Share

Chapter Fifty-six

NAKANGITING ibinaba ni Megara ang dalawang plato ng fried shrimp at grilled chicken breast, saka tuluyang umupo sa upuang katapat ng lalaking si Kane.

Katatapos niya lang magluto para sa lunch. Doon kakain ang imbistigador dahil may pag-uusapang mahalaga ang dalawa. Ayon kay Russel, may binabalak ang mga itong gawin para mahuli ang lalaking si Rinhu Tianok. Napag-alaman niyang iyon pala ang pangalan ng lalaking sumusunod at nagmamatyag sa kaniya.

Nag-umpisa silang kumain habang nag-uusapan sina Russel at Kane. Hindi siya sumingit sa usapan ng mga ito. Nanatili siyang tahimik habang may sariling iniisip.

"Ano? May hinala ka na kung sino ang nasa likod nito?" nakuha ng imbistigador ang atensiyon niya nang marinig ang sinabi ng lalaki.

Nabungaran niya itong seryosong nakatingin sa asawa niya. Nang balingan naman niya si Russel, tumingin din ito sa kaniya at may maliit na ngiti sa mga labi nang hawakan ang kamay niya.

Muli itong bumaling sa imbistigado

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status