Katulad nang sinabi ni Leviticus ay tumakas nga sila sa kanilang sariling kasal. Ngayon ay narito na naman si Selene sa Aston Martin ni Levi.
Hindi katulad ng dati na may driver sila, ngayon ay si Leviticus ang nasa driver seat at siya naman ang nasa tabi nito.
“May gusto ka bang puntahan?”
“G-Gusto kong puntahan ang Lola ko.” Alinlangang sagot ni Selene.
“Your grandmother? Why? Where is she? Wala ba siya sa kasal?”
“Wala.” Malungkot na sabi ni Selene, “Nasa hospital siya. Siya ang nanay ng Mama ko na namayapa na. Pangarap ko na makita niya akong ikasal pero may s-sakit siya at nangyari pa iyong panloloko ni Seth.”
Nakatitig lamang si Levi sa kaniya habang siya ay nagsasalita. Ngunit may napansin siya. May kakaiba sa ekspresyon nito, parang hindi awa kung hindi… concern.
Concern? Bakit naman siya magiging concern sa akin? Sa isip ni Selene.
“If that will make you better, then we will go there.” Sagot ni Levi pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nagsimula na nitong paandarin ang kotse.
“Salamat. Kahit iwan mo na ako roon para hindi na rin ako makaabala sayo.”
“Ayaw mo ako doon?” Taas kilay na sabi ni Levi.
“Huh?! H-Hindi! I mean, wala ka bang ibang gagawin? Ang mga magulang mo? Hindi ka ba hahanapin?” Tarantang sabi ni Selene.
“Baby, what do you think of me? A child?” Natatawang sabi ni Levi.
Hindi alam ni Selene kung saan siya napatulala. Dahil ba ang gandang pagmasdan ng tumatawang Levi o dahil sa biglaan nitong pagtawag sa kaniya ng ‘baby’.
“Anong baby ka dyan! At saka ang sinasabi ko lang naman ay hindi niyo ba pag-uusapan ang sa mana mo?”
“Hindi naman nila agad-agad ibibigay ang mana ko. I have to keep training in our company. And they have to see me being a responsible husband… to you.”
“Akala ko naman ay basta may maipakita ka lang na marriage certificate.” Naguguluhang sabi ni Selene.
“No. That’s one of the reasons why they need me to be married. Gusto nilang maging responsable ako. If I can do the responsibility of being a husband, then there’s a huge possibility I can be a great heir of their company, too.”
“Hindi ka pa ba mayaman sa lagay na yan? Eh ang mga gamit mo nagsusumigaw ng pera.” Sagot ni Selene.
Totoo naman. Kahit sandaling panahon pa lang niyang nakilala si Levi ay alam na alam niya nang mayaman ito.
“I need more. I crave for more. At nararapat lang naman na sa akin mapunta ang lahat.”
“Pero paano mo maipapakita sa kanila na mabuting asawa ka?”
“You’ll see, wife. You’ll feel it, too.” Makahulugang sagot ni Levi.
Hindi niya na alam kung anong isasagot roon kaya tumahimik nalang siya. Nakarating sila sa hospital kung saan naka-admit ang Lola ni Selene.
Nang mag-park ang kotse ay mabilis na inalis ni Selene ang seatbelt na suot. Bubuksan niya pa lang sana ang pinto ay nagawa na iyon ni Levi para sa kaniya.
Napangiti siya nang mapait. Ganito rin noon si Seth sa kaniya noong nanliligaw pa lamang ito. Pero tumigil ito nang maging magkarelasyon na sila.
Ganoon rin kaya si Levi? Hanggang sa una lang magaling? O hanggang sa matapos lang ang pagpapanggap nila na ito.
“Ang lalim ng iniisip mo.” Puna ni Levi sa kaniya.
Nakarating na sila sa harap ng kwarto ng kaniyang Lola. Akala niya ay susunod si Levi sa kaniya hanggang makapasok ngunit tumigil ito.
