“Mommy aalis na po kami!” sigaw ng dalawa kong anak, nasa kusina kasi ako at may ginagawa.
“Ingat kayo!” sigaw ko rin sa kanila. Tanging opo na lang ang narinig ko sa kanilang dalawa. Kahit tanghaliin na akong pumuntang kompanya ni Samuel o sa office ni Shine. Wala naman akong appointment ngayong araw kaya okay lang na tanghaliin.Kumain na lang ako saka nagtungong kwarto para maligo. Alas dyes na ng makalabas ako sa kwarto ko, kinuha ko naman na ang bag at cell phone ko para aalis na ako ng magring ang cell phone ko at si Shine iyun na natawag.“Yes hello?”“Nasaan ka na ba?! Bakit tanghali na wala ka pa rin?!” nailayo ko na lang ang cell phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya. Ano bang problema at ang aga aga ay sumisigaw siya?! Saka kailan ba siya nagalit kapag tinatanghali ako, minsan nga alauna ko na siya puntahan sa opisina niya eh! Ano bang ganap ng babaeng ito at kung makasigaw akala mo taga kabilang bundok yung kausap.“Mommy, I’m scared.” Natatakot ng saad sa akin ni Sammy, lumapit naman sa akin si Samuel at bahagyang ngumiti. “Ako na magbubuhat sa kaniya.” kinuha niya naman si Sammy at naglakad na sila papalayo. Binuhat ko na rin ang anak kong lalaki at sumunod kay Samuel. Ipinasok niya si Sammy sa sasakyan ni Samuel na mas malaki sa van ko kaya sinundan ko na lang sila. Nakapasok naman kami ng walang nangyayari saka nila mabilis na isinarado at pinaandar ang sasakyan. Rinig ko naman na ang paghikbi ni Sammy kaya kinuha ko siya mula sa pagkakakarga ni Samuel. “Sssshhh, everything will be alright baby, okay? Please don’t cry.” Pagpapatahan ko sa kaniya. “I’m scared mommy, why those people want us to ask something. I heard po kanina na tinatanong po kami tungkol sa daddy namin.” “Hayaan niyo na lang muna sila okay? Huwag niyong iisipin ang mga ganung bagay.” Pinatahan ko na lang siya at tiningnan ko naman si Daniel na maiging nakatitig ka
“Are you okay?” tanong niya sa akin. Nakatulala ko pa siyang nilingon. “I’m sorry,” usal niya ng lumapit siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ibang ibang Samuel ang nakikita ko ngayon, bakas na ang sari-saring emosyon sa mukha niya. “Sigurado ka bang okay ka lang? Kausapin mo naman ako.” “Kailan pa?” tanong ko sa kaniya. Bakit hindi niya ako kinakausap? Bakit hindi niya ako tinatanong tungkol sa bagay na yun? “Ha? ah, pasensya ka na. Ilang araw lang ng makarating kayo rito sa Pilipinas.” “Sinusundan mo ba ako?” “No, hindi kita sinusundan Tiffany, sinabi lang sa akin ni Noah ang tungkol sa bagay na yun. Noong una hindi ako makapaniwalang may anak ka na nga, akala ko nagbunga ang ginawa niya noon ng ex mo pero noong sinabi ni Noah na kamukha ko ang anak mong lalaki ay dun na ako nagtaka. Pasekreto ko silang pina-DNA, hindi ko sinabi sayo kasi gusto kong hintayin na ikaw mismo ang magsabi sa akin. Gusto kong marinig mula
“Ah, can we?” mahinang sagot ni Sammy, ngumiti naman ako sa kaniya saka tumango. “How about you Daniel anak?” “If this is the right time mommy,” nilingon ko naman si Samuel at isinenyas kong maupo na siya. Sinundan naman namin siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa harap namin. “What are you doing here Tito? Ikaw po yung nasa mall diba?” tanong pa ni Sammy. “Ako nga yun,” ngiting sagot ni Samuel. “Ah mga anak, siya si Samuel Del Rosario—“ naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Daniel. “I know him Mommy, I saw him at the tv before.” “Yes, madalas siya ipakita sa tv dahil sa katayuan niya at siya ang ama niyo.” Saad ko, tiningnan ko naman ang reaksyon ng mga anak ko, nakatitig lang silang dalawa kay Samuel kaya palipat lipat din ang tingin ni Samuel sa dalawa. “Siya ang Daddy namin?” hindi pa makapaniwalang tanong ni Sammy. “Yes, he is.” Sagot ko pero nanatili silang walan
