Chapter 03
3rd Person's POVNakababa na sila sa sasakyan. Nakarating sila sa napakalaking mansion. May mga maid doon na agad sila binati."Mommy, ito ang house natin. Naalala mo?" tanong ng bata habang hawak ang kamay ni Sonia. Hindi nakapagsalita si Sonia."France, hindi siya ang mom—""No! Siya ang mom ko!" sigaw ng bata at yumakap sa bewang ni Sonia. Nakagat ng babae ang gilid ng labi.Bumuga ng hangin ang lalaki. Tiningnan nito si Sonia at sinabing pumasok na muna sa loob.May ilang maid ang sumunod at butler. Nanatiling nakayuko si Sonia dahil sa mga pinupukol na tingin ng mga ito sa kaniya.Noong nakapasok sila sa loob ng mansion biglang nawala ang mga taong kasunod nila kanina lang.Pinaupo ng lalaki si Sonia sa sofa. Umupo si Sonia katabi ang batang lalaki."France, mag-shower ka na at magbihis," ani ng lalaki na kasalukuyang niluluwagan ang suot na kurbata."No! Hindi ako aalis. Paalisin mo ulit si mommy!" sigaw ng bata. Tiningnan ng lalaki si Sonia at parang sinasabi nito na magsalita.Tumikhim si Sonia at lumingon kay France. Sinabi ni Sonia na hihintayin niya doon ang bata."Hindi ako aalis," ani ni Sonia. Kumurap ang bata at tinaas ang pinky niya."Promise?"Nakita ni Sonia ang anak sa batang lalaki. Kumurap si Sonia at bahagyang ngumiti tinaas ang kamay niya at nag-promise.Agad na tumayo ang bata at tumakbo pataaa ng hagdan sinabing bababa ulit siya."Pasensya ka na sa anak ko. Hindi niya pa kasi naiintindihan na hindi na babalik ang mommy niya," ani ng lalaki at umupo sa kaharap na sofa na inuupuan ni Sonia."Wala pang dalawang taon noong mamatay ang ex wife ko. Nahihirapan pa si France tanggapin iyon," dagdag ng lalaki. Hindi alam ni Sonia ang sasabihin kaya nanatili na lang siyang tahimik."Ipapahatid na lang kita kung saan ka nakatira after natin kausapin si France," ani ng lalaki. Nakatingin lang si Sonia at maya-maya umiwas ng tingin ang babae."Wala na akong uuwian. Ibalik niyo na lang ako mamaya sa park," ani ni Sonia. Doon siya natutulog after siya palayasin ng mga Valencia."Then pwede ka manatili dito. Kung hindi mo mamasamain maari kang maging nanny ni France," ani ng lalaki. Napatigil si Sonia at napatingin sa lalaki. Bahagyang napakamot sa pisngi ang lalaki."Kung ayos lang sa iyo. Hindi naman mahirap i-handle si France as long as naniniwala siyang ikaw ang mommy niya," ani ng lalaki. Napakunot ang noo ni Sonia."Bukod sa pagiging nanny nais niyo na magpanggap ako na mommy niya?" tanong ni Sonia. Sinabi ni Sonia na kung gagawin iyon ng lalaki hindi magiging magandang epekto iyon sa bata"Pasensya na mister. Payag ako sa magiging nanny dahil kailangan ko din ng trabaho pero magpanggap bilang mommy ng anak niyo hindi ako papayag. Ma-may anak din ako," ani ni Sonia. Sandaling napatigil ang lalaki then umiwas ng tingin. Humingi ng paumanhin ang lalaki.Bumaba na si France at tinawag si Sonia na mommy. Hinawakan ni France ang kamay ni Sonia. Lumambot ang expression ng babae."Hindi ako ang mommy mo. Mukhang napagkamalan mo ako dahil nakabenda ang mukha ko pero hindi ako ang mommy mo," ani ni Sonia. Hindi umimik ang bata. Itinaas ni Sonia ang kamay at paisa-isang inalis ang benda sa mukha niya."See hindi ako ang ina—"Napatigil si Sonia matapos hawakan ni France ang pisngi niya. May malambot itong expression at nakatingin sa mga mata ni Sonia."Are you hurt? Mommy," ani ng batang lalaki. Hindi natakot sa kaniya ang bata ngunit hindi din nito pinansin ang sinabi niya.Nanubig ang mga mata ni Sonia. Bigla niyang naalala ang anak at niyakap ang batang si France.Hindi na ni Sonia napigilan ang emosyon. Pagod na pagod na siya. Sinabi ni Sonia na hindi siya masamang tao gusto niya lang maging mabuting ina.Patuloy lang si Sonia sa pag-iyak habang yakap ang batang si France na ngayon ay yakap ang ulo ni Sonia.Matapos nag iyak session ni Sonia. Halos lumuhod naman