“Oh, hindi ka ba papasok?” Takang tanong ni Selene.
“Well, I figured you’re not yet ready to introduce me as your husband. At hindi naman talaga ako ang ipapakilala mo, ‘di ba?”
Natawa si Selene dahil parang bata itong nagsalita, “Eh kaya nga ako pumayag magpakasal sa iyo dahil ayaw ko siyang malungkot. Kapag nalaman niya na niloko lang ako ng lalaking excited na excited akong ipakilala sa kaniya, baka mas lumala lang ang nararamdaman niya.” Paliwanag ni Selene.
Nang hindi kumibo ang lalaki ay ngumiti si Selene at inabot ang kamay nito, “Tara na?”
******
“Naku, ay kay gwapong binata naman nito, apo!” Masayang sabi ni Lola Fely habang nakatingin kay Selene at Levi na magkahawak kamay.
Nang magising kasi ito ay ipinakilala na ni Selene sa kaniya si Leviticus bilang kaniyang asawa.
“La naman! Ang dami niyo pong energy, baka po ay mabigla kayo niyan ha.”
“Apo ko, masaya lang ako para sayo.” Sabi nito at hinalikan ang pisngi ni Selene, “Alam kong mahal na mahal niyo ang isa’t isa. Kung paano ka pa lang tignan ng asawa mo ay alam kong magiging masaya ka sa piling niya.”
Nagtaka si Selene. Kung paano siyang tignan ni Levi? Bakit? Paano ba siya tignan nito?
“Si Lola talaga!” Nahihiyang sabi ni Selene.
“Gusto ko mang makapunta sa kasal mo ay alam kong masyado na kong mahina para doon. Ngunit masaya na naman ako dahil ang importante ay magiging masaya ka.” Sabi ng Lola Fely niya habang naluluha sa sobrang saya.
“Don’t worry po. Sa oras po na gumaling kayo ay papakasalan ko ulit si Selene. At magiging saksi po kayo kapag nangyari ‘yon.” Biglang nagsalita si Levi.
Nagulat si Selene dahil sa sinabi niya habang tuwang-tuwa naman ang Lola nito. Papakasalan ulit? Naaawa ba siya sa kalagayan ng Lola niya kaya niya sinasabi ito?
Kokontra sana siya pero ayaw niya namang sirahin ang kaligayan ng kaniyang Lola. Sobrang dalang na lang niyang makita itong ganitong katamis ang ngiti.
“Salamat sa pagmamahal sa Selene ko, apo. Masyado nang naging marahas ang mundo sa kaniya. Hiling ko ay ang masaya niyong pagsasama.” Ngumiti si Lola Fely, “At aasahan ko ang magiging apo ko sa tuhod!”
“Lola!”
“Ay naku ang apo ko! Huwag ka nang mahiya at normal naman sa mag-asawa ‘yan. Sipagan ninyo hanggang labing-dalawa!” Natatawang sabi ni Lola Fely.
Siguradong-sigurado si Selene na parang kamatis na sa pula ang kaniyang mukha. Ramdam niya kasi ang nag-iinit na pisngi na dinadagdagan pa ng natatawang mukha ni Levi. Parang tuwang-tuwa ito sa reaksyon niya mula sa panunukso ng kaniyang Lola.
“Masusunod po, Madame.” Sabi ni Levi.
“Lola Fely nalang rin, Leviticus. Hindi ka na iba sa akin dahil mahal ka naman ng apo ko.”
Mahal ka naman ng apo ko. Parang nag-replay sa utak ni Selene ‘yon. Hiyang-hiya na talaga siya.
Nagpaalam na rin sila kay Lola Fely. Excited na excited pa nga ang matanda na umalis ang mga ito at mag-enjoy daw para sa ‘honeymoon’.
“Let’s go home?” Sabi ni Leviticus sa kaniya pagkalabas nila ng kwarto.
