Home / Romance / The Blind Billionaire's Fake Girlfriend / 2 - Alok Ng Lalaking Bilyonaryo

Share

2 - Alok Ng Lalaking Bilyonaryo

Author: acire_berry
last update Last Updated: 2026-01-16 01:49:48

Sienna POV

"I will pay you. Just say how much.

Sarkastiko akong ngumiti. Sino ba ang lalaki na 'to? Kung maka-how much parang kakagatin ko ang alok niya agad-agad.

"Sorry, hindi ko kailangan ng pera mo. Humanap ka na lang ng iba, o kaya mas okay kung ligawan mo ang gusto mong babae, kaysa magbayad ka pa para lang may masabing girlfriend."

Hindi siya sumagot, kaya tumalikod na ako dahil kailangan ko pang magtrabaho. Pag bukas ko pa lang ng pinto ng bahay, yung dalawang lalaki na ang bumungad sa akin. Nakatitig pa parehas na parang konting galaw ko lang meron na akong bangas sa mukha.

"Ilapit niyo siya sa akin."

Napapikit na lang ako nang hinawakan ako ng dalawang lalaki sa braso at dinala muli kung saan nila ako tinayo kanina, saka umalis ulit. Hindi na nakakatuwa ang nangyayari.

Galit akong tumingin sa lalaki na maki kita na ang buong mukha. Ang dapat kong sasabihin na masasakit na salita ay parang nalunok ko na, nang makita ko ang buong mukha nung lalaki. Mapapatigil ang lahat ng babae na maglalakad sa harap niya kung ganito ang itsura, parang tama nga ang hinala ko kanina tungkol sa bampira. Mukha siyang bampira sa sobrang puti na malapit ng maging maputla, ang labi na may pagka-red, matangos na ilong, makapal na kilay, pero higit sa lahat, ang pinaka-best ay ang mata niya na kulay gray, ang ganda. Totoo kaya 'yon o contact lense lang? Dream eye color ko pa naman ang kulay ng mata niya, sobrang obsessed ako sa mata na may kulay na gray, dahil mas madalas ang kulay ng mata ng tao ay black o dark brown.

"Are you accepting my offer?"

Nagising ako sa pagpapantasya ko. "Teka nga muna! Baka gusto mo munang magpaliwanag tungkol sa alok mo at kung bakit ako ang napili, e hindi naman kita kilala."

Bigla na lang kasi sumusulpot. Wala rin akong kilalang mayaman na tao, at isa pa, hindi ko nga rin masyadong nakikita ang costumer ko sa tuwing nagsasayaw ako sa kwarto dahil konti lang ang sinag ng ilaw sa loob. Tapos may biglang kukuha sa akin para alukin na maging pekeng girlfriend.

"Dahil kailangan mo."

Napakunot ang noo ko. "Paanong kailangan ko?"

"I have deep details about you. Hindi lang pambili ng pagkain ang kailangan mo. Meron ka pang matinding dahilan kung bakit natiis mong magtrabaho sa bar na iyon."

Nagsalubong ang kilay ko habang nakatitig sa lalaki na diretso lang ang tingin. Okay sabihin na niyang nagpa-imbestiga siya tungkol sa akin, pero paano niya ako nahanap.

"Gaano karami ang alam mo tungkol sa akin?"

Bahagya itong ngumisi. "Buong pagkatao mo, alam ko. Even your mark hidden in your body."

Unti-unting nanlaki ang mata ko. Bakit pati iyon alam niya? Naging customer ko na ba 'tong lalaki na 'to, at saka isa pa, hindi ako naghuhubad ng damit!

Dinuro ko ang lalaki. "Bakit maging 'yon alam mo? Sino ka ba talaga!"

"I'm Red Montemayor."

"Paano mo ako nahanap, at nakilala?"

"To your boss."

Sa boss ko? Puputok ata ang ulo ko kakaisip sa nangyayari ngayon. Ang gulo-gulo!

