Share

Chapter 3: Will You Marry Me?

Third Person's POV

Mula nang dumating ang babaeng mukhang...

Napatingin sa isa't-isa ang dalawang guwardiya sa entrance ng Sinclair Corporation. Hindi nila alam kung paano idi-define ang itsura ng babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ng kanilang kompanya. 

Dalawang linggo na ang matuling lumipas na puro naggagandahang mga dilag ang pumupunta sa kanilang kompanya at ito ang unang beses na may nagpuntang ganito ang itsura. 

Hindi nila maipaliwanag sa totoo lang ang babaeng nasa kanilang harapan. Dinaig pa ng itsura nito ang mga bruhang nasa kwento ng kanilang mg lola. Kulang ang salitang pangit para mai-describe ito.

Hindi nga nila magawang tumingin dito ng matagal. 

"Pre, ano nang gagawin natin?" Kinakabahang tanong ng payat na guard sa kanyang kapwa guard na maskulado ang katawan.

"Hindi ko rin alam, pre. Wala namang nakalagay sa patakaran na kailangan nating pigilan kapag ganyan na ang itsura nang papasok," seryosong sagot ng tinatanong na gwardiya.

"Eh pre...hindi kaya masuka lang si Boss kapag nakita ang mukha ng babaeng 'yan? Ako nga hindi ako makatingin sa kanya ng matagal eh," seryosong sabi ng payat na guard na hindi maitatago ang pandidiri sa boses.

"Huwag na lang nating papasukin ano?" Nababahalang tanong naman ng isa.

"Oo pre, baka mamaya baliw pa ya---,"

"Mr. Kallen!"

Naputol ang iba pang sasabihin ng isang guwardiya noong bigla na lang sumigaw ang babaeng nawala na sa harapan nila. Noong sundan nila ang pinanggalingan ng boses, napanganga na lang ang dalawang guard dahil nakita na lang nilang nakatayo na ang babaeng mukhang bruha pa sa bruha sa harapan ng entrance door. 

Kaagad itong pumasok sa salamin na sliding door. 

Bago pa makahabol ang dalawang guard ay nasa harapan na ng kanilang boss ang babae.

"Paktay pre! Nakita niya si Boss!" 

"Mukhang malilintikan tayo kay Boss nito," namomroblemang bulalas ng maskuladong guard. Napapalunok na tiningnan nilang dalawa ang kanilang Boss na mukhang galing sa meeting dahil nakapalibot pa dito ang mga empleyado na matataas ang posisyon sa kompanya.

Nanatili na lang sa kanilang kinatatayuan ang dalawang tagapagbantay. Wala naman na silang magagawa. Nasa harapan na ng kanilang boss ang babaeng pinandidirihan ng lahat ang itsura.

"Anong kailangan mo?" tanong ng boss nila gamit ang malamig nitong boses na kinatatakutan nilang lahat.

Iba talaga kapag Boss, masyadong malakas ang kakayanan nitong tumanggap ng mga bagay-bagay. Ni hindi man lang ito kumukurap habang nakatitig sa nilalang na nasa harapan nito. Na para bang hindi nakakadiring tingnan ang mga bakas ng natuyong tagiyawat sa madilaw at nagmamantikang mukha ng babae.

At ang babaeng may hindi kaaya-ayang mukha, sa halip na matakot, mahiya o mailang ay nakipagtitigan din sa kanilang boss.

Tumayo pa ng tuwid ang bruha!

Nagpalitan ng tingin ang dalawang guard. Pagkatapos ay tumingin sila sa kanilang boss. 

Nakakunot-noo ito pero kagaya ng pakikitungong ginagawa nito sa mga babaeng nagpupunta doon na nag-apply bilang Mrs. Sinclair, hinarap din nito ng maayos ang babaeng hindi nila mai-connect sa salitang pangit.

Pakiramdam ng dalawang guard habang nakatitig sila sa mukhang iyon, lahat ng mga tao at bagay na iniisip nilang pangit noon kung ikukompara sa babaeng ito ay hindi na ganoon kapangit.

Sinisira ng babaeng 'to ang normal na pagtingin nila sa mundo!

Hindi pa nakontento ang kakaibang nilalang sa pagtitig lang sa kanilang boses.

The ugly creature suddenly get down on one knee and reach out both of her hands. Sa ibabaw ng kanyang mga kamay ay may nakapatong na kulay pulang ring box! 

