Share

Chapter Eighty-nine

HINDI pa man nakapagsasalita ang matandang caretaker mula sa kabilang linya, nagmamadali niyang pinatakbo ang kotse patungo sa beach house.

"Mang Pablo! Huwag n'yong sasabihin kay Meg na kausap n'yo ako!"

Marahil ay nagtaka ang matanda sa sinabi niya dahil natagalan ito bago nakasagot sa sinabi niya.

"Pero, Sir Russel, bakit ho?"

"Makinig na lang kayo sa akin, Mang Pablo!" Ibinaba na niya ang tawag at lalong binilisan ang pagmamaneho.

Natatakot siya na kapag nalaman ng babae na alam na niya kung nasaan ito, bigla na naman itong umalis. Inabot siya nang mahigit dalawang oras sa biyahe, bago tuluyang narating ang beach house.

Agad niyang ipinarada sa tabi ang sasakyan at nagmamadaling lumabas. Mag-a-alas-dos na ng hapon noong mga sandaling iyon. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi na masakit sa balat.

Agad siyang sinalubong ng amoy ng dagat mula sa paligid. Rinig din niya ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

Nagtungo siya sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status