ito sa harap ni Fabian Martinez para humingi ng tawad. Sinabi ni Sonia na namimis niya lang ang anak niya.Ngumiti ang lalaki at sinabing ayos lang iyon. Tiningnan ni Fabian ang anak na ngayon ay natutulog sa lap ni Sonia."Gusto ka ni France. Mukhang hindi ka niya tinatawag na mommy dahil nakita niya sa iyo ang ex wife ko," ani ng lalaki at straight na tiningnan sa mata si Sonia."Maari ka mag-stay dito as a nanny ni France. Maari ka mag-stay sa isang room na nakakonekta sa room ni France," ani ni Fabian. Natutuwa si Sonia dahil sa pinakikitang konsiderasyon ni Fabian hindi ito nagtanong about sa anak niya at rason sa pag-iyak nito."Anyway," ani ni Fabian bago tumayo. Naglakad palapit kay Sonia at inabot ang kamay sa babae."I'm Fabian Martinez and my son— his name is France Martinez," ani ni Fabian. Nakatingin lang si Sonia kay Fabian. Naalala niya as a model isa lang siya sa mga taong tumatabi at sinusundan ng tingin si Fabian kapag naglalakad.Ngayon nasa harapan siya nito at aalagaan ang anak nito. Inabot ni Sonia ang kamay ni Fabian."I'm Sonia Valenci— Salazar, Sonia Salazar," ani ni Sonia. Ngumiti si Fabian at sinabing kinagagalak niya makilala si Sonia.Hindi alam ni Sonia kung ganito ba talaga kabait si Fabian sa personal kasi naalala niya noong trainee pa lang siya nasa iisang agency siya short tempered din ito talaga at wary sa ibang tao like snob. May issue pa nga na kumalat na tinapunan daw ni Fabian ng tubig sa mukha iyong isa sa mga sponsors niya. Binitawan na ni Fabian ang kamay ni Sonia.Binuhat ni Fabian ang anak na lalaki. Bumulong-bulong si France ng mommy."Sumunod ka sa akin dadalhin kita sa room mo at bukas ipapakilala kita aa iba pa na maid," ani ni Fabian. Tumayo na si Sonia. Tumalikod si Fabian at naglakad. Sinundan ni Sonia si France."Hindi naman alagain si Fabian. Wala ka lang ibang kailangan pala gawin makipaglaro sa kaniya at bantayan siya sa lahat ng pagkakataon after ng school. He can take care himself kahit paglilinis ng room niya, pagbibihis at pagpapaligo," ani ni Fabian. Napatingin si Sonia."He can't," bulong ni Sonia. Napatigil si Fabian at lumingon. Napakurap si Sonia at bahagyang tumingin sa ibang direksyon."I think iyong mommy niya ang dating nagbibihis sa kaniya at nagpapaligo pero dahil wala ang mom niya wala siyang choice kung hindi ang asikasuhin ang sarili niya," ani ni Sonia. Bahagyang natawa si Fabian at sinabing masyadong maraming alam si Sonia sa bata."I have a son too. Ganoon din siya kapag wala ako. May mga maid din naman kami pero ayaw niyang may ibang nag-aasikaso sa kaniya bukod sa akin," bulong ni Sonia. Napatigil si Sonia matapos may ma-realize. Nasabi niya lahat iyon sa isang lalaking hindi niya naman ganoon na kilala.Napatingin si Sonia. Ngumiti lang si Fabian at sinabing nasa tapat na sila ng room ni France. Binuksan agad ni Sonia ang pinto.Pumasok si Fabian sa room ng anak. Sinabi ni Fabian na pumasok si Sonia."Kapag gabi na at tulog na si France nila-locked ko ang pinto ng room niya. Kung maaari pakiramdaman mo siya palagi— may mga time kasi na nagi-sleep walk siya natatakot ako na mahulog siya sa hagdan," ani ni Fabian matapos ibaba sa kama ang anak.Napatigil si Sonia."Sleepwalk?" ulit ni Sonia. Sa edad na iyon nagi-sleep walk."Yeah, pumupunta siya sa room ng mommy niya na nasa baba o sa pond," sagot ni Fabian na ngayon ay nakatayo sa gilid ng kama at nakatingin sa iisang anak.Chapter 043rd Person's POV"Bukas bibigyan kita ng advance payment. Bumili ka ng mga susuutin mo na damit at ilang kailangan mo," ani ni Fabian. May inabot ang lalaki na ilang damit."Mga damit ko ito na hindi ko naman nasuot at nakatambak lang sa closet sa ngayon ito na muna suutin mo para may pamalit ka," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia. Gusto niya tumanggi ngunit— tiningnan niya ang suot na