Alas syete na ng gabi pero wala pa rin ang mommy ni Vaden. Inantok na lang si Venice sa kakapanood ng tv. Hanggang sa nakatulog na rin ang bata habang nakasandal ang ulo sa dibdib niya. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng bata at pinakatitigan ito. Ang cute niya, sobrang ganda pa. Marahan siyang gumalaw at inayos ang pagkakahiga nito sa sofa. Baka kasi mangalay ang leeg nito kakasandal sa dibdib niya. Maingat niyang hinaplos ang mataba nitong pisngi at pinisil ang maliit nitong ilong. "Ang ganda-ganda mong bata ka pero ang daldal mo. Lagi pang nakairap iyang mga mata mo na magaling mag-puppy eyes kagaya ng babaeng mahal ko," pagkausap ni Vaden sa batang natutulog kahit hindi naman siya naririnig. "How I wish na buhay ang anak namin ni Sofie. Tapos kasing ganda, daldal at bibo mo rin siya. Pero wala na siya nasa heaven na siya. At kasalanan ko kung bakit siya nawala sa amin," pagsasalita ni Vaden na biglang gumaralgal ang boses. Hindi niya namalayan na biglang tumulo ang luha ni
"What time is it now, Mr. Sungit?" kapagkuway tanong ni Venice kay Vaden. Tapos nang maligo si Vaden at ngayon ay nakaupo na ngayon sa tabi ni Venice sa sala. Nanonood pa rin ito ng tv na 'roma and diana' samantalang siya naman ay busy sa cellphone niya at naglalaro naman ng games. Tuluyan na nga siyang naging tagabantay ng batang ito. "It's 3 o'clock in the afternoon," sagot naman niya rito. "Why?" "I'm hungry, I want to eat sandwich," anito sabay himas sa tiyan na tila nagugutom talaga. "Can you make a sandwich for me, please," pakisuyo pa nito sabay puppy eyes. Napangiti siya naman siya dahil nagpapa-cute pa talaga ito sa kanya. "Okay, wait for me here and I will make a sandwich for you," aniya at tumayo para magtungo sa kusina. Mabuti na lang at meron pa siyang tinapay rito na siyang pinadala ng mommy sa maid nila nakaraang araw. May palaman na rin. Kapag kasi tamad siyang magluto ay ito na lang din ang kinakain niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom, naalala ni
"Hello, Mr. Sungit!" todo ngisi na bati ng batang babae kay Vaden pagbukas niya ng pinto. Mas lalo naman nangunot ang noo niya sa itinawag ng bata sa kanya. Pansin rin niya ang mommy niya sa tabi nito na pinipigilan ang matawa. "What did you call me?" salubong ang kilay na tanong niya sa batang babae na ngising-ngisi pa rin sa harapan niya. Ngunit imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi nito. "Hindi mo ba kami papasukin, Mr. Sungit?" anang cute na batang kaharap niya na tila inip na inip na. Pero bakit parang may nakikita siyang mukha sa mukha ng batang ito. Bakit parang hawig ito ni Sofie. Tsk! Puro Sofie na lang kasi ang laman ng isip niya kaya kahit sa mukha nitong bata ay nakikita niya ang magandang mukha ng asawa niya. "Hey! What are you thinking? Papasukin mo na kami," nakairap na sabi ng bata. Napatingin siya sa mommy niya na tatawa-tawa lang sa tabi nitong madaldal na batang babae. Napapailing na niluwagan na lamang ni Vaden ang pinto para makapaso
Nagising si Sofie kinabukasan na wala na sa tabi niya ang kanyang anak. Medyo tinanghali na siya ng gising. Linggo naman kasi ngayon at wala siyang pasok sa ospital. Anong oras na kasi siya nakatulog kagabi dahil sa dami ng mga iniisip niya. Pakiramdam nga niya mukhang napagod pa siya sa mga iniisip niya kagabi kaysa sa trabaho niya sa ospital. Bumangon na siya at inayos ang kama nila ng anak. Agad siyang pumasok sa banyo para maghilamos at sipilyo. Pagkatapos niya ay niligpit na muna niya ang mga nagkalat na laruan ni Venice at isa-isang nilagay ang mga ito sa box. Tsk! Ang daming toys ng anak niya. Halos araw-araw ba naman may dalang laruan ang daddy niya para sa apo nito. Spoiled masyado si Venice sa parents niya. Kahit anong hilingin bigay agad ng mommy at daddy niya. Paglabas niya sa silid ay agad niyang narinig ang matinis na boses ni Venice. Dumadaldal na naman ang anak niya. Bumaba siya ng hagdan at agad na sumalubong sa paningin niya ang mga taong kaytagal niyang hindi na
Matapos ang harapan nilang tatlo ni Vaden at Kurt ay halos isang buong araw na nagmukmok si Sofie sa loob ng kanyang silid. Mabuti na lang din at nandiyan ang mommy niya para sa kanyang anak. Ito muna ang nag-alaga kay Venice. Wala naman siyang sakit, sadyang gulong-gulo lang siya at labis na nasasaktan. Nasasaktan siya nang makita ang labis na sakit na nakita niya sa mga mata ni Vaden. Kahit anong sabi niya na hindi na niya ito mahal ay nagsusumigaw naman ang puso niya sa pangalan ng lalaki. Si Vaden pa rin ang tinitibok ng puso niya, ito pa rin ang patuloy na minamahal ng puso niya. Kinabukasan niyon ay nagpasya na siyang pumasok sa trabaho niya bilang ob doctor sa ospital. Mabuti na lang din at marami siyang naging pasyente sa unang araw niya kaya naging abala siya, hanggang sumapit ang uwian. Pero nakaabang pala si Kurt sa kanya sa labas ng ospital. "Akala ko wala ka ng plano talaga na kausapin ako, babe," sambit nito sa tabi niya. Napabuntong hininga si Sofie, napayuko s
VADEN "So 'yan na lang ba ang gagawin mo ngayon? Ang uminom at magpakalasing?" tanong ng kakambal ni Vaden na si Vayden. Naririto ngayon sa condo ni Vaden ang kambal niya at sinamahan siyang uminom. Nagulat pa ito kanina nang makita siyang puno ng dugo ang mukha at bugbog sarado. Kaya agad naman na ginamot ni Vayden ang mga sugat niya. "Ano naman ang gusto mong gawin ko? Eh, ginawa ko na lahat, nagmakaawa na ako na balikan niya. Pero mas pinili niya ang lalaking iyon kaysa sa akin," mapait na ngumiti si Vaden at muling uminom ng alak. "Ganun na lang ba kadaling sumuko ang isang Vaden Santillan? Kung mahal mo ipaglaban mo!" payo pa ni Vayden. Napailing-iling naman si Vaden sa sinabi ng kakambal niya. Sana nga ganun lang kadali ang lahat. Sana nga kasi walang Kurt, baka sakaling muli siyang mahalin ng asawa niya. Napabuntong hininga nang malalim si Vaden. Pakiramdam niya naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. Ang babaeng dati ay baliw na baliw na kanya, nga