"Kung gusto mong maunawan ang sinasabi ko. Umupo ka ulit at sasabihin ko sayo ang kondisyon. Ipapaliwanag ko mula sa kung paano ko nalaman ang tungkol sayo at kung bakit ikaw ang napili ko bilang magiging fake girlfriend ko."

Dahan-dahan akong umupo muli sa sofa na isahan. Tutal litong-lito ako sa nangyayari, makikinig ako hanggang sa maunawaan ko ang lahat.

Umupo ulit ang lalaki. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay habang nakatingin sa harap, sa gawi ko mismo, pero may napansin ako sa mga mata niya, parang hindi ito madalas kumurap. Hindi ba siya nahihirapan o napupuwing man lang para hindi kumurap ng ilang segundo? Napansin ko kasi na sa haba ng pqg-uusap namin, isang beses lang siyang kumurap.

"I'm looking for a girl to pretend to be my girlfriend for three months. I want the one who won't fall for me because I don't want commitment again."

"Bakit ka pa naghahanap ng babae na magpapanggap? May mana ka ba na hindi makuha kaya kailangan mo?"

"No. I will take revenge on my ex-girlfriend."

Napangiwi ako. Bitter ata ang isang 'to. Dapat mag-move on na lang kaysa maghiganti pa.

"Mag-move on ka na lang kaysa maghanap ka pa ng babae para magpanggap bilang girlfriend. Matagal, pero iyon talaga ang solusyon."

"No!!"

Nagulat naman ako sa biglang sigaw ng lalaki na 'to. Masyado atang masakit ang paghihiwalay nila ng ex niya.

"I won't stop until Scarlet is begging for forgiveness while her knee is bleeding due to long kneeling on the sharp stones!"

Brutal naman pala ang isang 'to. Ito ang mga tao na hindi maka-move on dahil sa ego o malalim na pag-ibig para sa isang tao.

"So, bakit ka nga maghihiganti?" may himig kong tinatamad na tanong.

Nagkaroon ng tubig ang maganda niyang mata, nangilid ang luha nito. Ang tanong, bakit?

"Dahil siya ang may kasalanan kung bakit hindi ko na makita ang mundo!"

Napakunot nag noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Bulag ako! May maganda nga akong mata, pero hindi ko naman makita ang liwanag!!"

Napakagat ako sa labi, kaya pala hindi ito madalas kumurap. Nanahimik na lang ako dahil wala naman akong masabing salita sa sinabi niya tungkol sa pagkawala ng paningin nito. Bumalik ang mukha niya sa pagkaseryoso, pero hindi ang pag-agos ng luha niya na patuloy pa ring dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Hindi ako maghihiganti kung pagkabulag lang ang dahilan. Mapapatawad ko pa siya kung ganon nga ,pero hindi, Scarlet is cheating on me while we have been together for seven years!"

Namilog ang labi ko. Masakit nga sa part niya 'yon. Parang sa kasal na mauuwi lang sa hiwalayan dahil may third party na involve, pero hindi naman hawak ng tao kung magbabago ba ang isa o mananatiling loyal sa partner.

"Before I lost my sight. My two eyes saw how Scarlet cheated on me while she was having fun with another man."

Tumahimik sa loob ng bahay at hindi rin ako nagsalita. Tahimik na ang buhay ko sa club. Ayokong pumasok sa gulo ng lalaki na 'to para lang sa malaking pera.

"Masakit nga ang ginawa niya, pero sorry. Hindi ako ang babaeng puwede mong ipangalandakan kung mas mayaman at maganda siya kaysa sa akin. Humanap ka na lang ng super model o artista, baka masaktan pa siya ng todo kung mga iyon ang kukuhanin mo bilang fake girlfriend."

"No. Based on your description of what my butler said. You have a strong personality that no one can beat."

Ano ba ang gusto ng lalaki na 'to? Matapang na babae para pag umpisa na ng sabunutan sa ex girlfriend niya ay dapat ako ang manalo? Gaano ba katapang ang ex-girlfriend niya?

