Nakaluhod si Vaden sa sahig at yumuyugyog ang mga balikat sa pag-iyak. Wala siyang ibang sisisihin dito kundi ang sarili niya. Ang laki niyang tanga para hayaan na mangyari ang bagay na ito. "Maya-maya lamang po ay lalabas na sa emergency room ang pasyente at ililipat sa private room. Doon niyo na lamang siya hintayin," wika ng Doctora. "Mr. Vaden Santillan, your wife now is suffering a depression for losing your unborn baby, so please understand your wife's temperament behavior. Hindi madali sa kanya itong nangyari. Huwag mo siyang palitin kausapin or magsalita kung ayaw niya. Ang kailangan niya ngayon ay pagmamahal at pag-iintindi, salamat," wika ng Doctora at iniwan na sila. Hindi naman nagtagal ay inilipat na si Sofie sa loob ng recovery room. Hindi pa nagigising ang asawa niya at nanatili pa itong tulog. SOFIE Nagising si Sofie at agad na sumalubong sa kanya ang puting kisame. Nahihilo pa siya at medyo masama pa ang pakiramdam niya. Hanggang sa unti-unting naging mali
"Sofie!" "Wife!" Kahit nasa loob ng sasakyan ay dinig na dinig ni Sofie ang malakas na sigaw ni Vaden habang kinakatok nito ang bintana ng sasakyan. "Prof Kurt please, let's go," utos ni Sofie sa professor niya. "Sofie, please calm down. Stop crying, mas lalong makakasama 'yan sa baby mo. Mag-relax ka lang, magiging safe kayo ng baby mo," wika ni prof Kurt sa kanya habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Pinapalakas nito ang loob niya. Tama si prof Kurt kailangan niyang huminahon. Hindi makakatulong kung patuloy siyang magpapanic, dahil mas lalo lang siyang matataranta at makakasama ito sa dinadala niya. Pero hindi niya mapigilan ang mag-alala nang labis lalo pa at anak na niya ang nakataya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit pa nanginginig na siya sa sobrang takot. Habang tumatagal mas dumadami ang dugong lumalabas sa pwerta niya. "Lord please, iligtas nyo po ang anak ko, please wag nyo po kaming pabayaan," piping dasal ni Sofie habang hinahaplos ang tiyan niya.
"Nagising si Sofie sa mahihinang tapik sa braso niya. Agad na bumungad sa paningin niya ang magandang mukha ng mommy niya. "Gising na anak, baka ma-late ka sa graduation mo," nakangiting sabi nito. "Si Vaden po mommy?" "Nasa labas anak, kasama ang mommy Coleen mo." "Bumangon ka na at mag-ayos para makapunta na tayo sa graduation mo," utos ng mommy niya. Kaagad na pumunta sa banyo si Sofie at naligo. Pakatapos niyang magbihis ay nag-blower naman siya ng buhok niya ay inayos niya ang sarili. Manipis na make up lang ang inilagay niya dahil doon naman siya komportable. "Are you ready anak?" tanong ng mommy niya na pumasok muli sa loob ng silid nila kasama ang mommy Coleen niya. "Nasa labas na rin ang Daddy at Kuya Gavin mo." Napangiti siya nang marinig ang sinabi ng mommy niya na naririto rin ang Daddy niya. "Si Vaden nga pala sweetie umalis muna, may pupuntahan lang daw muna siya." Nawala ang ngiti niya sa labi sa sinabi ni mommy Coleen. "Saan daw po siya pupunta mo
Hanggang sa makarating sila sa loob ng condo ay nanatiling tahimik si Sofie. Ramdam niya ang panay buntong hininga ni Vaden pero hindi niya ito pinapansin. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon, naiinis na ewan. Siguro ito na ang sistomas ng pagbubuntis niya. Sinabi naman kanina ng mommy niya na normal lang ang makaramdam siya ng mga ganitong bagay. "Wait for me here, wife. Ipaghahanda kita ng pagkain," wika ni Vaden sa kanya. "Hindi ako nagugutom." "Gutom ka man o hindi kailangan mong kumain Sofie. Isipin mo na hindi lang ikaw ngayon, kundi isipin mo ang anak natin." Sabi ni Vaden sa kanya, ramdam niya ang mariing pagtitig nito sa mukha niya pero sa ibang direksyon siya nakatingin. At oo nga pala kaiangan niya talagang kumain dahil buntis siya. At malamang concern lang talaga si Vaden sa baby at hindi sa kanya. "Halika na sa kusina, samahan mo na lang ako roon," anito at inakay siya papuntang kusina. Wala naman na siyang nagawa pa kundi sumama rito.
