Share

CHAPTER 13.

Author: Ciejill
last update Last Updated: 2024-05-18 00:17:24

Pababa na ng hagdanan si Abi nang marinig niya ang pag andar ng sasakyan ni Seb.

Nang makita niyang palabas na ito ng malaking gate ay saka siya mabilis na bumaba ng hagdanan at tinungo ang sariling sasakyan na nakaparada din sa kanilang garahe. Kaagad siyang sumakay rito at binuhay ang makina.

Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kotse ng matanaw niya ang sasakyan ng kanyang asawa na palabas pa lang ng subdivision. Dumistansya siya rito habang patuloy na nakabuntot sa likuran ng kotse nito ang kotse niya.

"Meeting ba talaga ang dahilan kaya ka nagmamadaling pumasok palagi sa trabaho, Seb?" tanging kausap niya sa kanyang sarili.

Malapit na sila sa kompanyang pag-aari ng kanyang asawa nang magpatuloy ito at hindi huminto.

"Akala niya may meeting ito pero mukhang ibang meeting ata ang dadaluhan ng asawa niya. Sana nga mali siya."

Binagalan niya ang takbo ng sasakayan ng makitang inihinto nito ang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant.

Nakita niyang bumaba ang asawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
sakit namn iwanan Muna wag hintayin ikaw Ang Iwan nya
goodnovel comment avatar
Ciejill
Gamitin mo free coins bebs,,, watch ads ka rin para ma unlock mo mga chaps
goodnovel comment avatar
Jessa Mesa Añonuevo
plzzz help naman gusto ko po tapusin itong basahin.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 84. KURT&MYLES

    Nagpaalam si Myles sa dalawang staff niya na hindi na muna siya makakapasok ngayon sa cafeteria niya dahil susunduin niya mamaya ang kanyang anak at mommy niya sa airport. Mamayang hapon kasi ang dating ng mag-lola. Kaya naman ay maaga siyang nagising kanina at naglinis sa buong condo kaya heto at maaga pa lang basang-basa na siya ng pawis. Inuna niyang linisin ang kwarto niya at nagpalit ng kobre kama. Inipon niya lahat ng labahin at isinalang ang mga ito sa automatic washing machine. Habang naglalaba ay nag-va-vacuum naman siya. Sinisigurado niya na malinis ang condo niya at parating na ang kanyang prinsesa. Pinatay ni Myles ang vacuum niya nang makarinig siya ng sunod-sunod na doorbell sa labas. Napakunot naman ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahan na bisita ngayong araw. Naglakad siya at sinilip muna sa peephole ang nagdo-doorbell. Pero isang delivery boy ang nakita niya sa labas kaya binuksan nya ang pinto. "Magandang umaga, flowers delivery po," anang delivery boy at

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 83. KURT&MYLES

    Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si Myles. Nakatitig lang siya sa kisame habang nakikinita niya ang mukha ni Kurt at mukha ni Kyrie na nagsasalitan sa paningin niya. Nakikita niya pa rin hanggang ngayon ang mukha ni Kurt kanina kung gaano ito ka-excited na makita at makilala ang anak niya. At ang mukha ng anak niya na nangangarap na magkaroon ng isang ama. Kaya sino siya para ipagkait iyon sa anak niya gayong bumalik na ang daddy nito. Minsan na siyang umibig at nasaktan sa lalaking minahal niya. Kaya ngayong ito na ang lumalapit sa kanya ay handa na siyang muling sumubok muli. Kung masasaktan man siya sa ikalawang pagkakataon iyon siguro ay titigil na siya na mahalin ito. Sa ngayon pagbibigyan na muna niya ang isinisigaw ng puso niya. Ito na ang pagkakataon niya para mabigyan ng buo at kumpletong pamilya si Kyrie. Hindi namalayan ni Myles kung anong oras siya ginupo ng antok kagabi at nakatulog. Tapos ngayon nagising siyang umaga na at mataas na ang sikat

