The Billionaires Regrets

The Billionaires Regrets

last updateHuling Na-update : 2023-05-18
By:  AvaPalOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
7Mga Kabanata
4.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Loving someone who abducts his parents and plays on her life is not her dream. Nathasha never thought that life would play so hard to her. Losing her memory, Wake up as a maid, Love the man she thought her savior but end up finding the truth that Luke the man she loves so much is the mastermind of her accident and her parents abduction is not easy to believe and process. Will love be enough reason for another chance? Is she willing to forget all the pain and betrayal's just for the sake of her triplets or She will raise them alone after her revenge? Is love enough for them to start and forget all the pain? Life is like a misery because when she almost got her revenge, she lost her triplets in exchange. How can life be so cruel to her, to suffer again from something she just wants to give justice at all. How can she suffer from something that she didn't do, how can life let her live in hell from someone who put her on it in the very first place. How can it be possible that her revenge makes her the one who suffers the most.

view more

Kabanata 1

Prologue

Prologue.

Hawak ang isang brown envelope na galing sa babaeng nasa harap ko, nanghihina akong napa upo sa sofa nang makita ang laman nang envelope na binigay niya.

Isang pamilyar na litrato ang nakita ko, sunod sunod ang naging pag patak nang luha galing sa mata ko nang mabigyang linaw na ang mga mukha nang taong napapaginipan ko.

“ Hindi ka nya mahal! Ako ang mahal nya Natasha! Hindi pa ba sapat ang mga ebidensya na hawak mo para matauhan ka, na ginagamit ka lang niya? Dahil sinabi kong gamitin ka niya. Kaya napilitan siyang iparamdam sayo na mahal ka niya dahil yun ang gusto ko ang utos ko at hindi dahil sa gusto ka niya at mas lalong hindi dahil mahal ka ni Luke. Ginamit ka niya dahil sinunod niya ang utos ko. Dahil una palang, ako na ang mahal nya Natasha. Ako lang!“

Ramdam ko ang pag sikip ng dibdib ko dahil sa mga sinabi nang babaeng kaharap ko, agad kong nakita sa mukha niya ang saya at tagumpay nang makita niya na nasasaktan ako , nang mapansin ko iyon ay agad akong ngumiti sa kanya at pilit na itinago ang sakit na nararamdaman dahil sa mga nalaman ko.

“ Mahal ka? Bakit ako ang laging kasama?“ tanong ko sa kanya sa nakakainsultong tono, agad kong nakitaan nang pagka inis ang mukha niya. Nang mapansin kong apektado siya , malaking ngisi ang pinakawalan ko at nag patuloy muli.

“ Mahal ka niya diba? Bakit laging nasa kama, at ako ang kasama? Mahal ka niya? Pero bakit hindi siya masaya kapag kaharap ka niya? Nasan ang pag mamahal dun, yung walang reaksyon kapag nakikita ka?“ ramdam ko ang galit niya sa paraan nang pag titig niya sa akin, nakita ko din ang pangingilid nang luha niya nang mapansin iyon isang matagumpay na ngiti ang pinakawalan ko.

“Hindi mo naman sinabi na lumang version pala yang pag mamahal niya sayo, Upgrade mo kaya? Para mag pantay tayo.“ mapang asar na sabi ko sa kanya bago ako tumalikod para iwan sya.

Mga ilang hakbang lang ang nagawa ko nagpasya ako na muling sulyapan ang dalawang tao na sumira sa buhay ko. Sa pag harap ko , agad kong natanaw sa malayo ang lalaking minahal ko ng sobra.

Ang lalaking dahilan kung bakit nag dusa ang pamilya ko at kung bakit nasasaktan ako. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko habang pinag mamasdan sya na sinalubong ang babaeng kausap ko kanina.

Sunod sunod ang naging pag patak nang luha galing sa mga mata ko dahil sa nasaksihan , ang sakit na nararamdaman ko ay mas higit pa sa sobra!

Ang tunog nang telepono ang nakapag pahinto sa pag tanaw ko sa dalawang taong sumira nang buhay ko.

“My Love Luke “ mahinang basa ko sa pangalan nang tumatawag, agad ko itong sinagot hindi dahil para humingi nang paliwanag sa kanya kundi para kahit sa huling pag kakataon marinig ko ang boses nang lalaking minahal ko at nang lalaking kakalimutan ko.

“ Love! I'm here in the restaurant.“ ani nya sa masayang boses. Naka tanaw ako sa kanila habang pinakikinggan ko ang mga kasinungalingan nya.

“I have something for you later love! Yung favorite mo, wait for me ha.“ pag papatuloy niya, isang matagumpay na ngisi ang pinakawalan ng babaeng nasa likod nya habang naka tingin sa gawi ko.

“ I love you so muc-“ bago pa man nya matapos ang pinaka masakit na kasinungalingang narinig ko, agad ko na itong pinatay.

Nakitaan ko ng pag tataka ang itsura nya, ang pag sipa nya sa gulong nang sasakyan nya at pag sabunot sa buhok nya ang pinagtataka ko. Diba dapat masaya sya? Bakit daig pa nya ang namatayan sa reaksyon nya?

Nang hawakan sya nang babae para pumasok sa sasakyan , nakita kong iwinaksi nya ang kamay nito at dinuro duro. Gusto ko sanang maging masaya dahil sa nakikita. Pero nang maalala ko lahat , agad na napalitan nang sakit at galit ang nararamdaman ko. Sobrang gamit na gamit na ako, ngayon paba ulit ako mag papaloko?

Ngayon pa ba ako manghihina? Kung kelan alam ko na ang lahat. Kung inaakala nila na mag-mamakaawa ako sa kanya, hinding hindi mangyayari iyon!

Isang huling sulyap ang iginawad ko sa kanila, at sa muling pagpikit ng mata ko isang pangako ang binitawan ko sa sarili ko.

Isang pangako para sa lalaking sinusulyapan ko mula sa malayo, para sa lalaking minahal ko pero ginago ako.

Sa muli nating pag kikita sisiguraduhin kong ikaw ang nagmamakaawa ikaw ang iiyak, ikaw ang masasaktan at ikaw ang mawawalan! Isang huling sulyap ang ginawa ko sa kanya bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon o tamang sabihin ang “bansang iyon“.

I'm the heiress of the Ventura Clan. Once we turn our back, you will surely regret it.

The things that will surely hurt you is my comeback with your triplets. I'll make sure of that!

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
7 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status