Pagkalabas ni Vaden sa silid na kinaroroon ni Sofie ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Hinanap ng mga mata niya si Theanna pero hindi niya ito makita. Napabuntong-hininga siya na dumeretso sa counter para ayusin ang bill sa hospital para maiiwe na niya sa condo si Sofie. "Thank you sir," anang cashier matapos niyang magbayad. Tatalikod na sana siya nang biglang may mga kamay na pumulupot sa braso niya. "Hon, let's go," wika ni Theanna habang mahigpit na nakakapit sa kanya. "Theanna, hindi ba sinabi ko sa 'yo na umuwe ka na muna," mariing wika ni Vaden at hinila ang babae patungo sa labas ng hospital. Hanggang sa makarating sila sa parking area. "Vaden ano ba bitawan mo nga ako. Ano ba nangyayari sa 'yo, honey?" nagtatakang tanong ni Theanna. "Bakit ba ang kulit mo?" naiinis niyang turan sa babae. "I told you na hindi ako aalis hanggat hindi kita kasama," maktol nito na parang bata. "Alam mong nandito ang mga magulang ni Sofie at ang parents ko. Pwede ka nilang maki
"Congratulations, Mr. Santillan. Your wife is two months pregnant!" masayang anunsyo ng doctora kay Vaden sabay abot ng hawak nitong ultrasound paper. Tulala na tinitigan niya ang ultrasound ng baby nila ni Sofie. Hindi pa man klaro ang mukha ng anak nila kahit pa naka 3D ultrasound ito dahil 2 months pa lang naman ang tiyan ni Sofie. Tulala siya at hindi siya makapaniwala na buntis si Sofie. Tulala siya dahil sa kakaibang pakiramdam habang nakatitig siya sa picture ng anak nila. Tulala siya dahil ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama. Parang biglang may kung anong humaplos sa puso niya na hindi niya maipaliwanag. Masayang-masaya ang pakiramdam niya. "Mamaya pwede mo nang ilabas sa hospital ang asawa mo. But make sure na nakakain siya sa tamang oras. I suggest also na puro masustansyang pagkain ang palagi niyang kainin, like mga gulay at prutas. And the most important is bawal siyang ma-stress dahil nakakasama iyon sa pagbubuntis niya. Medyo mahina ang kapit ng baby nyo kay
"Huh? Siya namumutla?" "Masama ba ang pakiramdam mo Sofie? Gusto mo ba na ihatid na muna kita sa condo mo?" alok sa kanya ni Prof Kurt habang inaalalayan siya nito. Masama nga ang pakiramdam niya, siguro dahil palagi na lang siyang kulang sa tulog kaya nakakaramdam siya ng pagkahilo. Lately kasi palagi na lang na siya nagigising nang masyadong maaga para gampanan ang pagiging mabuting asawa niya. Minsan nakakalimutan na niya ang kanyang sarili na magpahinga. Ihahatid na muna kita para makapag pahinga ka. Baka kasi puyat ka nang puyat. Tingnan mo yang mga mata mo oh, ang laki ng eyebags mo," anito na idinaan sa biro ang huling sinabi. Pero tama si prof dapat siguro umuwe na muna siya. Pero hindi sa condo nila ni Vaden. Uuwe siya pero doon na muna siya tatambay sa mansion nila. Na miss din niya ang mommy at daddy niya. Ilang linggo na rin siyang hindi nakakauwi roon at nabibisita ang mga ito. Nakakahiya man pero hinayaan na lang ni Sofie na ihatid siya ni prof Kurt sa mansion n
"I miss you so much, hon." Malawak ang pagkakangiti na sabi ni Theanna at mabilis na lumambitin ng yakap kay Vaden pagkakita sa kanya sa airport. "Bakit parang hindi ka masaya honey? Don't you miss me?" paglalambing ni Theanna at hinalikan si Vaden sa labi. "No, of course I miss you, hon," aniya at kinabig ang babae saka niyakap nang mahigpit. He still love Theanna at na miss niya ito ng sobra. Pero bakit ganito ang pakiramdam niya? Habang yakap niya si Theanna, parang si Sofie ang kayakap niya. Si Theanna ang kasama niya pero si Sofie ang laman ng isip niya. Hindi niya tuloy mapigilan ang makaramdam ng guilt sa puso niya para sa asawa. SOFIE Pasakay na sana si Sofie sa kotse papuntang university kasama ang driver ni Vaden nang mapahinto siya. "Manong sandali lang po may nakalimutan lang ako," aniya at nagmamadaling bumalik sa condo unit nila. Nakalimutan niya kasi ang ginawa niyang breakfast para kay Vaden. Kahit pa sinabi nito sa kanya kanina na sa opisina na ito
Dalawang buwan ang mabilis na lumipas. Ilang araw na lang ang hihintayin niya at graduate na siya. Naging maayos naman ang pagsasama nila ni Vaden. Minsan mabait, minsan sweet, minsan naman masungit ang lalaki. Pero nasanay na rin naman na siya. Hindi na rin siya natutulog sa guest room kundi sa kwarto na rin ng asawa niya. Patuloy pa rin niyang ginagampan ang pagiging mabuting asawa. Wala silang katulong kaya lahat siya ang gumagawa. And to be honest, masaya siya, nag-i-enjoy siya sa magiging mabuting may bahay niya, kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naririnig mula rito ang three magic words na gusto niyang marinig. Pero nararamdaman niya sa puso niya na may puwang na rin siya sa puso ng lalaking mahal niya. Kaya hindi siya susuko. Nasa kusina siya ngayon nagluluto ng umagahan nila. Masyado siyang maaga na nagising kanina, 4:30am nang magising siya. Hindi na rin naman siya dinalaw ng antok kaya napagpasyahan na lamang niyang bumangon. Habang nagluluto siya ay n