“Anong let’s go home? Uuwi ako sa bahay ko at uuwi ka sa bahay mo. ‘Yon ba ang ibig mong sabihin?”
“No, I mean we will go home to our own house. Saan ka nakakita ng kasal na magkahiwalay ang bahay kung meron naman silang sarili, hindi ba?” Ngumisi si Leviticus.
“Ano?! Magsasama tayo sa isang bahay? Baka nakakalimutan mo, peke lang lahat ng ito!”
“Well, in our eyes. Pero sa mata ng iba ay tunay na mag-asawa tayo. So, tara na at iuuwi na kita.” Pinal na sabi ni Leviticus.
“No!” Angal ni Selene.
“Yes. Whether you like it or not.”
“But —”
“No more buts. Tutuparin pa natin ang hiling ni Lola Fely. Simulan na natin ang paggawa sa isang dosenang apo na gusto niya.”
Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Matapos ang mahabang araw ng paglalaro, tawanan, at kalokohan ng dalawang bata ay ngayon ay mahimbing na natutulog sina Kiel at Zia sa kani-kanilang mga kwarto. Sinigurado niya munang malalim ang tulog ng mga ito bago isa-isang hinalikan sa noo at kinumutan pagkatapos ay sinara ang pinto ng kwarto nila. Hindi niya maiwasang mapangiti na dahil sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog agad ang mga ito.Ngunit kahit gaano siya kasaya, hindi pa rin mapigilan ni Selene ang bigat sa kanyang dibdib. Kaya heto siya ngayon, mag-isa sa balcony ng kanilang kwarto, nakaupo sa isang rattan chair habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nilalaro-laro niya ang tasa sa kanyang mga palad at nakatitig lang sa malayo. Ang mga ilaw mula sa malalayong bahay ay kitang kita mula rito habang ang hangin naman ay malamig at may dalang kakaibang lungkot.Dumako ang kanyang tingin sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin, pero kahit ganoon ay parang may kulang. Sa
“Mommy!”“Mama!”Dalawang maliliit na tinig ang sabay na sumigaw na puno ng saya at sigla. Tumakbo nang mabilis sina Kiel at Zia papunta kay Selene, na abala noon sa pag-aayos ng merienda sa mesa sa terasa ng bahay. Hawak-hawak niya ang mga baso ng juice at nakahanda na rin ang platito ng paborito nilang sandwich.Agad niyang iniwan ang tray at ibinukas ang dalawang braso para salubungin ang mga batang pawis na pawis sa paglalaro. Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit sabay ngiti.“Aba, aba! Ang aamoy niyo na dahil sa pawis!” pabiro niyang sermon habang kunwari’y pinipisil ang ilong ng dalawang bata. Napangiti si Kiel, apat na taong gulang na talagang sobrang lumilikot na ngayon.“Eh kasi po Mommy, natalo ko si Zia sa taguan pero ayaw niyang magpatalo kaya gusto niya na naman ng new round!”“Not chwue, Mama!!” mabilis na sagot ni Zia na kunot-noo pa habang nakapamewang. “Ako po yung nanalo kashi hindi niya ako nakita kahit nasha likod lang ako ng puno! Kuya Kiel, loser!”Natawa si
Tatlong buwan.Tatlong buwang halos araw-araw ay inuulit ni Selene sa sarili ang bilin ni Zefron na “Magpahinga ka, palakasin mo ang katawan mo para sa anak mo.” Kaya iyon ang naging buhay niya. Wala siyang ibang pinanghahawakan kundi ang pag-asa na magiging maayos ang lahat sa oras ng kanyang panganganak.Hindi naging madali. Maraming gabi ang pinuno ng pag-iyak dahil sa nararanasan niya dahil sa pagbubuntis niya samahan mo pa ng nangyaring trahedya sa kaniya na minu-minuto niya ring iniisip. Ngunit lagi ring naroon si Zefron. Kapag umuuwi ito galing ospital, kahit pagod, ay inaalalayan pa rin niya si Selene. Tinupad nito ang pangakong sasamahan niya si Selene sa kahit ano.Dahil wala pa ring naalala ay tuluyan nang kinupkop ni Zefron si Selene sa kaniyang bahay.“Selene,” sabi nito minsan habang magkatabi silang kumakain ng hapunan, “Gusto kong ipaalala na hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. May mga tao tayo para sa gawaing bahay.”Ngunit napasimangot lang si Selene at baha
