Chapter 02
3rd Person's POV"I think— mas magandang mag-divorce na lang tayo. Hindi ko kayang tagalan ang tiyura mo at isa pa natatakot na sa iyo si Vladimir. Pasensya na Sonia— ayoko din na mas magalit pa sa akin ang pamilya ko at tuluyan nilang tanggalin ang kompanya sa akin. Kailangan ko ang kompanya para kay Vladimir," iyon ang mga salitang binitawan ni Victor Valencia. Ang unang asawa ni Sonia at ang taong nangako sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magsasama silang dalawa— hindi siya iiwan at sasaktan."A-Ano? Divorce? Victor! Hindi mo pwede ito gawin sa akin," naiiyak na sambit ni Sonia.Ilang taon niya din hindi nakita ni Sonia ang pagmumukha ng asawa pagkatapos siya nito ikulong sa silid nila at ituring na isang preso. Sa muling pagkikita nila ito ang binungad sa kaniya ni Victor.May hawak na dokumento si Victor at inuutusan siya nito na pirmahan iyon. Agad na sinabi ni Sonia na ayaw niya. Lumapit si Sonia at lumuhod pa sa harap ni Victor."Nagmamakaawa ako Victor. Huwag mo ako iwan. Mas kailangan kita sa mga panahon na ito," ani ni Sonia habang umiiyak at hawak ang pantalon ng lalaki. Agad na umatras si Victor at malamig na tiningnan si Sonia.Iyong tingin na may pandidiri. Tinanong ni Victor kung hanggang saan kaya ni Sonia ibaba ang sarili niya."Hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon Sonia?" tanong ni Victor. Nakaluhod si Sonia at nakatingin kay Victor."Ikaw Victor bakit ka ganiyan? Kahit ano pa maging tiyura ko ako pa din ang asawa mo at pinangakuan mo na mamahalin ako. Bakit— bakit kailangan mo ito gawin Victor," ani ni Sonia. Patuloy ang paglandas ng luha ni Sonia."Nangako ka sa akin Victor. Nangako ka na hindi mo ako sasaktan at iiwan. Victor bakit?" ani ni Sonia. Sumama ang timpla ng mukha ni Victor at bahagyang umiwas ng tingin."Nagustuhan lang naman kita kasi maganda ka. Tuwing kasama kita kinaiinggitan ako ng maraming lalaki," ani ni Victor. Niyukom ni Victor ang kamao at nilingon si Sonia."Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon! Kung ginusto ko 'man ng divorce ngayon ay dahil iyon sa iyo!" sigaw ni Victor. Nanginig ang katawan ni Sonia matapos marinig ang lahat ng iyon.Sa ilang taon nilang pagsasama ni Victor. Paaano niya minahal ang taong nasa harapan niya ngayon."Kasalanan ko? Sinasabi mo ba na kasalanan ko ito? Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin, Victor. Sinasabi mo ba na dapat umalis na lang din ako sa sasakyan at hayaan ko ang anak natin sa loob! Victor! Alam mo kung bakit ako nagkaganito! Iniligtas ko ang anak natin!" sigaw ni Sonia. Niyukom ni Victor ang kamao. Hindi nagsalita si Victor. Hindi makapaniwala si Sonia."Pipirmahan ko ang divorce paper na ito ngunit ibalik mo sa akin ang anak ko," ani ni Sonia at pilit na tumayo. Alam ni Sonia na kahit maglupasay pa siya doon hindi na magbabago ang isip ni Victor. Isa pa ngayon alam niya na lahat na isang malaking kalokohan lang ang relasyon nila— hindi na siya tatagal doon."Sinong may sabi sa iyo na maari kang magdesisyon? Hindi mo kukuhanin ang apo ko. Pirmahan mo iyan at umalis ka na," ani ng matanda. Ina ni Victor kasunod si Themarie.Umakto pa ito na na-shocked matapos siya makita. Tinanong ni Themarie kung ayos lang ba si Sonia."You bitch. Pati si Victor aagawin mo. Hindi ka talaga papaawat sa kalandian mo," ani ni Sonia na may madilim na expression. Agad na sumabat si Victor."Tigilan mo si Themarie, Sonia. Sa ating dalawa lang ito— wala ka naman ibang gagawin kung hindi pirmahan iyan. Kapag pinirnahan mo iyan Sonia babayaran kita— magiging sapat iyon para buhayin ang sarili mo hanggang sa gusto mo," ani ni Victor. Parang