"Gagawin natin kung ano ang ginawa niya sa akin, kailangan mas matapang at kaya mong lumaban, dahil hindi ko magagawang ipagtanggol ka sa sitwasyon ko ngayon. Bibigyan kita ng pera na malaki pa sa sinasahod mo sa club, or you can tell how much you want. I will give it to you, in cash."

"Pero ang gulo ng kwento mo. Paano ka gaganti sa kanya?"

"For me, she is already my ex-girlfriend, but for her, we are still okay because I didn't tell Scarlet that we needed to break up because of what I knew about her cheating. So I will introduce you as my new girlfriend to crush her heart, then what's next? She will do everything to get me back because her desire for wealth from me is not in her hands already."

Lumikot ang mata ko dahil may bumubulong sa akin na kuhanin ang offer niya dahil mas madali kumpara sa trabaho niya sa bar, palakasan na lang talaga ng loob kung matapang yung Scarlet. Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

"Ano ang mga kondisyon mo?" lumabas sa bibig kong salita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   10 - Ingay Mula Sa Likod Ng Pinto

    Red POVPagkarating ko sa living room. "Nagawa ko na." "Mabuti " Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko. "Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba." "Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad." "Kahit ikaw pa ang nanguna?" Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas. Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang. "Kahit ako pa ang nauna." Sig

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   9 - Hindi Inaasahan Na Paghingi Ng Paumanhin

    Sienna POVUmiling ako. "Pag nagalit ako, buong araw na 'yon. Hangga't nakikita ko ang taong nagpagalit sa akin hindi matatapos ang galit ko at baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Titiisin ko na lang na hindi kumain." Humarap ako kay Nicolas. "Punta muna ako sa kwarto ko. Kumakain pa naman si Belle. Babalik na lang ako mamaya pag tapos na siya."Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Nicolas, pero maliit na ngumiti naman ito bago ako tuluyang lumakad.--- Pag dating sa kwarto. Kinuha ko agad yung unan at pinagsusuntok hanggang sa mapagod ako. Hinihingal na umupo ako sa sahig. Ayokong mahiga sa malinis na bedsheet dahil sobrang pawis at baka kumapit pa sa unan at kumot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. Sa bar sobrang bait ng amo ko, dito naman mayaman nga ang sama naman ng ugali. Pumaling ang ulo ko ng ilang segundo bago ngumiti ng malaki dahil may biscuit nga pala sa bulsa ng short kong suot kagabi. Hinanap ko ang short sa basket na nasa tabi ng pinto ng

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   8 - Walang Ibig Magpatalo

    Sienna POV Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Red. Parang sinasabi niyang madali lang ang ginagawa ko kahit hindi naman talaga. "Anong sabi mo?" may kaseryosohan kong tanong. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya mismo. "Pakiulit nga." Tumingala siya. Alam na alam na talaga ni Red kung nasaan ang presensya ng tao kahit hindi niya nakikita. "Ang sabi ko. Madali lang naman ang pinapagawa sayo ni Belle. Bakit Hindi mo magawa agad?" Napakagat ako sa labi ng madiin. Naiinis ako sa lalaking 'to, at kailangan ko munang kumalma sa pamamagitan ng pagkat sa labi ko. "Kung madali pala. Gawin mo nga. Palit muna tayo ng sitwasyon, ako ang uupo diyan, at ikaw ang magsusuot ng stilleto na 'to at maglalakad ng diretso. Tingnan ko kung masabi mo pa ang salitang "madali lang." Seryoso kong saad. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Red. "Bakit ko gagawin? Kaya ko nga pinadala rito si Belle para ikaw ang matuto, hindi ako." "Aba't..." Napapikit ako at konting-konti na lang. Si Belle at

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   7 - Lakad Pang Babae

    Sienna POVMukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   6 - Pag-aaral Bago Ang Bangayan

    Sienna POVPalagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-k

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   5 - Limang Minutong Babala

    Sienna POV"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko."I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!" Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red."Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya."Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status