Sakit ng katawan.Iyon ang unang dumapo kay Selene pagkagising niya. Para bang bawat himaymay ng kalamnan niya ay binugbog ng paulit-ulit. Mabigat ang mga talukap ng mata, tuyo ang lalamunan, at ang pakiramdam niya’y parang may dumadagundong na makina sa paligid. Kasabay noon, sumalubong ang matapang na amoy ng alcohol at gamot. Pinilit niyang dumilat. Unti-unti, lumitaw ang puting kisame na may ilaw na nakakasilaw. Sinubukan niyang igalaw ang kamay pero tila ba may mabigat na nakadikit dito. Pagtingin niya, halos mapalundag ang puso niya nang makita ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa kanya.Bago pa man siya tuluyang lamunin ng kaba ay bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang lalaki. Moreno, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, at animo’y mga ukit sa bato ang kanyang braso. Ang buhok nito’y bahagyang kulot, maayos ang gupit na bumagay sa matikas na panga. At ang mga mata… ay parang nangungusap ng magtama ang paningin nila.“You
“What the fuck did you say?!”Nag-echo ang boses ni Levi sa loob ng mansyon. Hawak niya ang cellphone na halos mabali na sa higpit ng pagkakakapit nito rito.“Sir, nakita po yung plate number… tugma sa sasakyan ni Mrs. Thompson,” sabi ng boses sa kabilang linya na may halong kaba at alanganin pang magpatuloy sa pagsasakita.Nanlaki ang mga mata ni Levi. “Ano’ng ibig mong sabihin?! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Selene is safe. Do you hear me? Safe siya!” halos pasigaw niyang tugon, pilit pinapaniwala ang sarili sa mga salitang iyon.“W-Wala pong bangkay na narecover, sir. Pero… may kotse pong natagpuan sa ilalim ng bangin. Nasunog. Ang plate number… tumutugma.”Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ni Levi. Nanikip ang dibdib niya, pakiramdam niya’y may mabigat na batong bumulusok sa sikmura niya. Para siyang naestatwa sa gitna ng sala. Hindi siya makagalaw at hindi makapaniwala.Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ang pinakamasakit na tagpo sa buhay niya. Simula nang
Natutuyo na ang mga luha ni Selene sa kaniyang pisngi pero hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib niya. Napagod siya sa kaiiyak kaya nakatulog rin sa wakas. Naging malalim ang tulog niya pero nang imulat niyang muli ang kanyang mga mata ay madilim na ang paligid.Napasinghap siya nang mapansing tuloy-tuloy pa rin ang andar ng sasakyan. Nakakunot ang noo niya at agad siyang umayos ng upo at tumingin sa bintana.“Gabi na…” mahina niyang bulong sa sarili, ramdam ang bigat ng kaba sa dibdib. Sa tantiya niya, mahigit ilang oras na silang bumabyahe. At ang dinadaanan nila ay tanging mga puno na lamang. Wala nang kabahayan o kahit na anong building nakatayo rito. Nasaan sila?Bahagya niyang inusog ang sarili palapit sa harapan. “Kuya, saan po tayo pupunta?” tanong niya sa kalmadong boses.Ilang oras na rin kasi silang bumabyahe at sonrang sakit na ng buong katawan niya. Ang sabi niya kanina ay malapit na probinsya lang at kahit isang oras ay may mapupuntahan naman silang malapit na