sinampal si Sonia matapos marinig iyon."Hindi ako empleyado mo Victor. Asawa mo ako. Hindi ako pipirma hangga't hindi ko nasisigurado na ibabalik niyo sa akin ang anak ko!" sigaw ni Sonia.Nagalit ang ginang. Pinakaladkad ng ginang si Sonia palabas ng mansion. Sinabing walang isasama si Sonia. Ito lang ang aalis at huwag na itong babalik. Pinagsarhan na siya nito ng gate. Sumigaw siya doon at tinawag ang pangalan ng anak.Lumabas ang walong taon ng gulang na si Vladimir. Nakatingin ito sa kaniya na may pagtatakha na mukha ngunit inaya na ito ni Victor papasok kasama si Themarie."Hayop kayo ibalik niyo sa akin si Vlad! Ibalik nito ang anak ko!" iyak ni Sonia habang nakahawak sa gate. Nakatingin sa kaniya ang bata."Mommy?" tawag ni Vladimir. Humarap ito at pupunta ito sa kaniya nang hilahin ito ni Victor at sinabing hindi ito ang mommy niya."Hayop ka Victor! Ibalik mo ang anak ko! Vlad!" sigaw ni Sonia. Mangiyak-ngiyak ang batang si Vladimir. Ipinasok siya ng lalaki sa mansion.—Hindi maintindihan ni Sonia— bakit iyon ginawa ng kaniyang asawa at ang taong buong puso niyang pinagkatiwalaan. Nakatayo si Sonia sa harap ng fountain sa gitna ng park.Tinitingnan ang mukha niya na balot ng benda. Sunod-sunod tumulo ang luha ng babae."Hayop ka Victor. Ibalik mo ang anak ko," umiiyak na sambit ni Sonia at napaupo sa lupa habang nakahawak siya ng mahigpit sa gilid ng fountain.Patuloy ang paghihinagpis ni Sonia habang nakaupo sa lupa. Bukod kasi hindi binigay ng dating asawa ang anak ay pinalayas siya ng mga Valencia sa mansion na walang kahit na ano at matutuluyan.Hindi na din niya alam kung saan siya ngayon pupunta at saan magsisimula. Napahikbi ma lang si Sonia dahil sa sobrang frustration."Are you sick?"Napatigil si Sonia at lumingon. May nakita siyang bata na nasa anim na taong gulang. Napaatras ang mga kasama nitong bata."France! Run! Monster siya!" sigaw ng mga bata. Tumakbo ang mga ito kaya napalingon ang bata. Napatayo si Sonia at napaatras.Napatingin ang bata sa kaniya at inaabot pa din ang puti nitong panyo. Hindi iyon inaabot ni Sonia sa takot na baka bigla itong tumakbo din kapag lumapit siya."Mommy, ang tagal kitang hinintay. Nandito ka lang pala. Uwi na tayo. Mis ka na namin ni daddy," ani ng bata. Na-shocked si Sonia. Aalis na si Sonia nang habulin siya ng bata at hawakan ang laylayan ng suot niyang jacket."France! What are you doing here. Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang aalis ng school ng hindi kita sinusundo?"Napalingon si Sonia. May gwapong lalaki ngayon ang palapit sa kanila at mukhang hindi siya napansin. Naalala niyang sikat na celebrity ito at madalas niya makita sa mga billboard.Napatigil ang lalaki matapos marinig ang sinabi ng anak."Daddy, nakita ko na si mommy."Doon nagtama ang mata nilang dalawa. Agad na kinuha ng lalaki ang anak at binuhat."Hindi siya ang mommy mo," ani ng lalaki at tumalikod. Biglang nagwala ang bata at sumigaw ng mommy.Pinaghahampas nito ang ama na napamura na lang. Sa isip ni Sonia mukhang may matinding anger management ang bata. Nabitawan ito ng ama. Tumakbo ang bata palapit sa kaniya at yumakap."Mommy, don't leave me again. Promise, I will be a good boy. Magbe-behave na ako. Mommy, please, don't leave me."Sa isang iglap nang araw na din iyon bigla si Sonia na nagkaroon mg anak at kinilala siya nitong mommy. Ayaw umuwi ng hindi siya kasama. Napasapo ang lalaki sa noo."Maari bang sumama ka sa amin ngayon? Babayaran kita ng malaking halaga. Kailangan ko lang iuwi ang anak ko," ani ng lalaki. Pinagtitinginan na sila doon at tinatakpan na ng lalaki ang mukha niya.Malaking gulo kung may mga reporter pa na