Hindi alam ni Selene kung paano siya nakauwi noong araw na iyon. Tulala pa rin siya habang nakasakay sa Aston Martin ni Levi.
Oo, sumama siya dahil hinila siya nito. Masyado na siyang nanghihina para manglaban o tumanggi pa.
Ang daming nangyari sa araw na ito na hindi maproseso ni Selene. Una ay ang pagtataksil sa kaniya ni Seth, ang pag-cancel niya sa kanilang kasal, at ngayo’y nakatakda na siyang maipakasal sa lalaking hindi niya naman lubos na kilala.
Natigil si Selene sa pag-iisip nang tumigil ang kotse sa harap ng kanilang bahay. Nagulat siya dahil bakit alam ng lalaking ito kung saan siya nakatira?! Hindi niya na naisip iyon kanina.
“B-Bakit mo alam ang bahay ko?” Nagtatakang tanong ni Selene.
“I just guessed na nakatira kayo sa iisang bahay ni Ava?”
“Sino ka ba talaga? Boyfriend ka ba ni Ava?” Tanong ni Selene.
“Supposed to be. It’s all about business for us. I’m using her and she’s using me.” Prenteng sagot ni Levi.
“Ano? Hindi ko maintindihan? At bakit hindi kita nakikita na kasama niya? Kilala ka ba ng mga magulang namin?” Kumunot ang noo ni Selene sa daming katanungan na naiisip niya.
“Pag-usapan natin yan sa susunod. Marami pa tayong oras. Go inside and fix yourself. Pulang-pula ka sa kakaiyak.”
Na-conscious naman si Selene sa kaniyang itsura. Mula kanina ay nawalan na siya ng pake sa kung anong itsura niya habang iniiyakan ang gagong ex-fiance niya.
“Sige, s-salamat….”
Hindi niya alam kung anong itatawag sa lalaki kaya hanggang doon lang ang sinabi niya.
“Leviticus.”
“Huh?”
“My name is Leviticus Thompson. Mas mabuting alam mo dahil magiging apelyido mo na rin ‘yan pag kinasal tayo.”
Uminit ang pisngi ni Selene dahil sa sinabi ni Levi.
“Seryoso ka ba talaga?”
“Seryoso saan?” Balik na tanong sa kaniya ni Levi.
“Na magpapakasal tayo.”
Tumawa si Levi. Hindi maiwasang mapansin ni Selene ang dimples at tila perlas na puti ng ngipin nito.
“Do I look like I’m joking? You need me and I need you, right?”
“Pero p-paano? Hindi pa natin masyadong kilala ang isa’t isa.”
“Do you really want to marry me?” Tumaas ang kilay ni Levi habang naghihintay sa kaniyang sagot.
“Oo. Ayokong maging kaawa-awa sa mata ng iba. M-Maghihiwalay naman tayo, diba?” Paninigurado ni Selene.
“Yes, sa oras na makuha natin ang gusto natin ay mawawalan ng bisa ang kasal. Maybe give it a year or two.”
Hindi sumagot si Selene. Ngunit nagulat siya nang biglang nilapit ng lalaki ang kaniyang mukha sa may tenga niya.
Naramdaman ni Selene na nagtaasan ang kaniyang balahibo. Amoy na amoy niya ang mabangong panlalaking pabango nito.
“Don’t worry. Madami pa tayong oras para makilala ang isa’t isa, Mrs. Thompson…”
Nagpaalam na ito sa kaniya at pinanood siyang pumasok sa kanilang bahay bago umalis sakay nf magarang kotse.
Pagkapasok ni Selene ay bumungad sa kaniya ang amang prente ang upo sa sala kasama ang madrasta niya.
“Selene, nandito ka na. Bakit ang aga mo?” Kalmadong tanong ng kaniyang ama.
Huminga ng malalim si Selene. Aaminin niya ang totoo na nagtaksil sa kaniya si Seth ngunit hindi niya sasabihin na kasama si Ava.
Kahit naman ayaw na ayaw sa kaniya ni Ava ay nakasama niya na itong lumaki. May pagmamahal naman siya para sa kaniyang kapatid.
Nang mamatay kasi ang kaniyang ina ay nag-asawang muli ang kaniyang ama. Ito ay ang kaniyang Tita Criselda na may anak na ka-edad niya… si Ava.
“Umatras na ba sa kasal si Seth at hindi na nagpapakita sayo?” Tawa ng kaniyang Tita Criselda.
“N-Niloko po ako ni Seth. May ibang babae po siya.” Saad ni Selene sa mahinang boses.
“What? May nakakita ba? Selene, baka naman maging eskandalo pa sa pamilya natin ‘yan.” Sagot ng kaniyang ama.