damit. Punit-punit iyon at sobrang dumi.Nahihiyang kinuha iyon ni Sonia at nagpasalamat. Tiningnan niyang mabuti iyon at hinawakan ng mahigpit."Sure na ako may dinner sa ibaba. Pagkatapos mo mag-shower bumaba ka na din para kumain," ani ni Fabian at tumalikod. Naglakad ang lalaki palapit sa pinto ng room ni Sonia. "Wala ka bang ibang itatanong sa akin? Katulad ng background ko as a nanny and work experience ko," tanong ni Sonia. Even kasi sa name niya hindi ito nagtanong— nagpakilala siya kanina. "Honestly, hindi na kailangan. Kilala kita," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia— lumingon bahagya
Chapter 053rd Person's POVSa kalaliman ng gabi may narinig siyang bumabangga sa pinto. Napabangon si Sonia at napababa ng kama. "France?" tawag ni Sonia. Lumapit siya sa pinto na kadugsong lang ng room ni France. Binuksan niya iyon. Napasubsob si France sa hita niya. Agad na binuhat ito ni Sonia at tiningnan mabuti. Tulog pa nga ang bata. "Mommy," bulong ni France. Niyakap ni Sonia ang bata at bumulong na nandoon ang mommy. Naglakad si Sonia patungo sa kama ni France at inihiga ulit doon ang bata. Nakita niyang namumula ang noo ng bata. "Hindi ko na dapat isara ang pinto," bulong ni Sonia. Umupo si Sonia sa gilid ng kama. Nanatiling nakahawak si France sa kamay niya. "Siguradong nangungulila ka din sa mommy mo hindi ba?" bulong ni Sonia. Biglang pumasok sa isip niya ang anak na si Vladimir. Parang pinupunit ang puso ni Sonia matapos maalala ang anak. "Nalulungkot din sigurado ang mommy mo lalo na nakikita kang ganito," bulong ni Sonia. Hinaplos ni Sonia ang buhok ni France.
Chapter 6HINDI ko alam kung anong oras na 'nong nagising ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa tabi ni France at tiningnan ang batang lalaki na mahimbing na natutulog. Tingingnan ko ang table at nakita doon ang alarm clock na may penguin na design. Alas kwatro na ng umaga. Naghihikab ako na binaba ang mga paa sa sahig at tumayo. Sa gabi na 'yon hindi ako nagising sa pagi-sleepwalk ni France. Mukhang effective iyong paglalakad-lakad namin tuwing gabi bago matulog. Inayos ko muna ng higa ang bata at aalis ako nang may maliit na kamay ng humawak sa daliri ko. Paglingon ko nakita ko si France na gising na. "Mommy," inaantok na sambit ni France. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang cute ni France. Ayaw ni France na umalis ako kaya sinama ko na ito sa kusina. Buhat ko ang bata habang nagpi-prepare ako ng breakfast. "Manager, lower your voice. Tulog na mga tao dito."Napatigil ako 'nong makarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga boses sa living room. Nagpababa si France at tumaw
Chapter 07NAKATAYO ako ngayon sa harap ng pintuan ng room ni Fabian. Kumatok ako sa pinto at noong marinig ko ang boses ni Fabian ay binuksan ko iyon dala ang tray. Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama, may suot na salamin nakapantulog at mukhang nagbabasa ng script. "Sir Fabian," tawag ko. Napatigil si Fabian at napatingin sa akin. Sinabi nito na ibaba na lang sa coffee table 'yong tray. "Kumain na ba kayo ng dinner sir?" tanong ko after ko ilapag ang tray. Sinabi ni Fabian na nag-lunch siya ng kaunti kanina. Nilipat nito ang script at mukhang nahihirapan mag-focus. "Anyway, busy ka ba Sonia? Pwede mo ba ako tulungan sa script ko? Kung hindi naman nakakahiya sa iyo," ani ni Fabian at bumuga ng hangin. Sinabi nito na nahihirapan siya sa new project niya. Nakatingin lang ako kaya napatingin siya then sinabi na dadagdagan niya sweldo ko."Papayag ako sir sa isang kondisyon," ani ko. Biglang nagkaroon ng hope sa expression nito at hindi ko maiwasan matawa dahil kamukhang- kam