pumunta doon at mas dumami iyong tao na nakakapansin sa kaniya.Sa isip ni Sonia paano siya makakatanggi kung may dalawang pares ng asul na mga mata ang ngayon ay nakapako ang tingin sa kaniya. Nagmamakaawa na sumama na siya.Sa pagdating ng dalawang tao na iyon ay kahit ilang minuto ay nawala sa isip niya ang walang hiya niyang dating asawa at ang buong pamilya nito."O-Okay sasama ako."Hindi alam ni Sonia. Miyembro 'man ang mga ito ng kulto o sindikato. Wala na siyang pakialam. Wala ng halaga ang buhay niya— wala na ang anak niya, wala na ang lahat sa kaniya mula sa career at sa pamilya."Mommy, uwi na tayo."Chapter 033rd Person's POVNakababa na sila sa sasakyan. Nakarating sila sa napakalaking mansion. May mga maid doon na agad sila binati. "Mommy, ito ang house natin. Naalala mo?" tanong ng bata habang hawak ang kamay ni Sonia. Hindi nakapagsalita si Sonia. "France, hindi siya ang mom—""No! Siya ang mom ko!" sigaw ng bata at yumakap sa bewang ni Sonia. Nakagat ng babae ang gilid ng labi. Bumuga ng hangin ang lalaki. Tiningnan nito si Sonia at sinabing pumasok na muna sa loob. May ilang maid ang sumunod at butler. Nanatiling nakayuko si Sonia dahil sa mga pinupukol na tingin ng mga ito sa kaniya. Noong nakapasok sila sa loob ng mansion biglang nawala ang mga taong kasunod nila kanina lang. Pinaupo ng lalaki si Sonia sa sofa. Umupo si Sonia katabi ang batang lalaki. "France, mag-shower ka na at magbihis," ani ng lalaki na kasalukuyang niluluwagan ang suot na kurbata. "No! Hindi ako aalis. Paalisin mo ulit si mommy!" sigaw ng bata. Tiningnan ng lalaki si Sonia at parang sinasabi
Chapter 043rd Person's POV"Bukas bibigyan kita ng advance payment. Bumili ka ng mga susuutin mo na damit at ilang kailangan mo," ani ni Fabian. May inabot ang lalaki na ilang damit."Mga damit ko ito na hindi ko naman nasuot at nakatambak lang sa closet sa ngayon ito na muna suutin mo para may pamalit ka," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia. Gusto niya tumanggi ngunit— tiningnan niya ang suot na damit. Punit-punit iyon at sobrang dumi.Nahihiyang kinuha iyon ni Sonia at nagpasalamat. Tiningnan niyang mabuti iyon at hinawakan ng mahigpit."Sure na ako may dinner sa ibaba. Pagkatapos mo mag-shower bumaba ka na din para kumain," ani ni Fabian at tumalikod. Naglakad ang lalaki palapit sa pinto ng room ni Sonia. "Wala ka bang ibang itatanong sa akin? Katulad ng background ko as a nanny and work experience ko," tanong ni Sonia. Even kasi sa name niya hindi ito nagtanong— nagpakilala siya kanina. "Honestly, hindi na kailangan. Kilala kita," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia— lumingon bahagya
Chapter 053rd Person's POVSa kalaliman ng gabi may narinig siyang bumabangga sa pinto. Napabangon si Sonia at napababa ng kama. "France?" tawag ni Sonia. Lumapit siya sa pinto na kadugsong lang ng room ni France. Binuksan niya iyon. Napasubsob si France sa hita niya. Agad na binuhat ito ni Sonia at tiningnan mabuti. Tulog pa nga ang bata. "Mommy," bulong ni France. Niyakap ni Sonia ang bata at bumulong na nandoon ang mommy. Naglakad si Sonia patungo sa kama ni France at inihiga ulit doon ang bata. Nakita niyang namumula ang noo ng bata. "Hindi ko na dapat isara ang pinto," bulong ni Sonia. Umupo si Sonia sa gilid ng kama. Nanatiling nakahawak si France sa kamay niya. "Siguradong nangungulila ka din sa mommy mo hindi ba?" bulong ni Sonia. Biglang pumasok sa isip niya ang anak na si Vladimir. Parang pinupunit ang puso ni Sonia matapos maalala ang anak. "Nalulungkot din sigurado ang mommy mo lalo na nakikita kang ganito," bulong ni Sonia. Hinaplos ni Sonia ang buhok ni France.