"A-anong ginagawa niya?" Nagtatakang bulong ng isang empleyado sa kapwa empleyado. Dahil gabi na ay oras na sana ng kanilang uwian. Pero dahil ito ang unang beses na may nagpuntang pangit sa kanilang kompanya, mas uunahin syempre nila ang tsumismis kesa umuwi.

"Nagpo-propose?" Patanong na sagot ng isa pang empleyado.

Nagkumpulan sila sa isang sulok habang pinapanood ang interaksyon ng boss nila sa babaeng hindi nila kayang ipaliwanag sa simpleng paraan ang itsura.

"Duh. Hindi ba siya nadidiri sa sarili niya?" Nakangiwing tanong ng isang magandang empleyada. Nakangiwi siya at matalim na nakatingin sa babaeng 'intruder' sa kanilang kompanya.

Napatigil sila sa pag-uusap noong biglang tumikhim nang malakas ang nilalang na pinag-uusapan nila. Na para bang naririnig nito ang kanilang usapan at sinadya nitong tumikhim ng ganoon kalakas para lang mapahinto sila sa pag-uusap.

"I don't have much time," malamig na sabi pa rin ni Kallen Sinclair. 

"Eherm!" The unidentified creature clears her throat. "...Hindi man ako kagandahang kagaya ng mga babaeng nagpunta na dito, makakasiguro ka naman na hindi ka magugutom kapag ako ang inasawa mo. Kaya kong magluto ng noodles at kaya ko ring mag-alaga ng may sakit. Mr. Kallen, marry me!" Walang kakaba-kaba na pagmo-monologue ng nilalang na para bang nag-uumapaw ang tiwala sa sarili. 

Napasinghap na lang ang mga taong nasa paligid.

Maging ang mga tauhan na may matataas na posisyon ay hindi rin mapigilan ang paghangang nararamdaman para sa nilalang na nasa kanilang harapan.

Ang ibang empleyado na para bang nanunuod ng isang nakakatawang play ay hindi mapigilan ang mapatawa ng may kasamang pang-iinsulto. 

Para sa kanilang lahat, isang malaking joke ang babaeng nasa harapan ng kanilang boss!

"Porke marunong siya magluto ng noodles umaasa ba siya na siya ang pakakasalan ni Boss?" Sarkastikong tanong ng isa sa mga guards.

Matagal na hindi nagsalita ang kanilang Boss. Hindi rin naman umaalis mula sa kanyang pwesto ang babae. Nanatili lang din na nakaangat sa ere ang kamay nito.

"Ahm, Mr. Kallen, baka naman pwedeng magdesisyon ka na ngayon. Nangangalay na ako," may bahid nang pagrereklamo ang tinig na saad ng babaeng natatabunan ng sabog-sabog na buhok ang mukha. 

Kallen Sinclair gazed at the person in front of him intently.

His unfeeling eyes suddenly twinkle after recognizing her.

Hindi niya inaasahan na makalipas ang halos dalawang linggong pagpapalabas niya ng balitang naghahanap siya ng mapapangasawa ay makakaharap na niya ito.

Walang ibang nakakaalam na ang announcement na ikinalat ng kanyang kompanya ay hindi talaga para sa lahat ng nakakabasa noon kung hindi para sa isang tao lamang.

And now, she appeared.

It's been eleven years.

Ang dating magandang mukha ng babaeng kaharap niya ngayon ay...

How is he going to define her appearance? 

Bahagyang kumunot ang noo ng binata.

Hindi sa disappointed siya sa itsurang nasa harapan. Hindi niya lang inaasahan na magiging ganito ang itsura ng taong hindi niya maalis-alis sa kanyang isipan sa loob ng halos labing isang taon.

Honestly, it's doesn't matter how she looked. As long as she's alive and that she's standing in front of him, healthy and breathing- that's all that matters.

She's the only one who can make him feel how it felt to have a family. 

Kaya naman kung magpapakasal siya, bakit hindi pa doon sa taong komportable ang pakiramdam niya?

Wala naman sana siyang balak magpakasal. Pero noong nakaraang buwan lang, inatake sa puso ang lolo niya sa mother side. At ayon sa last will and testament na iniwanan nito, makukuha niya lang ang kanyang mana kapag may naipakita na siyang tunay at hindi pineke na marriage certificate sa abogado ng lolo niya.

He doesn't care about the inheritance at all. Pero dahil hindi niya gusto ang mga kapatid ng namayapa niyang ina, hindi niya rin gustong mapunta sa mga ito ang lahat nang pinaghirap ng kanyang lolo. 

So why don't he find someone to marry just to piss off his good for nothing relatives?

