Masuk“What the heck are you saying, Radleigh?” Saint hissed angrily. “Nagkita na sina Gabriel at Evony, dad. Nagkita na silang dalawa kanina,” ulit ni Radleigh, mas desperado ang tono. “I didn’t know what to do. Evony was so weak after what happened and naabutan na lang namin siya ni Lori na yakap ni Gabriel at pinapakalma.”“Hindi man lang alam ni Evony na si Gabriel ang nakayakap sa kanya?” singhal ni Saint.“Sa tingin ko ay akala niya ako ang nakayakap sa kanya kaya wala siyang naging reaksyon maliban na lang noong nalaman niyang si Gabriel pala ang kayakap niya at hindi ako,” paliwanag ni Radleigh. Napasabunot siya sa kanyang buhok dahil sa sobrang frustration. “What should we do, dad? Hindi pa sila pwedeng magkitang dalawa hangga’t hindi pa nalalaman ni Evony ang totoo.”“It's just simple, Radleigh. Evony needs to know the truth immediately. Hindi na ito pwedeng patagalin pa. You need to tell her everything that happened during her disappearance.”“Pero, dad—”“I will talk to Gabriel
Nang marinig ni Evony ang pangalan ni Gabriel, mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap nito, mabigat ang paghinga na animo’y hinahapo. Lori quickly attended her while Radleigh faced Gabriel with anger on his face.“Why were you hugging my sister?! What are you doing here?!” Radleigh growled. “I-I didn’t mean to… she was scared, Radleigh! She was weak because of what happened to her.” Gabriel tried to explain but he only looked like he was buffling. He glanced towards Evony who was buried against Lori’s neck as she embraced her.“I'm gonna need you to stay away from my sister, Gabriel!” Radleigh threatened. “Kapag nakita kong malapit ka pa ulit sa kanya ay hindi ako mag-aalangang ipadampot ka sa mga pulis.”Gabriel was left stunned with a heavy heart when Radleigh gently dragged Lori and Evony outside. Saka naman pumasok umingay ang mga bulungan sa paligid mula sa mga taong wala silang kaalam-alam na nanonood pala. Radleigh was fuming mad as he led the way towards their car. Wala ng p
“S-sino ka?! Anong ginagawa mo rito sa loob?!” naghihisterikal na sigaw ni Evony nang tangkain ng lalake na lapitan siya. “Huwag kang lalapit!”“Tama nga ang iniisip ko,” nakakatakot na halakhak ng lalake. “Matapang ang bunsong Irvine.”“Sino ka?!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Evony sa banyo. Sinubukan niyang umatras ngunit gayon din naman ang pag-abante ng lalake. Ngayon ay tumama na ang kanyang likod sa pinto. “Hindi mo na kailangang malaman ang pangalan ko, Irvine. Ang importante ay tatatak ang mukha ko sa isip mo sa tuwing pipikit sa gabi,” nakakakilabot nitong turan saka muling humalakhak. Inumpisahan nitong kalasin ang kanyang seatbelt kaya halos isubsob na ni Evony ang kanyang katawan sa pinto.“A-anong gagawin mo, huh? H-huwag kang lalapit! T-tatawag ako ng pulis!” “Pulis?” Malawak na ngumisi ang lalake. “Walang magagawa ang pulis sa saradong banyo. Mag-isip ka.” Hinagis nito ang seatbelt sa sahig at tinanggal ang butones ng pantalon. Unti-unti nang nanginginig sa
“Ito, dito tayo.”Hinila ni Lori si Evony sa loob ng isang branded na clothing store. Awtomatiko namang nagsiliwanag ang mga mukha nila na animo’y nasa palasyo ng mga magagandang damit. “Pick whatever you want, it’s my treat.” Kinindatan siya ni Lori.Sumimangot naman siya. “Anong ‘my treat’ ka dyan? No. I’ll pay for it on my own.”“Sige na! Treat ko ‘yan sa iyo ‘no. Ngayon nga lang ulit tayo nagkita,” pilit ni Lori. “Mamili ka lang ng kung anong gusto mo… little sis.”Lumukot ang mukha ni Evony sa tinawag sa kanya ni Lori kaya naman napahagalpak ng tawa ang babae. “Kadiri, Lori! Huwag mo ng uulitin sa akin ‘yan ha? Mas matanda kaya ako sa ‘yo,” disgustong turan ni Evony.“Eh bakit? Magiging asawa ko na ang kuya mo, natural lang na ate mo na ako.” Lumawak ang mapang-asar na ngisi ni Lori. “Unless hindi mo ako tanggap para sa kuya mo?”“Hindi tanggap? Eh sino bang nagpakilala sa inyong dalawa? 'Di ba ako?” Umirap si Evony. “Basta hindi kita tatawaging ate. Ang weird kaya pakinggan.”
