Share

Chapter Eleven

MALAKAS na kumabog ang dibdib ni Russel nang marinig ang sinabi ng dalaga. Ilang segundo niya pang pinaglandas ang mga mata sa buong papeles bago mabilis na ibinaba ang mga iyon at biglang tumayo. 

"What's this? Bakit nandito ang pirma ko? What did you do, Narissa!"

Umarko ang isang kilay ng babae. Tila hindi makapaniwalang ngumiti. "Hold your horses, Mister Lacuesta. Wala akong ginagawa—"

"Puwes, ano ito! Anong ka-bullshit-an ito!"

Para bang walang pakialam na nagkibit-balikat ang dalaga bago umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya.

"Hindi mo ba nakikita? Nagpakasal tayo. We got married in Vegas!"

Hindi niya nagawang magsalita matapos  ng mga narinig. Ilang ulit siyang lumunok habang nakatitig sa pagmumukha ng babae.

Pilit niyang hinahanap sa bawat korte ng mukha nito ang bakas ng pagbibiro, pero bigo siyang makita. Mula sa dalaga ay ibinaling niya ang paningin sa kontrata. Pilit niyang inaalala kung paano siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status