“Oh kamusta naman ngayon ang masayang bagong kompletong pamilya?” pang-aasar ni Shine ng makapasok ako sa opisina niya. Natawa at nailing na lang ako sa kaniya. “Kamusta naman na ang puso mo?” “Walang dapat kamustahin sa puso ko dahil okay lang ako.” “Sus okay nga lang ba?” pang-aasar pa niya. “Siya nga pala, nalaman mo na ba?” pag-iiba ko ng tanong sa kaniya. Sumeryoso naman ang reaksyon ng mukha niya. “Oo nalaman ko na, ang nagpakalat ng ganung klase ng balita ay si Ava Bautista. Masyadong malalim ang inggit ng taong yun sayo kaya mag-iingat ka sa kaniya. Base sa nakikita ko ay kaya niyang pumatay ng tao, hindi siya ganun lang Tiffany kaya mag-iingat ka sa kaniya.” “Hindi ko na siya kilala, matagal ko na siyang kasama sa iisang bahay at napakalayo niya sa totoong Ava na nakilala ko.” “Kahit nasa loob kayo ng iisang bahay dati ay hindi mo pa rin siya dapat pagkatiwalaan. Huwag mong babalewalain ang mga ginagawa
“Bakit naman hindi? Hindi naman na nakakapagtaka kung maging sila ay maexpose sa tv, ang Daddy nila ay may-ari ng isang entertainment company samantalang ang Mommy nila ay model at artista. Walang masama kung susunod sila sa mga yapak natin.” ngumiti naman siya sa akin. “Yun lang ba ang problema?” baling niya naman sa lalaking nandito pa. “Yes Sir, yun lang po. Mauna na po ako.” paalam niya naman saka lumabas ng opisina. Muli akong sumimsim ng tsaa ko. Magugustuhan ba ng mga bata ang tungkol sa bagay na iyun? Magugustuhan lang naman siguro nila. Saka nagiging madalas na rin ang pagtawa at pagngiti ni Daniel. Hindi ko lang siya siguro napagtuunan ng pansin, nasasabi sa akin ng yaya nila na napapadalas ang pagkatulala niya sa tuwing may mag-amang magkasama siyang nakikita. Nangungulila lang siguro siya kaya siya ganun, matagal na siguro nila akong gustong tanungin pero hindi nila magawa o baka naman nahihiya lang silang magtanong. Nang m
Nakatitig ako ngayon sa mga anak kong abala ng inaayusan ng mga make up artist ng kompanya ni Samuel. Mabilis lang ang pagdaan ng araw, napapayag niya ang mga bata na maging model ng kompanyang ito. Napapangiti na lang ako habang tinitingnan silang dalawa. Bakas na bakas ang masayang mukha ni Sammy habang bahagya lang namang nakangiti si Daniel. Isinuot na sa kanila ngayon ang mga damit nila. “Look how happy they are,” “I know, napakaganda nilang pagmasdan.” “Saan pa ba mga magmamana kundi sa mga magulang.” Nilingon ko naman si Samuel na nasa gilid ko lang. “What? Kahit sino sinasabi na kamukhang kamukha ko si Daniel.” “Alam ko at hindi mo na kailangang ipangalandakan pa, kaya pati ugali at pagiging seryoso ay nakuha sayo.” napairap na lang ako sa kaniya, tuwang tuwa siya kapag laging sinasabi sa kaniya na, sa kaniya nagmana ang mga bata. Masaya naman akong ipinagmamalaki niya ang mga anak namin pero sumosobra na siya sa kahanginan niy
“Sorry for doing that,” “Don’t be sorry po kasi naiintindihan namin ni Kuya.” Ngumiti naman ako sa kaniya, wala na akong hihilingin sa kanilang dalawa dahil kahit na bata pa lang sila ay marunong na silang umintindi. “Ayan naaaaa,” excited pa niyang saad ng iserve na sa amin ang mga pagkain. Tahimik naman na kaming kumaing apat at napapatingin na lang kami ni Samuel sa magkambal sa tuwing magsasalita ang mga ito. Natatawa na lang din kami kapag nagkwekwento sila. Mas nagiging madaldal na rin ngayon si Daniel, nagkwekwento na rin siya sa mga nangyari sa araw niya. “Alam mo Mommy may minsan pa pong kalokohan yan si Kuya noong nasa London tayo, pinilosopo niya yung teacher namin sa sagot niya.” pagsusumbong pa ni Sammy. “Akala ko ba sekreto lang nating dalawa?” kunot noo pang tanong ni Daniel at mabilis namang napatakip sa bibig sa Sammy dahil sa sinabi niya. Natawa na lang kaming dalawa ni Samuel. “Sorry Kuya, wala namang nar
“Bumangon ka na muna diyan para makakain ka at makainom ng gamot.” Sambit ko, ibinaba ko na muna sa side table niya ang lugaw na niluto ko saka ko siya tinulungang umupo at isandal ang likod niya sa headboard ng kama niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya, masyado kasing workaholic kaya nagkakasakit eh, siguro wala nanamang tulog ang lalaking ito habang nasa trip nila kaya nagkasakit.“Yung mga bata kumain na ba?”“Huwag mo silang alalahanin dahil bahala na si Anna sa kanilang dalawa.” Kinuha ko naman na ang lugaw saka siya sinubuan. Tiningnan pa niya ako bago niya isubo ang isinusubo ko sa kaniya. “Sa susunod kasi magpahinga ka rin, ganito ka na lang ba kapag sinasakit ka? masyado mong sinasarili.”“Sanay naman na ako ng mag-isa, walang mag-aasikaso kapag sinakit na.”“Ewan ko sayo Samuel, ang tanda mo na pero yang isip mo parang bata. Kung walang mag-aalaga sayo