“Tanay? All this time nasa Tanay ka lang pala?” bulalas ni Lori.Napangiwi naman si Evony. “I had no money or whatsoever at that time. Hindi naman ako pwedeng lumipad papuntang ibang bansa.”“Saan ka tumira roon?” tanong naman ni Radleigh habang hinihiwa ang steak ni Lori.“I lived in a quiet and small neighborhood near the shore. It was like a beach house, tahimik at payapa roon.”“Kinaya mo mag-isa?” Lumamlam ang mga mata ni Lori. “Well, I was not actually alone. May pamilya akong kasama roon.”Kumunot naman ang noo ni Radleigh. “So you’re saying that you lived in Tanay with a family? Nakitira ka sa kanila?”“If you put it that way, then yes.” Evony sighed. “Maybe pwede niyo silang i-meet after the wedding? Kayong bahala.”“I don’t think papaabutin nina mom and dad until wedding kapag nalaman nila itong kwinento mo,” iling ni Radleigh saka naman sinalinan ng tubig si Lori na ini-enjoy ang maliliit na hiwa ng steak. “I am certainly sure na mag-i-insist silang pumunta sa Tanay kapag
“What? What the hell did I miss?” Evony exclaimed as she stared at the diamond engagement ring in her brother’s slender finger.“Basically everything, you know,” Radleigh replied sarcastically. “It’s been a long year, Evony. Marami na rin ang nangyari noong nawala ka.”“So… she’s alive?”Radleigh nodded. “She’s been waiting for you the entire time. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa natutuloy ang kasal namin. Deep inside, she knows that you’re somehow out there, alive and free.”“And now that I’m back…” Napaiwas ng tingin si Evony sa hiya. “Matutuloy na ang kasal?”Inakala niyang tatango si Radleigh at sasabihing matutuloy na rin sa wakas ang kasal. After all, siya lang naman ang dahilan kung bakit ayaw pa nilang magpakasal.Ngunit napabalik ang tingin niya sa kapatid nang umiling ito.“You just came back,” Radleigh murmured. “Everything needs to be settled first before the wedding.”“Ano pa bang dapat i-settle, kuya? Nandito naman na ako. Iniisip niyo bang aalis ulit ako?”“Walang
Pagkatapos ng ilang shots, tanging tawanan na lamang ang namayani sa pagitan nina Gabriel at Evony. Inaalala nila ang naging simula nila gaya ng una nilang pagkikita kung saan nagka-problema sila sa kani-kanilang kotse hanggang sa naging magkatrabaho sila sa Duello at ngayong magkasintahan na sila n
Galit at pagkamuhi ang tanging nananalaytay sa dugo ni Evony habang nakikipag-patayan sa mga taong nanakit sa kanyang mga magulang. Madilim ang mukha, lumiliyab ang mga mata, at nagngingitngit ang ngipin na animo’y sakim sa kamatayan ang kanyang dugo—iyon lamang ang nakikita nina Arnaldo at ng kany
Kinabukasan, nagising si Evony sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Pupungas-pungas niyang sinilip si Gabriel sa sahig at kitang tulog na tulog pa ito. Napangiti siya nang matamis. She slept so well last night. Kahit hindi niya katabi ang lalake ay sobrang payapa ng tulog niya. She felt
After a week of being hospitalized, the Irvines moved to a new mansion. Inabandona nila ang dati nilang bahay para i-preserve ang kanilang mga memorya roon kasama ang mga kasambahay nilang nasawi. Doon din hinold ang funeral kung saan dumalo ang pamilya ng mga kasambahay nila. Bilang pakikiramay,