“Anong sinabi ko sayo? Ang mga lalaking katulad ni Seth ay hindi magtitiyaga sa mga babaeng katulad mo. Tama nga ako na dapat ay kay Ava ko nalang siya ipinakasal.”
“Criselda, mas gugustuhin mo ba si Seth kaysa sa natitipuhan ni Ava ngayon?” Makahulugang sabi ng ama.
Mapait na ngumiti si Selene. Kakasabi pa lamang niya na niloko siya pero ni isa sa kanila ay walang nagtanong kung ayos lang siya.
Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng kaniyang ama. Naikwento lamang sa kaniya ng kaniyang Lola na magmula ng mamatay ang kaniyang ina ay nagbago nito.
Namatay ito dahil sa panganganak sa kaniya. Sa malamang ay sinisisi siya nito sa nangyari sa kaniyang asawa.
“Hindi ko rin talaga alam kay Seth kung bakit nagtiyaga sayo. I mean no offense, hija. That’s Seth. Pinipilahan rin. Aminin mo na at ginayuma mo!” Tumatawang sabi ng kaniyang madrasta.
“Mabuti na lamang si Ava ay secured na ngayon. Mayaman na lalaki ang nakuha.”
Si Leviticus. Si Leviticus ang pinag-uusapan nila.
Tumulo ang luha ni Selene dahil sa sakit na wala silang pakialam sa kaniya, “Hindi niyo man lang po ako tatanungin kung anong nararamdaman ko? Kung ayos lang po ba ako?”
“Oh Selene, kung nakinig ka lang kase sa mga payo ko ay baka hindi nangyayari sayo ito.”
“At paano yan? Nasabi mo na sa mga kamag-anak natin na ikakasal ka at dadalo sila. Wala ka na talagang ginawa kundi ipahiya ang pamilya natin.” Inis na sabi ng kaniyang ama.
Tumikhim si Selene at pilit na nilunok ang bara sa kaniyang lalamunan.
“Magpapakasal po ako…”
“Wow naman, Santino! Hindi ko alam na martyr pala itong anak mo? Babalikan pa kahit niloko na?” Tumatawang sabi ng madrasta niya.
“Nagkakamali po kayo. Hindi po ako kay Seth magpapakasal.”
“At kanino naman aber?” Tumaas ang kilay ng kaniyang madrasta.
Minasahe naman ng kaniyang ama ang kaniyang sentido, “Selene. Tama na ang kahihiyan na idadala mo sa pamilyang ito.”
Pinalis ni Selene ang mga luha sa kaniyang mata.
“Magpapakasal po ako at hindi kay Seth. Dumalo na lang po kayo nang malaman niyo kung sino.” Sabi nito sa basag na boses bago sila iniwan.
Nagising si Selene dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Nagkusot siya ng mata para tignan ang paligid niya. Ngunit nanlaki ang mata niya nang biglang maramdaman ang sakit sa kaniyang gitna. Parang tubig na dumaloy sa kaniyang utak ang lahat ng nangyari kagabi.Napabalikwas siya at napatingin sa kaniyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng malaking tshirt na panlalaki at boxer shorts. Malamang ay kay Levi iyon.“Gaga ka, Selene! Anong ginawa mo?!” Inis na sabi niya sa sarili habang bahagyang sinasabunutan ang buhok.Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Sa dalawang taon na magkasama sila ni Seth ay hindi niya naibigay ang kaniyang sarili dahil hindi pa siya handa. ‘Yon pa nga ang tinuturong dahilan ng lalaki kaya ito nagloko.Ngunit ngayon ay hinalikan lang siya ni Levi at naibigay niya iyon?!Ang mas nakakainis pa ay ni wala siyang maramdamang pagsisisi. Na para bang ayos lang na kay Levi niya iyon naibigay. Sinubukan niyang tumayo ngunit umaray lang siya dahil s
Kapwa pa rin lasing na lasing sa mapupusok na halikan si Selene at Levi. Napasinghap siya nang maramdaman ang umbok sa gitna ng kaniyang hita. Ramdam na ramdam niya talaga iyon lalo na at napakanipis lang ng kaniyang suot na lingerie dress at nakatapis lamang ng tuwalya si Levi sa pang-ibaba. “Baby, I’m so turned on…” Bulong nito sa kaniya habang nagsisimulang maglakbay ang kaniyang mga halik.Bahagyang tumingala si Selene para mabigyan ng access si Levi sa kaniyang leeg. Napapikit pa siya ng marahang kagatin nito ang kaniyang leeg.Alam niya at siguradong sigurado siya na magmamarka ito kinabukasan pero wala na siyang pakealam. Bukas niya na iyon poproblemahin.Bahagyang ibinaba ni Levi ang strap ng kaniyang suot at nagsimulang halikan ang bandang dibdib niya. Napapaarko na lamang ang likod ni Selene sa labis na sarap na nararamdaman. “You smell like my body wash. Tangina, I didn’t know something could make me crazy like this…” Sabi ni Levi na mas lalong nagpainit kay Selene.Para
