Share

Chapter Eighty-nine |2|

"Blackmail? Libog? Bakit hindi mo pa sabihin? Natatakot ka bang aminin sa sarili mo na minahal mo ang kabit mo!"

"No, Megara! Ni minsan, hindi ko siya tiningnan nang ganoon! Wala akong naramdaman para sa kaniya!"

"Kaya ba gabi-gabi ka na lang umuuwi nang late? Gabi-gabi na lang, masama ang pakikitungo mo sa akin nang dahil sa kaniya! Lumalabas pa kayo para mag-mall!" Hindi na nito nagawang pigilan ang sarili at tuluyang lumuha.

Matagal niya itong tinitigan sa mukha. Sa loob ng ilang segundo, ginusto niyang saktan ang sarili dahil sa sakit na nakikita sa mga mata ng asawa.

"Akala ko, may iba ka."

Mabilis na natigilan si Megara. "Ano'ng sabi mo?"

"Nakita kita sa hotel kasama ang kaibigan mo. Akala ko, niloloko mo ako. Halos mabaliw ako sa kaiisip na may namamagitan sa inyo. Kaya lalo kong binuhos kay Narissa ang atensiyon ko."

Napansin niyang biglang natigilan si Megara. Huminga siya nang malalim bago nagbaba ng tingin. Handa na siyang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status