Chapter 6HINDI ko alam kung anong oras na 'nong nagising ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa tabi ni France at tiningnan ang batang lalaki na mahimbing na natutulog. Tingingnan ko ang table at nakita doon ang alarm clock na may penguin na design. Alas kwatro na ng umaga. Naghihikab ako na binaba ang mga paa sa sahig at tumayo. Sa gabi na 'yon hindi ako nagising sa pagi-sleepwalk ni France. Mukhang effective iyong paglalakad-lakad namin tuwing gabi bago matulog. Inayos ko muna ng higa ang bata at aalis ako nang may maliit na kamay ng humawak sa daliri ko. Paglingon ko nakita ko si France na gising na. "Mommy," inaantok na sambit ni France. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang cute ni France. Ayaw ni France na umalis ako kaya sinama ko na ito sa kusina. Buhat ko ang bata habang nagpi-prepare ako ng breakfast. "Manager, lower your voice. Tulog na mga tao dito."Napatigil ako 'nong makarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga boses sa living room. Nagpababa si France at tumaw
Chapter 07NAKATAYO ako ngayon sa harap ng pintuan ng room ni Fabian. Kumatok ako sa pinto at noong marinig ko ang boses ni Fabian ay binuksan ko iyon dala ang tray. Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama, may suot na salamin nakapantulog at mukhang nagbabasa ng script. "Sir Fabian," tawag ko. Napatigil si Fabian at napatingin sa akin. Sinabi nito na ibaba na lang sa coffee table 'yong tray. "Kumain na ba kayo ng dinner sir?" tanong ko after ko ilapag ang tray. Sinabi ni Fabian na nag-lunch siya ng kaunti kanina. Nilipat nito ang script at mukhang nahihirapan mag-focus. "Anyway, busy ka ba Sonia? Pwede mo ba ako tulungan sa script ko? Kung hindi naman nakakahiya sa iyo," ani ni Fabian at bumuga ng hangin. Sinabi nito na nahihirapan siya sa new project niya. Nakatingin lang ako kaya napatingin siya then sinabi na dadagdagan niya sweldo ko."Papayag ako sir sa isang kondisyon," ani ko. Biglang nagkaroon ng hope sa expression nito at hindi ko maiwasan matawa dahil kamukhang- kam
Chapter 08Lumabas kami ng room ni France. Sinabi ni Fabian na secretly nagpapa-check up si France sa psycharatist at under ito sa treatment. Gusto ko magtanong kung bakit nagkakaganoon si France ngunit— napahawak ako sa isang braso ko at tahimik na lang bumaba ng hagdan. Sinundan ko si Fabian. Wala ako sa lugar para magtanong pa. Nanny lang ako ni France at sigurado na kung dapat ko malaman ang reason hindi magdadalawang isip si Fabian sabihin sa akin iyon. "Magiging ayos lang si France hindi ba?" tanong ko. Umupo si Fabian sa sofa sinabi na maya-maya pagkagising ni France ayos na ito. "Mostly sa nangyayari nakakalimutan niya."Sa reaksyon ni Fabian mukhang hindi iyon ang unang pagkakataon. Hindi ko alam kung wala ito pake, kampante or talagang wala lang ito magawa kung hindi maging kalmado. Tinanong ni Fabian kung pwede na sila mag-proceed ulit sa scene nila. Napatigil ako at tinanong si Fabian kung maglalagay pa ba ako ng benda. Mukha kasi siya hindi komportable kanina 'nong
Chapter 09Dinampot ko ang newspaper na nasa pinto lang ng mansion at pumasok ulit sa loob. Sinara ko ang pinto at tumungo sa dining table para ilagay iyon sa lamesa katabi ng cup of coffee ni Fabian. Tuwing umaga kasi habang naguumagahan ay nakikita ko nagbabasa si Fabian ng newspaper kaya naman ako na kumukuha 'non sa labas at inilalagay iyon sa table. Hindi naman ako mahilig sa mga news at gossips kaya naman hindi ko inabala silipin iyon ngunit— nahagip ng mga mata ko ang litato ng husband at bestfriend ko. Nasa front page iyon. Nanlamig ako after mabasa ang about sa engagement ni Victor at Themarie. Hindi ko pa napipirmahan ang divorce paper at wala pa isang buwan 'nong pinalayas nila ako sa mansion. Biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko at bago pa ako bumagsak may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ko si Fabian. Agad niya na nabawi ang kamay niya at kinuha ang hawak ko na newspaper. "A-alam mo ang about dito?" nanginginig na tanong ko. Biglang sumikip ang dibdib k
Chapter 10"Masama magsayang ng pagkain. Ako na kakain."Kinuha ko ang mga nasunog na bacon. Dapat chineck ko ang kawali. Nakalimutan ko. Sayang ang pagkain. Napatigil ako 'nong kuhanin ni Fabian ang plato na hawak ko. "Ako na kakain. Ako nagsalang nito kanina at dapat pala sinabi ko sa iyo," ani ni Fabian. Pareho kami natawa ni Fabian after ma-realize na napaka-useless ng Pinag-aagawan namin na dalawa. "Nasaan na 'yong bacon?"Napatingin ako sa plato na nasa harapan ni Fabian. Nawala 'yong sunog na bacon. Sabay kami lumingon kay France na kasalukuyang may nilalantakan. "Stop fighting. I already eat them," ani ni France at ngumiti ng malapad. Napatigil kami pareho ni Fabian. "Baby, nasunog 'yon. Masyado matapang ang lasa," ani ko na nanlalaki ang mata at hinawakan ang panga ni France. Hinawakan ni France ang wrist ko then tumawa. "Lagi sunog ang luto ni daddy. Sanay na ako mommy!"Napalingon ako kay Fabian. Agad nito tinaas ang kamay sinabi na hindi talaga siya marunong magluto.