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 82. KURT&MYLES

    Dumeretso na si Myles sa restaurant sa taguig kung saan sila magkikita ni Kurt ngayon para sa dinner na sinasabi nito. Pero bago siya umalis kanina ay inayos na muna niya ang sarili. "Good evening, ma'am. This way po tayo ma'am," pag-aassist sa kanya ng babaeng staff nang sabihin niya ang pangalan ni Kurt. Agad siyang dinala ng babae patungo sa VIP room na pina-reserve ng lalaki para sa dinner nila ngayong gabi. "Pasok lang po kayo sa loob ma'am," anito at binuksan ang VIP room sa pagpasok niya. "Thank you," pasalamat ni Myles sa babae. "You're welcome ma'am and enjoy," nakangiting sabi nito at umalis na sa harapan niya. Pagharap ni Myles ay saktong pagtayo ni Kurt mula sa upuan nito at naglakad palapit sa kanya. Bitbit nito sa kamay ang isang bouquet ng red roses. Akala niya ay simpleng dinner lang pero ngayon ay sa vip room siya dinala. Napaka-romantic ng set up, idagdag pa ang dimmable lights. Hindi mawari ni Myles ang nararamdaman niya habang papalapit si Kurt at sin

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 81. KURT&MYLES

    Pagsapit ng tanghali ay nagpaalam na muna si Myles kay Teri na bibisitahin niya saglit ang isang branch ng cafe sa Quezon city at babalik naman siya agad. "Magandang tanghali, ma'am," malugod na bati ni Jen kay Myles pagdating niya sa isang branch ng Kyrie's cafe. "Kamusta kayo, rito?" tanong niya sa staff. "Maayos naman po ma'am. Mabenta pa rin po ang cafe natin. Kada araw po ay pataas nang pataas ang sales natin ma'am," masayang pagbabalita sa kanya ni Jen. Ito ang staff na pinagkakatiwalaan niya rito sa Q.C. "Wow, mabuti naman kung ganun. At sana tuloy-tuloy lang palagi," aniya habang matamis na nakangiti. Ch-in-eck ni Myles ang record ni Jen at tama nga ang sinabi nito. Pataas nang pataas ang sales nila at magandang balita iyon sa kanya. Parami na nang parami ang nakaka-discover sa kanyang business at marami sa mga customers nila ang nagpo-post nito online at nagrerekomenda sa mga kakilala. Sunod naman niyang ch-in-eck ang mga stocks nila at malapit nang maubos ang mga

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 80. KURT&MYLES

    KURT Kunot noo na mariing pinakatitigan ni Kurt ang mga dokumentong nasa harapan niya. Lalong-lalo na ang picture nang napakagandang bata na anak ni Myles. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni Kurt katulad kanina nang masilayan niya una ang larawan ng batang kasama ni Myles. Ang sabi rito sa impormasyon ay nasa Bohol daw ang bata kasama ang lola nito na mommy ni Myles at nagbabakasyon. Why does he see a strong resemblance between his face and Myles's daughter? Ayon din dito ay nasa limang taong gulang na ang bata. And it's been five years since something happened between him and Myles. Posible kaya na? Posible kaya na nabuntis niya noon si Myles pero hindi nito sinabi sa kanya? Muli niyang tinitigan ang picture ng napakagandang bata, hindi talaga maitatanggi ang malaking pagkakahawig nila ng bata. Nakikita niya ang sariling mukha sa mukha nito. Ang hugis ng mukha, ang mga mata, ang matangos na ilong pati na ang heart shape lips nito ay pareho sa kanya. Parang may kung an

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 79. KURT

    MYLES "Hi, Myles!" Tila nanigas sa kinauupuan niya si Myles nang marinig niya ang pagtawag ni Kurt sa pangalan niya. Nakita pa talaga siya nito kahit pa iniyuko na niya nang todo ang ulo niya sa harapan ng laptop niya. Pero nagkunwari siyang hindi ito narinig at pinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop niya kahit pa hindi na niya alam kung tama pa ba ang mga letrang pinipindot niya sa keyboard nito. Ang bilis ng tibok ng puso niya kasi sa mga oras na ito. "Myles," ulit na tawag ni Kurt sa kanya at ngayon ay nakaupo na sa tapat niyang upuan. Shit! Mura ni Myles sa isip niya, saka nag-angat ng tingin sa kaharap. "P-Prof. Kurt, kayo po pala," aniya at alanganing ngumiti rito. "Hmmn yeah, sobrang busy mo 'ata at hindi mo kaagad narinig ang pagtawag ko sa 'yo," anito na may ngiti sa labi. "Oh, narinig ko, sadyang nagbingi-bingihan lang prof," aniya sa isip. "A-Ah, eh, yes prof Kurt. Kaya pasensya na," sambit niya. Napatingin siya sa dala nitong paper bag, marahil nasa loob n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status