Chapter 14: The Aftermath of Chaos Pagdating sa mansion, bumaba agad si Raiden at dire-diretso papasok ng bahay. Hindi niya man lang nilingon si Amara. “Raiden—” tawag niya, pero hindi siya nito pinansin. “Amara,” lumapit si Mang Fred, kita sa mukha nito ang pag-aalala. “Mabuti at ligtas ka.” Napabuntong-hininga siya. “Salamat po sa inyo ni Raiden.” Nagtagpo ang paningin nila ni Raiden nang muling lumingon ito sa kanya. ang tingin nitong puno ng galit. “Tara na,” malamig na sabi nito bago tumuloy sa loob. Pagkapasok nila, hindi na nakatiis si Amara. “Raiden—” “Sa kwarto ka na,” putol nito, hindi man lang siya nilingon. “Raiden, please,” she pleaded, pero bigla itong humarap sa kanya, and she immediately regretted speaking. Malamig ang tingin nito. Hindi ito sumisigaw, pero ramdam niya ang lalim ng galit nito sa kanyang titig pa lang. “You should be grateful na hindi kita iniiwan sa putanginang pamilyang ‘yon,” he hissed. Napasinghap siya. “Hindi ko naman—” “Y
Chapter 13: Rescued "Kailangan na nating magmadali," mariing bulong ni Benedict kay Amara habang palinga-linga sa bintana ng silid. Halatang kinakabahan ito, pero kita rin sa kanyang mukha ang matibay na desisyon na iligtas siya. "K-kung mahuli tayo—" hindi mapigilang sambit ni Amara, ramdam pa rin ang takot sa dibdib niya. "Mas mapapahamak ka kung maabutan ka nila dito," madiin na sagot ni Benedict, saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya sa labas, siniguradong walang tao sa hallway bago hinila si Amara palabas. Mabilis silang lumakad sa madilim na pasilyo, pilit na iniiwasan ang anumang ingay. Alam nilang kahit anong kaluskos ay maaaring magdala sa kanila ng kapahamakan. Ngunit bago pa sila makarating sa hagdan, biglang bumukas ang isang pinto sa di kalayuan. "Anong ginagawa niyo rito?" malamig na tanong ng isa sa mga tauhan ng Ybañez. Napahigpit ang hawak ni Benedict sa kamay ni Amara. "Tumakbo ka!" bulong niya bago itinulak siya papunta sa kabilang direksy
Chapter 12: A Debt Paid in FleshHindi namalayan ni Amara na lumampas na ang isang linggo mula nang umalis si Raiden para sa kanyang business trip, ang sabi nito matagal na ang isang linggo, ngunit bakit wala parin ito ngayon. Inisip niya lang na marahil ay sobrang abala ito sa trabaho. Aminado si Amara hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at pangungulila, ni hindi man lang din kasi ito sumasagot sa kanyang mga mensahe.Pagod siya pero masaya dahil unti-unti nang bumubuti ang lagay ng kanyang ina. Mabuti na lang din at nandiyan si Mang Fred kaya minsan kapag ginagabi siya sa ospital hinahatid siya nito pauwi, kagaya ngayon inihatid siya nito.Pagkapasok ni Amara sa bahay nila, laking gulat niya nang makita ang ama na lasing na lasing sa sala, nakahandusay sa sahig habang may mga basag na bote ng alak sa paligid. Napalapit siya rito at pilit niyang ginising. "Papa! Ano ba 'to? Bakit ka nagkaganyan?" Nanginginig ang kanyang boses habang tinutulungan itong bumangon. Ngunit imbes na
Chapter 11: A Family That Never See“Oo, bes, pasensiya na talaga hindi ko alam. Pero nakakulong na siya ngayon,” sabi ni Myla sa kabilang linya. Ang tinutukoy nito ay si Gregory, pinakulong ito ni Raiden dahil sa ginawa nito sa kanya. “Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensiya sa ‘kin, hindi naman ikaw ang may kasalanan. Siya, bes, kailangan ko na tulungan si Raiden. Bye,” paalam niya dito bago patayin ang cellphone niya.Abala si Raiden sa paghahanda ng mga gamit nito dahil may business trip ito sa ibang bansa. Hindi siya kasama ni Amara."Gaano katagal?" hindi mapigilang tanong niya kay Raiden hang tinutulungan itong mag impake."Hindi ko pa alam, pero siguro matagal na ang isang linggo."Tumango si Amara, pilit na inuunawa ang sitwasyon. Ngayon lang kasi malalayo si Raiden sa kanya mula ng maging asawa niya ito."Pwede ba akong umalis saglit para dalawin ang Papa? Lalabas na daw siya ng ospital," tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.Saglit na pinagmasdan siya
Chapter 10: The Dangerous Night “Bes, please! Isang beses lang sa isang taon ako magbibirthday oh! Pumunta ka naman kahit saglit lang.” Napangiti si Amara habang kausap si Myla sa cellphone. Simula nang ikasal siya kay Raiden, bihira na siyang lumabas. “Nakakahiya naman madami ka atang bisita, tsaka baka nandiyan sila Ma’am, alam mo namang nag-AWOL ako?” tanong niya, bahagyang napatingin sa direksyon ni Raiden na abala sa laptop nito. “Anong nag awol? Nagpadala ka kaya ng resignation letter at sinabi mo na kailangan mong alagaan ang mga magulang mo ‘di ba?” tanong ni Myla sa kabilang linya. Bahagyang napakunot siya ng noo sa sinabi nito. Hindi naman siya nagpasa ng resignation letter at lalong hindi na nga siya nakabalik sa dating pinagtatrabahuhan niya. Napalingon si Amara kay Raiden, marahil ito ang nagpasa ng sinasabi ni Myla. “Sige, bes, magpapaalam muna ako sa asawa ko,” sagot niya sa kaibigan. “Aray! Bes, bakit ka naman tumili ang sakit sa tenga?!” “May asawa ka na pala?
Chapter 9: A Day of FirstsIsang linggo na ang lumipas mula nang tanggalin ni Raiden si Sofia bilang secretary niya. Simula noon, hindi na muling nagbalik ang babae sa opisina, at wala na rin siyang naririnig na anumang balita dito mula kay Raiden, ni hindi na nga ito binanggit mula ng tinanggal ito. Kahit na pinilit niyang itaboy sa isip ang nangyari, hindi niya maitatangging nagkaroon iyon ng epekto sa kanya. Para bang may kung anong unti-unting pumipigil sa kanya na balewalain ang presensya ni Raiden.At iyon ang lalong gumulo sa isip niya.Habang nasa loob ng sasakyan, hindi niya maiwasang sipatin ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Nakatutok si Raiden sa daan, seryoso ang ekspresyon, pero kita sa postura nito na relax lang ito. Halatang sanay na sanay sa pagmamaneho kahit mabilis ang takbo ng kotse, maingat ito sa pagmamaneho.Napalingon si Amara sa labas ng bintana. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nilampasan nila ang daan patungo sa opisina ni Raiden, dahil buong akala