” Pigil ang galit ng sigaw ng ama sa kaniya. Ayaw nitong mahalata ng bisita.
“Inagaw mo ba siya sa anak ko —-”
Nagulat si Selene nang may kamay na pumulupot sa kaniyang bewang. Nang lingunin niya ito ay si Leviticus pala.
“Walang inagaw si Selene, Madame. Kung ano man ang sinasabi sa inyo ng anak niyo ay alamin niyo kung totoo. Selene is my wife now and no one can change that.” Sabi ni Leviticus.
Namuo ang luha ni Selene. Pati ba naman rito ay si Ava pa rin ang kinakampihan nila? Alam niyang kaya hindi tumutol ang mga ito kanina ay bukod sa kahihiyan ay takot sila sa kayang gawin ni Leviticus.
Wala na talagang nagmamahal sa kaniya. Gusto niya na lamang na pumunta sa kaniyang Lola Fely at magsumbong na parang bata sa kung gaano kalupit sa kaniya ang mundo ngayon.
Hindi na napansin ni Selene na may tumulo na pa lang luha sa kaniyang mata na maagap na pinunasan ni Levi.
“Let’s run away?”
“A-Ano? Pero paano…”
“They can handle themselves. For now, let’s run away. Run away with me…wife.”
Nagising si Selene dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Nagkusot siya ng mata para tignan ang paligid niya. Ngunit nanlaki ang mata niya nang biglang maramdaman ang sakit sa kaniyang gitna. Parang tubig na dumaloy sa kaniyang utak ang lahat ng nangyari kagabi.Napabalikwas siya at napatingin sa kaniyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng malaking tshirt na panlalaki at boxer shorts. Malamang ay kay Levi iyon.“Gaga ka, Selene! Anong ginawa mo?!” Inis na sabi niya sa sarili habang bahagyang sinasabunutan ang buhok.Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Sa dalawang taon na magkasama sila ni Seth ay hindi niya naibigay ang kaniyang sarili dahil hindi pa siya handa. ‘Yon pa nga ang tinuturong dahilan ng lalaki kaya ito nagloko.Ngunit ngayon ay hinalikan lang siya ni Levi at naibigay niya iyon?!Ang mas nakakainis pa ay ni wala siyang maramdamang pagsisisi. Na para bang ayos lang na kay Levi niya iyon naibigay. Sinubukan niyang tumayo ngunit umaray lang siya dahil s
Kapwa pa rin lasing na lasing sa mapupusok na halikan si Selene at Levi. Napasinghap siya nang maramdaman ang umbok sa gitna ng kaniyang hita. Ramdam na ramdam niya talaga iyon lalo na at napakanipis lang ng kaniyang suot na lingerie dress at nakatapis lamang ng tuwalya si Levi sa pang-ibaba. “Baby, I’m so turned on…” Bulong nito sa kaniya habang nagsisimulang maglakbay ang kaniyang mga halik.Bahagyang tumingala si Selene para mabigyan ng access si Levi sa kaniyang leeg. Napapikit pa siya ng marahang kagatin nito ang kaniyang leeg.Alam niya at siguradong sigurado siya na magmamarka ito kinabukasan pero wala na siyang pakealam. Bukas niya na iyon poproblemahin.Bahagyang ibinaba ni Levi ang strap ng kaniyang suot at nagsimulang halikan ang bandang dibdib niya. Napapaarko na lamang ang likod ni Selene sa labis na sarap na nararamdaman. “You smell like my body wash. Tangina, I didn’t know something could make me crazy like this…” Sabi ni Levi na mas lalong nagpainit kay Selene.Para
“You should wash up para makapagpahinga ka na.” Biglang sabi ni Levi kaya naman agad napamulagat si Selene.Nakita niya itong unti-unti nang lumalayo sa kaniya habang inaalis ang neck tie na suot nito.Para siyang binuhusan ng malamig ng tubig. Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa ginawa. Talagang pumikit pa siya habang naghihintay ng halik ni Levi?!Mabilis siyang kumaripas ng takbo sa isang pinto na sa tingin niya ay CR para lamang makatakas sa kahihiyan. Hindi naman siya nagkamali dahil CR nga iyon kung saan mayroon din walk-in-closet.Sosyal na sosyal talaga ang dating ng lahat. Para siyang nasa mamahaling hotel room. May mga tuwalya na rin na nakasabit doon na parang hindi pa nagagamit.Agad niyang inalis ang suot na damit at naligo. Kumpleto ang gamit sa banyo kaya hindi na siya nahirapan pa.Nang patayin niya ang shower at magpunas ng katawan ay saka nanlaki ang mata niya sa realisasyon.Wala siyang pamalit na damit!“Selene naman! Masyado ka na bang binabaliw ng lala