“You should wash up para makapagpahinga ka na.” Biglang sabi ni Levi kaya naman agad napamulagat si Selene.Nakita niya itong unti-unti nang lumalayo sa kaniya habang inaalis ang neck tie na suot nito.Para siyang binuhusan ng malamig ng tubig. Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa ginawa. Talagang pumikit pa siya habang naghihintay ng halik ni Levi?!Mabilis siyang kumaripas ng takbo sa isang pinto na sa tingin niya ay CR para lamang makatakas sa kahihiyan. Hindi naman siya nagkamali dahil CR nga iyon kung saan mayroon din walk-in-closet.Sosyal na sosyal talaga ang dating ng lahat. Para siyang nasa mamahaling hotel room. May mga tuwalya na rin na nakasabit doon na parang hindi pa nagagamit.Agad niyang inalis ang suot na damit at naligo. Kumpleto ang gamit sa banyo kaya hindi na siya nahirapan pa.Nang patayin niya ang shower at magpunas ng katawan ay saka nanlaki ang mata niya sa realisasyon.Wala siyang pamalit na damit!“Selene naman! Masyado ka na bang binabaliw ng lala
Habang nasa byahe papunta kung saan man ang bahay ni Levi ay ramdam na ramdam ni Selene ang pag-iinit ng kaniyang pisngi.“No more buts. Tutuparin pa natin ang hiling ni Lola Fely. Simulan na natin ang paggawa sa isang dosenang apo na gusto niya.” Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak niya. Hindi niya naman alam kung seryoso ba doon si Levi o biro lang ang lahat para sa kaniya.Hindi rin naman niya mabasa sa mukha nito kung biro lang iyon dahil literal na sinabi niya ito ng walang ekapresyon! Na para bang normal na normal lng sabihin iyon.Wala na rin siyang magawa kung hindi sumama sa binata dahil ayaw niya rin naman munang umuwi sa bahay nila. Masyado pang mainit ang mata sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Hindi pa siya handa sa sermon at kung ano-ano pang masasakit na salita na magmumula sa kanila. “We’re here.”Natigil ang pag-iisip ni Selene nang magsalita si Levi. Ngayon niya lang napansin na tumigil na sila. Luminga-linga siya sa paligid at nakitang nasa isang subdivision s
Katulad nang sinabi ni Leviticus ay tumakas nga sila sa kanilang sariling kasal. Ngayon ay narito na naman si Selene sa Aston Martin ni Levi.Hindi katulad ng dati na may driver sila, ngayon ay si Leviticus ang nasa driver seat at siya naman ang nasa tabi nito.“May gusto ka bang puntahan?” “G-Gusto kong puntahan ang Lola ko.” Alinlangang sagot ni Selene.“Your grandmother? Why? Where is she? Wala ba siya sa kasal?”“Wala.” Malungkot na sabi ni Selene, “Nasa hospital siya. Siya ang nanay ng Mama ko na namayapa na. Pangarap ko na makita niya akong ikasal pero may s-sakit siya at nangyari pa iyong panloloko ni Seth.”Nakatitig lamang si Levi sa kaniya habang siya ay nagsasalita. Ngunit may napansin siya. May kakaiba sa ekspresyon nito, parang hindi awa kung hindi… concern.Concern? Bakit naman siya magiging concern sa akin? Sa isip ni Selene.“If that will make you better, then we will go there.” Sagot ni Levi pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nagsimula na nitong paandarin ang
Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ni Selene habang naghihintay sa may altar. Napapikit siya nang mariin habang pinapakinggan ang samu’t saring komento ng kaniyang mga kamag-anak.Suot niya ang isang puting wedding gown na sa unang tingin ay alam niyang mamahalin. Puno kasi ito ng mga gems at kung ano-ano pang palamuting kumikinang.Hindi dapat ito ang isusuot niya. Dapat ay isang simpleng puting wedding gown lang pero dumating ito sa kanilang bahay. May ideya naman siya kung kanino galing pero nakumpira niya iyon ng makita ang nakasulat na letra sa card na kasama nito. T.“Selene, pinagbubulungan na tayo ng mga Tita mo. Nasaan na ba ang lalaking sinasabi mo?” Mariing tanong ng ama na nakatayo sa gilid niya.“My god, Selene. Baka naman gawa-gawa mo lang ‘yan para hindi ka mapahiya ah? Mas lalo tayong mapapahiya nito! Kung hindi lang ako pinilit ni Santino ay hindi talaga ako pupunta rito!”“Criselda, mas lalo akong mapapahiya kung wala akong makakasama rito.”Napapikit si Selene haba