Share

Chapter Fifty-seven

NAGPAKAWALA siya ng hangin matapos maghila ng upuan para umupo. Halata nang may itinatago ito, pero nagagawa pa ring mag-deny ng babae. Naiinis siya lalo sa ipinapakita ni Megara. Ano bang mayroon sa ex nito at ayaw pang sabihin sa kaniya ng asawa ang pangalan?

Mariin siyang pumikit at may ilang minutong nanatili sa ganoong ayos para mag-isip. Kung sasabihin lang sana nito ang pangalan ng dati nitong karelasiyon, mas madali nilang mareresolbahan ang problema nila.

Tumayo siya saka mabilis na humakbang paakyat sa kuwarto nila. Nagdesisiyon siyang puntahan na ito at piliting magsalita. Paano nila aayusin ang pagsasama nila kung patuloy pa rin itong maglilihim sa kaniya?

Nang maabot niya ang tapat ng pinto, bigla siyang natigilan nang maisip ang dalagang si Narissa. Pakiramdam niya, bumabalik sa kaniya ang ginawa niya sa asawa. Pilit niyang inililihim ang pangalan ng kabit niya rito, dahil ayaw niyang magtagpo ang mga ito. Ngayon naman, ginagawa na rin iyon sa k

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status