LOGINGAVIN "Let's go inside, mama. Ipapakilala ko po kayo sa kanila mommy at daddy at sa mga kapatid ko at mga pamangkin," wika ni Gavin at hinawakan sa kamay ang ina para yayain na pumasok sa loob ng malaking bahay niya. "Mama, meet my mommy Abi and daddy Seb," pagpapakilala niya sa ina. "Sila po ang mag-asawang umampon sa akin. Sila po ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Tinuring po nila ako na tunay nilang anak at kahit kailan ay hindi nila ipinaramdam sa akin na iba ako sa kanila." "Maraming-maraming salamat sa inyo Ma'am Abi at Sir Seb. Maraming salamat sa pagmamahal at pag-aalaga nyo sa aking anak. At pasensya na kayo kung sa inyo napunta ang responsibilidad ko sa kanya bilang magulang niya," wika ng kanyang ina sa mommy at daddy niya. "Utang ko sa inyo ang buhay ng aking anak," wika ng mama ni Gav at pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi. "Huwag mong isipin iyan. Dahil sa totoo lang sobrang saya namin na dumating sa buhay namin si Gavin. Sa ngayon ang isipin na lang natin ay
ELLA Kinabukasan ay maagang nagising si Ella para pigilan sa pagpasok sa shop ang tita Gianna niya. Maaga rin umalis si Gavin at sinabi nito na magkita na lang daw sila mamaya. "Happy birthday, tita!" masayang bati niya nang makita ang tita Gianna niya na lumabas ng kwarto. Bagong ligo it at maaliwalas ang mukha pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Mabilis niya itong nilapitan at hinalikan sa pisngi saka niyakap nang mahigpit. "Thank you, anak," pasasalamat nito sa kanya. "Tita, for you po," aniya at inaabot dito ang isang paper bag. "Ano ito anak?" tanong nito at tinanggap naman ang ibinigay niyang regalo. "Buksan nyo po tita," utos niya. "Wow! Ang ganda. Teka bagay ba sa akin 'to?" tanong nito at sinukat-sukat pa sa sarili ang dress na binili niya para rito. Ito ang ipapasuot niya rito saka sila pupunta sa salon para paayusan ito ng buhok at ipa-manicure, pedicure. "Yes of course. Bagay na bagay sa inyo mama," wika niya at tinakpan ang sariling bibig.
ELLA "I miss you so much Gabriel, anak. Kung nasaan ka man ngayon sana nasa maayos ka lang na kalagayan. Sobrang miss ka na ni mama. Sorry, dahil ilang taon na ang lumipas hindi pa rin kita nahahanap." Napahinto sa paghakbang si Ella nang marinig niya ang salitang iyon ng tiyahin niya. Nakita niyang nasa sala pa rin ito at nakaupo sa sofa. Hindi siya nito nakikita dahil nakatalikod ito sa gawi niya. Maingat siyang humakbang palapit dito at nakita niyang hawak-hawak at hinahaplos-haplos ng palad nito ang larawan ni baby Gabriel. "Kung sino man ang taong nakakuha sa'yo anak sana inalagaan ka nila ng maayos. Sana tinatrato ka nila ng tama at minamahal. Sana hindi ka nila sinasaktan," kausap pa rin nito sa litrato sa medyo garalgal na boses. Medyo nakaramdam ng guilty si Ella sa puso niya. Alam na niya ang totoo pero hindi pa masabi-sabi sa tiyahin niya. Ayaw niyang masira kasi ang moment bukas na para rito at kay Gavin. "Konting tiis na lang tita este mama, makikita mo na ang taong
ELLA Alas-diyes na ng gabi nang makarating sila Ella sa bahay ng tita Gianna niya. Ipinarada muna ni Gav ng maayos ang kotse sa gilid ng apartment bago sila bumaba. "Hubby, iyong sinabi ko sa'yo okay?" paalala niya sa asawa nang nasa tapat na sila ng pintuan. Kinausap na kasi niya ito kanina magpanggap muna na walang alam tungkol sa tunay nitong pagkatao. Ramdam kasi niya ang kasabikan sa asawa niya na makilala ang tunay nitong ina. Pero kailangan muna nilang magtiis para hindi masira ang surpresa nila para sa birthday ng tita Gianna niya bukas. All is set na ang lahat. "Sure, boss. No problem," sambit ni Gav at ninakawan na naman siya ng halik sa labi sabay ngisi. Kanina pa ito nakaw nang nakaw ng halik sa kanya, hindi na niya mabilang. At ano raw "boss" baliktad na ata at siya na ang tinawag na boss. "Let's go inside," aniya at hinawakan sa kamay si Gavin bago sila pumasok sa loob. Nandatnan nila sa sala ang tiyahin niya na nanonood ng tv. Kasama nito ang kapatid niyan
GAVIN "Mom and Dad. I just want to tell you that I have already found my biological mother" aniya sa mga magulang na kaharap niya ngayon sa sala. "Kung bakit napunta ako sa bahay-ampunan at napunta po ako sa inyo." "Oh, that's good news, Son," wika ng Daddy niya at tinapik siya sa balikat. "But how?" dagdag pa nito. Humugot muna nang malalim na buntong hininga si Gavin at sinimulang ikwento sa mga magulang niya ang lahat ng nalalaman niya. "My goodness!" tanging nasabi ng mommy niya matapos nitong marinig ang kwento niya. Thanks to his PI na talagang maasasahan this time. At lahat ng sinabi niya ngayon ay galing iyon mismo sa totoo niyang ina na siyang nalaman ng PI niya. "Where is she? Bakit hindi mo siya inimbitahan dito anak para makilala namin siya ng daddy mo," anang mommy niya. "Actually mom, wala pa siyang alam tungkol sa akin. Plano ko pa lang na magpakilala sa kanya," aniya. "I wanted to surprise her." "That's a good idea, anak," sabi ng mom niya. "And do you know wh
ELLA "Saan tayo pupunta hubby?" tanong ni Ella sa asawa niya habang hawak siya nito sa kamay. Sa ngayon ay nasa sa basement parking na sila kung saan naka-park ang kotse ni Gav. Wala kasi siyang idea kung saan sila pupunta e alas-singko pa lang naman ng hapon. Maaga pa para mag-uwian. Sana na kasi siyang laging takip-silim na kung umuuwe at sinisgurado niyang maayos ang trabaho niya. Pero ngayon iba na dahil asawa na niya ang boss niya at ito ang masusunod. Agad siya nitong pinagbuksan ng pintuan at inalalayan na makasakay sa loob. Saka naman umikot sa kabilang side si Gav papunta sa driver seat. "Pupunta tayo sa mansion, baby. Haharapin natin ang family ko ngayon at sasabihin kay Mommy ang tungkol sa atin," saad ni Gav at dumukwang sa kanya para ikabit ang seatbelt niya. Mabilis din siya nitong ninakawan ng halik sa labi sabay ngiti na tila batang kinikilig. "As in ngayon na ba?" tanong niya dahil nakaramdam siya ng kaba. Lalo na kung haharap siya sa mga magulang ng asawa niya.