Habang nasa byahe papunta kung saan man ang bahay ni Levi ay ramdam na ramdam ni Selene ang pag-iinit ng kaniyang pisngi.“No more buts. Tutuparin pa natin ang hiling ni Lola Fely. Simulan na natin ang paggawa sa isang dosenang apo na gusto niya.” Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak niya. Hindi niya naman alam kung seryoso ba doon si Levi o biro lang ang lahat para sa kaniya.Hindi rin naman niya mabasa sa mukha nito kung biro lang iyon dahil literal na sinabi niya ito ng walang ekapresyon! Na para bang normal na normal lng sabihin iyon.Wala na rin siyang magawa kung hindi sumama sa binata dahil ayaw niya rin naman munang umuwi sa bahay nila. Masyado pang mainit ang mata sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Hindi pa siya handa sa sermon at kung ano-ano pang masasakit na salita na magmumula sa kanila. “We’re here.”Natigil ang pag-iisip ni Selene nang magsalita si Levi. Ngayon niya lang napansin na tumigil na sila. Luminga-linga siya sa paligid at nakitang nasa isang subdivision s
Katulad nang sinabi ni Leviticus ay tumakas nga sila sa kanilang sariling kasal. Ngayon ay narito na naman si Selene sa Aston Martin ni Levi.Hindi katulad ng dati na may driver sila, ngayon ay si Leviticus ang nasa driver seat at siya naman ang nasa tabi nito.“May gusto ka bang puntahan?” “G-Gusto kong puntahan ang Lola ko.” Alinlangang sagot ni Selene.“Your grandmother? Why? Where is she? Wala ba siya sa kasal?”“Wala.” Malungkot na sabi ni Selene, “Nasa hospital siya. Siya ang nanay ng Mama ko na namayapa na. Pangarap ko na makita niya akong ikasal pero may s-sakit siya at nangyari pa iyong panloloko ni Seth.”Nakatitig lamang si Levi sa kaniya habang siya ay nagsasalita. Ngunit may napansin siya. May kakaiba sa ekspresyon nito, parang hindi awa kung hindi… concern.Concern? Bakit naman siya magiging concern sa akin? Sa isip ni Selene.“If that will make you better, then we will go there.” Sagot ni Levi pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nagsimula na nitong paandarin ang
Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ni Selene habang naghihintay sa may altar. Napapikit siya nang mariin habang pinapakinggan ang samu’t saring komento ng kaniyang mga kamag-anak.Suot niya ang isang puting wedding gown na sa unang tingin ay alam niyang mamahalin. Puno kasi ito ng mga gems at kung ano-ano pang palamuting kumikinang.Hindi dapat ito ang isusuot niya. Dapat ay isang simpleng puting wedding gown lang pero dumating ito sa kanilang bahay. May ideya naman siya kung kanino galing pero nakumpira niya iyon ng makita ang nakasulat na letra sa card na kasama nito. T.“Selene, pinagbubulungan na tayo ng mga Tita mo. Nasaan na ba ang lalaking sinasabi mo?” Mariing tanong ng ama na nakatayo sa gilid niya.“My god, Selene. Baka naman gawa-gawa mo lang ‘yan para hindi ka mapahiya ah? Mas lalo tayong mapapahiya nito! Kung hindi lang ako pinilit ni Santino ay hindi talaga ako pupunta rito!”“Criselda, mas lalo akong mapapahiya kung wala akong makakasama rito.”Napapikit si Selene haba