"Mr. Kallen?" Naiinip ng tanong ng nilalang na nasa harapan ng binata. 

He coldly looked at her.

The people around them shiver in fear.

"Tsk. Now she's dead!" bulong ng isa.

"Nakita niyo ba ang tingin ni Boss?" kinakabahang tanong naman ng isa sa mga guard.

"Uuwi rin siyang luha---,"

"Ask me again," maawtoridad na sabi ng malamig na tinig na siyang pumutol sa sasabihin pa sana ng maskuladong guard.

"..."

"..."

Napuno ng katahimikan ang buong hallway nang mag-sink in sa kanilang lahat ang narinig nilang pangungusap.

Anong sinabi ng boss nila?

Tama ba ang pagkakaintindi nila?

Bakit pakiramdam nila ay mali ang pangungusap na iyon?

"Ah?" Maging ang babae na bagong evolution yata ng salitang pangit ay hindi rin naunawaan ng maayos ang sinabi ng lalaking kaharap niya.

"Ask me again," seryoso at walang kaemo-emosyong sabi ni Kallen Sinclair.

Ask him again?

Nakaawang ang labi na tinitigan ng babae ang nilalang na siyang nagmamay-ari ng kompanyang kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon. Nang makita nito na seryoso ang lalaking kaharap sa sinasabi, kaagad na napalunok ang babaeng nakaluhod ang isang tuhod.

She swallowed down all of her nervousness.

"Ah...Ahm, Amarra Wei ang pangalan ko. Twenty eight years old. Itatanong ko ulit kahit na nakakailang tanong na ako. Will you marry me Mr. Kallen Sinclair?" seryosong tanong ng babae at nakipagtitigan sa lalaking ni hindi man lang kumukurap habang nakatitig sa kapangitan niya. 

"Sure," mabilis at maliwanag na sagot ni Kallen.

Iniangat nito sa ere ang kamay. 

Natulala na lang ang babaeng nag-aalok ng kasal. Parang bigla itong nag-mental block dahil sa narinig.

"I said sure. I will marry you. Now, my ring?" seryosong tanong pa ng binata. Sa tono ng boses nito ay parang inip na inip na ito sa paghihintay.

Kulang na lang ay maglaglagan sa sahig ang panga ng mga taong nakapalibot sa dalawa. Sinong mag-aakala na ang boss nilang dalawang linggo nang tumatanggi sa mga babaeng mala-diyosa ang ganda, ay biglang sasagot ng 'sure' sa babaeng bagong species ng mga bruha?

"M-marry me? You will really marry me?" Diskumpyadong tanong pa ng babae na walang iba kundi si Amarra. Nakaturo pa sa kanyang sariling mukha ang kanyang hintuturo.

So totoo nga ang sinabi ni manong driver sa taxi na nasakyan niya kanina? Na ayaw ng lalaking ito sa maganda dahil exotic ang gusto nitong mukha ng babaeng pakakasalan. 

This is so absurd!

Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang ang dalaga sa lalaking nasa harapan niya.

"If you're just fooling around, then go home. Stop wasting my time," pagsusupladong sabi ng lalaking kaharap ni Amarra noong hindi pa rin siya kumikibo.

Pero bago pa makaalis si Kallen ay kaagad na itong nahawakan ni Amarra sa kamay. Mabilis na isinuot ng dalaga ang singsing sa palasingsingan ng binata.

Nakangiting tinitigan ni Amarra ang magandang kamay ni Kallen habang nakasuot dito ang singsing na sa bangketa niya lang nabili. Tigt-twenty five pesos lang iyon pero nagmukhang lilibuhin sa daliri ng binata.

"Let's get married tomorrow," kaswal na sabi ni Kallen habang matiim na nakatitig sa hugis kandilang mga daliri na nakahwak sa kamay niya.

Ngayong dumating na ang taong pinakahihintay niya, hindi na niya ito ulit pakakawalan.

Natigilan ang lahat ng mga taong naroon dahil sa narinig na sinabi ng kanilang boss.

Ikinurap-kurap naman ni Amarra ang kanyang mga mata. 

Bakit pakiramdam ng dalaga ay hindi na gumagana ng maayos ang kanyang tainga? Tama ba talaga ang narinig niyang sinabi ng lalaking kaharap?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
whahahahha effective ba Amarra ang pagiging pangit pero parang d nman un eh kc nakilala k ni Kallen ikaw pla tlga ung inantay nyang mag-apply as wife nya, kasalan na.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status