Chapter 08Lumabas kami ng room ni France. Sinabi ni Fabian na secretly nagpapa-check up si France sa psycharatist at under ito sa treatment. Gusto ko magtanong kung bakit nagkakaganoon si France ngunit— napahawak ako sa isang braso ko at tahimik na lang bumaba ng hagdan. Sinundan ko si Fabian. Wala ako sa lugar para magtanong pa. Nanny lang ako ni France at sigurado na kung dapat ko malaman ang reason hindi magdadalawang isip si Fabian sabihin sa akin iyon. "Magiging ayos lang si France hindi ba?" tanong ko. Umupo si Fabian sa sofa sinabi na maya-maya pagkagising ni France ayos na ito. "Mostly sa nangyayari nakakalimutan niya."Sa reaksyon ni Fabian mukhang hindi iyon ang unang pagkakataon. Hindi ko alam kung wala ito pake, kampante or talagang wala lang ito magawa kung hindi maging kalmado. Tinanong ni Fabian kung pwede na sila mag-proceed ulit sa scene nila. Napatigil ako at tinanong si Fabian kung maglalagay pa ba ako ng benda. Mukha kasi siya hindi komportable kanina 'nong
Chapter 09Dinampot ko ang newspaper na nasa pinto lang ng mansion at pumasok ulit sa loob. Sinara ko ang pinto at tumungo sa dining table para ilagay iyon sa lamesa katabi ng cup of coffee ni Fabian. Tuwing umaga kasi habang naguumagahan ay nakikita ko nagbabasa si Fabian ng newspaper kaya naman ako na kumukuha 'non sa labas at inilalagay iyon sa table. Hindi naman ako mahilig sa mga news at gossips kaya naman hindi ko inabala silipin iyon ngunit— nahagip ng mga mata ko ang litato ng husband at bestfriend ko. Nasa front page iyon. Nanlamig ako after mabasa ang about sa engagement ni Victor at Themarie. Hindi ko pa napipirmahan ang divorce paper at wala pa isang buwan 'nong pinalayas nila ako sa mansion. Biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko at bago pa ako bumagsak may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ko si Fabian. Agad niya na nabawi ang kamay niya at kinuha ang hawak ko na newspaper. "A-alam mo ang about dito?" nanginginig na tanong ko. Biglang sumikip ang dibdib k
Chapter 10"Masama magsayang ng pagkain. Ako na kakain."Kinuha ko ang mga nasunog na bacon. Dapat chineck ko ang kawali. Nakalimutan ko. Sayang ang pagkain. Napatigil ako 'nong kuhanin ni Fabian ang plato na hawak ko. "Ako na kakain. Ako nagsalang nito kanina at dapat pala sinabi ko sa iyo," ani ni Fabian. Pareho kami natawa ni Fabian after ma-realize na napaka-useless ng Pinag-aagawan namin na dalawa. "Nasaan na 'yong bacon?"Napatingin ako sa plato na nasa harapan ni Fabian. Nawala 'yong sunog na bacon. Sabay kami lumingon kay France na kasalukuyang may nilalantakan. "Stop fighting. I already eat them," ani ni France at ngumiti ng malapad. Napatigil kami pareho ni Fabian. "Baby, nasunog 'yon. Masyado matapang ang lasa," ani ko na nanlalaki ang mata at hinawakan ang panga ni France. Hinawakan ni France ang wrist ko then tumawa. "Lagi sunog ang luto ni daddy. Sanay na ako mommy!"Napalingon ako kay Fabian. Agad nito tinaas ang kamay sinabi na hindi talaga siya marunong magluto.
Chapter 11"Sir Fa—Fabian," mas lalo ako naiyak after makita si Fabian na agad binitawan ang hawak na payong. Walang pagdadalawang isip nito na ibinalot ako sa malaki niya na coat at binuhat na lang ako. Pareho kami basa na ngayon ay naglalakad palayo sa mansion. Hindi ko na nagawa pa maka-react. Hindi ko nga alam kung paano nakauwi ako dahil nakita ko na lang sarili ko na nasa ibabaw ng kama at nakaupo. Inaabutan ako ni Fabian ng maiinom. Dahan-dahan ko iyon kinuha at ikinulong ko iyon sa mga palad ko. Ang lakas ng loob ko na pumunta doon at mataas ang confidence ko na hindi nila ako makikita na umiyak ngunit— lahat yata ng tapang ko parang bula na nawala after ko makita ang anak ko. Bilang ina nakakadurog ng puso makita ang anak mo na umiiyak at tinawag ka. Muli ko naramdaman ang mga luha galing sa mata at pumatak iyon sa likod ng palad ko. "Hindi ko maintindihan sir Fabian. Ano ba nagawa ko mali sa kanila para gawin ito sa akin?""Iyong bestfriend ko na since highschool na p